Share

The Zillionaire's Abandoned Wife
The Zillionaire's Abandoned Wife
Author: Pink Moonfairy

Kabanata 01

last update Last Updated: 2025-02-13 08:30:34

Pasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador.

Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon.

It's her 26th birthday today.

Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita.

Nang buhayin niya ang kanyang cellphone, bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala. Napangiti siya dahil doon.

Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon.

Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama, ang asawa niya.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga.

No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today.

Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang ito. This country is at zero degree celsius for fuck sake!

Nang makarating siya sa mansiyon, lagpas alas-diyes na ng gabi.

She's covered with snow nang makarating siya sa pintuan ng mansiyon. Walang nagbuhat ng mga gamit niya dahil maging ang driver na nasakyan niya ay ayaw nang lumabas sa sasakyan dahil sa marahas na buhos ng snow.

Kaya naman laking gulat ni Nana Sela, ang mayordama ng mansiyon, nang makita siya.

“Trixie, ineng! Bakit ka nandito? Hala, hindi namin alam na uuwi ka ngayon. Pasensiya na! Halika, tulungan na kita diyan sa bagahe mo."

"Salamat po. Ah, nasaan po si Sebastian at Xyza?”

“Hindi pa nakakauwi si Seb, nasa kwarto naman ang young miss, naglalaro nang huli kong silipin.”

Hinayaan na ni Trixie ang kaniyang mga maleta kay Nana Sela at iba pang katulong, saka umakyat sa taas.

Pagdating niya sa kwarto ng anak, nakita niyang nakasuot na ito ng pajamang pantulog. Pero malayo pa sa ito sa inaantok dahil nakaupo pa sa harap ng maliit niyang lamesa at abala sa kung anong ginagawa.

Napaka-seryoso nito, kaya hindi na napansin ang kanyang pagpasok.

“Xyza?”

Napalingon si Xyza sa pinanggalingan ng boses, at agad na nagulat sa taong nasa pinto ng kaniyang kwarto.

“Is that you, Mom?"

"Yes, my baby. Give Mom hugs and kisses, please. Miss na miss na kita."

Sumunod naman ang bata pero halos walang sigla lang itong humalik at yumakap sa kaniya. Pagkatapos ay bumalik ito agad sa ginagawa, at patuloy na paglalaro ng kung ano sa kanyang kamay.

Medyo nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa nakuhang reaksiyon sa anak.

Pero hindi nito napigilan si Trixie. Baka pagod lang ang bata kaya siya na ang lumapit dito at yumakap ng mahigpit sa anak. Hinalikan niya ng paulit-ulit ang ulo at leeg nito ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa nang itinulak siya nito palayo.

“Mom, I'm still busy.”

Tatlong buwan siyang nawalay dito kaya kahit paulit-ulit niya itong halikan at yakapin ay hindi pa rin sapat. Sobrang nangulila siya sa anak pero mukhang hindi ganoon si Xyza sa kaniya.

Mukhang focus talaga ito sa ginagawa kaya ayaw na niyang gambalain pa ito. Nagkasya na lang siya sa pakikipag-usap dito.

“Xyza, gumagawa ka ba ng kuwintas mula sa mga sea shells?”

“Yes po!” Agad na lumiwanag ang mukha ni Xyza. Halatang excited ito.

“Ipinaghahanda namin ni Dad ng regalo si Tita Mommy Wendy! There's only a week before her birthday! Do you know Mom, si Dad pa ang kumuha at nagpaganda ng mga shells na ‘to for her! Ang ganda po, ‘di ba?”

Napalunok si Trixie, tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Alam niyang malapit ang half sister niyang si Wendy sa mag-ama pero hindi niya akalaing ganito na ang tawag ni Xyza sa babae.

Bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita ang anak habang nakatalikod sa kanya.

“Nagpagawa rin si Dad ng ibang regalo para kay Tita Mommy Wendy. Tomorrow for sure—”

Biglang nanikip ang dibdib ni Trixie. Hindi na niya napigilan ang sariling magtanong.

“Xyza... naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?”

“Huh? Ano po?”

Tumingala si Xyza sa kanya, pero agad ding bumalik sa pagkukumpleto ng kanyang kuwintas.

“Mom, don't distract me please! Nagkakagulo ang pagkakasunod-sunod ng shells at beads because you keep on talking to me!”

Kusang lumuwag ang yakap ni Trixie sa bata at hindi na nagsalita pa.

Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod para mapantayan ang anak, pero nangalay na lang siya sa kakatayo ay hindi na ito ulit nang-angat ng tingin sa ginagawa. Nang mapansing hindi man lang siya nilingon ng anak, dahan-dahan niyang kinagat ang labi, saka tahimik na lumabas ng kwarto.

Pagbaba niya, sinalubong siya ni Nana Sela. “Trixie hija, tumawag na ako kay Seb. May inaasikaso pa raw siya ngayong gabi. Sabi niya ay mauna ka na lang magpahinga.”

“Okay po.”

Saglit siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi ng anak kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Sebastian.

Matagal bago nasagot ang tawag. Nang sumagot ito, bahagya lang ang tinig, parang walang kagana-gana magsalita.

“I’m working with something. Tatawagan kita bukas—”

“Seb, gabing-gabi na ah, sino ‘yan?”

Sigurado siya.

Boses iyon ni Wendy Bolivar.

Napakuyom ng mahigpit si Trixie sa kanyang cellphone.

“Just someone.”

Bago pa siya makapagsalita, ibinaba na ni Sebastian ang tawag.

Tatlo o apat na buwan na silang hindi nagkikita. Nakarating na siya dito sa America, pero ni hindi ito nagmadaling umuwi para makita siya. Kahit sa tawag, halatang wala itong ganang kausapin siya.

Sa dami ng taon nilang mag-asawa, palagi na lang siyang ganito tratuhin ni Sebastian, malamig, malayo, at tila laging walang pakialam.

Simula ng araw matapos ang kasal nila. Naging ganito na ito.

Palangiti, pilyo, at mapagmahal si Sebastian noong mga college days nila. Kaya naman nahulog talaga siya dito.

He would even let her call him Tres, that's his nickname before. Pero simula nang magbago ito, tila naging isang ipinagbabawal ng pangalan iyon. Mamumula ito sa galit at pagagalitan siya sa tuwing susubukan niyang tawagin siya sa ganoong pangalan.

Ni hindi niya magawang magtanong dahil parang lagi itong sasabog sa galit. Hanggang sa dumating ang araw na natutunan niyang kalimutan na iyon.

Kung dati pa ito nangyari, tiyak na tatawagan niya ulit si Sebastian, paulit-ulit na tatanungin kung nasaan ito at kung uuwi ba ngayong gabi.

Pero siguro dahil sa pagod na rin siya ngayong araw, bigla na lang siyang nawalan ng ganang gawin iyon.

Sanay na rin naman siya.

Pagkagising niya kinabukasan, pinag-isipan niyang mabuti at muling tinawagan si Sebastian.

12 o 13 hours ang agwat ng oras sa pagitan ng America at Pilipinas. Kaya kung ang time zone ng US ang susundin, ngayon mismo ang kanyang kaarawan.

Isa sa mga dahilan kung bakit siya pumunta rito, bukod sa gusto niyang makita si Xyza at si Sebastian, ay dahil sa simpleng hiling niya na magkakasalo silang tatlo sa isang masayang hapunan sa espesyal na araw na ito.

Ito ang birthday wish niya ngayong taon.

Pero hindi sinagot ni Sebastian ang tawag niya.

Matagal pa bago siya nakatanggap ng mensahe.

[May kailangan ka ba?]

Trixie: [Libre ka ba mamayang tanghali? Pwede ba tayong magkasamang tatlo ni Xyza para kumain?]

[Okay. Just send me the address of the restaurant.]

Trixie: [Sige.]

Pagkatapos niyon, wala nang sumunod pang mensahe mula kay Sebastian.

Hindi ba talaga nito naalala na kaarawan niya ngayon?

Kahit handa na si Trixie sa posibilidad na ito, hindi pa rin niya napigilan ang balutin ng lungkot. She thought she would be immune to his cold treatment, but she guessed wrong.

Matapos maligo at mag-ayos, handa na siyang bumaba nang marinig niya ang boses ng kanyang anak at ni Nana Sela sa ibaba.

“Trixie, halika rito. Mukhang malungkot ang young miss. Hindi naman siya nagsasalita kapag tinatanong ko.”

“Mom! May usapan na kami ni Dad na sasamahan si Tita Mommy sa sea side bukas. Kung bigla kang sumama, nakakahiya naman sa kaniya. Could you not go, please? Please?”

“Isa pa, masungit ka kasi, Mom. Palagi kang masungit kay Tita Mommy. I don't want to hurt her feelings. Hmp.”

“Young miss, ang asawa ng Daddy mo ay ang Mommy mo. Huwag mong sabihin ‘yan. Masasaktan ang damdamin niya, naiintindihan mo ba iyon?”

“I know that Nana Sela, pero mas gusto namin ni Dad si Tita Mommy. Hindi ba pwedeng si Tita Mommy na lang ang maging mommy ko?”

“Xyza!”

Hindi na narinig ni Trixie kung ano ang naging sunod na sagot ni Nana Sela sa anak.

Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak. Sa early years nito, mas marami silang oras na magkasama. Pero sa halip na maging malapit sa kanya, mas naging malapit pa ang anak niya kay Sebastian. May mga pagkakataong naiiwan lang ang dalawa sa kwarto ng bata na hindi siya kasama, marahil ay iyon ang naging mitsa para mas mapalapit ang dalawa.

Noong nakaraang taon, lumipat si Sebastian sa America para sa negosyo. Kasama niyang lumipat si Xyza.

Ayaw sanang payagan ni Trixie na lumayo ang anak niya, pero hindi rin niya matitiis na makitang malungkot ito. Kaya sa huli, pumayag na rin siya.

Hindi niya akalaing magiging ganito ang resulta…

Parang nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya. Nanlamig ang kanyang mukha, at matagal siyang hindi nakagalaw.

Pumunta siya sa America ngayong taon, hindi lang para makita ang asawa kundi para makasama rin ang anak niya.

Pero ngayon, mukhang hindi na iyon kinakailangan.

Mukhang hindi na siya kailangan ng anak niya.

Tahimik siyang bumalik sa kwarto at ibinalik sa maleta ang mga regalong dinala niya mula sa Pilipinas. Mga handmade crochet iyon na naging libangan niya tuwing nangungulila sa mag-ama niya.

She guessed all efforts she put into these things are all in vain now.

Maya-maya, tumawag si Nana Sela. Ipinasyal daw niya si Xyza, at kung may kailangan si Trixie, tawagan lang siya. Agad siyang nagpasalamat dito.

Naupo si Trixie sa gilid ng kama. Pakiramdam niya, parang bigla siyang nawala sa sarili.

Iniwan niya ang trabaho niya, nagmadaling pumunta rito dahil sobrang excited siya.

Pero parang wala naman palang naghahanap sa kanya.

Parang biro lang ang pagdating niya.

Matagal siyang nanatili sa kwarto, she let herself wallowed in pity. Ilang minuto pa bago niya napagpasiyahang lumabas.

Naglakad-lakad siya nang walang direksyon sa estranghero ngunit kabigha-bighaning bansa na ito.

Nang magtatanghali na, bigla niyang naalala ang napag-usapan nila ni Sebastian. Magkikita nga pala silang tatlo para kumain!

Naisip niyang umuwi muna at kunin ang anak niya, pero bago pa siya makapagdesisyon, dumating ang isang mensahe mula kay Sebastian.

[May mahalaga akong aasikasuhin ngayong tanghali. Just cancel our lunch.]

Tiningnan lang ni Trixie ang mensahe. Wala siyang kahit anong reaksyon doon.

Dahil sanay na siya.

Manhid na ba talaga siya?

Sa puso ni Sebastian, hindi kailanman siya nanalo sa kahit anong bagay. Trabaho, kaibigan, o kahit ano pa, mas mahalaga ang mga iyon sa lalaki kaysa sa kanya.

Ilang beses na nitong kinansela ang plano nilang dalawa, nang hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman niya. Kung bibilangin nga, siguro ay may daang beses na.

Noon, nasasaktan pa siya.

Pero ngayon? Wala na siyang maramdaman pa.

Lalo siyang nalito.

Dumating siya rito na puno ng saya at pananabik. Pero ngayon, malamig ang pakikitungo ng asawa niya, pati na rin ng anak niya.

Hindi niya namalayan na napunta na siya sa isang pamilyar na lugar—ang restaurant na dati nilang gustong kainan ni Sebastian pero laging hindi siya pwede.

Papasok na sana siya ng restaurant nang makita niyang naroon si Sebastian.

And what hurts her the most?

Nandoon na naman pala ang mag-ama niya, ang kaso nga lang ay hindi siya ang kasama.

Magkakatabi sina Wendy at Xyza, tila malapit ang loob sa isa’t isa. Her daughter is even happily swaying her feet.

Habang kausap ni Wendy si Sebastian, tinutukso rin niya si Xyza. Tumatawa ang bata, masayang iginagalaw ang mga paa, at paminsan-minsan ay kumakain ng tinapay na kinagatan na ni Wendy.

Samantala, si Sebastian naman, nakangiti habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Wendy at Xyza. Pero ang mga mata niya… nakatuon lang kay Wendy, para bang wala nang iba pang mahalaga sa paligid niya.

Ito ba ang sinasabi niyang may mahalagang aasikasuhin?

Sabagay, tama nga naman. Wendy is damn important to him.

Kahit pa nga ang anak niyang siya mismo ang nagsilang, ang anak na inalagaan niya ng siyam buwan sa kanyang sinapupunan, at inialay ang kalahati ng kanyang buhay—ngayon, mas malapit pa sa ibang babae?

Ngumiti si Trixie na hindi umaabot sa kaniyang mga mata.

Tahimik niyang pinanood ang tanawing iyon. Kung may makikita sa malayo, tiyak na iisipin ng taong iyon na isang masayang pamilya ang ngayon ay nagsasalo-salo.

Pagkalipas ng ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang tingin at tuluyang umalis.

Pagbalik niya sa mansiyon, agad niyang inihanda ang kakailanganin sa desisyon niya.

She's gathering all the paperwork needed for divorce.

She will divorce Sebastian Klint Valderama.

Noong bata pa siya, si Sebastian ang pangarap niya.

Pero pagkatapos ng araw na iyon, kailanman ay hindi na siya muling nakita nito.

Kung hindi lang dahil sa nangyari noong gabing iyon, maaari kayang asawa ang turing ni Tres sa kaniya ngayon?

Tres…

Parang napakatagal na simula nang pumasok sa isipan niya ang pangalang iyon.

Dati, naniwala siyang basta magsikap siya, isang araw ay mapapansin na ulit siya ni Sebastian.

Just like their teenage years.

Pero sa paglipas ng mga taon, paulit-ulit na ipinakita sa kanya ng tadhana ang katotohanang hindi niya gustong tanggapin.

Halos pitong taon na rin silang kasal.

Ngayon na siguro ang panahon para magising siya sa katotohanan.

Matapos ilagay ang mga inihandang papel sa loob ng isang sobre, iniabot niya ito kay Nana Sela.

“Pakibigay po nito kay Sebastian,” mahina niyang sabi.

Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang maleta, lumabas ng bahay, at sumakay sa sasakyan.

“Sa airport po tayo,” utos niya sa driver.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (22)
goodnovel comment avatar
Mary Grace
my god ang sakit ng naman toh ......
goodnovel comment avatar
Maire Chelle Pause Hip
nice story
goodnovel comment avatar
Jocelyn Poblete
umalis ka sa buhay nila, magsumikap ka at magtagumpay ka
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 253

    Sa dami ng laban na hinarap ni Helios, alam niya na agad ang itsura ng hindi patas na laban. At sa mundong ginagalawan nila ngayon, ang pinakamapangwasak na sandata ay hindi bala, kundi ang kasinungalingan. He wants her. God knows how much he wants her for himself. But not like this.Not when her heart still holds on to the man who broke her.Ayaw nang umasa ni Helios.Hindi na rin niya kayang manlimos… o maghintay?Kung may isang bagay na matagal nang malinaw kay Helios Cuevillas, iyon ay ang katotohanang hindi niya kailanman ninais na mahalin siya ni Trixie dahil lang sa utang na loob. Hindi niya gustong lapitan siya nito bilang pahinga. He had enough of watching her survive instead of live. If she chooses him someday, I want it to be real, genuine. Hindi dahil napilitan, hindi dahil wala nang iba.Pero hindi iyon ang naramdaman niya kanina. Hindi rin iyon ang nakita niya habang tahimik siyang nakamasid sa likod ng salamin ng opisina ni Trixie.She looked… shattered.And the sadde

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 252

    Nang makaalis si Racey at Casper sa harapan ni Trixie, doon na muling bumuhos ang tindi ng emosyon na kinikimkim ni Trixie dahil nasa harap pa siya ng mga kaibigan. Naroon pa rin ang laptop sa mesa, pero naka-sleep na ito. Nakatitig siya sa repleksyon ng sarili sa salamin ng kaniyang nakapatay na laptop.Mainit ang dibdib ni Trixie. Hindi dahil sa kahihiyang dulot ng balitang kasal, kundi dahil sa galit. Sa pagkadismaya. Sa pagkabigo."Ito na ba talaga?"Dahan-dahan siyang naupo, pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Nagsalita siya. Mahinang tinig, para bang siya lang ang kinakausap niya, pero buo. Matigas. At puno ng sigla na matagal na niyang inilihim."Ito na ‘yon," bulong niya sa sarili. "Tapos na. Hindi lang basta tapos—ako na ang magtatapos."Tumingin siya sa screen ng phone niya, kung saan naka-pause pa rin ang video ng announcement ni Wendy, proud, smug, parang sinasabing, Ako ang nanalo.Napakagat si Trixie sa loob ng pisngi niya. Hininga. Saka siya tumayo. Buong la

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 251

    Makalipas ang ilang oras, isang tahimik ngunit emosyonal na tensyon ang bumalot sa buong Astranexis.Tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng central aircon at ang bahagyang kaluskos ng papalapit na yabag ni Helios sa hallway.Tumigil si Helios sa harap ng glass door ng opisina ni Trixie. Wala siyang dalang bulaklak o tsokolate, ngayon, nagdala lang siya ng sarili. Ngunit huli na siya. Sa loob, nakita niyang hindi na mag-isa ang babae.Sa loob ng opisina, nakaupo si Trixie sa sofa, nakaharap sa laptop screen na monitor. Nandoon pa rin ang freeze frame ng livestream ni Wendy, nakangiti ito habang nakataas ang kamay na may isang magarang singsing na nakasuot sa daliri. “We’re getting married.”Nasa loob si Racey at si Casper, kapwa waring naglalakad sa balat ng itlog habang kinakausap si Trixie, hawak lang ang isang baso ng tubig. Nasa gilid naman niya si Casper, nakayuko ang ulo, halatang nag-iingat sa bawat salitang sasabihin. Sa isang sulok, naglalakad

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 250

    Hindi na nagulat si Helios. He expected as much. Wendy was capable of this. Gagamitin ang kahit anong impormasyon. She knows where to hit. Kahinaan. Lihim. Bata. Para lang makuha ang gusto niya.Ito ang ginamit niya kay Klaud. Tulad ng ginawa niya kay Sebastian.“She said Trixie was playing him. Na nagsisinungaling si Trixie. She made me forge reports, falsify documents, mga medical, mga technial evidences Para hindi siya paniwalaan ni Sebastian kahit magsalita siya.”“Why didn’t you speak before?” bulong ni Helios.“Because I knew no one would believe me. Everyone thought I was already gone. And I was. I also didn’t want my daughter to die.”Tumayo si Helios mula sa pagkakaluhod. Malamig ang titig, ngunit ang loob niya’y naglalagablab.“You pathetic bastard,” bulong ni Helios. “You let a woman like her destroy another one’s life just to save your secret.”Hapong-hapo si Klaud, pilit na humihingal. Nanginginig ang buong katawan. Ngunit ang huling tinig na narinig niya ay malamig, mas

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 249

    WARNING!!! Mention of torture. “Nasaan ako? Anong lugar ‘to?! Sino kayo?! Bakit niyo ako dinukot?!”Muling pumapailanlang ang sigaw mula sa tuyong lalamunan ni Klaud Buenavides. Naghahalo ang takot, galit, at desperasyon sa kaniyang tinig. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Halos mamalat na ang kanyang lalamunan sa kakasigaw, tila ba may makakarinig at maaawa sa kanyang kalagayan. Ngunit ang tanging sagot sa kanya ay katahimikan. Walang ibang ingay kundi ang mabibigat niyang hinga at mahinang langitngit ng kahoy sa bawat pihit ng kaniyang katawan.Nakapiring siya, ang itim na tela ay nanlalagkit na sa pinaghalong pawis at luha. Nakakadena ang kaniyang mga kamay at paa sa isang lumang upuang kahoy na animo'y sinadyang ipuwesto sa gitna ng silid para gawing altar ng kalbaryo.Hindi niya alam kung sino ang may pakana nito. Hindi niya rin alam kung dahil ba ito sa Valderama o sa sindikatong tinarantado niya. Sa dami ng putik na nilusong niya bilang private investigator, wala na siyang ideya kung

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 248

    Halos isang linggo na ang lumipas. Mula nang gabing iyon, hindi na muling pinilit ni Sebastian si Trixie. He thinks she needed that space, and for once in his damn life, he gave her that.Ngunit ang kapalit, ay katahimikang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Palibhasa’y nasa pangangalaga ngayon ni Trixie si Xyza, wala nang nakapapaalis sa kaniya sa opisina. Nanatili siya sa doon, nagbababad sa trabaho, sinasadyang ubusin ang sarili sa mga papel, kontrata, at proyekto, anumang makakapagpatigil sa tuluy-tuloy na pagbalik ng alaala ng gabing nakita niyang yakap-yakap ni Helios si Trixie. Ilang minuto pa ay pumasok si Yuan. Bitbit nito ang ilang dokumento’t folder, ngunit mas mabilis pa rito ang mga salita sa bibig niya.“Here’s my other report, Sir Seb. I’m telling you this beforehand, congratulations on your engagement, Sir!”Napataas ang kilay ni Sebastian. What the fuck is he saying?“Sir?” Nagkibit-balikat si Yuan, halatang napansin ang reaksyon ng kaniyang boss. “Don’t tell me,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status