Share

Chapter 4

Author: Misa_Crayola
last update Last Updated: 2021-07-16 01:18:49

Huminga nang malalim si Anastacia. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama ni King, ang kanyang Young Master. Naliligo ito at naririnig niya ang lagaslas ng tubig.

Nahawakan niya ng pasimple ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nagdudulot ‘yon sa kanya ng kaba at katuwaan. Noon pa man, iyong excitement na nararamdaman niya tuwing magiging sila lamang sa silid ay mas naipakikita niya rito ang kanyang pagmamahal. Pero kaba rin dahil baka may makahuli sa kanila.

Hindi na bago ang pumapasok siya sa silid ni King, para na siyang anino nito kung nasa bahay. Lahat ng gusto nito ay idudulot niya, iyon ang ganap niya sa mansion na ‘yon. Pero hindi alam ng mga nasa labas ng silid na kapag sila lamang dalawa ay tumitigil ang pagiging tagasilbi niya rito.

Nabigla pa si Anastacia nang lumabas si King na nakaroba. Nakabagsak ang buhok nito at kahit sa anong sitwasyon at pagkakataon, walang lalaking nakahigit sa hitsura nito. Maaaring dahil gusto niya ‘to kaya sa paningin niya ito ay lalaking may pinakamagandang hitsura.

“May problema ka ba?” tanong ni King.

Umiling si Anastacia. “Kanina sinabi ni Manang Rosel na dapat ay hindi tayo nagsasama palagi ng ganito. Ano mang oras daw kasi ngayon puwede ng lumabas ang pangil mo at gustuhin mo na ng dugo—”

Nangunot ang noo ni King. “Kaya nga suot-suot mo ‘yang nasa leeg mo para hindi kita makagat ‘di ba?” Tumalikod ‘to at humanap ng isusuot.

“Pero inaalis mo ‘to kung minsan,”ani Anastacia. Kung tutuusin ay hindi minsan, madalas.

“Dahil naiinis akong tingnan na may ganyan ka sa leeg.”

Hindi nakaimik si Anastacia, nagsisimula na naman kasing uminit ang ulo nito.

Iyon ang masasabi niyang ugali ni King na hindi nagbabago ang pagiging mabilis uminit ng ulo. Pero hindi naman mababago ng mga ganoong ugali nito ang nararamdaman niya para rito.

Marahang tumayo si Anastacia, walang ingay ang mga hakbang dahil isa ‘yon sa unang itinuturo sa kanila dahil masyadong sensitibo ang pandinig ng mga bampira.

Napansin naman ni King ang pagtayo ni Anastacia pero hindi niya ‘to nilingon. Hanggang maramdaman niyang yumakap ‘to sa kanyang likuran.

“Tatlong taon na lang ay aalis na tayo rito. Tiisin muna natin ang collar na ‘to, Young Master.” Hinigpitan ni Anastacia ang yakap dito. “Isa pa, hindi ko naman ipagdadamot ang dugo ko sa ‘yo. Kung tutuusin, pangarap kong maging natatanging tao na magbibigay ng dugo sa ‘yo,” nahihiya man ay naitawid ni Anastacia ang gustong sabihin.

Humarap naman si King kay Anastacia.

Nginitian niya si Anastacia kasunod ng paghalik sa noo nito.

“Hindi ko naman gustong maubos ang dugo ng sakiting si Anastacia.”

Napasimangot si Anastacia.

“Kung gano’n hindi puwedeng ako lang ang taong magbibigay sa ‘yo ng dugo?”

Nangiti si King.

“Hindi, dahil habang tumatagal mas lalaki ang pangangailangan ko ro’n. At dahil may nararamdaman ako para sa ‘yo, mahihirapan akong kontrolin ang pangangailangan ko sa ‘yo at maaaring masaktan at ang pinakamalala ay mapatay kita.”

Nakita ni Anastacia sa mukha ni King ang pag-aalala.

“Pero puwede naman iyong dugo na hindi mo direktang kakagatin sa ibang babae, hindi ba?”

Lumaki ang pagkakangiti ni King.

“Nakikita ko na may blood wine at may blood bank naman na kinukuhanan ang magulang mo—”

Pinisil ni King ang baba ni Anastacia.

“Hindi ako direktang kakagat sa ibang babae, sa ‘yo lang.”

Pinamulahan si Anastacia, napuno nang kasiyahan ang kanyang puso.

Hindi siya tumanggi nang halikan siya nito. Nagsimula ‘yon sa magaan na mga damping halik. Marahan namang ibinuka ni Anastacia ang bibig at hinayaan ‘tong palalimin ang halik. Dahil sa ito ang mga una sa kanyang mga karanasan, ang mga bawat gawin ni King ay nagdudulot ng eratikong tibok sa puso ni Anastacia. Habang ang mga labi nila ay naghihinang, at ang kanilang mga dila ay naglalaro sa musikang sila ang lumikha, nararamdaman ni Anastacia ang marahang pagbuhat ni King sa kanya. Marahan ang paglakad nito hanggang sa maibaba siya sa kama nito.

Kinabahan si Anastacia pero naroon ang kakaibang pagkasabik.

Patuloy ang kanilang mga halik, mas naramdaman ni Anastacia ang pagdiin ng katawan nito sa kanya. Mas nagiging mainit ang pakiramdam ng dalaga lalo pa at ito ang unang beses na maging ganoon kasensuwal ang halik na pinagsasaluhan nila. Bukod doon ang suot nito ay alam niyang ang roba lamang at sa kaunting maling kilos maaari ‘yong mahubad at lumantad ang katawan nito sa kanya.

“Young Master,” may paghingal ang boses ni Anastacia. Ang labi ni King ay nasa kanyang tainga na, kinakagat na rin nito ‘yon. Nagdudulot ‘yon ng bolta-boltaheng init sa katawan ng dalaga.

Naramdaman ni Anastacia na inalis nito ang kanyang collar. Hindi siya tumanggi dahil hindi naman iyon bago. Nalulunod din siya sa mainit na pakiramdam na nagsisimulang kumalat ng mabilis sa kanyang katawan.

Simula nang ikabit ‘yon sa kanya ng ina ni King, tinuruan din siya nito kung paano papalitan ang password ng collar bilang proteksiyon niya. Pero labing-apat na taong gulang siya no’ng ipagkatiwala niya kay King ang password niyon at hindi na binago kahit kailan. Para kay Anastacia, iyon ang paraan niya para patunayan dito ang batang pag-ibig.

Humalik ang labi nito sa kanyang leeg, marahan at nag-iingat.

Bago pa sila madala sa sitwasyon na ‘yon ay boses ni Kaya ang nagpatigil sa kanila. Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Anastacia sa pagkabigla.

“Young Master, dumating na ang Master Ezekiel at may kasamang bisita. Pinasasabi niyang bumaba ka dahil sa ikalawang akyat ay siya na ang kakatok sa ‘yo.”

Namula si Anastacia dahil nanatili ang pagkakapatong ni King sa kanya.

Kung kanina ay hindi niya ‘yon alintana dahil dalang-dala siya pero ngayon ay pulang-pula na siya sa kahihiyan.

“Young Master,” pabulong na tawag ni Anastacia kay King. Mukhang ayaw pa kasi nitong kumilos.

“Umalis na siya,” ani King.

Malakas ang pakiramdam ni King kaya alam nito na nakaalis na si Kaya. Marahan ‘tong humalik sa kanyang noo bago tumayo.

“Sa susunod hindi na tayo mapipigilan nino man.”

Nakahinga ng maluwag si Anastacia dahil natakot siyang magpatuloy si King at mahuli sila ng ama nito.

“Young Master, bababa na ‘ko at hihintayin na lamang kita sa labas.” Inayos ko ang kasuotan ko dahil baka gusot na ‘yon at mahalata pa ‘kong nahiga.

“Diyan ka lang, sabay tayong bababa.”

Hindi nakasagot si Anastacia dahil sa may tumikhim mula sa labas.

“Young Master,” si Calixto ‘yon. “Magsuot ka ng pormal dahil nakapormal ang bisita. Ito ay biglaang mahalagang hapunan.”

“Ano na namang—”

Naiharang ni Anastacia ang hintuturo sa labi ni King na nabigla naman.

“Sundin mo na lamang, Young Master. Alam mo naman na may kasalanan ka pa, para makalimutan na ‘yon ng Master and Mistress.”

Wala namang pakialam si King doon dahil sanay na siya sa sermon at galit ng magulang. Pero dahil iyon ang gusto ni Anastacia ay napatango na lamang siya.

“Bababa ako kaagad pagkabihis ko,” ani King, sapat para marinig ni Calixto.

“Maaari kitang tulungang pumili at magbihis, Young Master,” sagot ni Calixto.

“Hindi na, narito si Anastacia.”

Namula si Anastacia, ngayon talagang nagkaedad siya napagtanto niya na hindi sila dapat nakukulong ng madalas sa isang silid ni King. Pero nakasanayan na nito ‘yon at sa paningin nito ay sanay na ang buong mansion sa set-up na ‘yon. Pero minsan, napapansin ni Anastacia na may kahulugan ang mga tingin ng iba sa kanya. Pero hangga’t hindi naman nagsasalita ang mga ito ay sinasabi na lamang niya sa sarili na nagiging masyado lang siyang mapag-isip.

Sinamahan niya sa walk-in closet si King.

Napabaling sa ibang direksiyon si Anastacia nang alisin nito ang roba. Namumula siya, mahirap pala na magkaroon ng malisya. Dahil nga hindi nito gusto na idulot niya lahat ay marunong na kumilos mag-isa si King. Pero inalalayan niya ‘to nang maisuot nito ang white buttoned long-sleeve nito. Humanap siya sa mahabang glass ng necktie na babagay sa kulay navy blue nitong coat na ipapatong.

“Bakit parang iritable ka, Young Master?” tanong ni Anastacia. Tumingkayad siya para ilagay sa loob ng kuwelyo nito ang necktie. Binalikan niya ‘to ng tingin no’ng inaayos niya na ang necktie nito.

“Mas gusto kong humiga na lang tayo at magtitigan. Sana puwede rin akong magdahilan na may sakit ako.”

Natawa si Anastacia pero gusto niya rin ang ideya na magtitigan silang dalawa at magngitian katulad ng madalas.

“Ano kaya kung magpaalam ako na pupunta tayo sa lugar ng mga tao? O tumakas na lang tayo?” ngumisi ‘to.

“Young Master, baka naman mas magalit ang magulang mo no’n. Puwede bang magpaalam ka na lang?”

Natawa si King. “Sanay naman ako, pero dahil mas gusto mong magpaalam ako kaya magsasabi ako. Tatakas na lang tayo kung hindi sila papayag.”

Nangiti si Anastacia.

“Hindi ka sasama?”

Lalong lumaki ang ngiti ni Anastacia. “Sasama, kailan ba ‘ko hindi sumama sa ‘yo, Young Master?”

Nangiti nang husto si King. Hinapit siya nito at dinampian ng halik sa labi.

“Mamaya na uli,” ani Anastacia. Lumakad siya para sa kabilang glass naman ng mga relo nito ang pagpipilian niya. Nang makapili siya ay isinuot niya ‘yon rito. Kusa naman ‘tong nag-ayos ng buhok.

Lalo ‘tong naging guwapo—well, kahit ano naman yatang sitwasyon ay guwapo ito sa kanyang paningin.

Sabay silang bumaba at pinauna niya ‘to nang nasa hagdanan na sila pababa.

Iyong ngiti ni Anastacia ay naglaho nang makilala ang pamilyang naroon at ang babaeng bampirang si Nymfa. Ngiting-ngiti kaagad ang magandang bampirang kaedaran nila.

“King!”

Noon pa man ay mukhang gusto na ng magulang ng dalawang panig ang isang business marriage sa dalawa. Nakilala ni Anastacia si Nymfa noong labinglimang taong gulang na sila.

“King!”

Sinalubong kaagad ni Nymfa si King at hinalikan sa pisngi.

“I’m so excited to see  you, King, finally!” Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Nymfa.

Misa_Crayola

Thank you for reading!<3 Misa_Crayola

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status