Beranda / Romance / The ruthless CEO's second chance / Chapter One: Apat na taon ang lumipas

Share

Chapter One: Apat na taon ang lumipas

last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-31 11:18:08

SABRINA

Mabilis akong tumatakbo papunta sa aking pinapasukang opisina dahil malelate na ako. Ayong ma mark as late ako sa attendance. Nakakainis na jeep kasi yun ngayon pa nasiraan kaya eto ako nakikipagmarathon sa hininga ko. 

"O-Ouch! Saglit!" napahinto ako dahil sa sobrang sakit na nang paa ko. Natatanaw kona ang building pero medyo malayong takbuhan to. Inalis kona ang heels ko at tumakbong muli.

*BEEP!*

"Kyahh!" Nagulat ako nang biglang mayroong bumusina saakin habang papatawid ako kaya tinignan ko ang kotse na tinted at nag F hand doon sa driver. Seriously bubusinahan niya ako eh naka red light. 

Napairap pa ako dahil doon at tumakbo nang muli. Tatlong minuto nalang. Sa abot nang aking makakaya ay nakarating ako agad at iniscan ang ID ko.

"Better luck next time Sabby, four days strait ah!" napasimangot ako sa gaurd dahil sa sinabi niya dahil nagka attendance nga ako color red naman it means late ako nang 1sec! Kainis. 

"Tumakbo na nga ako nang mabilis kainis naman oh!" reklamo kong sabi na tinawanan niya naman. 

"Haha ingat ka may bago tayong boss baka magtanggal yun masama ka," 

Nakuha niya ang aking attention at napatingin dito. 

"Anong ibig mong sabihin na bagong boss?" curious kong tanong dito. 

"Mayroon nang bagong may-ari nito. Kailangan ko ngang magpaimpress para hindi ako tanggalin, baka magtanggal yun lalo at bago," 

Bigla naman akong napaseryoso dahil sa sinabi niya. May bagong boss pala. 

"Sabby pasok na! Nakikita kona ang kotse nang bagong boss!" 

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabing iyon nang gaurd, nga pala ang pangalan niya ay Kuya Nestor. Matanda na siya at matagal nang gaurd dito kaya sigurado akong hindi siya matatanggal. Kabisadong-kabisado na niya ang pasikot-sikot dito. Minsan ngang nalock ako sa office namin dahil kaka overtime ko nakattulog ako ayun nagising ako wala nang tao kaya nagkakalampag ako sa pinto sakto na nagroronda si Kuya Nestor. 

Mabalik tayo agad na akong tumakbo upang sumakay sa elevator. Lahat nang mga kapwa ko nagtatrabaho ay papaakyat sa taas mukang nainform sila na may bagong boss samantalang ako hindi ang galing. 

Pagkabukas nang elevator ay deretsyo ako agad sa department namin. 

"The late Sabby! Mabuti at hindi ka nasermonan nang bagong boss!" 

Yan ang bungad saakin nang mga katrabaho ko kaya napasimangot nalamang ako at tumuloy sa table ko. 

"Wala manlang nagsabi saakin na may bago pala tayong boss!" 

"Excuse me, nag announce ako kahapon sadyang tulog ka lang!" sabi saakin nang head namin sa department kaya napa peace sign nalang ako. 

"Alam kasi naming pagod ka kaya hinayaan ka nalang namin, ewan koba sayo maayos naman ang sweldo natin dito pero todo kayod ka parin," si Sophia yun. Siya ang pinakang madaldal saakin. Apat lang kami panglima ang head namin si Ms. Janice wala pa yang asawa sabi niya may boyfriend siya pero wala namang maiharap saamin. 

Nginitian ko nalang si Sophia dahil sa sinabi niya at humarap na sa table ko na muli kong ikinasimangot. 

"Yiee sagutin mona kasi!" pang-aasar saakin ni Honelyn, Lyn for short at literel na short kasi maliit siya.

"Ilang buwan nang ganiyan sayo si Bernard pero hindi mo parin sinasagot," dugtong pa ni Mica na katabi ko sa lamesa. 

Ganito kasi ang pwesto namin, nasa pinakang unahan ang head namin nasa may pintuan siya nakaharap para siya ang unang matawag samantalang nasa likuran niya si Sophia at Lyn at sa likuran nilang dalawa ay table namin ni Mica. 

"Hindi ako magsasawang basteden siya, sabi nang hindi pwede eh!" sabi ko at tinapon ang flowers sa basurahan ko. 

"Ouch sakit nun! Ako magbabalita kay Bernard haha," 

Napailing nalamang ako dahil doon at naupo na sa table ko. It's been four years, apat na taon na ang nakalilipas magmula nang tumakas ako sa puder nang napangasawa ko si Aiden Devaux. 

(Flashback) 

Matapos ang kasal na hindi ko inaasahan ay dumeretso kami sa isang hotel na hindi ko alam at doon kumain. Marami ang bumabati saamin at ang sabi ni Daddy lahat daw nang andoon ay kamag-anak nang napangasawa ko. Kanina ay iyak ako nang iyak pero ngayon ay tumigil narin ako dahil magang-maga na ang aking mga mata. 

"Are you okay princess?" nakangiting sabi ni Daddy habang katabi ang papa ni Aiden ang aking napangasawa. Ngumiti lamang ako nang pilit at tumango dito. 

"Hija wag kang mahiya sa pamilya namin ngayon ay kabilang kana saamin," nakangiting sabi saakin nang papa ni Aiden na ikinatango ko nalang dito habang nakangiti. Humarap nalamang ako sa aking pagkain at napatitig dito. 

Kabilang eh wala nga dito sa tabi ko ang napangasawa ko, nagpaalam ito saamin kanina na may pupuntahan lang saglit at hanggang ngayon ay wala pa ito. tumakas na kaya yun? Mabuti pa nga, pero kasal kaming dalawa.

Napapikit ako dahil doon at feeling ko hindi na ako makahinga. Parang nagsasama-sama sa isip ko ang ingay sa paligid unti-unti silang nag-eeco. 

Bigla akong tumayo dahil doon na siyang ikinatingin nila saaking lahat. Nakita ko na nagtataka silang nakatingin saakin, nasa isang mahabang table kasi kami at nasa gitna ako na dapat katabi ko ay ang asawa ko ngunit wala. 

"M-Magpapahangin lang po ako," hinihingal ko na sabi sa kanila at hindi na inantay ang pagpayag nila dahil basta-basta na akong tumakbo palabas. Sa may terrace nang hotel room na pinasukan namin ako pumwesto at nakahinga ako nang maluwag dahil doon. 

"Ayos ka lang ba?" napatingin ako sa aking likuran nang mayroong nagsalita at nakita ko ang isang babae na sobrang ganda. Nakita kona siya kanina siya yung kakambal ni Aiden si Addison! 

"I-I'm okay," kinakabahan kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman kasi kilala at hindi ko alam ang ugali nilang lahat kaya kinakabahan ako kapag may kakausap saakin. 

"Wag kang matakot saaki please, mabait ako. I'm Addison but you can call me pretty Addison!" nakangiting sbai nito saakin na ikinatitig ko sa kaniya, nag jojoke ba siya? 

Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi at napairap. "Just forget what I have said," naglakad siya papunta sa may railings at humawak doon upang pagmasdan ang magandang tanawin nang Canada. 

"I know gulat na gulat ka sa mga nangyayari, well nakuna ko kung paano ka umiyak at magmakaawa sa papa mo," napasama ang tingin ko kay Addison dahil sa sinabi niya. 

"Kung ako nasa posisyon mo magwawala ako," ngunit agad ding iyon nawala nang magsalita itong muli. 

"Magwawala ako dahil sa walang kwentang kasal na ito!" inis na sabi niya at napabuntong hininga. Tama siya, ganiyan din sana ang gagawin ko kanina kaso nang marinig ko ang sinabi ni Daddy na mababankrupt ang negosyo namin ay hindi kona ginawa pinaghirapan ni mommy at daddy ang pagtatayo nang bussiness namin ngayon kaya hindi ko hahayaan na mawala ito saamin. 

"You know what I like you, mas gusto kita kesa doon sa girlfriend nang kuya kong peke!" natigilan ako sa sinabi niya at maging siya ay napatakip sa kaniyang bibig at napatingin saakin.

"Oh My God! Wala akong nasabi! Wala akong sinabi hindi ba?" nanlalaking matang sabi nito saakin. 

"M-May girlfriend ang a-asawa ko?" tanong ko sa kaniya na ikinailing niya agad saakin. 

"H-Huh? May sinabi ba akong ganiyan wala!" maang-maangan na sabi nito at tumingin sa paligid. 

"Tell me the truth Addison!" sigaw kong sabi sa kaniya na ikinagulat niya at tumingin saakin mukang natakot ko ata siya. 

"O-Oo meron Sabby, three years na sila ni kuya," napatakip nalamang ako nang aking muka at muling napaiyak. 

"I'm sorry Sabby pero ikaw na naman ang kasal kay Kuya kaya wala na siyang karapatan," napatingin ako s akaniyang habang umiiyak. 

"Walang karapatan?! Sa tingin mo ba makakatulog ako tuwing gabi na alam kong mayroon akong nasirang relasyon?! Sa tingin mo ba mamahalin ako nang kuya mo gayong may ibang girlfriend pala ito?! Sa tingin mo magagawa niya akong makatabi gayong hindi naman namin mahal ang isa't-isa?" 

Hindi kona talaga napigilan ang aking mga luha sa kanilang pag-agos samantalang si Addison naman ay napayuko dahil sa sinabi ko. Tumalikod na ako sa kaniya at tumakbo palabas. 

"Sabby sandali!" 

Hindi ko pinansin ang pagtawag saakin ni Addison at dumeretsyo ako palabas nang hotel room at umakyat sa rooftop. Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Masyadong maraming nangyari lalo na at kaarawan kopa. Feeling ko pagkatapos nito ay tuluyan na akong mababaliw. 

Pagbukas ko nang pinto sa rooftop ay dumeretso ako sa railings at umiyak sandali pagkatapos ay hinanda ang sarili sa pagsigaw upang mailabas ko ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit ang lahat nang iyon ay napigil nang mayroon akong marinig na sigawan. 

"Hindi Aiden eh, paano ka nakakasigurado?!" 

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Aiden kaya naglakad ako papunta sa may gawi na nagsisigawan at doon ay nakita ko ang isang babaeng maputi at maganda kasama ang asawa ko, si Aiden. 

Lumapit si Aiden sa babae at niyakap ito samantalang yung babae ay nagpupumiglas sa kaniya.

"Please maniwala ka saakin, I love you! Mahal na mahal kita!" napaatras ako dahil sa sinabing iyon ni Aiden at muling nagsituluan ang aking mga luha. Hindi kona kinaya pa ang mga sumunod na nagyari dahil nakita ko na biglang hinalikan ni Aiden yung babae kaya agad na akong tumakbo palabas doon. 

Mas nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko dahil doon. Feeling ko wala na akong ilulugar pa sa lugar na ito. Feeling ko lahat nang tao dito ay pakitang tao at nagpapanggap na masaya lalo na ako. Sino ba ang magiging masaya gayong hindi naman talaga kami magkasintahan ni Aiden nang ikasal kami. Ni hindi ko nga siya kilala nagyon lang! 

Lumabas ako nang hotel at tumakbo papunta sa kung saang hindi ko alam. Namalayan ko nalamang na nasa isang gubat na ako at takbo anng takbo na tila ba'y may humahabol saakin/ Ilang beses na akong nadapa pero patuloy parin akong bumabangon dahil buo na ang desisyon ko at gusto ko nang lumayo sa lugar na ito. 

Ayoko na silang makita pang muli kahit si Daddy, pinagkatiwalaan ko siya at ang buong akala ko na mahal na mahal niya ako ay magagawa niya akong ipagbili nang dahil lang sa pera. Ang asawa ko, kakakasal palang namin ay nagkakasala na ito. Sabagay bakit nga ba hindi dahil isa lamang arrange marrige ang aming kasal sino nga ba ako para pagalayan niya nang kaniyang oras at attention. 

(End of flashback) 

Napabuntong hininga nalamang ako nang mabalikan ko ang nakaraan. Apat na taon na ang lumipas at hindi na ako ang Sabrina De Guzman na pinakasalan ni aiden Devaux dahil ako na ngayon si Sabby Reyes. 

"Anjan na ang boss! Halikayo lumabas na tayo para magbigay nang galang pagkatapos nun ay mag-iisa isa nang department para makilala tayo."

Nagulat ako nang tumili si Sophia at Lyn na ikinataka namin samantalang sinaway naman sila ni Ms. Janice. Kaya tinawanan namin sila at nagtabi-tabi kami sa tapat nang department. Napatingin ako sa may dulong department nang floor namin at napangiwi ako nang makita doon si Bernard na nakangiti saakin at kumaway pa. 

"Sagutin mona kasi sayang ang kagwapuhan ni Bernanard! Kung ako yan sasagutin kona, siya kaya ang pinakang pogi sa lahat nang department dito sa company!" bulong saakin ni Mica na ikinangiwi ko. 

Totoo na gwapo si Bernard pero hindi talaga pwede dahil kasal na ako. Oo umalis ako noon pero sa mata nang diyos ay kasal kami at ayokong magkasala kahit siya ay nagkasala saakin. 

"Alam niyo ba?! Pogi daw yung bagong boss!" bulong ni Sophia saamin. 

"Tama nabalitaan ko rin sa first floor dahil nakita nila kahapon! Kyahh! Excited na ako!" gatong na sabi ni Lyn. 

"Ano ba ang nangyari kay Mr.Chua at nabili itong kumpanya?" taka kong tanong na ikinalingon saamin ni Ms.Janice. 

"Nag migrate na kasi sila sa states kaya binenta, balita ko single pa daw ang bagong boss kaya pipila ako kyah!" 

Napanganga kaming apat dahil sa naging reaction nang head namin, sa totoo lang ay bata pa si Ms.Janice kaso 30 na siya this year. 

"Akala ko ba may boyfriend ka Ms.Janice?!" gulat na sabi ni Lyn na ikinasimangot nito. 

"Yun nang ah! Naghiwalay kami kahapon kasi nakabuntis sa ibang bansa kainis!" napangiti ako dahil sa sinabi niyo. 

"Uyy nangangamoy painom game ako jan!" masaya kong sabi. 

"Yan sa inuman present na present pero kapag sa trabaho natutulog!" napakamot ako sa batok ko dahil sa sinabi ni Ms.Janice pero natatapos ko din naman trabaho ko nag oovertime nga lang ako. 

"Pero sige iinom tayo mamaya! Sige na umayos na kayo kailangan maimpress siya sa department natin!" 

Nagsibalikan na kami s apwesto namin samantalang ako ay yumuko lamang at tinignan ang aking paa. Sino kaya ang bagong boss? Sana mabait kasi kung hindi baka mahirapan ako, mas lalo nang wag niya sana kong tanggalin hindi ko mapapagamot si lola. 

"Good morning sir," nagulat ako dahil bumati sila kaya yumuko nalang ako para hindi mapansin na hindi ako nakabati dito nakakahiya naman hehe. Sabi ko magpapaimpress din ako para dia ko tanggalin tapos unang bati diko pa nagawa hay Sabrina!

"Good morning too everyone, ako ang magiging bago niyo boss and I want you all to work hard dahil magkakaroon nang bunga ang inyong pagtatrabaho nang mabuti," 

Nanindig ang aking balahibo sa oras na nagsalita ang boss namin dahil napaka pogi nang boses nito. Naalala ko single daw siya so ano yun wala pa siyang asawa eh sa pagkakaalam ko matatanda na ang nagiging boss hindi ba?

"OMG! Ang pogi niya!" impit na tili ni Sophia. 

"Tignan niyo ang ganda nang adams apple!" sabi pa ni Mica na ikinagulat ko dahil bibihira lang yan pumuri nang lalaki at adams apple pa kaya napailing ako. 

Iniangat ko ang aking paningin upang makita ang sinasabi nang mga ito kung totoo nga bang pogi ngunit sa oras na makita ko ang lalaki ay nanglaki ang aking mga mata at agad na napayuko pabalik. 

Hindi basta-basta lalaki o boss ko lang ang nasa harapan kungdi ang asawa ko yun! Si Aiden!

"Sir ano pong pangalan niyo?!" malakas na sabi ni Sophia na ikinasangayon nilang lahat. 

Habang ako ay napahawak nang mahigpit sa kamay ko at nanginginig na ito lalo na ang paa ko kasabay niyon ang pag-tulo nang luha ko.

"I'm Aiden, Aiden Devaux," 

Narinig ko ang pagsinghap nang mga babae dahil kilalang-kilala ang Devaux sa buong mundo sino bang hindi. Agad kong pinahiran ang luha ko. 

"Sige na bumalik na kayo sa loob at maglilibot na kami," sabi nang ibang boses na lalaki kaya ako pa ang naunang pumasok saaming lahat at yumuko sa table ko.

Anong gagawin ko?! Nandito ang asawa ko at magiging boss kopa siya! Hindi pwede! Hindi talaga pwede to!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Victoria Amata
nakaka excite magbasa wow
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hindi ba nakita ni aiden ang asawa nyang si sabrina
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The ruthless CEO's second chance   DEVAUX SERIES 2: Introduction

    Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l

  • The ruthless CEO's second chance   SPECIAL CHAPTER

    “HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi

  • The ruthless CEO's second chance   EPILOGUE (PART SIX)

    Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or

  • The ruthless CEO's second chance   EPILOGUE (PART FIVE OF PART SIX)

    Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani

  • The ruthless CEO's second chance   EPILOGUE (PART FOUR OF PART SIX)

    Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa

  • The ruthless CEO's second chance   EPILOGUE (PART THREE OF PART SIX)

    “KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status