Share

Chapter 25

Nakatulala akong nakatingin sa katabi ko na halos sakupin na ang higaan ko.

Mahina kong tinapik ang balikat nito para gisingin sya dahil mag-uumaga na at baka may makakita sa kaniya na mga bodyguard na nag iikot.

"Mamaya na..." idinilat nya ng kaunti ang mata nya at ipinikit muli.

"Anong mamaya na maglilibot na yung mga guard, tumayo ka na jan." saad ko sa mahinang boses.

Tinatamad siyang tumayo at pumasok sa loob ng cr habang ako naman ay inaayos ang higaan simulang nung madaling araw di na ako nakatulog akala ko naman ay aalis agad ang Gaga makikitulog rin pala.

Sinakop pa yung buong higaan kahi't sobrang laki ng kama ay hindi kami magkasya dahil kada minuto ay umiiba ang pwesto ng higa nya.

"Ang lambot ng kama mo, sarap matulog maghapon." ani nya ng makalabas sya ng cr habang humihikab.

"Pakiramdam ko ay buong gabi may nakatingin sa'kin habang natutulog ako," dagdag nya at nginitian ako ng malaki.

"Wag ka nang bumalik rito, umuwi ka na." itinulak ko sya papunta sa harap ng bintana,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status