Share

CHAPTER 114

last update Last Updated: 2025-10-15 23:20:25

Maaliwalas ang umagang iyon. Ang sinag ng araw ay marahang sumisilip sa mga kurtina ng kwarto ni Anikha, naglalaro sa malamlam na liwanag na pumapahid sa mukha ni Cressida. Nakapikit pa rin siya, nakayakap sa unan, at kahit may bahid pa ng pagod sa kanyang anyo, kapansin-pansin ang katahimikan na hindi na niya naramdaman nitong mga nakaraang araw.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, nilingon ang paligid, at naramdaman ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Ilang segundo pa bago niya napagtantong hindi siya nasa sarili niyang bahay. Nasa villa siya ni Anikha—isang lugar na pansamantala ngunit may kakaibang ginhawang hatid.

Maya-maya pa’y bumukas ang pinto. Pumasok si Anikha na may hawak na tray ng pagkain—may omelette, tinapay, at mainit na kape.

“Good morning, sleepyhead,” nakangiting bati nito habang inilapag ang tray sa maliit na mesa malapit sa kama. “Breakfast in bed para sa survivor ko.”

Bahagyang natawa si Cressida, bahagyang tinakpan a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 114

    Maaliwalas ang umagang iyon. Ang sinag ng araw ay marahang sumisilip sa mga kurtina ng kwarto ni Anikha, naglalaro sa malamlam na liwanag na pumapahid sa mukha ni Cressida. Nakapikit pa rin siya, nakayakap sa unan, at kahit may bahid pa ng pagod sa kanyang anyo, kapansin-pansin ang katahimikan na hindi na niya naramdaman nitong mga nakaraang araw. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, nilingon ang paligid, at naramdaman ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Ilang segundo pa bago niya napagtantong hindi siya nasa sarili niyang bahay. Nasa villa siya ni Anikha—isang lugar na pansamantala ngunit may kakaibang ginhawang hatid. Maya-maya pa’y bumukas ang pinto. Pumasok si Anikha na may hawak na tray ng pagkain—may omelette, tinapay, at mainit na kape. “Good morning, sleepyhead,” nakangiting bati nito habang inilapag ang tray sa maliit na mesa malapit sa kama. “Breakfast in bed para sa survivor ko.” Bahagyang natawa si Cressida, bahagyang tinakpan a

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 113

    Cressida. Ang liwanag mula sa malaking bintana ng silid ay malambing na tumama sa mukha ni Cressida. Bahagyang napasinghap siya nang maramdaman ang bigat ng kanyang ulo, kasabay ng banayad na kirot sa kanyang kaliwang braso. Nagising siya sa pamilyar na amoy ng hospital — sterile, malamig, at parang may halong kape na nagmula sa hallway. Ilang segundo pa bago niya tuluyang maalala ang lahat — ang ulan, ang pagmamaneho habang umiiyak, at ang biglang pagdilim ng lahat.“Cress…”Napalingon siya sa gilid. Si Arcturus. Nakaupo sa silya, nakasandal, pero gising. Nakasuot ito ng itim na coat at may bahagyang shadow sa ilalim ng mga mata, tila ilang araw nang hindi maayos ang tulog.“You’re awake…” mahina ngunit punô ng ginhawa ang boses nito. Tumayo siya agad at marahang lumapit. “You scared me to death.”Napakurap si Cress, sinusubukang itago ang lungkot sa likod ng mahina niyang ngiti. “How long have I been out?”“Two days,” sagot niya, mababa ang tono. “You hit your head pretty bad. The

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 112

    Arcturus. Tahimik ang gabi sa loob ng villa. Ang mga ilaw sa mini bar lamang ang nakasindi, nagbibigay ng mapusyaw na liwanag sa mukha ni Arcturus habang hawak nito ang baso ng whisky. Sa bawat lagok, tila may bumabigat na alon ng pagsisisi sa dibdib niya. Mula nang umalis si Cressida kanina, hindi na siya mapakali.Paulit-ulit niyang binabalikan ang huling sandaling magkausap sila—ang lungkot sa mga mata ni Cressida, ang panginginig ng boses nito, at ang mga salitang tila punô ng sakit. Parang hindi sapat ang kahit anong paliwanag. Parang huli na ang lahat.Napatingin siya sa cellphone na nakapatong sa mesa. Ilang beses na niyang binuksan ang chat box ni Cressida, pero lagi niyang isinasara bago pa man makapagsimula. She needs time, bulong niya sa sarili, kahit alam niyang ang totoo, siya rin ang nangangailangan ng katahimikan.Isang iglap lang, naputol ang lahat ng iniisip niya nang biglang mag-vibrate ang telepono. Sumirit ang ringtone, malakas, pilit tinatabunan ang katahimikan n

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 111

    Tahimik ang gabi nang dumating si Cressida sa bahay ni Arcturus. Ang mga ilaw sa labas ay malabo, pinapahina ng manipis na ambon na bumabalot sa paligid. Sa bawat hakbang niya papalapit sa pinto, ramdam niya ang kabog ng dibdib—hindi dahil sa lamig, kundi sa takot sa kung anong katotohanang maaari niyang marinig.Dahan-dahan niyang pinindot ang doorbell. Ilang segundo pa lang ay bumukas na ang pinto, at sa likod nito, si Arcturus—nakasuot ng simpleng gray shirt, ang buhok medyo magulo, parang ilang araw nang walang tulog.“Cress?” mahina ngunit puno ng gulat ang boses nito.“Can we talk?” mahinang tanong ni Cressida, halos pabulong, ngunit sapat para marinig ni Arcturus.Pinapasok siya nito nang walang tanong. Ang loob ng bahay ay tahimik—masyadong tahimik. Wala ni isang bakas ng buhay, kundi mga bote ng tubig, ilang papel sa mesa, at isang abo sa ashtray—patunay na ilang gabi na ring hindi mapakali ang lalaki.“Coffee?” tanong ni Arcturus, naglakad patungo sa kusina.“Hindi na. I won

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 110

    Maghapon halos nakayuko si Cressida sa harap ng laptop, mata sa screen, daliri sa keyboard, at isip sa kawalan.Mula nang bumalik siya sa trabaho matapos ang mahaba-habang bakasyon, muling bumuhos ang mga proyekto—photoshoots, interviews, endorsements. Ang mga mensahe ng assistant niya ay sunod-sunod, at ang inbox niya ay parang digmaan ng deadlines at mga reschedule.Ngunit kahit gaano siya ka-busy, hindi niya maalis sa isipan ang nangyari kagabi.Ang halik. Ang titig ni Arcturus bago siya bumitiw. Ang mensahe nitong, “You have no idea how much that ‘maybe someday’ keeps me alive.”Ilang beses niya iyong binasa bago matulog.Ilang beses din niyang sinubukang kalimutan pagkagising—pero tila ba kahit saan siya tumingin, may bakas si Arcturus: sa alaala, sa amoy ng bulaklak na naiwan nito sa mesa, sa init ng hangin tuwing hapon.“Miss Devereux, ready na po ang team for the afternoon shoot,” sabi ng assistant niya sa kabilang linya.“Give me ten minutes,” sagot niya, sabay tingin sa oras

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 109

    Ang umaga ay tila may kakaibang sigla nang magising si Cressida. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi mabigat ang dibdib niya sa paggising. Nakabukas ang mga kurtina, at ang liwanag ng araw ay marahang humahaplos sa kanyang balat. Pero kasabay ng liwanag na iyon, unti-unting bumalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang halik.Ang halik na hindi niya inaasahan ngunit hindi rin niya tuluyang itinulak.Nakatitig siya ngayon sa tasa ng kape sa mesa. Wala pa siyang lakas para tikman iyon. Tahimik ang paligid, at ang tanging ingay ay mula sa tiktak ng orasan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena sa may pintuan—kung paano siya hinalikan ni Arcturus, kung paano siya hindi nakagalaw, at kung paanong pagkatapos ay iniwan siya nitong tila may kung anong pinipigil sa sarili.Tumunog ang cellphone niya. Napapitlag siya. Nang makita niya ang pangalan sa screen, unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.Arcturus.“Good morning,” ang nakasulat. Simpleng dalawang salita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status