Bandang alas-dies ng gabi, masayang dumating sina Sebastian at Xyza sa mansiyon.
Mahigpit na nakahawak si Xyza sa damit ng ama bago dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Ayaw sana niyang umuwi ngayong gabi dahil naroon ang mama niya sa bahay. Pero sabi ng tita mommy niya noong lunch nila, dumayo pa raw dito ang kanyang mama para makasama silang dalawa ng daddy niya. Kung hindi sila uuwi, siguradong malulungkot daw ito. Natakot din siya sa sinabi ng daddy niya na kapag hindi sila umuwi ngayon, sasama ang mommy Trixie niya sa kanila bukas sa dagat. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dito. Pero nag-aalala pa rin siya kaya't madiing nagtanong, “Dad, what if pilitin po tayo ni Mom na sumama sa'tin bukas? What should we do po?” “That’s not gonna happen,” sagot ni Sebastian nang walang alinlangan. Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, palaging hinahanap ni Trixie ang pagkakataong makasama siya. Pero marunong din itong lumugar. Kapag nakita nitong galit na siya, hindi na ito nangangahas na sumuway pa. Sa alaala ni Xyza, palaging sumusunod si Trixie kay Sebastian. Kung sinabi ng daddy niya na hindi, siguradong hindi nga makakasama ito sa kanila. Sa isiping iyon, nakahinga nang maluwag si Xyza. Gumaan ang kanyang pakiramdam at nawala ang inis na naramdaman niya kanina. Masaya siyang tumakbo papasok ng bahay at agad na tumakbo kay Nana Sela. “Nana Sela, help me take a bath, plese!” “Oo, oo, sige,” sagot ni Nana Sela na hindi na nagulat sa ingay ni Xyza. Hindi pwedeng paghintayin ang bata dahil siguradong mag-tantrums ito. Bago umakyat ng hagdan para sundan ang alaga, naalala niya ang bilin ni Trixie. Inabot niya ang isang sobre kay Sebastian. “Seb, hijo, ito ang ipinabibigay ni Trixie sa'yo.” Tinanggap iyon ni Sebastian at walang pakialam na nagtanong. “Nasaan siya?” “Ah… umuwi na siya sa Pilipinas, umalis siya kaninang tanghali lang. Hindi mo ba alam?” Natigilan si Sebastian sa pag-akyat sa hagdan, saka bumalik ng tingin kay Nana Sela. “Po? Bumalik?” “Oo. Hindi ba nagsabi sa'yo?” Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon si Trixie na magsalita kung bakit ito nagpunta dito sa US. Kaya hindi na siya nagtataka kung hindi na ito nagpaalam na umuwi na rin. Pero kahit ngayong nalaman niyang umalis ito, wala rin siyang pakialam. Nagulat din nang bahagya si Xyza. Nang marinig niyang umalis na si Trixie, nakaramdam siya ng hindi niya maipaliwanag na panghihinayang. If her Mom wouldn't go with them at the sea side, sana man lang ay nakasama niya ito ngayong gabi. Isa pa, madaling masugatan ang kamay sa pagpakinis ng mga shells. Gusto sana niyang tulungan siya ni Trixie. 'What a waste', she thought. Matagal nang hindi nagkikita sina Sebastian at Trixie. Sa wakas, nagpunta ito rito, pero hindi man lang sila nagkaharap. Naalala ni Nana Sela ang itsura ni Trixie bago ito umalis. Hindi maganda ang mukha nito noon, kaya hindi niya napigilang magpaalala. “Seb, parang hindi maganda ang pakiramdam ni Trixie nang umalis siya. Mukhang galit siya.” Akala ni Nana Sela, may biglang kailangang asikasuhin lang si Trixie kaya ito nagmamadaling bumalik sa Pilipinas. Pero ngayong alam niyang ni hindi alam ni Sebastian ang tungkol dito, napagtanto niyang may mali. Galit? Bakit ganoon na lang ekspresyon ng babae bago ito umalis? Nagkita man lang ba ang mag-asawa gayong ang bilis niya lang dito at umuwi din agad? Sa harap ni Sebastian, palaging mahinahon at matiisin si Trixie. Pero kaya rin pala nitong magalit? Ngayon lang nakita ni Nana Sela na may emosyon rin pala si Trixie na ganoon. Nakahanap ng bago at kakaibang bagay si Sebastian kaya napangiti siya nang bahagya. Walang emosyon siyang tumango kay Nana Sela saka umakyat sa kanyang silid. Pagdating sa kwarto, bubuksan na sana niya ang sobre mula kay Trixie nang biglang tumawag si Wendy. Sinagot niya ang tawag, saka basta na lang itinapon ang sobre sa tabi at lumabas sa veranda ng kwarto. Matapos ibaba ang tawag, kinuha nito ang isang coat sa rack pati ang susi ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Hindi nagtagal, nalaglag ang sobre mula sa kama at tumilapon sa sahig dahil pinahid ng hangin mula sa nakabukas na veranda. Hindi na bumalik si Sebastian nang gabing iyon. Kinabukasan, habang naglilinis si Nana Sela, napansin niya ang sobreng nasa sahig. Nakilala niyang ito ang ibinigay sa kanya ni Trixie kahapon. Inakala niyang nabasa na iyon ni Sebastian kaya tahimik niyang inilagay iyon sa drawer sa tabi ng kama. Pagdating ni Trixie sa maynila, dumiretso siya sa kanyang silid upang mag-impake. Sa loob ng anim na taon, marami siyang gamit sa bahay na iyon. Pero sa huli, iilan lang ang kinuha niya. Ilang piraso ng damit, dalawang set ng pang-araw-araw na gamit, at ilan sa kanyang mga professional na libro. Mula nang ikasal sila, buwan-buwan ay nagbibigay si Sebastian ng pera para sa gastusin nilang mag-ina. Ipinapadala niya ito sa dalawang magkaibang account. Isang card para kay Trixie at isa para kay Xyza. Ngunit kadalasan, ang sariling card ni Trixie ang kanyang ginagamit sa gastusin. Hindi niya kailanman ginalaw ang account na para sa kanyang anak, mula umpisang ginawa ito ni Seb hanggang dulo. Bukod pa rito, mahal na mahal niya si Sebastian. Tuwing namimili siya, hindi niya mapigilang bilhan ito ng mga damit, sapatos, cufflinks, necktie, at iba pang bagay na bagay sa lalaki. Samantalang siya, dahil may trabaho naman sa kumpanya nito, hindi malaki ang kanyang personal na gastusin. She's not a materialistic type, since she believes that the real beauty comes from a woman's heart. Punong-puno ng pagmamahal ang puso niya para sa kanyang asawa at anak, kaya’t gusto niyang ibigay ang lahat ng makakabuti sa kanila. Dahil dito, halos lahat ng perang ibinibigay ni Sebastian sa kanya ay nauubos din para sa mag-ama. Sa sitwasyong iyon, malamang ay wala nang natitirang pera sa kanyang account. Ngunit sa nakalipas na taon, dahil kasama na ni Xyza ang kanyang ama sa US, bihira na niyang magamit ang perang iyon para sa kanila. Ngayon niya lang niya napansing may natitira pa palang higit tatlumpung milyon sa bank account na iyon. Siguro para kay Sebastian, baka maliit lang ang halagang iyon. Pero para sa kanya, hindi iyon basta-basta. Dahil pera naman niya iyon, hindi na siya nag-alinlangan pa. Inilipat niya ang buong halaga sa bank account ng anak. Saka iniwan ang dalawang card na iyon sa ibabaw ng kama nila. Mabagal siyang naglakad sa pinto ng kwarto habang hinihila ang maleta, saka diretsong lumabas ng bahay nang hindi lumilingon. May bahay siya malapit sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan. Hindi ito kalakihan, mahigit 100 square meters lang. Apat na taon na ang nakalipas nang bilhin niya ito para suportahan ang negosyo ng isang kaibigang naglayas sa kanilang tahanan. Pero hindi niya pa ito nagagamit personally. Ngayon, magagamit na niya ito. A place to move on. Dahil regular itong nalilinis, hindi naman ito marumi. Isang simpleng paglilinis lang at maaari na siyang lumipat. Sa wakas, pagkatapos ng nakakapagod na araw, naligo siya at nagpahinga bandang alas-onse ng gabi. Naputol ang kanyang mahimbing na tulog dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Dahil nagising sa pagkabigla, saglit na nablangko ang kaniyang isip. Nang mahimasmasan, nakita niyang alas onse na ng gabi. Sa America, kung nasaan sina Sebastian at ang kanyang anak, mahigit alas-ocho na siguro ng umaga. Sa ganitong oras, karaniwang kumakain na ng agahan ang mag-ama. Mula nang sumama si Xyza kay Sebastian sa america, nakasanayan na niyang tawagan ang anak sa ganitong oras. Pero dahil pagod siya sa trabaho at maagang natutulog, nag-set siya ng alarm clock upang hindi makalimutan ang pagtawag. Noong una, hindi talaga sanay si Xyza na mawalay sa kanya. Palagi itong nasasabik at magiliw makipag-usap sa kanya. Pero habang tumatagal ang pananatili nito sa america, unti-unting nagbago ang bata. Ang dati nitong pananabik ay napalitan ng malamig at walang ganang pagsagot sa kanyang mga tawag. Sa totoo lang, matagal na niyang dapat tinanggal ang alarm na ito. Ngunit hindi niya kayang gawin. Napangiti siya ng mapait. Pagkatapos ng ilang saglit ng pag-aalinlangan, dinelete niya ang alarm clock, pinatay ang kanyang cellphone, at muling natulog. Samantala, halos tapos nang kumain ng agahan sina Sebastian at Xyza. Alam ni Sebastian na karaniwang tumatawag si Trixie sa ganitong oras, pero dahil hindi naman siya laging nasa bahay, hindi niya ito binibigyang pansin. Ngayong umaga, hindi tumawag si Trixie. Napansin niya ito, pero hindi siya nag-alala kahit kaunti. Pagkatapos kumain, umakyat na siya sa kwarto para magpalit ng damit, completely ignoring the absence of her wife's call. Si Xyza Kollin naman ay tila naiinis na sa pagiging madaldal ng kaniyang ina sa tuwing tumatawag. Kaya nang mapansin niyang hindi pa ito tumatawag, naisip niyang baka may pinagkaabalahan lang ito. Umikot ang kanyang mga mata, kinuha ang kanyang bag, at mabilis na lumabas ng bahay. Nakita siya ni Nana Sela kaya agad siyang hinabol. “Young miss, maaga pa! Pwede mo pang mahintay ang tawag ng mommy mo bago lumabas.” Ngunit hindi siya nakinig at patakbong sumakay sa sasakyan. Sa isip niya, bihira ang pagkakataong hindi siya tinawagan ni Trixie. Kung hindi siya aalis ngayon, baka bigla itong tumawag at mapilitan na naman siyang makipag-usap dito. Ayaw niya nga noon! Matapos ikasal, nagsimulang magtrabaho si Trixie sa Velderana Group. Pumasok lang naman siya sa kompanyang iyon para kay Sebastian. Pero ngayong magdidivorce na sila, wala na siyang dahilan upang manatili pa. A kind of freedom she completely forgot having.Habang ang mundo ni Sebastian ay muling gumuguho sa galit at panibagong takot, sa kabilang dako ng lungsod, kung saan ang langit ay tila mas tahimik, kung saan ang mga ulap ay mabagal na lumulutang sa bughaw na kalangitan at ang simoy ng hangin ay may halong amoy ng antiseptic at damo… naroroon ang isang lugar na tila nalimutan na ng ingay ng mundo. Ang sanataorium kung saan kasalukuyang tahanan ni Mary Loi Salvador, isa iyong pribadong institusyong sumisilong sa mga nawalan ng sarili nilang liwanag.Sa looban ng gusaling iyon, sa isang bahagi ng garden na may lumang bangkong kahoy sa lilim ng isang namumulaklak na camia tree, tahimik na nakaupo si Mary Loi.Ang hangin sa hardin ng sanatorium ay malamig at maaliwalas, may mga ibong nagliliparan at ang mga halamang gumagapang sa mga pader ay tila nakikiisa sa katahimikang bumabalot sa paligid. Ngunit kung may isang bagay na hindi karaniwan, iyon ay ang presensiya ni Mary Loi Salvador, ina ni Trixie, na hindi gaya ng dati.Malalim ang
“... na hindi raw pala anak ni Mr. Bolivar si Ma’am…”Biglang humigpit ang pagkakakuyom ni Sebastian sa kanyang kamao.The fucking nerve.Mateo Bolivar. That bastard.Just to what extent are you going to scar my woman? I’ll surely make you rot in hell!And that woman. Ang kabit niya. The very same people who have been trying to destroy Trixie piece by piece.Napadiin siya ng pindot sa elevator button, halos mabutas na nga ito. Faster, faster, faster.Pagbukas ng elevator doors mabilis ang bawat hakbang ni Sebastian. At nang makarating siya sa tamang floor, hindi na siya tumigil para huminga. Diretso ang lakad niya patungo sa alam niyang cubicle rito ng babae. Malalaki, mabibigat, puno ng apoy at tensiyon ang bawat hakbang na iginagawad niya. Hanggang sa makarating na siya sa cubicle ni Trixie pero wala roon ang babae.Ang ibig sabihin lang noon—Nasa loob siya ng opisina ni Casper.Dahil sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng biglaang sakit, isa lang ang pinupuntahan ng asawa niya.S
“Sir?” tanong ulit ni Yuan, maingat. “Do we execute full media release that finally they will be behind bars this evening? Or should we wait until they’re in custody?”“No,” matigas na sagot ni Sebastian. “We release it before their arrest. Let the world know what kind of monsters they are. I want the public opinion to crush them even before the law does.”Yuan nodded. “Understood, Sir. The media outlets are on standby. Do you want to notify Ma’am Trixie?”Nanahimik si Sebastian. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at tumingin sa bintana ng opisina.“Hindi pa,” aniya. “Not until she sees them in handcuffs.”Because no amount of flowers, sweet gestures, or apologies could ever erase the scars those people gave her.But justice?That… that is the kind of gift only he could give her.Saglit siyang napatingin sa picture frame sa kanyang mesa. Larawan nila ni Trixie iyon, kuha sa isang gala night bago pa sila tuluyang maghiwalay.She was smiling back then. But behind that smile, Sebastian kn
Matapos ang ilang araw ng matamis na pagkukunwari sa bansang Hong Kong kasama ang kanyang pamilya, sa wakas ay nakatapak muli si Sebastian sa tunay niyang teritoryo… ang mundo ng kapangyarihan, ng galit, at ng kontrol.Pagkababa ng eroplano, wala nang patumpik-tumpik pa at wala nang inaksayang sandali si Sebastian Valderama. Matapos ihatid sina Xyza at Yanyan sa kanilang tahanan na may mga kasamang yaya’t guwardiyang handang umalalay, dumiretso na siya sa headquarters ng Valderama Group of Companies. Naka-pressed navy blue suit siya, walang bahid ng saya ang ekspresyon ng mukha. Bukod sa namamayaning emosyon ng pagseselos kagabi pa, busangot sa buong biyahe ang lalaki. And other than that, this wasn’t just any business day for Sebastian Valderama.Today was judgment day.Wala pang isang oras mula nang makabalik siya sa bansa ngunit alam niya, the clock was ticking, pabor sa kaniya… sa kanila.Sa loob ng sasakyan, tahimik lamang siyang nakatingin sa labas. Ngunit sa ilalim ng kanyang
Hindi pa man tuluyang nagsasara ang pintuan ng opisina ni Casper ay para bang bumagsak na ang buong mundo ni Trixie. Nanghihina siyang napaupo sa mahabang leather sofa sa receiving area, ang mga balikat ay tila dinudurog ng bigat ng mga katagang kanina lamang ay ibinuga ng lalaking minsan niyang tinawag na Daddy.Hindi niya na kayang tumayo. Hindi niya na kayang magsalita.Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pilit na kinukumpas ang dibdib na parang may mabigat na batong hindi maialis. Napakagat rin si Trixie sa kaniyang labi.Napatungo ang babae, mariing kinuyom ang kanyang mga palad sa tuhod, habang pinipigilan ang sariling huwag tuluyang humikbi. Ang buong lakas niya ay parang iniwan siya sa harapan ng maraming tao sa lobby kung saan siya nilapastangan ng kabit ng kanyang ama, at higit sa lahat, kung saan siya itinakwil nito.Tumango si Trixie, marahan. Waring pinapakalma na lamang ang saril. Pero wala sa tono ang tugon. Hindi ganti ang nasa isip niya ngayon. Hindi ang husti
Nanigas si Trixie. Hindi siya makagalaw. Ang dibdib niya’y tila pinukpok na ngayon ng martilyo.Walang gumalaw. Walang umimik.Kahit si Precy ay napatingin sa kanya upang siguro ay tingnan ang reaksiyon niya at iguhit ang isang ngiti ng satisfaction ng pagkapanalo."Ano…?" mahina niyang tanong. "Anong... sinabi mo?" bulong ni Trixie"I said," ulit ni Mateo, halos sumisigaw, "You were never mine. Your mother cheated on me. At hindi ko kailanman tinanggap ang pagkatao mo. And now you stand there, parang may karapatan ka sa lahat ng mga ‘to? Kalayaan at kayamanan? How could you, when your mother deprived me of that for years! Nagsimula lang akong totoong sumaya nang makasama ko na si Wendy at Precy, because they were my true family."Lalong natahimik ang lahat sa bulgaridad na iyon. Walang ni isang makapagsalita. Ilang mata ang napapikit, habang ilang bibig ang napamura ng mahina.Trixie’s hands started to shake. Hindi dahil sa takot—kundi sa poot. Sa panghihina. Sa pagkawasak ng isang i