Share

Chapter 7

Aвтор: Misa_Crayola
last update Последнее обновление: 2021-07-17 20:56:33

“Mistress, may sulat mula sa kastilyo.”

Nag-angat ng tingin kaagad si Rossana sa narinig. Abala siya sa pagbabasa ng fashion magazine no’n sa balkonahe.

“May dry sealed ng kastilyo at mukhang imbitasyon.”

Kung ibang sulat ‘yon ay ipababasa niya na kay Calixto, pero dahil galing ‘yon sa kastilyo na pugad ng mga Pureblood Vampire ay siya na ang nagbasa ng nilalaman no’n.

“What’s that?” tanong ni Ezekiel sa asawa nang makaupo na sa harapan nito.

Kaagad naman na nagsalin ng tsaa sa tasa nito si Calixto.

“Invitation, pero hindi para sa ‘tin. Para kay King,” nakangiting sabi ni Rossana. Tiningnan ni Rossana si Calixto, “Ipatawag mo si Elena, sabihin mo na gagawa siya ng kasuotan.”

Kaagad namang tumungo at nagpaalam si Calixto.

“Para kay King?” tanong ni Ezekiel.

“Sa tingin ko ay imbitasyon ‘to sa mga Royal Blood, tumitingin na sila ng mga gusto nilang Royal Knight o ipapasok sa kanilang pamilya. Magandang oportunidad na ‘to kay King, sana ay magkaroon siya ng mapapangasawang Pureblood para maging Second Rank Pureblood family na rin tayo.”

Ang mga Pureblood Vampire ang naninirahan sa kastilyo, gumagawa ng batas at kumokontrol ng kanilang gobyerno. Sila ang mga unang ninuno ng bampira at ang pamilya lamang ng mga ito ang may karapatan sa trono. Nagiging ‘Pureblood’ ang katawagan sa mga napapasok sa pamilya ng mga Pureblood Vampire. Second rank lamang sila dahil ang kinokonsiderang 1st rank ay ang magiging asawa lamang at anak nito. Pero maganda ‘yong oportunidad para makaupo sa kanilang gobyerno.

“Sino ang tatawagin mong kapareha ng anak mo sa party na ‘yon?” tanong ni Ezekiel. “Marami ka ng pamilyang nakausap tungkol sa mga anak nila. Hindi nila magugustuhan kung magmumukhang may pinili ka na sa kanila.”

“Don’t worry, nariyan naman si Anastacia. Puwede ang maid servant maging kapares nila.”

Uminom muna ng tsaa si Rossana.

“Gusto ko si Nymfa, pero humanap ako ng ibang babae dahil baka hindi siya ang tipo ni King. Marami namang gustong makilala si King ng mga anak nila, dadagsa sila sa susunod.”

“Mistress and Master, narito na si Ms. Nymfa,” sabi ni Apostola.

Tumayo si Rossana.

“Ako na ang sasalubong sa kanya. Apostola, ikaw na muna ang bahala sa Master mo.”

Tumango naman at tumungo si Apostola saka nagbigay daan kay Rossana.

Nang makalayo na sa pasilyo si Rossana saka nagsalita si Ezekiel.

“Apostola, ipaghanda mo ‘ko ng silid para kay Kaya.”

Halatang nabigla naman si Apostola pero hindi ‘to umimik.

Nakangiti si Ezekiel. “Napansin ko na gumaganda siya. Noon para lamang siyang pangkaraniwang mukha sa ‘kin, ngayon gusto ko ang hitsura niya’t hugis. Anyayahan mo siyang pagsilbihan ako mamayang gabi.”

Tumungo si Apostolo.

“Masusunod, Master.”

“Wala naman siyang karelasyon sa mga Butler?”

“Wala, Master. Ang lahat ng babae rito ay alam ang patakaran na hindi sila maaaring magkaroon ng nobyo at mahawakan nino mang lalaki maliban sa nagmamay-ari sa kanila hanggang tatlumpu’t limang edad nila. Ganoon din ang mga manservant, alam nilang ipinagbabawal ang magkaroon sila ng matagal at solong pag-uusap sa mga kadalagahan. Ang hindi lamang maaaring hawakan ng Master ayon sa patakaran ay ang pag-aari o ang personal servant ng kanyang anak, si Anastacia lamang ang hindi maaaring hawakan ng Master.”

Nangiti naman si Ezekiel.

Hindi lang ‘yon patakaran sa kanilang mansion, sa buong Vampire Community ‘yon. Hindi kailanman maaaring hawakan ng ibang ‘Master’ ang pag-aari o ang binigyang titulo na ‘Personal maid servant’ o manservant sa pamilya ng mga ‘to. Ang mga may ganoong titulo ay hanggang kamatayan na magsisilbi sa Master nito at nangako ng buong katapatan. Kaya isang malaking kasalanan ang gumalaw sa pag-aari ng iba at isa ‘yon sa batas ng Vampire Community. Ang paraan ni Apostola ng pagpapaliwanag ay pangkaraniwan, maging ang head ng mga manservant na si Calixto ay ganoon din ang sasabihin bilang paalala.

Pero mayroong may immunity sa batas na ‘yon.

Lahat ng batas ay balewala kung ang lumabag ay isang Pureblood Vampire.

**

Nasa silid si Kaya at Anastacia ng mga oras na ‘yon. Tinutulungan ni Anastacia si Kaya sa sinusulsi nito na mga chair cover. Iyon ang madalas na ipinapagawa rito dahil mabilis at pulido ito sa mga ginagawa. Kaya hindi ‘to gaanong nagsisilbi sa labas, kung wala lang itong ginagawa na. Si Anastacia naman ay walang magawa dahil nasa akademya pa si King.

“Anong pangarap mo na maging trabaho?” tanong ni Kaya na nakangiti kay Anastacia.

Nangiti naman si Anastacia. “Nurse, gusto kong maging nurse noon o kahit na anong health worker, kulang na kulang kasi ang mga health worker sa ‘min kaya maraming hindi na nagagamot sa ‘min kapag may malubhang karamdaman. Ikaw?”

“Teacher, gusto kong magturo talaga sa mga bata.”

Nangiti si Anastacia. “Kayo ni Young Master ang nagturo sa ‘king bumasa’t sumulat. Sa palagay ko talaga magiging magaling na guro ka,” siguradong-sigurado talaga ro’n si Anastacia.

Natawa naman si Kaya.

“Kung mapapalaya ako rito, kahit anong edad, magtuturo ako pagkalaya ko. Tutuparin ko pa rin ang mga pangarap ko.”

“Sigurado ako sa bagay na ‘yon! Ilang taon na lang din puwede ka ng mag-asawa.”

Nangiti nang husto si Kaya.

“Sa palagay mo ba may magkakagusto sa ‘kin?”

“Marami! Maganda ka at mabait pa. Paniguradong maraming Butler ang pigil na pigil magpakita ng damdamin sa ‘yo.”

Napapailing na lamang si Kaya. “Magaling kang mang-uto, Ana—”

“Kaya, Kaya,” mga katok at boses ‘yon ni Apostola.

“Bukas ‘yan, Dama Apostola.”

Umikot ang doorknob at pumasok si Apostola.

“Kailangan ba ng tulong sa kusina? May bisita?” kaagad na tanong ni Kaya.

“May bisita si Ms. Nymfa, pero hindi naman kailangan ng tulong sa kusina.”

Nang marinig ni Anastacia ang pangalang Nymfa, kumabog kaagad ang dibdib niya. Bakit ito naroon?

“Kung gano’n, may iba ba ‘kong gagawin?” Iniaayos na ni Kaya ang mga pinaggamitan. Mukha kasing nagmamadali si Dama Apostola.

“Mamayang gabi, sa silid sa ikaapat na palapag pupunta ka ro’n para magsilbi sa ‘ting Master.”

Nabigla si Anastacia at si Kaya.

Nanlamig ang buong katawan ni Kaya. Tiningnan niya ng may pamumutla si Apostola pero kaagad tumalikod ang matanda.

“Ipadadala ko sa ‘yo ang pabango na ihahalo mo sa ‘yong pampaligo. Maglinis ka nang husto. Maging ang kasuotan mo para sa unang gabi ninyo ay ipinapahanda ko na. Magpahinga ka na lang muna dahil mas kakailanganin mo ang lakas mo mamaya.”

Nang makalabas si Apostola ay kaagad dinaluhan ni Anastacia si Kaya. Halatang hindi nito gusto ang narinig. Nanginginig ang mga palad nito.

Ilang babae na rin naman ang nasaksihan ni Anastacia na ipinatawag. Pero ang iba sa mga ‘yon ay gusto ang ideya na makasisiping ng mga ‘to ang Master. Dahil sa bawat gabi raw ay may kaakibat ‘yong mamahaling alahas na kapalit. Ang iba ay gusto ito dahil na rin sa hitsura. Pero alam ni Anastacia na hindi si Kaya.

“Kaya,” hindi alam ni Anastacia kung anong sasabihin.

Ngumiti naman sa kanya si Kaya. “Normal ‘to,” hinawakan nito ang kanyang mukha. “Alipin tayo at pag-aari nila. Patayin man nila tayo rito, nasa kanila na ‘yon. Walang batas para sa ‘tin sa lugar na ‘to. Walang magliligtas sa ‘tin. Kung gusto nating mabuhay, isa lamang ‘to sa maisasakripisyo natin.”

Nag-init ang mga mata ni Anastacia. Hindi niya mapigil ang pagbabagsakan ng mga luha. Napakahalaga ni Kaya sa kanya.

“Kakausapin ko ang Young Master—”

“Iyan ang huwag mong gagawin. Lumagay ka sa kung ano tayo rito. Ang Master at Young Master ay hindi dapat magkaroon ng pagtatalo para lamang sa ‘tin. Ipagsawalang-bahala mo na lamang ang mga narinig mo.”

Nang tumayo si Kaya ay sinundan ‘to ng tingin ni Anastacia.

Nagpapakatatag lamang ‘to pero natatakot ‘to sa mangyayari.

Wala siyang magagawa para iligtas ‘to.

 Pareho lamang silang tahimik hanggang makapasok ‘to sa paliguan matapos ibigay ang pabango rito. Naamoy kaagad ni Anastacia ang mabango at nakahuhumaling na amoy ng pabangong kahalo ng tubig. Matagal si Kaya sa paliguan halatang nilinis nito nang husto ang sarili. Maaari ring umiiyak ito kaya mas nagtagal ito.

Nang lumabas ‘to ng paliguan suot ang roba ay nakamasid lamang dito si Anastacia.

Iyon sila, mga alipin na maaaring paganahin na tila puppet.

Maging ang kasuotan na ibinigay kay Kaya ay masyadong maglalantad sa katawan nitong pinagkakatago-tago.

Umaasa si Anastacia na magbabago ang desisyon ng Master pero walang ganoong balita.

Dumating na rin si King kaya kinailangan niya ‘tong iwanan sa silid.

“Anong problema?” tanong ni King sa kanya.

Napansin siguro nito na wala siya sa konsentrasyon dahil maling kasuotan ang dala niya para rito. Uniporme kasi uli ‘yon.

“M-may gumugulo lang sa ‘kin,” napabuntong-hininga siya.

“Ano ‘yon?” hinila siya nito sa kamay. Naupo ‘to sa gilid ng kama at hinila siya paupo sa hita nito saka niyakap sa likuran. Kaliligo lamang nito at nakaroba ‘to. Hindi labag ‘yon sa loob niya kaya ayos lamang sa kanya ang ginagawa ni King. Pero si Kaya, kung gagawin nito ‘yon? Paniguradong takot ang mararamdaman nito.

“Naisip ko lang na sa dami ng batas, wala kahit isang para sa proteksiyon ng mga alipin. Sa lugar na ‘to, bagay lamang kami para sa mga bampira. Wala kaming hihingan ng tulong—”

Iniharap ni King ng bahagya ang mukha niya rito kaya nagkatitigan sila.

“Bakit mo nasabi ‘yan? Pero tama ka naman do’n walang batas para sa mga tao sa lugar na ‘to.” Halata naman ang simpatya ni King. Hinawi nito ang buhok niyang humarang sa kanyang mukha. “Kaya nga gusto kong sa lugar ng mga tao tayo tumira. Sa lugar na ‘yon walang proteksiyon para sa mga bampira. Kahit mabuhay kami malayo sa pagiging kriminal, ang tingin pa rin sa ‘min ay halimaw kaya kahit mamatay din kami ro’n, ikatutuwa ‘yon ng mga tao.”

Nanlaki ang mga mata ni Anastacia. Bakit hindi niya naisip na sobrang mapanganib pala ng lugar na ‘yon para rito?

“Pero mas may kakayanan naman akong lumaban. Ang mahalaga sa lugar na ‘yon malaya ka na.” Idinikit nito ang noo sa kanyang noo. “Sa lugar na ‘yon may batas ng po-protekta sa ‘yo. Maaari ka ng magsuot ng mga gusto mong kasuotan. Doon, hindi lang ako ang magbibigay proteksiyon sa ‘yo. Doon, hindi ka na maglalakad sa ‘king likuran. Maaari na tayong maglakad ng magkakapit ang kamay. Sa lugar na ‘yon, hindi ka na isang alipin.”

Napakalamyos ng boses ni King. Pakiramdam ni Anastacia ay sasabog ang puso niya dahil sa mga salitang binitiwan nito. Lahat ng gusto nito ay para sa ikabubuti niya.

“Mahal na mahal kita, Anastacia.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
Allan Cambay Española
kaya...nakakatawa ka naman Isa ka pala sa mag bibigay alis Kay Master Ezekiel
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status