Nakatayo lamang kahanay ng mga naninilbihan si Anastacia. Pilit ang ngiti kompara sa ibang mga kahanay. Masaya ang usapan sa hapagkainan at mukhang masyadong malapit sa isa’t isa talaga ang pamilya ni Nymfa at King.
Sa kabisera ang nakaupo ay ang Master na si Ezekiel. Sa kahit na anong pamilya ang nauupo sa kabisera ay ang may-ari ng mansion at pinakamataas. Maaari lamang siyang mapalitan sa puwesto kung ang magiging bisita ay mula sa mga Pureblood Vampire.
Sa kanang bahagi ay pamilya ni Nymfa, ang ama nito na si Master Damian at ang in ana si Mistress Lara. Sa kaliwa ay naroon naman si King at ang ina nito.
Hindi nakikita ni Anastacia ang hitsura ni King dahil nasa likuran siya nito. Bilang maid servant nito, kailangan ay palagi siyang nasa likuran nito.
“I’m sorry for the surprise visit, Mr. and Mrs. Vezarius,” boses iyon ni Mistress Lara.
“No, it’s okay, no worries. You really surprised us naman talaga. Pero masaya kaming pamilya na nakadalaw kayo sa ‘min,” ang kanilang Mistress ang sumagot no’n. Hindi nawawala ang ngiti nito. “Anyway, kumusta ang lugar ng mga tao? Siguro ay marami kayong pagbabagong kinasanayan na. Ilang taon din kayo roon,” halatang curious ang kanilang Mistress.
“Auntie, hindi naman mahirap mabuhay sa lugar na ‘yon. Kung tutuusin nga, mas chill ang pakiramdam sa lugar ng mga tao dahil walang violence sa pagitan naming mga estudyante. Kompara sa mga Vampire University na kailangan pang sanayin ang pisikal na lakas at puwede pa kaming magkaro’n ng malalang pinsala.” Masayang kuwento ni Nymfa.
“Puro naman kalokohan ang ginagawa mo ro’n, kaya sana talaga ang mapangasawa mo ‘yong kaya kang sawayin,” tila naiimbiyerna si Mada’am Lara sa sariling anak.
“Well, may nakapagpapatahimik naman sa ‘kin dahil sa pagiging masungit niya,” hindi nawawala ang ngiti ni Nymfa.
Nagkatawanan ang mga Royal Blood Vampire.
“Anak, ikaw ang babae, ‘wag mong i-pressure si King.” Mukhang nagpaparinig si Mr. Damian sa mag-asawag Vezarius.
Hindi naman alam ni Anastacia kung ano ang reaksiyon ni King.
Nakangiti kaya ‘to? Nakitawa ng mahina para hindi umabot sa kanyang pandinig?
Pero makatututol ba ‘to sa isang business marriage? May laban ba ang isang katulad niya? At mayroon bang tiyansa na ipaglaban siya ni King laban sa kagustuhan ng pamilya nito?
“Bata pa naman sila, hayaan muna natin silang magkakilala nang husto. Kung sila ang magkatuluyan ay maganda naman ‘yon para sa ‘ting pagsasama, Mr. Claren,” nakangiting sabi ni Ezekiel sa mag-asawa.
“May balak ka ba King na maging Royal Knight ng mga Pureblood Vampire?” tanong ni Mada’am Lara. Mahahalata na interesado ang buong pamilya kay King.
Bakit nga naman hindi? Ang mga Vezarius ang pangatlo sa pinakamayamang Royal blood Vampire. Sa dalawang daang pamilya ng Royal Blood, maganda ang puwesto ng pamilya Vezarius.
“Wala pa sa plano ko, auntie,” sagot ni King.
Tumango-tango naman ng nakangiti ang mag-asawang Claren. Si Nymfa ay tila hindi na nasawang pakatitigan at ngumiti nang ngumiti habang tinitingnan si King.
Sa likuran ng isipan ni Anastacia, iniisip niya kung nakangiti rin ba si King at nakikipagngitian kay Nymfa kaya ganoon ang reaksiyon nito?
“Malaking karangalan sa ‘min kung magiging Royal Knight si King. Pero dahil nag-iisa namin siyang anak, umaasa rin kami na mas pipiliin na lang niyang ipagpatuloy ang Negosyo ng pamilya,” ani Ezekiel. Palaging iyon naman ang sinasabi nito sa mga nagtatanong.
Maraming Royal Blood ang nagiging Royal Knights. Pero hindi naman lahat pinapalad makapasok. Inaasahan din na mas magaling, malakas ang mga napipiling Royal Knight dahil ito ang mga nasa tabi ng mga Pureblood Vampire.
“Pero kung si King ay magiging isang Royal Knight, maaaring ang pumili ng mapapangasawa niya ang mga Pureblood,”sabi ni Mrs. Vezarius.
Nawala naman ang pagkakangiti ni Nymfa.
“Kunsabagay, maraming babaeng Pureblood ngayon ang walang asawa. Madalas sa mga Royal Blood sila kumukuha ng mapapangasawa,” sa sinabi ni Mr. Claren, halatang nagkaroon ito ng pag-aalala.
“Mom, dad, hindi naman lahat ng Pureblood nakikialam ng gano’n. Minsan ay inirereto lamang nila pero hindi naman sila makikialam—”
“Pero may tatanggi ba sa ranggo at puwesto na maibibigay ng isang Pureblood Vampire?” putol ni Mr. Claren sa anak na si Nymfa.
Halatang hindi nagustuhan ni Nymfa ang narinig.
**
Nang matapos ang hapunan ay sa Patio nagpunta ang apat para magkaroon ng pribadong usapan. Ang naroon na lamang ay si Apostola at Calixto para sa mga pangangailangan ng mga ito.
Nasa kusina si Anastacia at nakikitulong kahit hindi naman niya ‘yon kailangan gawin dahil nga si King lamang ang kanyang pinagsisilbihan.
Naririnig niyang nag-uusap ang mga naninilbihang katulad niya habang kumikilos ang mga ito. Nakatalikod siya sa mga ito dahil nag-uurong siya at naghihiwa ang mga ito para sa umagahan at tanghaliang ipe-prepara bukas.
Alam ni Anastacia na sinadyang pag-usapan ng mga kasamahan ang mga sinasabi ng mga ito dahil naroon siya. Nasabi na ni Kaya sa kanya na maraming nag-iisip na mayroon silang relasyon ni King. Pero iyong relasyon lamang na pagkatapos gamitin ay aayawan na rin siya ni King. Walang bilib ang mga ito na magkakaroon sila ng seryosong relasyon. Isa lamang siyang alipin sa na nagsisilbi rito.
“Nagsisimula na ang mga kababaihan na dumalaw dito. Nasisiguro ko na hindi lamang si Ms. Nymfa ang may kasamang magulang na pupunta rito,”ani Mariah, nasa tatlumpu na ang edad nito.
“Paano mo naman nasabi ‘yan?” tanong ni Carmen na kaedaran din ni Mariah.
“Siyempre, mula sa First Class Royal Blood ang mga Bezarius na amo natin. Papasok na rin ang Young Master sa Vampire University at buwanan na ang magiging uwi niya rito. Kaya habang hindi pa siya nakakapasok sa Vampire University, gusto ng siguraduhin ng ibang pamilya na anak nila ang mapapangasawa niya,”sagot ni Mariah. Ang pamilya nito ay matagal na ring naninilbihan sa mga Vezarius, ilang salinlahi na rin kaya maalam talaga ito sa mga bampira.
“Pero dahil mukhang malapit ang mga Claren sa mga Vezarius kaya kung political marriage, mukhang makukuha ni Ms. Nymfa ang pagiging asawa ng Young Master,” dugtong pa ni Nymfa.
“Pero marami pang babae na aakyat dito ‘no, hindi mo rin masisiguro,” singit ni Mia.
“Mas mataas ang mga lalaki sa Vampire Community kaya masanay na kayo na ang dinadalaw ay lalaki at hindi babae. Lalo na kung ganitong nasa First Class Royal Blood,” dagdag ni Mariah. “Kaya kung may nag-iilusyon diyan, tigilan na niya at magiging parausan lang naman siya.”
Nanghina ang kamay ni Anastacia, mabuti at naibaba niya pa rin ng walang gaanong ingay ang hinuhugasan.
“Tama ka ro’n, hindi tayo dapat mag-ilusyon na mabibigyan tayo ng tunay na pagtingin ng mga bampira. Unang-una, tumatanda tayo ng mabilis, sila ay hindi. Tingnan mo nga si Marie, noon ay parausan ng Master Ezekiel, ngayon ano na? Isa na lamang matandang tagasilbi. Minsan ding nagkaroon ng mataas na ilusyon.”
Hindi gustong maapektuhan ni Anastacia pero hindi niya mapigilan.
Ang tinutukoy ng mga ‘to na si Marie ay ang tagasilbing matalik na kaibigan ni Apostola, ang head ng mga maid servant. Kasalukuyan itong nasa bahay ng mga tagasilbi nananatili na lamang at naghihintay ng huling hininga. Mayroon kasi itong malalang karamdaman na ngayon.
Matagal na ring naririnig ni Anastacia ang tungkol sa kuwento ni Marie at ng Master Ezekiel. Lumipas na si Marie, pero ang hitsura ni Ezekiel ay tila nasa tatlumpu higit lamang ang edad.
Katulad niyon ba ang magiging kuwento nila ng Young Master King niya?
“Anastacia,” tawag ni Apostola.
Pinahid ni Anastacia nang mabilis ang mga luha at kaagad inalis ang gloves.
“Magpapalit na ang Young Master ng kasuotan, umakyat ka na sa silid niya. Pagkatapos mo roon, magpahinga ka na rin at hayaan mo na ang mga ‘yan.”
Tumango naman si Anastacia. Hindi magawang magsalita. Pakiramdam niya umurong ang kanyang dila.
Kahit hindi niya tingnan alam niyang nagtatawanan ang tatlo dahil nagtagumpay ang mga itong sirain ang kanyang ilusyon.
Lumabas na ng kusina si Anastacia at tinungo ang silid ni King.
Bago siya pumasok ay huminga siya nang malalim at bumuga ng dahan-dahan. Inilagay niya ang ngiti sa kanyang labi saka itinulak ang pintuan ng marahan. Palagi naman ‘yong hindi nakalapat.
“Young Master—Aaah!”
Napatili si Anastacia sa pagkagulat dahil may humila sa kanya.
Natawa naman si King sa naging reaksiyon niya.
Ngiting-ngiti si King at naging malinaw sa paningin ni Anastacia na lumaki na nga silang dalawa. Marami ng nagbago rito. Mas naging mataas ‘to at nagkaroon ng magandang build ng katawan dahil sa mga physical activity nito sa eskuwelahan. Pero ang kulay ruby nitong mga mata na tila mamahaling bato na naiiba maging sa mga magulang nito ay hindi nagbago at mas lalo ‘yong naging kapansin-pansin dahil naging mas makakapal ang pilikmata nito, may kakapalan din ang kilay nito.
Hinaplos niya ang mukha nito kaya medyo nagtaka ‘to pero ngumiti naman.
Manipis pa rin ang balat nito katulad ng ibang mga bampira kaya ang mga matutulis na halaman ay hindi maaari sa lugar katulad ng rosas.
Matangos ang ilong nito, pareho naman ang magulang nito pero sa ama nito ang kapares niyon. Bumaba rin ang palad ni Anastacia sa labi nito na mapupula, manipis lang ang labi nito. Kapag ngumingiti ‘to ay lumalabas ang dalawang dimple nito.
“Naguguwapuhan ka ba sa ‘kin, Anas—”
Ang ngiti ni King ay naglaho no’ng makitang nagbabagsakan ang mga butil ng luha ni Anastacia.
Kaagad naman ‘yong pinunasan ni King. Nag-aalala ang lalaki nang husto.
“What’s the problem? May nangyari ba? May—”
Umiling si Anastacia.
“Hindi ko rin alam bakit ako umiiyak,” natatawa si Anastacia habang lumuluha.
Nag-alala naman nang husto si King.
“Puwede mo ba ‘kong halikan, Young Master?”
Nabigla si King, hindi ugali ni Anastacia ‘yon dahil mahiyain ‘to.
Pero dahil sa request na ‘yon tila nanuyo ang kanyang lalamunan.
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &