Be With YouMATAPOS makapag almusal. Dumiretso na kami ni Alaric sa kotse niya para makapagtrabaho na siya. Pagod ako sa byahe, aaminin ko. Ngunit, maayos ayos na naman ang pakiramdam ko nang makakain na ako.Tahimik na pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming bahay at mga puno sa gilid. May mga batang pansin ko ay napapatingin sa kotse ni Ric 'pag lumiliko. Tipid akong napangiti.Napapikit ako habang dinadama ang ihip ng hangin na tumatama sa magkabila kong pisngi. Kaunting mga hibla ng buhok ang nagagalaw dahilan para mas lalo pa akong mapangiti. Dahil sa pakiramdam, para akong nasa safe na lugar. Naisip ko, kung pwede labg sana na dito nalang ako manatili. Maganda ang ihip ng hangin at nakaka-relax. Hindi gaanong mainit kahit nasa ganitong mga oras.Maganda dito..."You feeling good?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang makarinig ng magandang pagkaka-ingles ng nasa gilid ko. Liningon ko si Ric at awkward na nagkibit ng balikat. Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya habang ang
PagtatakaNA-KIDNAPPED ako. Grade five ako noon. Pauwi sa amin habang naglalakad. Bigla nalang may lumapit na babae at binigyan ako ng candy. Noong una ayaw ko noon dahil marami ng kumakalat na mga sabi sabi tungkol sa mga nawawalang bata.Kahit na hindi ako sumunod sa gusto nila, kinuha pa rin nila ako. Dinala sa madilim na lugar kasama ang ibang mga bata. Rinig ko noong hindi pa ako nakuha, ang mga nawawala raw na bata ay pinapatay at ipinagbibili sa mga mayayamang tao. Akala ko noong una ay ganoon rin ang gagawin sa akin.Mahigit dalawang araw akong wala. Nakakulong lang roon sa madilim na lugar kasama ang hindi pamilyar sa akin na mga mukha. Ngunit, ang akala kong mananatiling dilim ay biglang nawala. Nalayo ako roon at agad na naligtas.Kahit na nakabalik ako sa amin dahil sa mga pulis, iyong takot ay narito pa rin sa akin. Nakaalis man ako roon sa madilim na lugar, ang pait ng nangyari ay mananatili at mananatili sa isipan ko. Hindi iyon mabilis na mawala. At sa tingin ko, hindi
LieNAGT-TRABAHO na naman sila ni Ric. Pasado alas sais na ng gabi nang tumigil sila ng mga kasamahan niya. Akala ko ay babalik na kami sa bahay niya, ngunit nang matapos na siyang magpunas ng pawis sa noo, pinuntahan niya ako sa kubo at agad siyang humingi ng tawad."Sorry napaghintay kita. Are you all fine here?" tanong niya, malalim ang boses. Kulay blue ang kulay ng t-shirt niya at sa baba noon halos puno ng putik. May dala siyang pala sa kanang kamay at naka bota siya sa mga paa niya. Tiningnan ko muna ang kabuhuan ng katawan niya bago pilit na napatango.Sa kubo, kasama ko sila Manang Juli at asawa niya. Nalaman ko na pamangkin ng ginang si Bea kaya narito rin ang babae."Ayos lang naman..." Tumango si Ric. Hinawakan niya ang siko ko na para bang pinapahiwatig na sumunod na ako sa kanya. Tumalikod siya. Agad niya rin na inalis ang kamay niya roon at ilang sulyap ang ipinakita sa akin. Napatikhim ako bago sila Manang Juli liningon.Nakita ko ang ginang na nakangiti habang si Bea
MagulangKinabukasan, ang akala kong katabi ko na si Ric ay wala sa gilid ko. Nakatulog ako dahil sa kakaisip at nang gabing iyon, lumabas si Ric sa kubo. Hindi ko na siya sinundan pa dahil hindi mawala sa isipan ko iyong mga sinabi ni papa."Magandang umaga. Kumusta ang gising mo, Hija?" Napakurap ako dahil sa bati ni Manang Juli. Sa labas ng kubo, may malapad na lamesa roon at sa harapan, puno iyon ng mga pagkain. Maliwanag na ang araw dahilan para mas lalo pang magising ang sarili ko sa pagkakaantok."P-Pwede pong maligo sa inyo?" tanong ko, nahihiya ang tono ng boses habang palihim na inaayos ang buhok."Oo naman. May damit ka bang dala?" Nakangiti siya kasama si Intoy at ibang mga nag aayos ng mga pinggan sa lamesa. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at umiling."Ibabalik ko nalang po itong damit ko. Aalis rin naman po kami ni Ric. Magbibihis nalang po ako roon sa bahay niya..." sinabi ko. Tumango si Manang at natatawa akong sinamahan patungo sa bahay niya. Napansin ko ang pagsuno
WALA NA akong magagawa pa. Gustuhin ko man o hindi, ipapakasal nila ako. At sa amo pa talaga ng papa ko."Isipin mo nalang na ito ang makakapagpabusog sa at—""Ma naman...Pwede ba i-iba naman? Pwede ba, isipin niyo rin naman iyong mararamdaman ko?" Ilang beses na akong umiyak sa harapan nila. Ilang beses na akong nagmakaawa at lumuhod para lang hindi matuloy iyong mga binabalak nila sa akin, ngunit hindi pa rin nila ako tinulungan na tumayo.Hinaplos ni Mama iyong pisngi ko. Narito kaming mag ina ngayon sa kama ng kuwarto ko. Habang ako ay lumuluha, siya naman ay pinapatahan ako. Para niyang inihahatid na wala ni isa siyang magagawa para matigil itong kalokohan na ito."Pagkatapos na pagkatapos ng tatlong buwan, ipaghihiwalay namin kayo. K-Kahit na...amo siya ni Glen, gagawa ako ng paraan," nanginginig na paliwanag ni mama. Mas lalo kong nahigpitan iyong pagkakayakap sa bisig niya.Hindi ko kaya..."M-Ma, rinig ko...matandang lalaki at mahilig raw sa babae iyong papakasalan ko. M-Mama
JerseyPINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin. Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.May nakakatawa ba?"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod,
Kapalit"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay."You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito."Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas."I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko."Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang n
DrunkHINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong. Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil...."Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob."Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako