Share

Chapter 02

Nang makarating sa inuupahan kong apartment ay kaagad akong naligo. Pakiramdam ko kasi ay kumapit sa akin ang pabango ng lalaking iyon. Mula sa araw na ito'y nabigyang katarungan na ang bansag sa akin ng lahat. Wala na akong maipagmamalaki kung sakali mang husgahan nila ako. Wala na akong laban at dapat na tanggapin na lang. Pero ano bang pakialam ko? Humusga sila hanggang gusto nila, hanggang may boses sila at hanggang kaya pa nila. Darating din ang araw na ang mga chismosa kong kapit bahay ay...

"Chismosa pa rin malamang! Hay buhay! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at natangay ako ng lalaking 'yon!?" Hanggang ngayon ay yan pa rin ang tanong ko sa aking sarili.

Isinandal ko ang noo ko sa sa tiles at hinayaang basain ng malamig na tubig, na nagmumula sa shower ang buo kong katawan. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit inalala ang nangyari bago ang gabing iyon, habang dinadama ang lamig ng tubig.

***

"Jewel, payag ka bang sumayaw sa isang hotel?" nananantiyang tanong sa akin ni Mommy Vicky.

Si Mommy Vicky ay ang manager ko dito sa Club-V, tatlo kaming dancer na hawak niya. Pero syempre ako ang paborito, bukod daw kasi sa bata pa at sariwa, parang anak na ang turing niya sa akin. Mommy Vicky sa gabi pero Victor siya sa umaga!

"Mi, hindi ba delikado ang perlas ko riyan?" balik tanong ko sa kaniya habang nag lalagay ng manipis na make-up sa mukha. Mahirap na no! Kahit naman kasi ganito ang trabaho ko'y iniingatan ko pa rin ang puri ko.

"Hindi anak, dahil kinausap ko ang magkakaibigang nag punta rito kahapon. Birthday ng isa nilang kaibigan, at napag-usapan daw nilang mag lagay ng malaking regalo sa hotel ng kaibigan nilang 'yon. Surprise ba, pero syempre babae ang laman," mahabang paliwanag niya. "Sasayaw ka lang promise." Nakangiting dagdag niya pa habang nakataas ang kanang kamay.

"Bakit naman ako pa Mi? Nariyan naman sina Aiza at Gladys, baka mamaya magtampo na ang mga 'yon sa akin." Kahit naman kasi dancer kami sa club, at minsan ay naghahanap talaga ng matandang mukhang maligno pero malaking mambalato'y, concern pa rin kami sa damdamin ng isat-isa. Sadyang may mga tao lang talaga na mahilig mang husga, at inihahalintulad kami sa mga kalapating mababa ang lipad.

"Sinabi ko rin sa kanila, pero ikaw ang tinuro nila. Kailangan mo raw kasi ng pambayad ng renta. Extra income rin naman to, pero kung ayaw mo ayos lang naman. Ipapa-cancel ko na lang." Sa sinabi niyang iyon ay napabuntong hininga na lang ako. Sayang din ang kikitain ko roon. Sabagay sasayaw lang naman ako.

"Sige na nga Mi, payag na ako. Magkano po ba ang lapagan?" tanong kong muli sa kaniya. Inilahad ko rin ang palad ko sa kaniya.

"Tumataginting na sampong libo!" Nilagay niya ang pera sa kamay ko bago nagpatuloy. "Madadagdagan pa yan kung matutuwa sa'yo ang may birthday, kaya galingan mo." Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.

"Chicken Ma'ma!" ngingisi-ngising sagot ko.

"O siya, mag palit ka na at pumasok sa kahon na 'yon." Tinuro niya sa akin ang malaking kahon na kulay pula sa gilid ng pinto. Kaya pala may kahon doon na kanina ko pa tinitignan, 'yon pala'y ako ang ilalaman. "Mamaya nariyan na ang kukuha sa box, dont worry narito lang ako," giit niya pa.

"Saang hotel po pala ako dadalhin?" tanong ko. Aba mabuti na 'yong alam ko para naman alam ko rin kung paano ako uuwi.

"Sa Steve's Hotel. Balita ko'y iyong may birthday din ang may-ari ng hotel na 'yon. Big time ka day!" Pumalakpak pa siya ng sabihin niya iyon. Ang alam ko rin ay ang hotel na 'yon ang pinakasikat at kilala dito sa Manila.

"Ay iyan na pala ang kukuha sa box, dali na pumasok ka na doon." Kulang na lang ay itulak ako ni Mommy Vicky. Malaki naman ang kahon at may butas din na maliliit kaya mukhang safe naman.

Pagkapasok ko sa kahon ay umupo ako kaagad at kumaway kay Mommy Vicky, hanggang sa wala na akong nakita. Naramdaman ko na lang din ang matuling andar ng sasakyan, at ang katahimikan na bumabalot sa aking kapaligiran. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng kaba. First time ko rin kasing sumayaw ng hindi sa Club-V. Mabuti roon ay mahigpit ang siguridad, kahit na nga ba sabihin pa nilang club iyon. High class at malinis naman sa club na iyon, puro big time pa ang mga customers.

***

Nang tumigil ang sasakyan ay halos pigilin ko rin ang hininga ko. Siguro ay narito na kami sa hotel na sinasabi ni Mommy Vicky. Kaya naman hinanda ko na rin ang aking sarili.

"Okay ka lang ba riyan?" tanong sa akin ng boses lalaki sa labas. Kinatok niya rin ang kahon, dahilan upang malaman ko na ako ang kausap niya.

"Okay lang," baliwalang sagot ko naman.

"What's your name, and how old are you? Baka kasi mamaya ay matanda na ang ibinigay ng Club-V sa amin." Napairap na lang ako sa sinabing iyon ng lalaki sa labas. Ganoon pa man ay sumagot pa rin ako.

"Jewel, I'm twenty three." May halong kasinungalingan iyon, dahil twenty years old palang talaga ako.

"Okay then, we were leave you here. Anyway nasa kwarto ka na. Kapag narinig mo ang tugtog pwede ka ng lumabas. Just do your thing, ikaw na ang bahala." Matapos iyon ay narinig ko na lang ang papalayong yapak niya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto, kahit na nga ba nangangawit na ako sa posisyon ko. Hanggang sa marinig ko na ang nang-aakit na tunog sa buong paligid ko.

"Kaya mo yan Jewel, sasayaw ka lang naman!" impit kong bulong sa aking sarili bago dahan-dahang tumayo.

Habang papalabas ako sa kahon ay dahan-dahan kong iginigiling ang katawan ko sa malamyos na musika. Tulad ng gabi-gabi kong ginagawa sa Club-V, nginitian ko ang lalaking nakatayo sa pinto na parang nakakita ng multo sa gulat.

"What the fuck?!" Nasapo niya pa ang noo niya, bago mariin akong pinanood.

Taas, baba at dahan-dahan hanggang sa naging mabilis na ang pag giling ko. Nilapitan ko na rin siya, lantarang inaakit sa pamamagitan ng matingkad kong ngiti. Hinawakan ko rin siya sa kamay at hinila sa mahabang sofa upang paupuin siya roon. In fairness ang gwapo ni birthday boy!

Pagkaupo niya'y marahan akong gumiling sa harapan niya. Hinahaplos ko rin ang sarili kong katawan, dahil ganoon naman dapat. Iyon ang turo sa amin sa club. Tamang pag giling, banayad na haplos sa katawan at ngiting nakakaakit. Iyon ang araw-araw kong kinakabisa noon ng mag umpisa akong mag trabaho sa Club-V. Ngunit ngayon, na master ko na ang mga iyon, at parang natural na lang sa akin.

"Can I touched you?" Muntik na akong matigilan sa ginagawa ko ng dahil sa tanong niyang iyon. "I mean, okay lang bang hawakan kita?" pag-uulit niya bago hinagit ang baywang ko palapit sa kaniya. Nahinto ako sa pagsasayaw, kasabay ng pag hinto ng musika.

Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa labi niya. Amoyin ang leeg niya. At higit sa lahat ay makaramdam ng init, habang nakaupo ako sa kandungan niya. Pakiramdam ko nga ay nahipnotismo na ako sa napakagwapo niyang mukha.

"Halikan mo na ako," wala sa loob kong saad. Napangisi naman siya at tila ba naaaliw sa akin. Pucha! Anong nangyayari sa akin? Bakit ko sinabi 'yon?!

"Are you sure?" he asked.

"Oo, kasama sa bayad 'yon." baliwalang sagot ko sa kaniya. Napakarami pang arte, 'di pa halikan kung hahalik! Doon din naman ang punta.

"Okay then, my pleasure." Inumang ko ang pisngi ko sa kaniya, ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng marahan niyang hilahin ang buhok ko. Dahilan upang mapatitig ako sa kaniya, hanggang sa bumaba ang labi niya sa labi ko. Shit! Wala sa plano 'to! Nasaan na ang 'no kiss sa lips policy', na matagal ng nakasulat sa sarili kong aklat ng saligang batas?!

He gently pulled me closer to his body while kissing me passionately. His tongue expertly entered inside my mouth that causes me to moan seductively. "Sabihin mo kung 'di mo gusto," halos pabulong niyang sabi bago muli akong hinalikan.

"What do you mean?" kuryosong tanong ko sa kaniya.

"Kapag wala akong reklamong narinig mula sa'yo, hindi ako hihinto. Pero kung 'di mo gusto... titigil ako." sagot niya bago lumapat ang labi niya sa leeg ko.

Akala ko'y doon na magtatapos, ngunit mas lumalim pa ang h***k niya pababa sa d****b ko. Kasabay no'n ay ang marahang pag pisil at haplos niya sa katawan ko. Dapat sana ay tabigin ko ang kamay niya. Dapat sana'y itulak ko siya palayo sa akin. Ngunit hindi iyon ang naging tugon ng katawan ko. Sa halip, yumakap pa ako sa kaniya at hinayaan siyang gawin ang lahat ng gusto niya.

"Steven or Steve that's my name. Iyan lang ang gusto kong marinig na isisigaw mo, alright?" Tumango na lang ako, kahit na nga ba hindi ko alam kung nakikita niya ba o hindi.

Ang isip ko'y naghuhumiyaw ng 'tama' na, ngunit taliwas ang katawan ko na nagsasabing 'sige pa'. My body and mind was too clouded by the pleasure and desire that I felt. He was good in kissing. His hands are expertly exploring my body. And after a minute... I found myself shouting his name, just the way he wanted.

***

"Pucha!" malakas kong sigaw. Kulang na nga lang ay iuntog ko na rin ang ulo ko sa pader nitong banyo. "Ang tanga mo Jewel!" giit ko pa sa aking sarili.

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, tatlo o apat, kun'di hanggang sa hindi na ako makagulapay pa ay hindi siya tumigil sa pag angkin sa akin ng gabing iyon. Hindi ko na nga rin halos matandaan kong paano nag simula at saan kami nag tapos na dalawa. Dahil wala na akong bukang bibig kagabi ku'ndi ang pangalan niya. Steven o Steve nga lang ang  pangalan niyang alam ko, wala pang apilyedo! What the hell!

Inabot ko ang tuwalyang nakahanger bago tinuyo ang aking katawan. Pagkalabas ko sa banyo ay kaagad akong nag bihis. Hindi na ako kumain at diretsong nahiga na lang sa maliit kong kama. Ayaw ko ng isipin ang nangyari kagabi. One night stand lang naman 'yon! Hindi na rin naman siguro kami magkikita pa ng lalaking iyon. Sana lang talaga ay 'wag ng mag krus ang landas naming dalawa.

"Sana nga," I whispered before I dozed to sleep.

***

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melanie Dataylo Ramos
...ano ba.. nadala agad ng kapusukan..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status