Ang bawat paghampas ng mga alon ay dumadagdag sa kaba sa dibdib ko. Hindi ko makita ang daan, masyadong makapal ang hamog. Napatingin ako sa sarili. Suot ko ang isinuot ko noong isinayaw ako ni Fourth dito sa tabing dagat. Bakit ko ‘to suot? At bakit ako naririto?“You like my daughter?” narinig ko ang boses ni papa sa kung saan. “She’s still young, Sir” “Ayaw mo sa mas bata sa ‘yo?”“Yes, I am more into mature one”Kumikirot ang dibdib ko sa naririnig. Bakit ba ‘to bumabalik? Nasaan ba ako? Nasaan si papa? Nasaan si Fourth? Naririnig ko ang mga boses nila pero hindi ko sila makita dahil sa kapal ng hamog. “Akala ko gusto mo ang anak ko.”Umihip ang malamig na hangin. Hinawi ko ang buhok kong tumatabon sa isa kong mata nang may makita akong anino na umaahon sa makapal na hamog. “Who? Ysabelle?” humalakhak siya at nagpakita sa ’kin. Napaatras ako sa kaba. Kita ko ang nag-aalab na galit sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit habang ako naman ay umaatras.“Fourth?” pag
“Gosh! You’re so makinis! Anong sabon mo?” Natatawa kong iniling ang ulo sabay bawi na ng braso ko sa marahan na paraan. Hinatid ako ni Fourth dito pero pagkatapos nun ay umalis din siya agad. May lalakarin din yata. Nakilala ko na ang ibang nagtatrabaho rin dito. At isa na nga sa kanila si Celine. Pero mas gusto niyang tawagin ko siyang Cel. Isa rin sa mga modelo. “Uh, hindi naman mamahalin ang sabon ko” Ngumuso siya at tumayo nang tuwid. “Kahit na. Sabihan mo ako mamaya para mabili ko agad. Btw, after this, sama ka saamin?” Inayos ko ang damit na suot at dinampot ang cellphone para tingnan kung may mensahe ba. “Saan?” inosente kong tanong habang nakatingin pa rin sa hawak. “Night out!” excited niyang sagot. Binalingan ko siya nang may kunot ang noo. Night out? Iinom? Sasayaw? Hindi ako umiinom ng alak. Sa tingin ko rin naman ay hindi papayag si Fourth. “Uh, puwedeng pass muna? Susunduin kasi ako mamaya” “Weh ba?”“Oo, pasensiya na. Sa susunod na lang”Ngumuso siya at tumin
Abot-abot ang aking kaba. Inilabas niya ang magkabilang kamay sa bulsa at tumayo nang tuwid. Hindi ko matukoy ang emosyon sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ’kin habang ako naman ay pinipigilan ang mga paa na maglakad paalis. Napatingin ako sa kuwelyo niya nang may makita akong bahid ng lipstick doon. Muling dumaan sa isip ko ang nakita ko kanina. Mapait akong ngumiti. “Hindi ko alam na nandito ka rin. Kung gusto mo pang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo, okay lang. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko mamaya. Naituro mo na rin naman sa ’kin ang paraan para makapasok sa penthouse mo” Gusto kong pasalamatan ang sarili dahil hindi ako nautal. Hinintay ko ang sagot niya ngunit nanatili lamang ang mga mata niya sa ’kin. Yumuko ako konti at akmang tatalikuran siya nang bigla siyang nagsalita. “Umiyak ka?” Mabilis kong pinahid ang mga mata para matiyak kung may bahid pa rin ba ng mga luha. Wala naman. “Your eyes are red. Umiyak ka” hindi na patanong ang hul
Tanaw ko ang mga naglalakihang gusali habang sumisimsim sa hawak na kape na nakalagay sa isang puting tasa. Malamig ang simoy ng hangin. Kung ikukumpara, mas presko ang hangin sa tabing dagat pero ayos na rin ito. Mataas naman ang penthouse ni Fourth kaya hindi ko masyadong nalalanghap ang maduming hangin na galing sa usok ng mga pabrika at sasakyan. Dalawang Linggo ko na rin siyang nakakasama. Kada-umaga ay pinagluluto niya ako, hinahatid at sinusundo sa trabaho, at tinutulongan akong magreview para sa susunod na pasukan. Isang taon na lang at graduate na ako, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapili kung itutuloy ko talaga ang pagiging engineer o mas mag pokus na lang sa pagiging modelo. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Huminga ako nang malalim at pumasok para sagutin ang tawag. “Ysa? Nasaan ka?” boses iyon ni Luce.“Nasa penthouse ni Fourth. Bakit po?” sagot ko sabay upo sa malambot na kama. “Mamayang 4 pm ay pumunta ka sa ad
“Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi
“Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi
“Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik. “Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba. Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok. At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito. “I’m sorry” mahina niyang sabi. Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat. “Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niy
“Dani!” sigaw ko nang maabutan ko ang mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate ng bahay namin. Nagkalat rin ang mga pulis at pinipigilan pa akong makapasok.“Nasa loob ang kapatid ko, ano ba!” patakbo kong pinasok ang bahay namin. Nagulat ako dahil sobrang gulo ng mga gamit. Nagkalat rin ang mga dugo sa bawat parte ng bahay. Inakyat ko ang hagdanan at dumiretso sa silid niya. “Dani!” muli kong tawag. Bumukas ang pintuan ng walk-in closet namin at sinugod niya ako ng yakap habang umiiyak. “Wala na sila. Wala na sila, Ysa. Patay na sila. Wala na...” paulit-ulit niyang wika at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin. “Nagbibiro ka lang ‘di ba? Nasaan si papa? Nasa trabaho ba? Si tita? May nilakad? Hindi ko sila nakita sa baba kaya—”“Sabing wala na sila!” sabay tulak niya sa ’kin kaya napaupo ako sa sahig. Umupo siya sa kama at ginulo ang sariling buhok saka muling humagulhol. “N-Nanalo si Papa sa eleksiyon. Gusto niya iyon ibalita sa ‘yo nang personal kaya tinawagan niy