"Mom, can we eat first?" Nilingon ko ang limang taong gulang kong anak, na ngayon ay kunot noong nakatingin din sa akin.Isang linggo na rin ang lumipas simula ng bumalik kami rito sa Pilipinas. Mabuti nga ay nakapag adjust siya kaagad sa klima dito. Limang taong mahigit din kasi kaming nanirahan sa America ng makilala ko si Brent. Ngayo'y heto, kasama ang anak kong si Stephen ay narito kami sa Airport. Hinihintay namin ang pagdating ng Smith family, kasama ang isa ko pang anak na si Sancho. Kambal na lalaki ang mga anak ko, ngunit naiwan ang isa sa America dahil nasasabik sa apo ang mga magulang ko. "Just wait love. Mamaya ay narito na sila," nakangiting sagot ko sa kaniya. Marunong mag tagalog si Stephen dahil hindi naman ako bihasa sa lenggwaheng inggles. Kaya naman natuto siya sa akin kahit na lumaki siya sa ibang bansa."But I'm hungr
Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.. Please be advised that this story contains, matured themes, and strong language that are not suitable for every young audiences.******My head was spinning and my body felt sore all over. Specially down there, where no one had ever touched before. Not until last night... That one steamy night. Oh fuck!Nagmamadaling k
Nang makarating sa inuupahan kong apartment ay kaagad akong naligo. Pakiramdam ko kasi ay kumapit sa akin ang pabango ng lalaking iyon. Mula sa araw na ito'y nabigyang katarungan na ang bansag sa akin ng lahat. Wala na akong maipagmamalaki kung sakali mang husgahan nila ako. Wala na akong laban at dapat na tanggapin na lang. Pero ano bang pakialam ko? Humusga sila hanggang gusto nila, hanggang may boses sila at hanggang kaya pa nila. Darating din ang araw na ang mga chismosa kong kapit bahay ay... "Chismosa pa rin malamang! Hay buhay! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at natangay ako ng lalaking 'yon!?" Hanggang ngayon ay yan pa rin ang tanong ko sa aking sarili. Isinandal ko ang noo ko sa sa tiles at hinayaang basain ng malamig na tubig, na nagmumula sa shower ang buo kong katawan. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit inalala ang nangyari bago ang gabing iyon, habang dinadama ang lami
Nang magising ako mula sa malakas na alarm ng cellphone ko'y, kaagad akong tumayo at mabilis na naligo. Ganito na ang daily routine ko, at sanay na rin ako. Kulang bente minutos na nga lang din ako maligo, sa sobrang pag mamadali. Pasado alas sais na rin kasi ng gabi at may trabaho pa ako.Mula ng mahiga ako pasado alas siyete ng umaga at natulog ay hindi pa ako kumain. Ni hindi na nga rin ako nag tanghalian, dahil nakalimutan kong i-set ang alarm sa cellphone ko ng tanghali. Tapos ngayon ay gabi na, pero ni itlog wala pa akong naluto kahit isa!"Putris! Ganoon katagal akong natulog? Pagod na pagod lang ang peg ko?!" singhal ko sa aking sarili. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko, ikaw ba naman ang araruhin ng kung ilang ulit! Mabuti nga't nakaramdam pa ako ng hiya kahit papaano, kung hindi sa ospital sana ako didiretso.Sa araw-araw na
"Bro musta birthday mo? Nagustuhan mo ba 'yong regalo namin sa'yo?" nakangising tanong sa akin ni Daryl. "Umo-o ka, hindi pwedeng hindi!" giit niya pa. Narito kaming anim ngayon sa Club-V. Matapos ang ika dalawampu't isang kaarawan ko kahapon, ay muli kaming nag celebrate dito. Sabi nga nila 'extended celebration' pero ang totoo, mga patay gutom lang talaga silang lima."Aba dapat lang ano! Ang mahal ng ambagan natin doon ah!" sagot naman ni Matteo.Pito kaming magkakaibigan, Justine, Lucas, Daryl, Matteo, Janrick, Nico at ako. Pero sa aming magkakaibigan, si Janrick palang ang ikinasal kaya naman hindi namin s'ya kasama ngayon. Isa pa, baka patayin kami ng amazona niyang asawa, kapag niyaya namin sa club ang uhuging iyon. Higit sa lahat, bawal na ang hindi fresh sa grupo at pinangunahan 'yon ng bilasang si Janrick.
"Bakla, type ka yata nang isang lalaki doon sa grupong 'yon ah." Tinuro pa ni Gladys ang grupo ng anim na kalalakihan, kung saan naroon si Steve. "Gwapo ha, laki pa ng muscle oh!" giit niya pa. Ako naman ay nagkukunwaring walang pakialam sabay inom sa hawak kong beer.Hindi ko rin tuloy maiwasang mapatingin sa gawi nila habang tumatagay. Wala namang itulak kabigin sa magkakaibigang iyon. May mukhang Espanyol, Pinoy, 'yong iba naman ay hindi ko matukoy. Pero si Steve, mukha siyang Black American na kinula ng dalawang araw, kaya pumusyaw ng kaunti."Maliit etits niyan day!" biglang singit ni Aiza na ikinasamid ko. Pakiramdam ko'y kinulang ako ng hangin sa katawan bigla ng dahil sa sinabi niya. "Sabi kasi nila, kapag malaki ang muscle... kikiam lang ang nasa ibaba." baliwalang saad niya pa.Kung saan man nakuha o narinig ni Aiza an
Pangit naman palang kabonding ni Sir! Aba sabi niya 'give me five sec.' pero halos dalawang oras na akong nilalangaw dito'y hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Iyong totoo, dinner date pa bang matatawag ito gayong alas singko na ng umaga?!Balak ko na sanang mag tawag na ng tricycle upang umuwi na lang ng tuluyan. Ngunit biglang may humintong sasakyan sa mismong harapan ko. Tinted ang salamin no'n kaya naman hindi ko maaninag ang nasa loob. Hindi rin ako sigurado kung sino ang nasa loob, kung kaya't baliwalang nag lakad na ako. Sa ika limang hakbang ay hindi ko maiwasang mapatalon ng bigla akong businahan ng sasakyan. Ano bang problema ng isang 'to?Tinitigan ko ang itim na kotse na para bang nakikipag titigan ako sa nakasakay roon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahinang vibrate ng cellphone ko sa bulsa, kaya naman kaagad kong kinuha 'yon."What are you waiting
'Be my girlfriend... A paid girlfriend to be exact'Hanggang makarating kami sa rooftop at ngayon nga ay nakaupo na'y nasa isip ko pa rin ang sinabi niyang 'yon. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Akala niya ba ay pera pera lang talaga ang habol ko kaya ko ginagawa ang ganitong trabaho?"Hey, kanina ka pa tahimik ah. Dont you want the food?" Hindi ko maiwasang titigan lang siya at paminsan minsan na tignan ang mga nakahain.Gaano ba kababa ang tingin sa akin ng lalaking ito para bayaran ako? Akala niya ba lahat ng babae ay mahuhumaling sa kaniya? Aminado naman akong gwapo siya, macho at mayaman. Total package kung sabihin ng iba. But... I didn't accept money for the sake of it. I have my fucking reason!"Gaano ba ako kababa sa tingin mo?" seryosong tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang opinyon niya sa akin, matapos ang nangyari sa amin ng gabing iyon.