"Come on, Amanda. Pick up the phone."
Bulong ni Lexie sa sarili habang paulit-ulit na tinatawagan sa cellphone ang kanyang pinsan.
"Aba, mukhang busy ang bruha."
Napairap na lang siya nang sa ikalawang beses ay wala pa ring sagot mula kay Amanda.
Balak sana niyang puntahan ang pinsan sa bahay nito upang humingi ng tulong sa paghahanda ng isang munting sorpresa para kay Rafael, ang kanyang fiancé.
"Hayyy… di bale, pupuntahan ko na lang."
Muli niyang bulong sa sarili saka nakangiting binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan bago excited na nagmaneho patungo sa bahay ng pinsan.
"Cous?"
Malakas ang kanyang tawag nang makapasok siya sa bahay ni Amanda. Agad namang kumunot ang kanyang noo nang, sa halip na ang pinsan ang bumaba upang salubungin siya, ang nag-aalalang mukha ng katulong nito ang bumungad sa kanya.
"Where’s Amanda, Manang?"
Excited niyang tanong habang hinuhubad ang suot na lab coat.
"M-mukhang galing ka pa sa eskwela, iha. Halika at igagawa kita ng masarap na merienda."
Pilit na ngumiti ang matanda.
"Hindi na po. Nasaan si Amanda?"
"W-wala ho siya dito, may pinuntahan."
Muling nangunot ang noo ni Lexie sa sagot ng katulong. Nakapagtataka pa na habang nagsasalita ito, panay ang tingin nito sa itaas.
Napailing na lang siya at hindi na nagsalita pa. Sa halip, nagpatuloy siya sa pag-akyat ng hagdan patungo sa silid ng pinsan, hindi na rin pinansin ang nag-aalalang tawag ng matanda na halatang gustong pigilan siya.
"Amanda?"
Muling tawag niya, ngunit agad na napatigil nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa loob ng silid ni Amanda.
"What the hell? Is that Rafael?"
Bulong niya sa sarili, saka idinikit ang tainga sa pinto upang mas malinaw na marinig ang nagaganap sa loob.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang sunod-sunod na ungol ng isang lalaki at babae. Hindi na siya nakapigil at walang sabi-sabing binuksan ang pinto.
At sana nga'y hindi na lang niya ginawa.
Agad niyang natakpan ang sariling bibig at napanganga habang pilit na tinatapunan ng tingin ang dalawang taong kapwa walang saplot sa ibabaw ng kama.
"You stupid motherf#c#ers!"
Halos pabulong ngunit matalim ang kanyang tinig—sapat upang parehong mapatalon sa kama sina Amanda at Rafael.
"B-babe?"
"L-Lexie?"
Sabay at kapwa nahintakutang tawag ng dalawa sa kanyang pangalan habang nagmamadaling nagbihis si Rafael. Si Amanda naman ay mabilis na hinila ang kumot upang takpan ang kanyang kahubaran.
"Hayup, ang bababoy niyo!"
Mariing sabi ni Lexie habang pigil na pigil ang pagluha.
"Cous, we can explain."
Nag-aalalang sabi ni Amanda.
"I have a lot to say to both of you, but I don’t even know where to start. I hate you right now, Amanda—so much that I can’t even fathom calling you ‘cous’."
Nakangiting nangisi si Lexie saka matalim na tinitigan si Rafael, na ngayon ay palapit na sa kanya.
"Don’t even think about going near me, Rafael. God forbid, gusto kong i-dissect ka ng walang anesthesia."
"Babe, please, let me explain?"
Pakiusap ni Rafael habang patuloy sa paglapit.
Pigil ang luhang mabilis na umatras si Lexie bago walang sabi-sabing tumakbo palabas ng silid.
"Lexie, wait!"
Rinig niyang sabay na sigaw ng pinsan at ng hudas niyang fiancé bago pa man siya makababa ng hagdan.
"Stop following me! I don’t wanna hear your lies! Sapat na ang nakita ko!"
Mariin niyang sigaw, saka mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Wala nang lingon-likod na tinungo niya ang kanyang sasakyan at mabilis iyong pinaandar.
"Lexie, I know you're in there. Please open the door. Mag-usap tayo."
"Get lost!"
Sigaw niya kay Amanda, na kanina pa kumakatok sa pinto ng kanyang condo unit.
"I am not leaving hangga’t hindi mo ako kinakausap!"
"Eh ‘di mabulok ka riyan!"
Galit niyang sigaw bago pabagsak na naupo sa sofa.
"Lex? Babe, please talk to us."
Napatingin siya nang marinig ang boses ng manlolokong si Rafael.
The nerve.
And they had the audacity to come to her house together after what they did?
Galit na dinampot ni Lexie ang isang mamahaling vase na nakapatong sa lamesa at walang habas iyong ibinato sa pinto.
Isang malakas na ingay ang lumaganap sa paligid kasabay ng pagkabasag nito sa sahig.
"Please, we know that you’re mad, but let us explain."
Muling pakiusap ni Rafael kasabay ng sunod-sunod na hikbi ni Amanda.
"I am sorry. What we did was wrong. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan mo pa malalaman ang ginagawa namin behind your back. But please…"
Umiiyak na pakiusap ni Amanda.
Mabilis na napatayo si Lexie at agad na binuksan ang pinto—hindi upang papasukin sila, kundi upang hingin ang sagot sa tanong na kanina pa gumugulo sa kanyang isipan.
"Since when?"
Matigas ang kanyang tinig.
"Kailan niyo pa ako niloloko?"
Puno ng hinanakit ang kanyang boses habang tinititigan ang dalawa, na nagkatinginan muna bago siya sagutin.
"M-mag-i-isang taon na. I am so sorry, Lexie."
Basang-basa ng luha ang pisngi ni Amanda habang nagpapakumbabang umaamin.
Isang taon…
Mariing pumikit si Lexie at tuluyang pinakawalan ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
"W-why?"
Iyon na lang ang tangi niyang nasabi.
Isang taon na pala siyang niloloko ng dalawang taong labis niyang pinagkatiwalaan. Sobra-sobra ba ang tiwalang ibinigay niya kaya hindi man lang niya napansin na may namamagitan na sa kanyang pinsan at sa anim na taon niyang karelasyon?
"I- I am p-pregnant, Lex. I am so sorry…"
Halos pabulong ang sinabi ni Amanda.
Tila gumuho ang mundo ni Lexie sa narinig.
Agad siyang napahawak sa doorknob upang kumuha ng lakas habang nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"I can’t believe this. What the hell did I ever do to you? Lalo na sa iyo, Rafael! Anong kasalanan ko sa inyong dalawa?"
"W-wala… wala kang kasalanan. We jus—"
"Just what, Rafael? Just that you were horny and you knew I couldn’t satisfy your needs yet, so you ran to her?"
Tahimik ang dalawa.
Napakuyom ang mga palad ni Lexie.
"I am going to make your lives a living hell!"
Mariin niyang sigaw bago pabagsak na isinara ang pinto.
4o