Share

Kabanata 2

Penulis: LalaRia
last update Tanggal publikasi: 2025-03-11 10:38:22

Walang tigil sa pag-iyak si Lexie habang hawak ang isang shot glass. Alam niyang pinagtitinginan siya sa bar, pero wala siyang pakialam.

"Pshhh, what do they know about me? People keep staring, and it’s pissing the crap out of me. Ngayon lang ba nakakita ng isang babaeng miserable ang mga tao rito?"

Umiiyak pa rin siya, ngunit bakas ang inis sa kanyang boses. Napalakas yata ang kanyang pagsasalita, kaya naagaw niya ang atensyon ng bartender.

"What?"

Lexie snapped at him.

"A-ayos lang ho ba kayo, ma’am?"

Nag-aalalang tanong ng bartender, dahilan para mapairap si Lexie.

"Mukha ba akong okay? My stupid fiancé got my stupid cousin pregnant. They are going to get married, so no, I am not okay. Okay na? Can you leave me alone now?"

Masungit niyang sagot bago inisang lagok ang hawak na shot ng scotch. Mariin pa siyang napapikit nang muling gumuhit sa kanyang lalamunan ang pait at anghang ng matapang na alak.

Sandali pa siyang nag-isip kung nakailang shot na nga ba siya, pero sa huli, hindi na lamang niya iyon pinansin. Sa halip, tinawag niya ulit ang pakialamerong bartender para humingi pa ng isa.

"Rafael is getting married. My stupid, stupid fiancé is going to marry someone else…"

Wala sa sariling sabi niya, saka napahagalpak ng tawa. Maya-maya pa, napalitan iyon ng hikbi, hanggang sa tuluyan siyang humagulgol.

The pain she felt in her chest kept growing bigger and bigger every day, and Lexie hated how miserable she had become.

Pitong taon silang magkasama ni Rafael. Dalawang taon na ang lumipas mula noong yayain siya nitong magpakasal, at iginugol niya ang dalawang taong iyon sa paghahanda. Ngunit isang saglit lang siyang nalingat, at agad siyang nasalisihan.

Ayos lang sana kung ibang tao—kung hindi niya kilala. Ngunit nito lang nakaraang linggo, nadatnan niyang nagtatalik si Rafael at ang kanyang pinsan, si Amanda, sa mismong kama nito. Idagdag pang nalaman niyang buntis si Amanda, at ang kanyang fiancé na si Rafael ang ama ng dinadala nito. Halos gumuho ang mundo niya sa isiping niloko siya ng dalawang pinakamalapit na tao sa kanya.

Hindi pa doon natapos ang sakit na naramdaman niya. Kanina lamang, walang pakundangang in-announce ng kanyang pinsan na ikakasal na sila ni Rafael.

"Isang taon…"

Mahinang bulong niya sa sarili, saka pilit pinigilan ang mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mga mata.

"Isang taon na nila akong niloloko, pero hindi ko man lang nahalata… Gosh, I am so stupid…"

"Gantihan mo sila."

Biglang napatingin si Lexie nang marinig ang tinig ng bartender. Kasabay nito, muli siyang napaluha.

"Para namang ganoon kadali iyon, ‘di ba?"

Sagot niya, saka pilit na inirapan ang bartender.

"Madali lang po iyon, ma’am. Isipin mo ang bagay na magkakaroon ng malaking epekto sa ex mo."

Nakangiting sagot ng bartender.

"Come on, you’re just saying those things to make me feel better, right?"

She said as she wiped the tears off her beautiful face.

"Kanina ka pa kasi umiiyak, eh."

"Oh, tapos tingin mo magiging okay ako kapag sinabi mong gumanti ako?"

Nakasimangot niyang sagot. Napangiti naman ang bartender saka tumango.

"Come on, you just gave me a stupid idea. Why the hell am I even talking to you?"

Masungit niyang sabi, saka natigilan at sandaling nag-isip.

"Pero alam mo, tama ka. Kung gumanti ba ako at ibalik ko ang sakit sa kanya, magiging okay ba ako?"

Wala sa sariling tanong niya.

"Posible po, ‘di ba? Noong bata pa tayo, kapag nasasaktan tayo, gumagaan ang pakiramdam natin kapag nagagantihan natin ang umaway sa atin."

Nakangiting sabi ng bartender, dahilan para muling mapaisip si Lexie. Ngunit sa huli, napasimangot siya.

"Wala kang sense kausap. Alam mo ba ‘yon? Bumalik ka na nga sa trabaho mo at pabayaan mo akong maging miserable."

Masungit na utos niya, pero nagawa pa rin siyang ngitian ng bartender. Bago ito tumalikod, naglapag pa ito ng dalawang shot ng scotch sa harapan niya.

"Dahil brokenhearted ka, libre ito."

Nakangiti itong lumayo.

Pasado alas onse na yata, at naroon pa rin si Lexie sa bar. Alam niyang marami na siyang nainom—hindi lang dahil nahihilo na siya, kundi dahil umiikot na rin ang kanyang paningin.

"Hey, you’re here."

"Yeah, what’s up?"

"I’m glad to see you here, Ram Jordan."

Agad na napatingin si Lexie nang marinig ang pangalang iyon.

‘Ram Jordan…’

Masyado na ba siyang lasing at pati apelyido ng hudas niyang ex-fiancé ay naririnig niya na?

Nang iniangat niya ang paningin, bumungad sa kanya ang isang gwapo at makisig na lalaki. Mukhang mayaman, maganda ang pananamit, at matikas ang tindig. Sa tantiya niya, nasa trenta pataas ang edad nito. Kayumanggi ang balat, matangkad, at malaki ang katawan—tila kayang buhatin kahit tatlong kagaya niya nang sabay-sabay.

Matalim ang tingin ng kanyang mga mata, pero hindi nakakatakot. Bagkus, bumagay pa ito sa kanyang kakisigan. May matangos na ilong at parisukat na panga.

‘Shocks, ang gwapo…’

Bulong niya sa sarili. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin na rin ito sa kanya.

‘What the hell, I am still weeping over my traitor ex, yet I am now eyeing a hunk.’

Pinagalitan niya ang sarili.

"So, anong ginagawa ng isang Ram Jordan sa bar ko?"

Muling naagaw ang kanyang pansin nang magsalita ang bartender.

Ram Jordan…

Ibig sabihin, hindi siya nagkamali ng dinig sa pangalan nito?

"Holy cow, hindi kaya…?"

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Wala sa sariling pinagmasdan niya ang lalaki at palihim na inaral ang itsura nito.

"No way. Imposible…"

Bulong niya, pero hindi iyon nakalampas sa pandinig ng lalaki.

"May I help you?"

Kunot-noong tanong ng lalaki. Mabilis siyang napailing bilang sagot.

"You were staring at me for a while now, so I figured you have something to say."

"I- I just thought you looked f-familiar…"

Pagsisinungaling niya, saka muling umiwas ng tingin.

"Imposible talaga… Baka magkapareho lang sila ng last name."

Ngunit nang muli niyang marinig ang susunod na sinabi ng lalaki, halos mabitawan niya ang hawak niyang baso.

"Yep, my nephew is getting married. His name is Rafael Jordan. He’s from here, too. Do you by any chance know him?"

Napanganga si Lexie.

‘Oh my God, this gorgeous hunk is my stupid ex’s uncle?’

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 272

    Nasa biyahe pa lamang patungong Cavite ay halos abot tenga na ang ngiti sa mga labi ni Lexie, pakiramdam niya pa ay tila umaapaw ang kanyang eneergy sa umagang iyon kahit pa nga halos mag a-alas kwatro pa lamang ng umaga ay gising na siya at nag umpisa nang mag handa para sa 2 weeks vacation ng kany

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 271

    Halos mag kakalahating oras nang naka hilata si Lexie sa kama katabi si ram ngunit kahit anobg pahinga yata ang gawin niya ay hindi niya pa rin makuhang bawiin ang kanyang lakas.Bahagya siyang napa ungol nang maramdaman ang mainit na palad ni Ram na marahang humahaplos sa kanyang balikat, saka mata

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 270

    Ramdam ni Lexie ang pag higpit ng pag hila ni Ram sa kanyang buhok sa bawat hagod ng kanyang mga labi sa pagkalalaki nito, sinabayan pa ng mahihinang halinghing na lumalabas sa lalamunan ni Ram sa tuwinang hahalikan salitan niyang hahalikan ang at paglalaruan ng dila ang tip niyon.“Ughh F*ck!” Lex

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 269

    “Ram, ano ba… Hindi ba nakaka hiya sa mga bata?”Nanlalaki ang mga matang agad na saway ni Lexie kay Ram nang walang sabing buhatin siya nito matapos makuha ni Addy mula sa pagkaka karga niya si baby Oliver.Kaya lamang ay lalo lamang siyang nataranta nang tila wala man lang narinig si Ram sa halip

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 268

    It was past five in the afternoon nang sa wakas ay matapos sa halos mag hapong pag langoy sa pool sina Macy at Addy.Sabay pa silang natawa ni Ram nang magpa unahan ang dalawa sa pag pasok sa loob ng shower room malapit mismo sa pool.“Hey! No running by the pool girls!”Hindi nagawang mapigil ni Le

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 267

    Naging mabilis ang pag lipas ng mga araw at buwan mula noong ipanganak ni Lexie ang kanilang baby boy.Kasabay ng pag labas nila sa ospital ay siya ring unang araw ng pag lipat ng anak ng pinsan niyang si Amanda at ni Rafael sa bahay nila.Wala namang pag lagyang ang tuwa ng panganay nila nila ni Ra

  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 203

    Sabi ng anak na lalo pang nanlaki ang mga bilugang mga mata. “Why did you leave him mom?” Oh dear God, out of the mouth of babe! Mariing napa pikit si Lexie saka pilit na tinitigan ang anak. “Because we had a misunderstanding, an argument…” Pag amin niya sa anim na taong gulang na anak na

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 207

    She smiled bitterly then forced herself to meet his gaze. “I- I was hurt, and I got fed up, I thought I can no longer take any more pain because of you, and I felt it was never ending… I was- I was ready to forgive you, forget everything that had happened, then Honey-“ Sandaling natigil sa pag

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 198

    ‘And does he really need to wear that?’ Lexie longed to cry out. Yesterday his presence had shocked and dismayed her. Last night, she’d been numbed, haunted by the memory of him, too haunted that she failed to sleep until four in the morning. Now he’s standing by her apartment’s door, sending

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • The Wild Virgin [SPG]   Kabanata 201

    Sabi ni Ram dahilan para muli nanamang manlaki ang mga mata ni Lexie. She closed her eyes then slowly opened tthem again. “Agad agad talaga Ram?” Kunot ang noong sabi niya, nanatili lamang naman itong tahimik habang matamang naka titig sa kanya dahilan upang siya’y mapairap. “I can’t invite

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status