LOGINKinaumagahan, pagdating niya sa opisina, agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.
Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian. Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie. Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian. Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito. Matapos silang ikasal, naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay. Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian, pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company. She's up to anything as long as she can have her Tres back. Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian. Ngunit hindi pumayag si Sebastian. Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na, wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki. Sa huli, wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang option niya, manatili sa sekretariat position bilang isa sa maraming pangkaraniwang sekretarya ni Sebastian. Noong una, inisip ni Calix na baka guluhin lang ni Trixie ang secretariat department. Ngunit nagkamali siya. Bagama’t ginagamit ni Trixie ang kanyang posisyon upang makalapit kay Sebastian, alam niya ang tamang tiyempo at hindi siya lumalampas sa hanggangan niya. Sa katunayan, marahil upang mapahanga si Sebastian, nagsikap nang husto si Trixie sa trabaho. Napakagaling niya, at kahit noong buntis siya o nang manganak na, sinunod pa rin niya ang mga patakaran ng kumpanya at hindi kailanman humiling ng special treatment. Sa paglipas ng mga taon, naging team leader siya ng departmentomg iyon. Alam ni Calix kung gaano kamahal ni Trixie si Sebastian. Kaya hindi niya akalain ang ganitong biglaang anunsiyo. Hindi niya akalaing marunong rin pala mapagod ang babae. Magre-resign si Trixie. Hindi rin siya naniniwalang kusa itong umalis. Ang tanging naiisip niyang dahilan ay may nangyari sa pagitan nina Trixie at Sebastian na hindi niya alam at si Sebastian mismo ang nag-utos kay Trixie na lumayo na sa kaniya. Sayang dahil napakahusay pa naman ni Trixie sa trabaho nito. Pero dahil opisyal itong nagpaalam, tinugunan ni Calix ang sitwasyong ito sa propesyonal na paraan. "I'm accepting your resignation letter. Thank you for your hardwork all these years. Maghahanap na ako ng papalit sa posisyon mo sa lalong madaling panahon." "Sige." Tumango si Trixie at bumalik sa kanyang mesa. Matapos ang ilang oras na pagiging-abala, nag-report si Calix kay Sebastian online. Nang halos matapos na ang kanilang pag-uusap, biglang naalala ni Calix ang pagreresign ni Trixie. "Ah, Mr. Valderama, tungkol kay—" Bagama’t sinabi niya kay Trixie na mag-aasikaso siya ng papalit sa kanya, gusto pa rin niyang malaman ang opinyon ni Sebastian kung kailan dapat umalis si Trixie. Kung gusto nitong umalis agad si Trixie, aayusin niya ito kaagad. Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla niyang naalala ang sinabi ni Sebastian noon, noong una pa lang pumasok si Trixie sa kumpanya. Sinabi niyang lahat ng may kinalaman kay Trixie ay dapat iayon sa regulasyon ng kumpanya at hindi na kailangang i-report pa sa kanya. Hindi na niya ito pakikialaman. At totoo nga. Sa lahat ng taon na magkasama sila sa iisang kumpanya, kahit kailan ay hindi tinanong ni Sebastian ang kahit anong tungkol kay Trixie. Kapag nakikita niya ito sa opisina, parang ordinaryong empleyado lang ito, o ang mas malala pa ay estranghero lang ang tingin niya rito. Sa mga nakaraang taon, napakahusay ng performance ni Trixie sa kumpanya. Dalawang taon na ang nakakalipas, bago nila ito planong i-promote, kinonsulta muna nila si Sebastian. Kung ayaw niya, hindi nila ito itutuloy. Ngunit nang marinig ito ni Sebastian, kunot-noo niyang sinabi nang walang pasensya ang desisyon. "Huwag ninyo akong tanungin tungkol kay Trixie Salvador. I won't meddle with any of her affairs. Just stick to the rules of the company." Magmula noon, hindi na nila ito tinanong pa tungkol kay Trixie. Napansin ni Sebastian na tila may sasabihin si Calix pero hindi matuloy-tuloy, kaya't bahagya siyang napakunot-noo. "What is it?" Natauhan si Calix at mabilis na sumagot. "Wala po." Dahil alam niyang hindi ito binanggit ni Calix sa kanya, ibig sabihin, hindi mahalaga ang kung anumang nais sabihin nito kanina. Si Calix naman ay ginawa na lang ang dapat gawin sa resignation ni Trixie ayon sa regulasyon ng kumpanya. Matapos iyon, ibinaba na ni Sebastian ang tawag. "Ano'ng iniisip mo?" Tanghali na nang biglang tapikin ng isang kasamahan si Trixie sa balikat. Doon lang siya nagbalik sa ulirat, ngumiti sa ka-officemate at umiling. "Wala naman." "Hindi mo ba tatawagan ang anak mo ngayon?" "Ayos lang, hindi na kailangan." Karaniwan, tinatawagan ni Trixie ang kanyang anak dalawang beses sa isang araw, isang beses tuwing ala-onse ng gabi at isa pa sa tanghali. Alam ito ng lahat ng kasamahan niya sa opisina dahil consistent routine niya na ito simula ng napunta sa US ang anak ni Trixie. Ngunit ang hindi nila alam ay ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang big boss ng kanilang kumpanya. Pagkatapos ng trabaho nang gabing iyon, dumaan si Trixie sa palengke upang bumili ng ilang gulay at ilang paso ng berdeng halaman bago umuwi. Matapos maghapunan, binuksan niya ang laptop at naghanap ng balita tungkol sa isang paparating na technology exhibition. Pagkatapos magbasa, agad siyang tumawag sa isang numero. "Kindly reserve one ticket for me for the upcoming tech exhibition. It's next month, right?" Malamig ang boses nang sumagot sa kabilang linya. "Sigurado ka ba? Ilang beses mo na akong pinakiusapan na ipag-reserve ka ng tiket, pero ni minsan hindi ka sumipot. Nasasayang lang sa'yo ang ticket na pinapangarap ng marami." Ang yearly tech exhibition na iyon ay isang malaking kaganapan sa nasabing industriya. Hindi basta-basta nakakakuha ng ticket para rito. Maging ang kumpanya nila ay may limitadong puwesto lamang, kaya't maraming empleyado ang nais makasali na hindi pinapalad. Para sa kanila, napakahalaga ng bawat puwesto sa rare event na iyon. Ngumiti si Trixie at sinabing, "Kung hindi pa ako sisipot ngayon, hindi na kita kakausapin kailanman. Hold on to my words." Walang sinabi ang nasa kabilang linya, pero ibinaba na nito ang tawag. Alam ni Trixie na napapayag na niya ito. Napangiti siya. Ang hindi niya nabanggit ay ang gusto niyang bumalik sa kumpanya na matagal na siyang shareholder. Bilang isa sa mga kasosyo ng kompanya, pinili niyang magpakasal at magkaanak noong nagsisimula pa lamang ito. Dahil dito, unti-unti siyang nawala sa kumpanya at nag-focus sa pamilya, na siyang dahilan kung bakit naantala ang pag-unlad ng negosyo nila. Maraming galit sa kanya. Sa loob ng maraming taon, halos wala siyang naging contact sa mga kaibigan. Tapos ngayon, hindi na rin niya tinatawagan ang kaniyang mag-ama. At siyempre, parang walang pakialam ang mga ito sa kaniya dahil hindi rin siya kinokontak ng mga ito. Hindi na siya nagulat. Dahil kalahating taon na ang nakakalipas, ang pagtawag niya kay Xyza ay sariling desisyon niya lamang. Sila? Sinasagot lang ito nang walang pakialam. Samantala, sa America, nakasanayan na ni Xyza na tawagan si Wendy tuwing umaga pagkagising. At tulad ng dati, tinawagan niya ito sa araw na iyon. Ngunit hindi pa sila nagtatagal sa pag-uusap nang bigla siyang napaiyak. Masamang balita ang ibinalita ni Wendy. "Paalis na pabalik ng Pilipinas si Tita Mommy ko!" Labis itong dinamdam ni Xyza. Pagkababa ng tawag, agad niyang tinawagan si Sebastian. "Daddy! Tita Mommy is coming back to the Philippines. Do you know about this?" Sa opisina, abala pa rin si Sebastian sa pagbabasa ng mga dokumento kahit ginagambala siya ng tantrums ng anak. Walang emosyon ang kanyang tinig nang sumagot siya. "Yes." Nanlaki ang mata ni Xyza. "Kailan mo pa po nalaman, Daddy?!" "Matagal na." Nanghina siya sa narinig. "Daddy, ang sama mo... Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ko kayang mawala si Tita Mommy ko! Ayokong pumasok sa school ng wala siya. Gusto ko ng bumalik ng Manila! Waaah~" Pinanatili ni Sebastian ang kalmadong tono. "It's already been taken care off, my daughter. Stop crying, would you?" Nilambingan niya pa ang boses para mas effective. Napalunok si Xyza. "W-What do you mean po?" Bahagyang napangiti si Sebastian at sinabing, "We're going back to the Philippines next week."“Mukhang malungkot at excited ka nga, dear cousin. You are not this clingy before.” Tila pinapayagan niya lamang si Wendy na makaramdam ng relief sa loob ng ilang segundo bago ibalik ito sa reality. “Ang yakap mo ay masyadong touchy. Anong nangyayari sa iyo?”Ang mga mata ni Wendy ay nanatiling nakatitig sa pinsan, puno ng mga tanong na mabilis niyang sinubukang itago. Ang kanyang hininga ay putol, ang labi niya ay bahagyang nanginginig sa rush ng adrenaline. Ngunit mabilis siyang nagpakita ng kontrol sa mga emosyon. Sa halip na sumagot, isang mahina at tuyot na tawa ang kumawala sa kanyang bibig, a chuckle without humor, walang kaligayahan, isang sound lamang na ginagamit upang itago ang pagkalitoi kung bakit ba naiisip ng pinsan niya ito.“Hindi naman ako clingy, Emily,” sabi ni Wendy, sinubukang gawing casual ang boses. “I’m just glad you’re here. Ang bahay na ito ay masyadong malaki, at ang mga kasama ko, si Michael, ang mga katulong… oh never mind them. Kailangan ko ng panibago
Tahimik ang study room ni Michael, nakabukas ang malalaking bintana, at ang hangin mula sa hardin ay pumapasok na tila ba nagtatangkang pagaanin ang bigat ng utak ni Wendy. Nakahanda na sa teakwood table ang dalawang porselanang tasa, ang mga kubyertos na silver, at tray din na may tatlong uri ng pastries. Croissant, mini sandwiches, at dalawang kulay ng macarons sa three tiered stand. Lahat ay mabilis na inilatag nang perpekto ni Sheryl,, ang kasambahay na matalinong sumagip sa sarili nito at ngayon ay labis na nagpapakita ng loyalty.Pero sa kabila ng effort ng mga katulong… wala sa nakaka relax na ambiance ng paligid ang atensyon ng babae.Wendy sat on the velvet chair, nakataas ang dalawang paa sa gilid, one hand holding a book she supposedly “borrowed” from the shelf earlier. Ang title nito ay The Power of Ruthless Women. Ito ay ang isang hardbound book mula sa koleksyon ni Michael, ang pamagat ay isang bagay na nagustuhan niya dahil sa ironic na title nito sa sitwasyon niya. Ng
“Hindi naman pala kailangan, Nida, hindi ba?” ang boses ni Wendy ay malambot ngunit puno ng sarkasmo. “Kung ganoon, ang sunod na aasikasuhin mo ay ang pag eempake ng lahat ng gamit mo. And you can leave this property immediately.”Agad na nanigas ang mukha ni Nida, na para bang may sumabog na bomba ang tumama sa kanya.“M-Ma’am?”“You heard me,” malamig na sagot ni Wendy. “You’re fired,” ang kanyang ngiti ay sharp at walang awa.Sa narinig, nagimbal si Nida. Mabilis itong napaluhod, ang matinding takot ay mababanaag sa kanyang mukha, at ang luha ay muling umagos.“Madam! Ma’am Wendy, please! Hindi ko po sinasadya—Hindi ko po kayo kil—Hindi ko po—Hindi ko po akalaing narinig niyo—Ma’am please po! Kailangan ko po ang trabaho na ’to! Maawa na po kayo!” palahaw ni Nida nagmamakaawa, at ang kanyang boses ay naging garalgal. Hindi pa nakuntento sa paawa lamang, niyakap nito ang mga binti ni Wendy, ang pagmamakaawa ay uncontrolled. “Huwag niyo po akong tanggalin! Please! Wala po akong ibang
Wendy couldn't forget the first time she heard their whispers. “Grabe! Sa dami ng babaeng single na puro at malinis dito sa Maynila, itong kabit at babaeng may bahid pa ang pinatulan ng boss natin!”Halos wala nang naririnig si Wendy sa kaniyang paligid dahil ang kaniyang galit ay nag uumapaw. Wala naman talaga siyang pakialam kung anong status ba ang pinapakalat o sinasabi ni Michael sa tauhan niya, but the side comments or those whispers behind her back is what irks her. Ang pagiging below the belt na judgments na iyon ay hindi niya matatanggap. Well, she easily remembers faces like these bitches in front of her, alam niyang ang mga babaeng ito ay mga ingrata at inggitera.Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Si Sheryl, na mabilis na nakakita kay Wendy at nagtatago ng kanyang sariling wickedness, ay nagdesisyon na biglang maging kampi kay Wendy.How? The poor selfish bitch just changed her argument. Siguro ay iniisip ni Sheryl na hindi ni Wendy narinig ang unang chismisan ng
Ang malambot na tela ng suot na robe ni Wendy ay dumampi sa kanyang balat, exactly the kind that should be hugging her skin. Isang maginhawang pakiramdam iyon matapos ang kaniyang intense morning gym session. Malinis, malamig, at amoy eucalyptus pa ang buong silid nang lumabas si Wendy mula sa shower. Nangingintab pa ang balat niya, pulang pula ang pisngi dahil sa init ng tubig na halos tatlumpung minuto niyang ginugol. Since sinabi na ni Michael na darating si Emily before or after lunch, nagkaroon pa siya ng oras para mag pamper sa sarili. Alas dose na ng tanghali ng mga oras na iyon, at alam niyang may sapat pa siyang oras bago dumating si Emily, ang kanyang pinsan, na inaasahan niyang darating. Hair serum, whitening lotion, bagong pabango,. So on, and so forth. Hindi na siya nag abalang mag lunch. Ang simpleng pagtingin niya lang sa quinoa at mga ulam kaninang umaga ay sapat na para magdulot sa kanya ng calories kahit hindi niya talaga iyon kinain. And she can’t take that becau
Halos limang minuto pa na nag utos si Wendy sa walang katapusan niyang luho na para bang isang dekada itong pinagkaitan na makapag shopping. Oh, the world of the rich. Err. Scratch that. Wendy’s world with her sugar daddy. May sarili na siyang kontraktor, gaya na lang ng napapanahon ngayong balita sa Pilipinas tungkol sa mga ganid na kontraktor ng buwis ng bayan. Everything goes on for roughly ten minutes of their morning. Sunod sundo ng babae ang mga couture pieces at jewelry na madali lang naman maghayag ng karangyaan lalo sa mundo nila. Why would she stop when her banker is just here, listening to her spend his damn earned money and family’s enormous wealth. How can she say no? Habang lang nag uutos naman siya, si Michael ay nakaupo lang. Nakatingin lang ang lalaki kay Wendy na may hindi naalis na paghanga sa mga mata nito, ang paghanga ng isang lalaking ginagawang diyosa ang kanyang muse.?“And,” dagdag pa ni Wendy habang nilalaro ang buhok niya sa daliri, “lip glosses, lip oi






