Share

Kabanata 04

last update Last Updated: 2025-02-14 19:02:50

"Omg! Is that for real, Daddy?!"

Napatalon si Xyza mula sa kama.

"Yup."

"E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy ‘yan kanina?"

"Kasi ngayon lang ito na-finalize. That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito. And hindi ko pa rin siya nasasabihan, so be quiet, alright?"

Lalong na-excite si Xyza.

"Omg, Dad! Yes po. Secret lang po natin ito kay Tita Mommy ‘to. Yehey! Pagbalik natin sa bahay, sorpresahin natin siya! Pwede po ba?!"

"Sige."

"Yehey! Dad, ang galing-galing mo talaga! I love you so much, my best Daddy. Mwa!"

Pagkababa ng tawag, tuwang-tuwa pa rin si Xyza. Napakanta at napasayaw pa siya sa kama.

Maya-maya, bigla niyang naalala si Trixie.

Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina, sobrang gaan ng pakiramdam niya.

Sa totoo lang, para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina, sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga. Minsan naman, pag-uwi niya galing eskwela, inilalayo o pinapatay niya ang cellphone niya para maging out of coverage ito.

Pero pagkalipas ng dalawang araw, natakot siyang baka magalit na ng tuluyan ang kanyang ina kaya hindi na niya inulit pa ang pag-iwas sa tawag nito.

Laking gulat niya nang mapansin niyang hindi pala talaga siya tinawagan nito sa mga sumunod na araw.

Noong una, inisip niyang baka alam ng kanyang ina na sinasadya niyang iwasan ang tawag nito kaya ganoon.

Pero nang mag-isip-isip siya, base sa dati niyang karanasan, kapag may ginawa siyang mali, tiyak na pagsasabihan siya ng kanyang ina. 

Hindi ito basta na lang hindi magpaparamdam sa kaniya at hindi tatawag. 

What is her Mom up to these days that she completely forgot to call her only daughter?

Alam naman niyang siya ang pinakamahalaga sa puso ng kanyang mommy kaya minsan ay tinetake advantage niya ito.

Hindi siya makapaniwalang kaya talaga nitong hindi siya tawagan nang ganoon katagal! 

Is her Mom completely ignoring her?! Is she fed up with her antics? This ain't right!

Sa puntong iyon, biglang na-miss ni Xyza si Trixie.

Sa loob ng maraming araw, ngayon lang niya ito naisip.

Hindi niya napigilan ang sarili at agad na tinawagan ito.

Pero habang nagri-ring ang tawag, naalala niyang kahit uuwi na siya sa pilipinas at makikita si Tita Mommy niya, siguradong gagawin ng kanyang ina ang lahat para pigilan silang magkita ni Wendy.

Hindi na niya basta-basta makikita si Wendy kung kailan niya gusto, hindi tulad dito sa US.

Dahil sa naisip na iyon, biglang bumigat ang pakiramdam niya.

Mahimbing nang natutulog si Trixie nang bigla siyang magising dahil sa tawag ni Xyza.

Pagkakita sa pangalan nito sa screen, agad siyang pipindot na sana para sagutin ang tawag nang biglang ibaba naman ito ni Xyza.

Kahit isinulat na niya sa kasunduan ng divorce na isinuko na niya ang custody ni Xyza kay Sebastian, anak pa rin niya ito.

At bilang ina, may pananagutan pa rin siya rito.

Kaya't nang makita niyang tumawag ito ngunit bigla ring ibinaba, kinabahan na agad siya. 

Baka kung ano na ang nagyari dahil hindi pa naman normal na ito nauunang tumawag sa kaniya. It's always the other way around.

So she called back.

Pagkakita ni Xyza sa tawag ng kanyang ina, agad niyang ibinaling ang mukha niya sa kabila at hinayaan itong mag-missed call.

Lalong kinabahan si Trixie sa kabilang linya. 

Dahil dito, tinawagan niya ang landline ng mansiyon sa US.

Si Nana Sela ang sumagot ng telepono.

Nang marinig ang pag-aalala ni Trixie, mabilis itong sumagot, "Ay, mukhang wala namang problema si Xyza. Napuyat lang kagabi ang young miss. Ang late na niyang natulog kaya kaninang umaga, napahimbing ang tulog at hindi agad nakabangon. Kanina lang ako umakyat para tingnan siya pero mahimbing pa siyang natutulog nang mga oras na iyon. Pero sige, aakyatin ko ulit para tingnan, tapos tatawagan kita pabalik, hija."

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Trixie.

"Sige po. Maraming salamat, Nana Sela."

Pag-akyat ni Nana Sela, nakita niyang gising na si Xyza at kasalukuyang nagmumumog sa banyo.

Nang tanungin niya ito tungkol sa tawag, sumagot ang bata sa tamad na tono. "Aksidente ko lang pong napindot, Nana."

Hindi naman siya pinagdudahan ni Nana Sela. Nakita nitong abala siya sa pag-toothbrush kaya bumaba na ito para ipaalam kay Trixie ang sitwasyon.

Pagkaalis ni Nana Sela, lihim na napangiti si Xyza.

Huminga siya nang malalim, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya.

Samantala, kahit napanatag na si Trixie sa sinabi ni Nana Sela, hindi na siya nakatulog nang maayos.

Kinabukasan, bumangon siya nang masama ang gising at wala sa mood para pumasok sa trabaho.

Sa kabilang banda, ang sobre na naglalaman ng divorce agreement na ibinigay ni Trixie kay Sebastian ay hindi na niya muling binuksan mula nang matanggap niya ang tawag ni Wendy.

Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang pagbabalik sa Manila.

Pagkatapos ilagay ang huling dokumento sa kanyang briefcase, sinigurado ni Sebastian na wala na siyang nakakalimutan.

Nang okay na ang lahat, tumalikod siya at bumaba ng hagdan.

"Okay, aalis na tayo."

Agad umalis ang mahabang Lincoln limousine mula sa mansiyon, diretso nitong tinalunton ang daan patungo sa airport.

Walang kaalam-alam si Trixie na bumalik na sa Maynila si Sebastian at ang kanyang anak. 

No one even bothered to tell her.

Mahigit kalahating buwan na rin ang lumipas mula nang umalis siya mula sa mansiyon nilang mag-asawa.

Sa loob ng panahong iyon, unti-unti siyang nasanay, at hindi inaasahang nagustuhan pa ang tahimik at payapang buhay na mag-isa.

Today is Saturday. Nagising siya nang tanghali na.

Pagkatapos maghilamos at mag-ayos ng sarili, binuksan niya ang kurtina at nasilayan ang araw na sumisikat sa labas ng bintana. Nag-inat siya, diniligan ang kanyang mga halaman, at naghanda ng simpleng almusal na pang-isang tao.

Ngunit bago pa man siya makapagsimula, biglang tumunog ang doorbell.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Mrs. Peña, ang kapitbahay niya sa tapat.

"Trixie, ineng, hindi ba kita naiistorbo?"

Ngumiti si Trixie. 

"Hindi naman po, kakagising ko lang po at kumakain ako ngayon sa kusina."

"Mabuti naman!" masayang sagot ni Mrs. Peña. 

"Ito nga pala, mga spaghetti at puto na niluto namin kanina. Dinalhan kita para matikman mo."

Nagulat si Trixie. 

"Salamat po. Pero parang sobra naman po ito... mag-isa lang po ako dito e. 

“Hindi ineng, para sa iyo talaga ‘yan." 

“Wow. Nag-abala pa po kayo. Salamat po dito."

"Hay nako, wala iyan! Kung hindi mo nailigtas ang apo kong si Tantan noong isang araw, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil sa asong ligaw na 'yun! Gustong-gusto kitang pasalamatan noon pa, pero palagi kaming abala ng asawa ko sa trabaho. Ngayon lang kami nagkaroon ng oras. Nahihiya nga kami!"

"Wala po iyon, Mrs. Peña. Maliit na bagay lang po iyon."

Nagpatuloy sila sa maikling kwentuhan bago tuluyang nagpaalam si Mrs. Peña.

Pagbalik sa loob, kumain si Trixie habang tinitingnan ang algorithm ng isang AI na pinag-aaralan niya kamakailan.

Pagdating ng hapon, lumabas sa kanyang cellphone ang isang balita tungkol sa centennial anniversary ng university na kilala sa mundo ng teknolohiya.

Napahinto si Trixie.

Tiningnan niya ang date at naalala niyang kaarawan nga ngayon ng Mapua University.

Sa social media, maraming trending topics tungkol sa #MapuaUniversity100Years.

Malaki ang interes ng mga tao sa pagdiriwang na ito, hindi lang dahil ang Mapua University ang isa sa nangungunang mga unibersidad sa Pilipinas, kundi dahil ito ang kauna-unahang centennial anniversary nito.

Maraming kilalang alumni ang inimbitahang bumalik upang lumahok sa selebrasyon. Mga eksperto at tagumpay na propesyonal sa iba’t ibang industriya.

Habang tinitingnan niya ang mga larawan, may ilang pamilyar na mukha siyang nakita.

Nang makita niya ang ilang dating kakilala sa screen, biglang nanginig ang kamay niyang nasa keyboard. 

Bumalik sa kanya ang mga alaala noong nasa kolehiyo pa siya.

Biglang nagulo ang kanyang isipan.

Kung hindi siya agad nagpakasal pagkatapos ng kolehiyo, malamang isa rin siya sa mga honorary alumni na imbitado ngayon.

Isinara niya ang laptop, nag-alinlangan sandali, pero sa huli, nagpasya siyang pumunta sa Mapua University.

Pagdating niya roon, hapon na.

Karamihan sa mga panauhin ay nakaalis na, pero marami pa ring tao sa loob ng campus.

Naglakad-lakad siya nang walang tiyak na direksyon.

Madaming alaala ang pumasok sa kaniyang isipan habang naglalakad sa loob ng campus. 

May masaya, may malungkot, at higit sa lahat, kasama na doon ang alaala nila ni Tres noon. 

Agad niyang iiniling ang ulo dahil hindi siya pwedeng pumunta sa alaalang iyon.

Her moments with Tres before were like a cherished memory that she didn't have a choice but to bury into her heart. 

Their love already fell apart, there's no point now reminiscing about it. 

Naglakad na siya muli, at nang marating niya ang lumang gusali ng kanilang laboratoryo, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Alyssa?"

Makalipas ang dalawampung minuto, makikita ang dalawang babae na nakaupo sa isang milktea house malapit sa Mapua University. 

Humihigop ang babae sa kaniyang milk tea na okinawa flavored. 

"Kumusta ka na nitong mga nakaraang araw?"

Hawak ni Trixie ang tasa, bahagyang yumuko, at tipid na ngumiti.

"Mabuti naman... pero, nagpaplano akong makipag-divorce na sa kaniya."

Nagulat si Charina pero sandaling natahimik rin bago nagsabing, "Oh, about time! But, I'm sorry to hear that girl." 

"Ayos lang."

"Ano ang plano mo pagkatapos? Are you going back to our company?"

Napaisip si Trixie. "Plano ko sanang bumalik, pero..."

Hindi alam ni Charina kung ano ang pumasok sa kanya, pero seryoso itong nagsalita.

"Trixie Alyssa Salvador. Kailangan ka ng kumpanya. Isa ka sa mga nagtatag nito, you have a big contribution to our company! Sana bumalik ka na at pangunahan muli ang kumpanya. We're all rooting for you, bitch."

Napatingin si Trixie kay Charina.

Nahirapan siyang sumagot.

Hindi sa ayaw niyang bumalik.

Ang totoo, mabilis ang pag-unlad ng AI industry ngayon.

Anim na taon na siyang nawala sa larangang ito.

Kahit bumalik siya, natatakot siyang hindi na siya makasabay.

At higit sa lahat, paano niya maibabalik ang dating kakayahang pangunahan ang kumpanya sa harap ng napakabilis na pagbabago ng teknolohiya?

And one more thing, can she stand up against her half sister? Kaya ba niya? 

Well, no one will ever know kung hindi niya susubukan. 

Trixie needs to be strong, even if it means going against her father's own company. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Deni Malingan
nice story
goodnovel comment avatar
Remia P. Cabanatan
nice like it
goodnovel comment avatar
Jhoannie Ubaldo
though I cried secretly of what happened to trixie I hope she will fight
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 253

    Sa dami ng laban na hinarap ni Helios, alam niya na agad ang itsura ng hindi patas na laban. At sa mundong ginagalawan nila ngayon, ang pinakamapangwasak na sandata ay hindi bala, kundi ang kasinungalingan. He wants her. God knows how much he wants her for himself. But not like this.Not when her heart still holds on to the man who broke her.Ayaw nang umasa ni Helios.Hindi na rin niya kayang manlimos… o maghintay?Kung may isang bagay na matagal nang malinaw kay Helios Cuevillas, iyon ay ang katotohanang hindi niya kailanman ninais na mahalin siya ni Trixie dahil lang sa utang na loob. Hindi niya gustong lapitan siya nito bilang pahinga. He had enough of watching her survive instead of live. If she chooses him someday, I want it to be real, genuine. Hindi dahil napilitan, hindi dahil wala nang iba.Pero hindi iyon ang naramdaman niya kanina. Hindi rin iyon ang nakita niya habang tahimik siyang nakamasid sa likod ng salamin ng opisina ni Trixie.She looked… shattered.And the sadde

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 252

    Nang makaalis si Racey at Casper sa harapan ni Trixie, doon na muling bumuhos ang tindi ng emosyon na kinikimkim ni Trixie dahil nasa harap pa siya ng mga kaibigan. Naroon pa rin ang laptop sa mesa, pero naka-sleep na ito. Nakatitig siya sa repleksyon ng sarili sa salamin ng kaniyang nakapatay na laptop.Mainit ang dibdib ni Trixie. Hindi dahil sa kahihiyang dulot ng balitang kasal, kundi dahil sa galit. Sa pagkadismaya. Sa pagkabigo."Ito na ba talaga?"Dahan-dahan siyang naupo, pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Nagsalita siya. Mahinang tinig, para bang siya lang ang kinakausap niya, pero buo. Matigas. At puno ng sigla na matagal na niyang inilihim."Ito na ‘yon," bulong niya sa sarili. "Tapos na. Hindi lang basta tapos—ako na ang magtatapos."Tumingin siya sa screen ng phone niya, kung saan naka-pause pa rin ang video ng announcement ni Wendy, proud, smug, parang sinasabing, Ako ang nanalo.Napakagat si Trixie sa loob ng pisngi niya. Hininga. Saka siya tumayo. Buong la

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 251

    Makalipas ang ilang oras, isang tahimik ngunit emosyonal na tensyon ang bumalot sa buong Astranexis.Tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng central aircon at ang bahagyang kaluskos ng papalapit na yabag ni Helios sa hallway.Tumigil si Helios sa harap ng glass door ng opisina ni Trixie. Wala siyang dalang bulaklak o tsokolate, ngayon, nagdala lang siya ng sarili. Ngunit huli na siya. Sa loob, nakita niyang hindi na mag-isa ang babae.Sa loob ng opisina, nakaupo si Trixie sa sofa, nakaharap sa laptop screen na monitor. Nandoon pa rin ang freeze frame ng livestream ni Wendy, nakangiti ito habang nakataas ang kamay na may isang magarang singsing na nakasuot sa daliri. “We’re getting married.”Nasa loob si Racey at si Casper, kapwa waring naglalakad sa balat ng itlog habang kinakausap si Trixie, hawak lang ang isang baso ng tubig. Nasa gilid naman niya si Casper, nakayuko ang ulo, halatang nag-iingat sa bawat salitang sasabihin. Sa isang sulok, naglalakad

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 250

    Hindi na nagulat si Helios. He expected as much. Wendy was capable of this. Gagamitin ang kahit anong impormasyon. She knows where to hit. Kahinaan. Lihim. Bata. Para lang makuha ang gusto niya.Ito ang ginamit niya kay Klaud. Tulad ng ginawa niya kay Sebastian.“She said Trixie was playing him. Na nagsisinungaling si Trixie. She made me forge reports, falsify documents, mga medical, mga technial evidences Para hindi siya paniwalaan ni Sebastian kahit magsalita siya.”“Why didn’t you speak before?” bulong ni Helios.“Because I knew no one would believe me. Everyone thought I was already gone. And I was. I also didn’t want my daughter to die.”Tumayo si Helios mula sa pagkakaluhod. Malamig ang titig, ngunit ang loob niya’y naglalagablab.“You pathetic bastard,” bulong ni Helios. “You let a woman like her destroy another one’s life just to save your secret.”Hapong-hapo si Klaud, pilit na humihingal. Nanginginig ang buong katawan. Ngunit ang huling tinig na narinig niya ay malamig, mas

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 249

    WARNING!!! Mention of torture. “Nasaan ako? Anong lugar ‘to?! Sino kayo?! Bakit niyo ako dinukot?!”Muling pumapailanlang ang sigaw mula sa tuyong lalamunan ni Klaud Buenavides. Naghahalo ang takot, galit, at desperasyon sa kaniyang tinig. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Halos mamalat na ang kanyang lalamunan sa kakasigaw, tila ba may makakarinig at maaawa sa kanyang kalagayan. Ngunit ang tanging sagot sa kanya ay katahimikan. Walang ibang ingay kundi ang mabibigat niyang hinga at mahinang langitngit ng kahoy sa bawat pihit ng kaniyang katawan.Nakapiring siya, ang itim na tela ay nanlalagkit na sa pinaghalong pawis at luha. Nakakadena ang kaniyang mga kamay at paa sa isang lumang upuang kahoy na animo'y sinadyang ipuwesto sa gitna ng silid para gawing altar ng kalbaryo.Hindi niya alam kung sino ang may pakana nito. Hindi niya rin alam kung dahil ba ito sa Valderama o sa sindikatong tinarantado niya. Sa dami ng putik na nilusong niya bilang private investigator, wala na siyang ideya kung

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 248

    Halos isang linggo na ang lumipas. Mula nang gabing iyon, hindi na muling pinilit ni Sebastian si Trixie. He thinks she needed that space, and for once in his damn life, he gave her that.Ngunit ang kapalit, ay katahimikang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Palibhasa’y nasa pangangalaga ngayon ni Trixie si Xyza, wala nang nakapapaalis sa kaniya sa opisina. Nanatili siya sa doon, nagbababad sa trabaho, sinasadyang ubusin ang sarili sa mga papel, kontrata, at proyekto, anumang makakapagpatigil sa tuluy-tuloy na pagbalik ng alaala ng gabing nakita niyang yakap-yakap ni Helios si Trixie. Ilang minuto pa ay pumasok si Yuan. Bitbit nito ang ilang dokumento’t folder, ngunit mas mabilis pa rito ang mga salita sa bibig niya.“Here’s my other report, Sir Seb. I’m telling you this beforehand, congratulations on your engagement, Sir!”Napataas ang kilay ni Sebastian. What the fuck is he saying?“Sir?” Nagkibit-balikat si Yuan, halatang napansin ang reaksyon ng kaniyang boss. “Don’t tell me,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status