Sa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie.
Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila. Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili. Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito. May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?" "Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin." Ngumiti si Trixie. "Kung maririnig ito ng ibang kaibigan natin, malamang kakantyawan ka nila at sasabihing napilitan at nangga-gaslight ka lang ngayon. Such a betrayer." "Oh, ‘wag ka ng umangal. Kahit yung terror nating prof noon, ikaw ang favorite!” Naalala niya ang kanilang terror na guro noon, elegante pero matalas magsalita. Bahagyang lumawak ang kanyang ngiti. "Nakita ko sa balita na dumalo rin si teacher sa selebrasyon. Kamusta na ba siya?" "Mabuti naman, pero minsan naiirita siya sa atin. Lalo na kapag lumalapit ang circle natin sa kanya, lagi tayong inaaway." Natawa si Trixie. Naaalala niya ang mga panahong halos araw-araw siyang pinipilit magsulat ng research papers sa gabay ng kanyang guro. "Bumalik ka na kasi, Alyssa!" “Stop. Wala nang tumatawag sa akin niyan." “No, girl. Ang mean kaya ng first name mo. Hindi bagay sa angelic features mo!" Hinigpitan ni Trixie ang hawak sa kanyang cup milktea. Malalim siyang huminga at tumango. "Alright." Mula pagkabata, mahilig na siya sa artificial intelligence. Talagang mahal niya ang larangang ito. Ngunit isinantabi niya ang kanyang pangarap sa loob ng anim o pitong taon dahil sa pagmamahal niya kay Sebastian. Ngayon, matagal na siyang nawala sa industriya. Hindi magiging madali ang pagbabalik niya. Pero naniniwala siyang kung magsisikap siya, makahahabol pa rin siya. "Kailan ka babalik?" tanong ni Charina. "Kailangan ko pang asikasuhin ang trabaho ko ngayon. Kailangan kong i-train ang papalit sa akin, kaya baka matagalan pa." "Ayos lang, hindi naman kami nagmamadali. For sure, the girls would scream because of this news." Dahil babalik rin naman siya, hindi na mahalaga kung maghintay pa sila ng kaunti. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Makalipas ang ilang sandali, tumingin si Charina sa kanyang relo. "May ipinakilala sa akin ang mga tao sa kumpanya, isang dalubhasa sa algorithms. Kakabalik lang daw niya sa Amsterdam ilang araw pa lang ang nakakalipas. May usapan kaming magkita ngayon. Dahil nagkita tayo, gusto mo bang sumama?" Umiling si Trixie. "Hindi ko naman kilala ang mga tao sa kumpanya. Sa susunod na lang." "Sige." Pagkaalis ni Charina, napansin ni Trixie ang isang pamilyar na pigura na papalapit sa kanya, si Ate Sabrina, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Nakita rin niya ito sa balita kanina. Hindi niya inaasahang makakasalubong niya ito rito. Ngumiti siya at binati ito, "Ate Sabby." Ngunit hindi siya pinansin ni Sabrina. Bagkus, sinuri siya nito nang may kunot-noong ekspresyon. "Anong ginagawa mo rito?" "Centennial anniv ngayon ng Mapua, bumalik lang ako para tingnan." Kung hindi pa ito binanggit ni Trixie, malamang nakalimutan na ni Sabrina na nagtapos rin pala ito sa Mapua University. Pero sa dami ng bumalik sa paaralan ngayon, karamihan sa kanila ay mga honorary alumni na imbitado ng unibersidad. Kaya bakit pa nandito si Trixie? Pero naisip niyang hindi na lang niya ito papansinin, basta’t huwag lang itong magsasalita ng kahit ano na ikahihiya ng pamilya Valderama. Habang iniisip ito, diretsong sinabi ni Sabrina ang nasa isip. "Gusto ni Alexi ng luto mo. Ipapadala ko siya mamaya sa inyo ni Seb." Si Alexianna ay anak ni Sabrina. May isa o dalawang taon itong tanda kay Xyza. Hindi naging maayos ang relasyon ni Sabrina at ng kanyang asawa. Ilang taon siyang naging abala sa trabaho kaya bihira niyang maalagaan ang anak niya. Dahil dito, lumaki itong matigas ang ulo at mahirap disiplinahin. Alam niyang gusto ni Alexi ang mga niluluto ni Trixie, kaya sa tuwing may pagkakataon, pinapapunta niya ito sa kanila ni Sebastian. Sa pamilya Valderama, tanging ang matandang ginang lang ang may pagpapahalaga kay Trixie. Wala nang iba. At sa edad ni Alexianna, madali na itong gumaya sa ibang tao. Kahit na gustong-gusto ni Alexianna ang mga luto ni Trixie, hindi nito kailanman itinuring siyang isang tunay na tiyahin. Sa halip, itinuturing siya nitong isang yaya na puwedeng utusan kahit kailan niya gusto. Dati, dahil kay Sebastian, matiisin si Trixie. Hindi niya iniintindi ang kawalang-galang ni Alexi at patuloy siyang nag-aalaga rito nang maayos. Pero ngayong naghahanda na siyang makipaghiwalay kay Sebastian. Wala na siyang balak magsakripisyo pa para rito. Kaya diretsong tumanggi si Trixie. "Pasensya na, Ate Sabby, but I'm not free tomorrow." Ngayong babalik na siya sa larangan niya, uubusin na niya ang oras niya sa mga mahahalagang bagay. At sa oras na maprocess na ang divorce nila, wala na siyang kinalaman kay Sebastian, Sabrina o sa kahit na sinong Valderama. Hindi na niya aaksayahin ang oras niya sa kanila. Hindi inakala ni Sabrina na tatanggihan siya ni Trixie. Noon, para kay Sebastian, handa itong tiisin ang lahat at gawin ang lahat para sa pamilya Valderama. Pero hindi na siya nag-isip pa nang malalim tungkol dito. Hindi naman siya kailanman tinanggihan ni Trixie noon, kaya naisip niyang marahil ay may mahalagang gagawin talaga ito. Kung hindi, bakit nito sasayangin ang pagkakataong makisama sa kanya? Gayunpaman, hindi niya mapigilang mairita. "Wala naman sa tabi mo si Sebastian at si Xyza ngayon. Ano pa bang pinagkakaabalahan mo?" Napangiti si Trixie, pero sa loob-loob niya, gusto na niyang magalit sa babae. Sa napakaraming taon, itinapon niya ang sarili niyang pangarap at ginawang sentro ng mundo niya sina Sebastian at ang anak nilang si Xyza. Hindi nakapagtataka kung ganito ang tingin sa kanya ni Sabrina ngayon. Pero magbabago na ang lahat mula ngayon. Bubuksan na niya ang bagong kabanata ng buhay niya. Bago pa siya makapagsalita, may ilang taong papalapit na sa kanila. "Miss Valderama!" Mukhang hinahanap nila si Sabrina. Napatingin ang isa sa kanila kay Trixie at nagtanong, "Miss Valderama, who is she?" Sa malamig na tinig, walang pag-aalinlangan na sumagot si Feng Tinglin, "Old friend." "Oh, kaibigan pala..." Ang mga taong ito ay may matataas na katungkulan at dumalo rin sa anibersaryo ng Mapua University. Noong una, inakala nilang espesyal ang taong kausap ni Sabrina Valderama kaya nila ito nilapitan. Pero nang marinig nila ang sagot nito, agad nilang naisip na hindi ito isang taong may posisyon o impluwensya. Ang ilan sa kanila ay pansamantalang napatingin kay Trixie, lalo na sa mahahaba at mapuputing binti nito. Pero pagkatapos noon, wala nang nagbigay ng pansin sa kanya. Nagpatuloy sila sa pakikipag-usap kay Sabrina at agad na umalis. Kung dati pa ito nangyari, baka nasaktan si Trixie sa hindi pagkilala ni Sabrina sa kanya bilang hipag. Pero ngayon, wala na siyang pakialam. Nang makaalis na si Sabrina, kinuha ni Trixie ang kanyang bag at umalis na rin. Alas-dose ng gabi, dumating na sa airport ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Xyza. Pagkauwi nila, halos mag-uumaga na. Mahimbing nang natutulog si Xyza bago pa man sila makarating sa bahay. Binuhat siya ni Sebastian paakyat sa kanyang silid. Habang dumaraan sa master bedroom, napansin niyang bukas ang pinto, pero madilim ang loob. Matapos niyang ihatid si Xyza sa kwarto nito, bumalik siya sa master bedroom at binuksan ang malabong ilaw sa kwarto. Pagtingin niya sa kama, wala itong laman. Wala roon si Trixie. Sakto namang paakyat ang mayordoma, bitbit ang kanilang mga maleta. Habang niluluwagan ang necktie na suot, tinanong ni Sebastian, "Nasaan siya?" Agad na sumagot ang mayordoma sa mansiyon dito sa Manila, "Nasa business trip po si Ma'am Trixie." Kalahating buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Trixie. Sakto namang wala noon si Sebastian, kaya hindi niya alam ang buong detalye. Pero narinig niya sa ibang kasambahay na may dalang maleta si Trixie noong umalis ito. Ibig sabihin, matagal na itong wala. Nakakapagtaka lang dahil bihira namang magpunta sa business trips si Trixie noon. At kung aalis man siya, karaniwan ay tatagal lang ito ng dalawa o tatlong araw. Pero ngayon, mahigit kalahating buwan na siyang hindi bumabalik. "Hmm," tanging sagot ni Sebastian, at hindi na siya nagtanong pa. Walang na siyang pakialam kahit ano pa ang gawin ni Trixie sa buhay niya.Sa loob ng eleganteng kusinang iyon na pinapalibutan ng malamlam na liwanag mula sa mga pendant lights, may tensiyon sa paligid. Para bang ang buong mundo ay biglang tumigil, at ang tanging ingay lang ay ang mabilis na pintig ng dibdib ni Trixie para sa naisip na gagawin.Bago pa makareact si Sebastian, hinalikan na siya ni Trixie sa mga labi—mariin, marahas, mapusok. Walang babala. Walang pasintabi.Nagulat si Sebastian. Nanlaki ang mata. Ilang segundong hindi siya gumalaw, ngunit hindi na niya nagawang umatras. Because hell, ang sarap ng labi ni Trixie, at ang init ng halik nito ay tila sumunog sa kalamnan at kaluluwa niya. Wala na siyang laban sa apoy na mula pa sa babaeng pinangarap niyang makalimutan pero kailanma’y hindi nagawang bitawan sa puso’t isipan.Dahil sa impyerno ng lahat ng pinagdaanan nila, ang sarap ng labi ni Trixie ay tila isang kasalanan na hindi siya magdadalawang isip gawin at angkinin.Para bang bawat segundo ng halik nito ay nag-aapoy, sumusunog sa bawat pir
“Y-you really did that?”Marahil ay nagkumahog si Sebastian matapos marinig ang garalgal sa boses niya. “Trixie?!” Agad tinawid ang pagitan nilang dalawa sa loob ng kusina dahil nararamdaman ni Trixie ang init nito sa kaniyang likuran. Her centralized aircon is making her shiver with these intense emotions to the point that she can feel his warmth now. Biglang kumunot ang noo ni Sebastian nang marinig ang uri ng boses ni Trixie ngayon. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib. Sa ilang taon nilang magkasama nga sa iisang bubong nguinit higit pa sa mga estranghero ang turingan, kailanman ay hindi niya nakitang ganyan si Trixie. No matter how grave hardships he had thrown her, he never openly cried in front of her. Maaaring nakita niya ngunit hindi ito sa harap niya nagiging mahina. Malalaki ang hakbang ni Sebastian dahil hindi bumilang ng segundo iyon. Walang pakundangan niyang tinawid ang espasyo sa pagitan nila ni Trixie. Tila sa pagmamadali ay nakakalimutan na nga niya na wala siyang
Sa mga oras na dapat ay tahimik ang bahay ni Trixie, isang tawag mula sa cellphone ni Sebastian ang hindi inaasahang bumasag sa katahimikan ng lugar."Hello?" mahinang sambit niya, bahagyang paos ang boses at kabang baka makilala siya ni Yuan.They worked together for years being Sebastian’s secretaries, na maging ang dalawa nito ni Calix ay alam ang totoong posisyon niya sa buhay ng CEO nilang si Sebastian Valderama. Ang totoo, may bahid pa ng inis sa kaniyang pagkilos, dahil sa dami ng iniisip, nais lang niyang mapag-isa kahit sandali. Pero ang sandaling iyon, isang bagay na hindi niya ginusto ay magiging isang bagay na naging daan para masilayan niya ang isang lihim na babago sa lahat.Sa kabilang linya, isang pamilyar na boses ng lalaki ang agad na nagsalita. Mabilis ang bibig niito, dire-diretso, parang sanay na hindi siya pinakikinggan, at tiwala talaga si Yuan na ang kausap niya ay si Sebastian.“Sir, it's done. Lahat sila ay officially detained na as of 9:48 PM. All Boliva an
Nang bumukas ang pintuan ng kwarto, hindi inasahan ni Trixie na ang sasalubong sa kaniya ay ang kalahating hubad na katawan ni Sebastian Valderama.“Your shower downstairs is broken. Can I use your bathroom?”Halos mapaatras siya sa gulat. Hindi. Shock was an understatement. Ang basang buhok ng lalaki ay tumutulo pa habang nakatapis lamang ng puting tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Ang bawat patak ng tubig ay tila may sariling isip na nagpapadulas sa mga matitigas na linya ng matipunong dibdib at tiyan ng lalaki. Para itong estatwa na binuhay mula sa isang klasikal na painting, o isang nilalang na hindi dapat tumapak sa realidad, lalo na sa harap ni Trixie na ngayon ay halos hindi makahinga.“Shit,” mahinang bulong ni Trixie sa kaniyang sarili, hawak ang dibdib habang pilit nilulunok ang nabibiglang damdamin.Napansin ni Sebastian ang ekspresyon sa mukha ng babae. May kakaibang lungkot sa mga mata nito. Hindi lang ito basta gulat. May halong takot. Takot na may kaakibat na dam
‘He begged us, while kneeling for hours.’ That occurred to Trixie a little while. Totoo ba ang narinig niya?But, no! She needs to stand his ground. There was a pause on the other end before Tito Shaun finally admitted it. “It’s about Sebastian.”Her breath caught.Another sigh came from the other end. “He came to us, Trixie. Drunk. Completely out of his mind.”Her spine stiffened. “And…?”“Tito, that’s not an excuse!” bulalas ni Trixie, halos pasigaw na. “You knew! You all knew! You knew I left because I wanted peace away from him! And yet you still told him where I live?”Narinig niya sa kabilang linya ang pagbuntong-hininga. Then came a soft, trembling voice. “I’m sorry, anak.”At sa sumunod na sandali, isang boses ang narinig niya. Mahina, malambing... ngunit pamilyar.“Trixie? Apo?”Si Lola Angelina.“Lola?” napatingin siya sa cellphone. Hindi siya makapaniwala. It’s past midnight, at ang kanyang lola na may insomnia at pihikan sa tulog, ay gising?“Lola, you’re awake? It’s p
Diretso ang lakad ni Trixie, halatang bitbit niya ang isang mabigat na damdamin habang mabilis na nilampasan ang hallway patungo sa sariling kwarto. Hindi niya na ininda ang mga yapak niyang mariing tumatama sa marmol na sahig, o ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon na tila nanunuot sa kanyang balat.Pagkasara ng pinto, napasandal siya rito nang mariin, parang kung hindi siya kakapit doon ay bibigay na siya sa nararamdaman. Hawak-hawak niya ang dibdib na animo’y gustong kumawala. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, ngunit hindi na alam ni Trixie kung galit o kaba ba ang nag-uunahan doon.“Damn the effect of his words on me,” bulong ni Trixie sa sarili, bahagyang napapikit habang hinihigpitan pa lalo ang pagkakakapit sa dibdib.Damn Sebastian Valderama."Stupid, Trixie…" mahinang bulong niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang damdaming binulabog ng presensya ng lalaking iyon.Hindi siya dapat nagpadala. Hindi na niya dapat pinatuloy pa ito sa bahay niya! Hindi siya dapat na