Breaking The Billionaire's Heart

Breaking The Billionaire's Heart

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-17
Oleh:  Hiraya_23Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
27Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Breaking him was her mission. Sylviea, 27 years old. Isang runaway bride, tinakbuhan ang kasal na isang bayad utang ng mga magulang niya sa lalaking dapat mapapangasawa niya. Napadpad siya mansion ni Niro, kinanlong, inalagaan at minahal. Ngunit si Gabriel, ang taong pinagkakautangan ng magulang niya, ay natunton siya. Bilang kabayaran sa utang nila at sa pagtakbo niya binigyan siya nito ng isang misyon, “Break his heart, make his empire mine.” Loving her was his downfall. Sa gitna ng pighating dinadamdam ni Niro Figarlan, isang business tycoon, mula sa annulment ng kasal nito sa unang asawa. Dumating sa buhay niya si Sylviea. Isang panibagong pag-asa para sa kan’ya, naging kanlungan niya at di nagtagal ay natutunan niyang mahalin. Pero paano kung ang pagmamahal ay nagsimula lamang sa isang misyon? Misyon na mismong sirain siya? Truth that can kill the soft billionaire and turn him into a cold and heartless monster. At makakaya pa kaya ni Sylviea na ipaglaban ang nararamdaman niya? Kung maiipit siya sa gitna ng kaligtasan ng pamilya niya at saktan ang taong minamahal na niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

Hingal na hingal na ako kakatakbo, basang basa at puro putik na ang laylayan ng wedding gown na suot ko, at sa bawat hakbang ko ay nagiging mas mabigat ito kaya mas nahihirapan akong bilisan ang aking pagtakbo.

Kanina ko pa sinusubukang takasan ang mga lalaking humahabol sa akin— ang mga tauhan ni Marcus. Hindi ko na alam kung ilang oras na lumipas simula nang buksan ko ang pinto ng bridal car at tumalon palabas bago pa man kami makarating sa simbahan. Ang tanging alam ko lang, kailangan kong lumayo. Kailangan kong takasan ang impiyernong inihanda ni Marcus Albaladejo para sa akin.

“Nasaan na siya?!” narinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.

Napapikit ako nang mariin at sumandal sa isang kotseng nakapark sa gilid ng kalsada. Ang mga tauhan ni Marcus. Hindi sila titigil hangga't hindi ako nahuhuli at naibabalik sa altar. Para kay Marcus, isa akong magiging pambayad utang sa laki ng halagang kailangang bayaran ng mga magulang ko sa kan’ya.

Dapit-hapon na, mapansin kong nagdidilim ang paligid. Hindi ko alam kung saang subdivision na ang napasok ko, kung anong lugar na ba ito.

Hindi na ako nag-isip. Sa takot na baka makita ako ng mga tauhan ni Marcus na nag-iikot sa kalsada, mabilis akong sumulot sa bahagyang nakabukas na gate. Ang mga paa ko ay tila kusa nang naglalakad patungo sa malaking pinto ng mansyon. Pagpihit ko ng doorknob, nagulat ako nang hindi ito nakalock.

Agad akong pumasok at isinara ang pinto nang mabilis, halos hindi na ako makahinga sa takot. Kay pilit kong kinakalma ang sarili.

Hindi ako pwedeng mahanap ni Marcus! Ayaw kong maging laruan ng lalaking iyon.

Sandali kong nilibot ang tingin ko sa loob ng mansion. Malaki ito pero parang walang katao-tao. Sa gitna ng malawak na sala, doon ko nakita ang isang lalaki. Nakaupo siya, may hawak na baso, at bakas sa kanyang mukha ang isang matinding pagdadalamhati na tila mas malala pa sa dinaranas ko ngayon.

Agad na sumalubong ang kilay nito nang mapansin niya ako. Agad siyang tumayo, ang kanyang mga mata ay naniningkit habang sinusuri ang aking kabuuan—isang babaeng bigla nalang pumasok sa loob ng bahay niya, hinihingal, takot.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka kaya sandali akong napalunok.

“Please, help me!” pakiusap ko. Halos mawalan na ako ng boses dahil sa tuyong lalamunan. “He's after me!”

Tinitigan lang niya ako. Hindi ko siya kilala, at alam kong mukha akong baliw sa suot ko, pero wala na akong ibang mapupuntahan.

“Sino ka? Paano ka nakapasok?” agad na tanong niya, ang boses ay mababa pero may awtoridad, bagaman bakas ang kalasingan. “Guard!” sunod pang tawag niya.

Muli akong inakyat ng takot. Kapag tinawag niya ang mga guard, baka ibalik nila ako sa kalsada kung saan naroon naghahanap ang mga tauhan ni Marcus. Bago pa siya makasigaw muli, mabilis akong lumapit at idiniit ang aking hintuturo sa kanyang labi. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na amoy alak.

“I don't have time to explain,” mahinang saad ko, nangingilid ang mga luha ko sa takot. “J-just please, hide me. Please.” Pagmamakaawa ko.

Hindi pa siya nakakasagot nang biglang may dumagundong na katok mula sa labas. Sunod sunod na malalakas na katok.

Nanigas ang buong katawan ko. Sila na 'yon. I knew it was them.

Kahit pa mukhang naguguluhan at galit, nakita ko ang bahagyang paglambot ng kanyang ekspresyon. Hinila niya ako nang mabilis at itinago sa gilid, sa isang madilim na sulok kung saan hindi ako agad makikita mula sa pinto.

Inayos niya ang kanyang sarili, pinunasan ang labi, at binuksan ang pinto.

“Yes?” rinig kong saad niya. Pilit niyang inaayos ang kanyang pagkakatayo, pilit itinatago ang tama ng alak.

“Did you see someone wearing a wedding gown?” tanong ng isang boses na pamilyar sa akin—isa sa mga tauhan ni Marcus na kanina pa humahabol sa akin.

“What? N-No, and stop disturbing me,” sagot ng lalaki. Ginamit niya ang kanyang malamig at matigas na tono.

“But, I saw her run this wa—”

“This is a fucking private property!” bulyaw niya, malakas na kahit ako ay nagulat at halos mapatalon sa kinatatayuan ko, “If you're looking for someone, go to the police! Get out of my sight before I call my lawyers for trespassing!”

Wala akong narinig na sagot mula sa mga lalaking humahabol sakin, ilang sandali pa, narinig ko ang mahinang yabag ng mga paalis na lalaki , walang nagawa ang mga ito.

Habang nanatili akong nakatago, ang puso ko ay parang sasabog na sa kaba. But finally! Natapos na rin ang halos isang araw na habulan at taguan. Nakahinga ako ng maluwag at halos mapaupo sa sahig dahil sa relief na nararamdaman ko.

Hinarap ako ng lalaki matapos niyang isara ang pinto. Kalmado lang siyang nakatingin sakin, mula ulo hanggang paa. Parang sinusuri ang bawat bahagi ng pagkatao ko.

“Now,” wika niya habang muling sumandal sa pader, "Who the hell are you, and why did you run away on your wedding?”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Ulasan-ulasan

Hiraya_23
Hiraya_23
Signed: 01/21/26 ♡
2026-01-21 12:18:10
0
0
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status