A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)

A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)

last updateLast Updated : 2026-01-14
By:  GreenLime8Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ni Naomi Gonzales ang isla ng Euphoria, kasama ang isang gabing hindi niya kailanman nakalimutan. Isang gabing puno ng alak, init, at pagkakamaling hindi na niya mababawi. Ang natira lang sa alaala niya ay: isang skull pendant, isang mabangong amoy ng sandalwood, at ang bunga ng gabing iyon ay isang regalong pinangalanan niyang Sean. Pinili ni Naomi ang lumayo, magtrabaho at mamuhay ng tahimik para sa anak niya. Ngunit pagdating ng Pasko, napilitan siyang umuwi sa kanila at harapin ang desisyong matagal nang ipinipilit ng kanyang mga magulang. Para makaiwas, at alam niyang mali, nanghiram siya ng pag-ibig. Isang lalaking papayag magpanggap bilang perpektong boyfriend. Dahil hindi sumipot ang taong nirentahan niya, hindi niya inasahang makilala si Tobias Miranda—isang lalaking naghahanap din ng girlfriend para sa sarili niyang dahilan. Sa mundong binuo sa lihim, kasinungalingan, at pansamantalang kasunduan, unti-unting nalalagay sa alanganin ang puso ni Naomi. Dahil sa pagpasok ni Tobias sa buhay nila, unti-unti ring bumabalik ang isang katotohanang matagal niyang iniiwasan. Ang tunay na ama ng anak niyang si Sean. Si Thaddeus Miranda ang kambal ni Tobias. Dahil sa Euphoria, walang pag-ibig na simpleng hiniram lang. At may mga taong kahit limang taon na ang lumipas… hindi pa rin handang pakawalan ka.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"MGA WALANG hiya kayo!" Sigaw ko nang umuwi ako sa apartment ko na nirerentahan at ako ang nagbabayad. Nakita ko si Fred na boyfriend ko na nakapatong sa isang babae.

"Ang bababoy niyo! Sa apartment ko pa kayo gumagawa ng kababuyan!" Angil ko at pinagpapalo ng unan si Fred. Ayon lang kasi ang unang nakita ko. Pero ang paghampas ko ay malakas dahilan na mapabalikwas siya at mapaiwas sa bawat hagod ng hampas sa kanya.

"Naomi, I can explain!" Habang pilit na sinasalag ang mga hampas ko ng unan.

"Siraulo ka ba? Anong explanation pa? Eh caught in the act ka na ngang hayop ka!" Hindi ko siya tinigilan sa pag papalo ng unan. Sa sobrang inis ko, pati ang babae na kalaro niya ng apoy ay hinabol ko ng hampas.

Tumitili itong lumabas ng apartment na naka tapis lang ang katawan ng kumot. Paboritong kumot ko pa naman iyon ang nadala ng higad na malanding babae na 'yon!

"Bumalik ka dito. Malandi ka!" Sigaw ko at na- alarma na ang mga kapitbahay pati ang mga tsismosa ay hindi pinalagpas na magbulong- bulongan.

Mabibigat ang mga yabag ko nang pumasok muli sa apartment. Nakabihis na si Fred. Hindi ko siya pinansin. Nang subukan niya akong hawakan, marahas kong ipiniksi ko ang kamay ko saka ko siya tinulak at nilagpasan. Dumeretso ako sa kwarto namin na na ngayon kwarto ko na lang. Kinuha ko ang lahat ng damit niya sa cabinet at pinagtatapon ito sa may labas.

"Lumayas ka! Bago pa mandilim ang paningin ko." Nalilisik na ang aking mga mata sa sobrang inis ko sa kanya.

"Naomi, pag- usapan natin 'to, please." Pagmamakaawa nito. Lagi naman siyang ganito, dinadaan ako sa paglalambing niya. Dati hindi ko mahindian kasi sobrang patay na patay ako kay Fred.

Long time crush ko siya, Guwapo, yummy body, malinis sa katawan, malambing at maalaga—lahat ng hinanap ko noon, nasa kaniya na.

Pero ngayon! Isang malaking ekis. Ipapa- tattoo ko pa sa noo niya ang markang ekis. Hindi na niya ako madadaan sa ganito. Nahuli ko na rin siya dati na may kasamang babae, nadaan niya ako sa pa- sweet at pa- flowers. Ang tanga ko lang bumigay ako. Naging marupok ako. Kaya pinatawad ko siya.

Hinawakan niya muli ang aking kamay. "Please, Naomi. Sorry na babe. Si Honey kasi ang nagpumilit."

Kung nakakamatay lang talaga ang titig ko, kanina ka pa namatay na h*******k ka! "Tingnan mo! Honey pa tawagan niyong putcha ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

"Honey ang pangalan niya, babe."

"Magsama kayo ng Honey mo! Hayop ka, wag mo kong tawaging babe!" Asik ko.

Pinagpapalo at tinampal- tampal ko siya. Hindi ko na alam kung saan na nag- landing ang mga kamay ko, bahala na, ang mahalaga ay nakaganti ako sa kanya.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin niya, sawa na ako sa paulit- ulit niyang paghingi ng tawad sa akin. Paulit- ulit rin naman nitong ginagawa. Ang masakit tatlong taon ako nagtiis na ako ang gumagastos sa amin at ako ang nagtatrabaho kasi nag- aaral pa siya ng kursong Marine Technology. Para sa huli siya naman daw ang mag- trabaho para sa amin kapag nakasampa na siya ng barko. Magandang pangarap sana para sa future namin pero nabalewala ang lahat. Binilabag ko ang pagsara ng pinto. Ayaw ko na siya marinig. Sawa na ako sa mga paliwanag niya.

Ngayon ko lang na- realize na ginawa pala akong sugar mommy ng hayop na lalaki na 'yon. Gusto ko sana sumandal sa likod ng pinto parang napapanuod sa pelikula at umiyak sa likod nito, pero tila naging manhid na ako at sobrang galit ako, hindi sa kanya kung hindi sa sarili ko. Dahil nag pakatanga ako sa isang pag-ibig na akala ko pang matagalan na.

Kumuha ako ng tubig sa may kusina, nilagok ko ang tubig sa baso. Nang maubos ko ito, doon na bumuhos ang aking luha. Kahit naman, ganoon ang ginawa ni Fred sa akin, may mga masasaya pa rin naman kaming alaala. Pero hanggang dito na lang ito at dito na 'yon magtatapos.

"Naomi." Tawag sa akin ni June na katrabaho ko. "Tulala ka nanaman diyan, girl."

Nagising ang aking kamalayan sa pag tawag nito sa akin. May customer na pala ako. "Miss, can I see the latest collection of your bag?"

Ngumiti ako sa customer. "Sure ma'am right this way."

Nasa main store ako ng Emeraude nagtatrabaho. Isa itong bag store na nagbebenta ng matitibay, dekalidad at abot- kaya na mga bags. Pang masa siya pero meron din kaming mga mamahalin na mga bags na umaabot ng million ang halaga. Sa VIP lounge ko pinasunod ang customer ko, nag suot ako ng gloves at inilabas ang Emeraude's collection series na mga bags. Pinakita ko ito sa customer.

Nagningning ang mga mata nito nang makita ang magagandang klase ng mga bag.

“Handmade po lahat ng iyan,” paliwanag ko habang maingat na inaayos ang bawat piraso sa mesa. “Ang ginagamit naming materyales ay pinaghalo ng premium synthetic leather at reinforced canvas, kaya kahit pang-araw-araw na gamit, hindi po agad nasisira.”

Isa-isa kong ipinakita ang mga detalye. Ang makinis na tahi, ang solid na zipper, at ang loob ng bag na may sapat na compartments.

“Ang maganda po sa Emeraude,” dugtong ko, “designed siya para sa mga taong laging on the go. Pang-office, pang-meeting, pang-travel—isang bag, maraming gamit. Hindi niyo na kailangan magpalit kada okasyon.”

Hinawakan ng customer ang isang tote bag at bahagyang hinila ang strap. Napangiti siya. “Matibay,” sambit niya.

“Opo,” sagot ko. “Tested po iyan for weight. Kahit laptop, planner, cosmetics, at personal items, kaya po niyang dalhin nang hindi nawawala ang shape.”

Lumipat ang tingin niya sa iba’t ibang kulay na naka-display.

“Available po iyan in multiple shades,” sabi ko agad. “Neutral colors para sa professional look—black, taupe, mocha. May mga seasonal colors din po kami kung gusto ninyo ng mas fresh na dating.”

Napatawa siya nang bahagya ang customer. “Parang gusto kong bilhin lahat ng kulay.”

Ngumiti ako. “Madami po talagang gan’yan ang ginagawa, ma’am. Iisa ang design, pero iba ang personality kada kulay. Madaling i-partner sa damit, kaya sulit.”

Tahimik siyang tumango at halatang nag-iisip na.

“Bukod po doon,” dagdag ko pa, “limited release lang po ang collection na ito. Once sold out, bihira po kaming mag-restock ng exact same shade.”

Doon na siya tuluyang napangiti. “Sige,” sabi niya. “Kukunin ko ang tatlong kulay.”

At sa sandaling iyon, kahit pagod at mabigat pa rin ang dibdib ko mula sa mga nangyari, ramdam ko ulit kung bakit ko minahal ang trabahong ito— dahil sa bawat bag na naibebenta ko, may kwento ng tibay, praktikalidad, at tahimik na lakas na ipinapasa ko rin sa ibang tao.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status