Accueil / Romance / The billionaire's dept of love / Chapter 1: Ang hatol ng bilyonaryo

Share

Chapter 1: Ang hatol ng bilyonaryo

Auteur: Your_luv
last update Dernière mise à jour: 2026-01-15 16:39:05

CHAPTER 1: Ang Hatol ng Bilyonaryo

Ang langit ay tila nakikiramay sa bigat ng bawat tibok ng aking puso. Sa labas ng naglalakihang bintana ng mansyong Alcantara, ang ulan ay walang tigil sa pagbuhos, tila isang dagat na gustong lumunod sa buong mundo. Ngunit sa loob ng engrandeng sala, mas malamig pa ang atmospera kaysa sa hanging dala ng bagyo.

Nakaluhod ako sa gitna ng malawak na espasyo. Ang marbol na sahig ay parang yelong nanunuot sa aking mga tuhod, ngunit hindi iyon ang dahilan ng aking panginginig. Ito ay ang kahihiyang tila isang malapot na putik na ipinapahid sa aking pagkatao.

"Wala akong kinuha, Ma’am Elena... pakiusap, maniwala po kayo," halos paos kong pakiusap. Ang boses ko ay maliit, nanginginig, at puno ng desperation.

"Sinungaling!"

Isang malakas na sampal ang nagpalingon sa aking mukha. Sa sobrang lakas nito ay halos magdilim ang aking paningin. Ang lasa ng kalawang—ang sarili kong dugo—ay agad na humalo sa alat ng aking mga luha. Ang sampal na iyon ay hindi lang galing sa kamay ni Donya Elena; galing iyon sa isang babaeng dati ay itinuring akong parang anak, ngunit ngayon ay tinitingnan ako na parang isang peste.

"Nakita sa locker mo ang 'Tear of the Ocean' necklace ko, Clara! Isang katulong na tulad mo, pinagkatiwalaan ko, pinatira sa ilalim ng bubong ko, pero magnanakaw ka rin pala!" sigaw ng matanda, ang kanyang mukha ay pulang-pula sa galit habang iwinawagayway ang kwintas na nagkakahalaga ng milyun-milyon.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na nakita ko si Samantha—ang babaeng mapapangasawa ng kanyang anak—na pumasok sa quarters ng mga katulong kanina. Ngunit alam ko ang katotohanan: ako ay isang hamak na orphan scholar, at si Samantha ay ang anak ng isang senador. Sino ang pakikinggan nila?

Sa gitna ng aking paghikbi, narinig ko ang mabibigat at determinadong yabag ng sapatos mula sa grand staircase. Ang tunog na iyon ay pamilyar sa aking sistema—isang tunog na dati ay nagpapakilig sa akin, ngunit ngayon ay nagpapahinto ng aking hininga sa takot.

Si Liam.

Tumigil ang mundo ko nang huminto siya sa tapat ko. Ang kanyang suot na charcoal grey suit ay kasing-pormal ng kanyang mukha. Walang bahid ng emosyon. Walang bakas ng pag-aalala. Ang lalaking naging kanlungan ko sa madidilim na gabi, ang lalaking bumubulong sa akin ng mga pangako sa ilalim ng buwan, ay nakatayo ngayon sa harap ko bilang aking hukom.

"Liam..." sambit ko, ang pangalan niya ay parang isang dasal sa aking labi. "Liam, sabihin mo sa kanila... alam mong hindi ko magagawa 'yan. Sabihin mo sa kanila na magkasama tayo kagabi..."

Bahagyang kumislap ang galit sa kanyang mga mata sa binanggit ko. Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang aming paningin. Ang amoy ng kanyang mamahaling cologne na may halong sandalwood ay pumasok sa aking sistema—isang amoy na dati ay nagpaparamdam sa akin ng kaligtasan, pero ngayon ay parang lason.

"Don't bring up last night, Clara," malamig niyang bulong, sapat lang para kami lang ang makarinig. "It was a mistake. A moment of weakness that I already regret."

Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa dibdib. *Isang pagkakamali?* Ang lahat ng mga yakap, ang mga halik na tila walang hanggan, ang pag-amin namin ng nararamdaman—lahat ba iyon ay isang pagkakamali lang para sa kanya?

Tumayo siya nang tuwid at hinarap ang kanyang ina. Inihagis niya sa harap ko ang isang maliit na box. Ang engagement ring na dapat ay ibibigay niya kay Samantha sa susunod na buwan.

"I found this in her bag too, Mom," aniya sa boses na walang bahid ng awa. "I thought she was different. I thought she was pure. Pero isa lang pala siyang oportunista. She’s just like her father—a thief and a liar."

"Hindi totoo 'yan! Mahal kita, Liam!" sigaw ko, wala nang pakialam kung marinig man kami ng lahat ng staff na nakamasid sa amin.

"Mahal?" Ngumisi siya, isang mapait at nakakangilong ngisi. "You don't love me, Clara. You love the Alcantara name. You love the money."

Bigla niya akong hinawakan nang mahigpit sa braso. Ang diin ng kanyang mga daliri ay tila lalagos sa aking balat. Kinaladkad niya ako patungo sa naglalakihang pinto ng mansyon habang ako ay nagpupumiglas at sumasamo.

"Liam, nasasaktan ako! Pakiusap, makinig ka muna!"

Hindi niya ako pinakinggan. Binuksan niya ang pinto at sinalubong kami ng bagsik ng ulan. Sa isang malakas na tulak, bumagsak ako sa basang kalsada. Ang putik ay agad na kumapit sa aking uniporme, ang aking mga siko ay nagasgas sa semento.

"Get out," utos niya, ang boses ay mas malakas pa sa kulog. "If I ever see your face again in this city, I'll make sure you end up in jail. O baka mas malala pa doon. Hinding-hindi kita mapapatawad sa pagtataksil na ginawa mo sa pamilya ko."

"Liam, buntis ako!"

Gusto kong isigaw ang mga salitang iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na may nabuo na sa aming pagkakamali. Pero habang nakatingin ako sa kanyang mga mata, wala akong nakitang kahit anong puwang para sa awa. Ang nakita ko lang ay poot.

Bago pa man ako makapagsalita, ang malaking pinto ay sumara nang may malakas na kalabog. Ang huling nakita ko ay ang kanyang likuran—ang likuran ng lalaking minahal ko, na ngayon ay siya ring pumatay sa aking pagkatao.

Nakahandusay ako sa gitna ng kalsada, nilalamon ng dilim at ulan. Hahawakan ko sana ang aking tiyan nang may isang itim na kotse ang dahan-dahang huminto sa aking tapat. Ang bintana nito ay bumukas, at isang pares ng mga mata na puno ng misteryo ang tumingin sa akin.

"The Alcantaras are cruel, aren't they?" ang boses ng lalaki ay malalim at nakakaakit. "Gusto mo bang maghiganti, Clara? Gusto mo bang makita silang lumuluhod sa paanan mo pagkalipas ng ilang taon?"

Tumingin ako sa mansyong dati ay itinuring kong tahanan. Ang galit ay unti-unting pumapalit sa sakit sa aking puso. Inabot ko ang

kamay ng lalaki.

"Gawin natin," ang tanging sagot ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The billionaire's dept of love   Chapter 43: Ang Bulong ng Katotohanan

    CHAPTER 43: Ang Bulong ng KatotohananMatapos ang insidente ng nabasag na vase, naging mas lalong paranoid si Samantha. Kahit saan siya magpunta sa loob ng mansyon, pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Pero dahil "show must go on," itinuloy pa rin ang plano para sa isang maliit na pre-wedding cocktail party sa garden. Ang layunin ay ipakita sa mga malapit na kaibigan at business partners na matatag ang relasyon nina Liam at Samantha sa kabila ng mga intriga.Habang nag-aayos ang lahat sa baba, ang batang si Xander ay tahimik na umakyat. Bitbit niya ang kanyang paboritong laruan—isang maliit na airplane na gawa sa kahoy. Gusto niyang ipakita ito sa kanyang Mommy Clara. Para sa bata, kahit hindi sumasagot ang kanyang ina, ito ang tanging sandali na nararamdaman niyang ligtas siya.Dahan-dahang binuksan ni Xander ang pinto ng kwarto ni Clara. "Mommy? I'm here po. Busy sila sa baba, daming flowers. Pero hindi ko gusto 'yung smells. I want your smell, Mommy."Umupo ang bata sa gilid

  • The billionaire's dept of love   Chapter 42: Ang Kulay ng Pagtataksil

    CHAPTER 42: Ang Kulay ng PagtataksilMaagang nabulabog ang buong mansyon ng mga Alcantara. Kung noong nakaraang araw ay sukatan ng gown ang inatupag, ngayon naman ay ang detalye ng reception. Dumating ang pinakasikat na catering service at wedding planner sa bansa para sa food tasting at pagpili ng dekorasyon. Ang malawak na dining area ay napuno ng mga sample ng bulaklak, tela, at iba’t ibang putahe na mukhang pang-royalty ang presyo.Si Samantha ay parang reyna na nakaupo sa gitna, kasama si Doña Victoria. Todo ang ngiti ni Samantha, habang si Liam naman ay nakaupo sa tapat nila, halatang pilit lang ang bawat subo ng pagkain. Ang isip ni Liam ay lumilipad—kanina pa siya nakatingin sa hagdan, iniisip kung kumain na ba si Clara o kung kumusta na ang lagay nito sa itaas."Liam, anak, focus please," saway ni Doña Victoria habang itinuturo ang dalawang klase ng tela. "Which one do you prefer for the table runners? The champagne gold or the royal silver?""Kahit ano, Mom. Ikaw na bahala,"

  • The billionaire's dept of love   Chapter 41: Ang Maskara ng Kasunduan

    CHAPTER 41: Ang Maskara ng KasunduanAng sikat ng araw na pumasok sa bintana ng mansyon ay hindi nagdala ng kapayapaan, kundi isang bagong uri ng tensyon. Kinabukasan, ang mga mamahaling sasakyan na pumarada sa harap ng mansyon ay hudyat ng pagdating ng mga taong may pinakamataas na awtoridad sa buhay ni Liam—ang kanyang mga magulang.Sina Don Ricardo at Doña Victoria Alcantara ay pumasok sa sala na tila ba sila ang nagmamay-ari ng hangin na nilalanghap ng lahat. Kasunod nila ang isang grupo ng mga sikat na couturiers at stylists, bitbit ang mga naglalakihang gowns at suits. Ilang linggo na lang, at gaganapin na ang kasal na inaabangan ng buong business world."Liam, anak," bati ni Doña Victoria sabay beso sa hangin. "We cannot delay this any further. Ang ingay sa media tungkol sa 'Anino' at kay Salazar ay kailangang matabunan ng isang marangyang balita. Ang kasal niyo ni Samantha ang magliligtas sa stocks ng kumpanya."Si Liam, na tila pasan ang daigdig, ay tumango na lamang. Ang kan

  • The billionaire's dept of love   Chapter 40: Ang huling Alas ni Samantha

    CHAPTER 40: Ang Huling Alas ni SamanthaAng loob ng mansyon ng mga Alcantara ay nababalot ng isang uri ng katahimikan na nakabibingi—iyong uri ng katahimikan bago ang isang malakas na delubyo. Sa guest room, si Samantha ay nakaupo sa gilid ng kama, ang kanyang mga mata ay nanlilisik habang nakatitig sa kawalan. Ang bawat tibok ng kanyang puso ay tila isang tambol na nagpapaalala sa kanya na unti-unti na siyang nauubusan ng oras.Alam niya. Alam niyang sa mga sandaling iyon, ang video na ginawa ni Leo at Leonardo ay kumakalat na parang apoy sa social media. Alam niyang ang bawat segundong lumilipas ay isang hakbang palapit ni Liam sa katotohanang matagal niyang itinago sa ilalim ng mga kasinungalingan."Hindi pwedeng matapos ang lahat nang ganito," bulong niya sa sarili. Ang kanyang mga kuko ay binaon niya sa kanyang sariling palad hanggang sa mag-iwan ito ng mapulang marka. "Hindi ako papayag na ang paralisadong babaeng iyon ang manalo sa huli."Nanginginig ang kanyang buong katawan—h

  • The billionaire's dept of love   Chapter 39: Ang Bulong ng Nakaraan

    CHAPTER 39: Ang Bulong ng NakaraanAng guest room na kinalalagyan ni Samantha ay tila naging isang kulungang puno ng hindi maipaliwanag na lamig. Nakahiga siya sa malambot na kama, pero hindi siya madalaw ng tulog. Ang bawat kaluskos ng puno sa labas ng bintana ay parang mga kuko na kumakamot sa kanyang isipan.Biglang tumahimik ang paligid. Ang tanging naririnig niya ay ang sarili niyang paghinga. Pero sa gitna ng katahimikang iyon, isang mahinang bulong ang tila nanggaling sa bawat sulok ng kwarto."Samantha... umamin ka na..."Napatayo sa pagkakahiga si Samantha. Nanlaki ang kanyang mga mata habang iginagala ang tingin sa madilim na silid. "S-sino 'yan?!" sigaw niya, pero ang boses niya ay nanginginig."Habang buhay kang mumultuhin ng konsensya mo... Samantha..."Ang boses na iyon—kilala niya iyon. Iyon ang boses ni Clara. Isang boses na puno ng hinanakit at pait. Mabilis na tumayo si Samantha at hinalughog ang ilalim ng kama, ang loob ng closet, at pati na ang likod ng mga kurtina

  • The billionaire's dept of love   Chapter 38: Ang Huwad na Biktima

    CHAPTER 38: Ang Huwad na BiktimaHabang nagkakagulo sa loob ng opisina ni Mr. Salazar, mabilis na tumatakbo si Samantha sa hallway ng gusali. Rinig niya ang yabag ng mga tauhan ni Salazar na humahabol sa kanya. Hinihingal siya, ang kanyang gown ay may punit na, at ang kanyang mascara ay kalat na sa mukha dahil sa luha ng takot.Paglabas niya sa parking lot, hinarang siya ng tatlong lalakeng may hawak na baril. "Ms. Samantha, sumama na po kayo nang maayos para hindi na kayo mahirapan," sabi ng isa sa mga ito.Akala ni Samantha ay katapusan na niya. Pero bago pa man makalapit ang mga lalaki, isang itim na SUV ang humarurot at huminto sa harap niya. Bumukas ang pinto at lumabas si Leonardo na may hawak na baril. Sa loob ng ilang segundo, mabilis na pinatumba ni Leonardo ang mga tauhan ni Salazar gamit ang kanyang galing sa pakikipaglaban."Sakay!" sigaw ni Leonardo.Nanginginig na sumakay si Samantha. Pagpasok sa loob, imbes na magpasalamat, isang malakas na sigaw ang ibinalik niya kay L

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status