Home / Romance / To Love Again / Chapter 5: Promote

Share

Chapter 5: Promote

Author: Mairisian
last update Huling Na-update: 2022-06-26 11:21:06

Chapter 5

Promote

"BAKIT hinayaan mo s'yang insultuhin ka niya ng gano'n na lang, huh Klara? Nanggigigil ako sa Logan na 'yon e, pati rin sa'yo," Brianna shouts at me. Nauunawaan ko siya sa inis niya dahil alam ko naaawa siya sa akin. Kami lang kasing dalawa ang nagtutulungan sa buhay ngayon.

Tulad ko, ulila rin siya. Tulad ko naranasan din niyang mabuhay mag-isa at maging palaboy-laboy sa kalsada. Tulad ko, lumayas din s'ya sa mga umampon sa kanya dahil sa muntik din syang gahasain ng ama-amain n'ya.

Brianna is half a year older than me, we have the same life story. Nakapagtrabaho rin ito sa club. Aminado ito na pinasok ang trabahong iyon dahil kailangan din nito. Isa na doon ay para mabuhay at para pag-aralin ang sarili.

Yumuko ako habang tahimik na umiiyak. "G-Gustuhin ko mang magpaliwanag sa kanya, hindi ko lang magawa, kasi iba ang galit niya. Sobrang galit na galit siya sa akin. Sarado na ang isip niya para sa akin, lalo na ang kanyang puso."

"Sinubukan mo ba? O baka naman hinayaan mo na lang s'yang gawin 'yon dahil nagi-guilty ka sa pang-iiwan mo noon sa kanya?"

I'm stop talking for a while because she's right, I didn't try to explain my side. Hinayaan kong pagsalitaan niya ako ng mga maling paratang. Kasalanan ko rin kaya hindi siya tumigil sa pang-iinsulto sa akin.

"Ghad naman Klara? Mahalin mo naman yang sarili mo. That is your second life, kaya pakaiingatan mo."

"S-Sana pala nawala na lang ako sa mundong ito. Para hindi ko na maranasan ang sakit sa paghaharap naming ito." Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. "L-Lumaban ako noon para sa kanya, kahit mahirap at komplikado ay kinaya ko para makabalik at para makahingi rin ng tawad sa kanya."

Napapailing ito sa akin habang nakapameywang. "Kaya ka nga nabuhay para itama lahat, right? So why are you letting him insult and hurt your feelings now? Bakit ayaw mo ipagtanggol ang sarili mo sa kanya? Bakit?"

"A-Amindo ako, nandito ako para sa kanya. Pero akala ko kasi may babalikan pa ako." Tumingala ako kay Brianna. "It hurts, Brii when you come to know the one you love is already engage to someone else. Ang sakit din na ipagmalaki pa niya sa akin na masaya siya sa iba ngayon. Brii, ang hirap i-process sa puso ko ang lahat. Hindi tanggap ng puso ko. Hindi ko kayang isipin na may mahal na siyang iba, hindi okay sa 'kin ang lahat. Gusto kong ipaglaban siya, pero paano ba! Ang hirap Brii." Then I sob hard because of so much pain.

Naaawa naman itong lumapit at yumakap sa akin. "Wala na tayong magagawa kung ikakasal na s'ya at may mahal ng iba Klara, unless kung kaya mo s'yang agawin nang sapilitan sa babaeng pakakasalan niya. Please stop crying, Klara. Akala ko ba matatag ka na? 'Yon 'yong sinasabi mo lagi sa akin 'di ba?"

"Sana hindi na lang kami pinagtagpo ulit. Para hindi na nasaktan itong puso ko ngayon."

"Tahan na Klara. Huwag mo na s'yang iyakan. Basta alam natin ang totoo kung bakit mo siya iniwan noon 'di ba?" Tumango ako. "Wala kang kasalanan. Iyon na lang ang isipin mo lagi. Okay?"

"Thanks and I'm sorry dahil pinag-alala kita."

"Malamang mag-aalala talaga ako sa'yo. Hey, stop crying at please lang huwag na huwag ka na ring uminom at manigarilyo ulit, okay? Alam mo namang masama 'yan, lalo na sa kalusugan mo."

Tumango lang muli ako dito.

"Now you rest Klara, hindi lang ang katawan mo, pati na 'yang puso at isipan mo. Come, at ihahatid na kita sa silid mo."

Hinatid nga niya ako at inihiga sa kama ko. Walang alam si Brianna sa buong nangyari sa akin. Hindi ko na lang din ipinaalam sa kanya na may namagitan agad sa amin ni Logan. Dahil kung sinabi ko pa, baka magwala na siya sa inis at galit kay Logan.

Pagkahiga ay bigla akong dinalaw ng antok sa sobrang pagod, dahil na rin siguro sa gamot na ininom ko para tuluyang maging okay ang pakiramdam ko.

MABIGAT at masakit na buong katawan at sentido ang gumising sa aking diwa. Nabigla pa ako ng makita ang orasan.

Agad akong napatayo sa kama. But I immediately feel the pain at the centre of my body, mostly my feminine part. Ugh! Ang sakit! Napapangiwi at paika-ika akong pumasok sa loob ng banyo.

I look at myself infront of the huge mirror. I silently curse as I caress the bruises everywhere in my body, lalo na sa parte ng dibdib kung saan may pasa dahil sa walang ingat niyang panggigigil sa akin kagabi. Even my inner and lower core. I caress my lips and jaw, it also have small and light bruises. Dahil iyon sa walang ingat niyang paghalik at haplos sa akin kagabi.

Tears starts falling from my eyes and cheeks when I remember about what happened last night. Sa halagang isang milyon na ibabayad niya, ito naman ang ginawa niya kapalit sa katawan ko. He really made me his dirty slave and submissive woman last night. He did whatever he wanted from my body just to please him. Na pati galit niya ay inilabas niya sa akin sa pamamagitan ng pang-iinsulto niya nang paulit-ulit.

One million pesos to possess my body. Damn him! Ang yaman nga nila. Kayang-kaya nilang bilhin ang buong pagkatao ko.

Mariin akong napakagat labi. Dahil sa awang-awa ako sa sarili ko.

I hope, he'll understand why I have to leave him before. Sana maintindihan niya ako na hindi pera at pagpapayaman ang ginawa ko nang iwan ko s'ya.

Mariin kong pinahid ang luha ko at nag-umpisa na akong mag-shower para malamigan ang pakiramdam ko.

Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay tumungo ako sa kusina. There I notice a sticky note from my best friend Brianna.

'Kainin mo ang mga pagkaing hinanda ko para sa'yo. Huwag ka nang pumasok sa office just rest and relax all day Klara.'

Napapangiting kinain ko naman ang hinanda niyang pagkain para sa akin. Pagkatapos ay lumabas agad ako at lumulan sa kotse ko.

I'm on my way to the office nang may tumatawag sa akin sa phone ko. I accept the call when I see the caller ID, it's my boss, Mrs. Evelyn Salazar.

["Klara."]

"G-Good morning ma'am," sagot ko agad.

["Where are you Klara? I need you here badly in my office. We have something to talk and I have something to tell you."]

"I'm sorry ma'am ngayon tanghali lang po kasi ako makakapasok sa office. Due to my headache. I'm so sorry," nahihiya kong paliwanag.

["It's okay. At least you are coming now."]

"Yes ma'am, I'm on my way now."

["Good. Come to my office right after the lunch break."]

"Noted ma'am."

Napabuntong hininga ako nang ibinaba na nito ang tawag. Sakto namang breaktime na sa office, kaya tamang-tama na hindi ako male-late sa pagpunta sa office ng boss ko.

"Klara?" boses iyon ni Brianna. "Did you read my sticky note?" Tumango ako. "Then why are you here now?" Tumaas ang kilay nito.

"Brii, naiinip na kasi ako sa bahay. Sakto ring tumawag si Madam, she's looking for me since this morning."

"Pinaalam ko na ngang naka SL ka e, ito talaga si Madam. Lagi ka na lang talaga hinahanap."

"It's okay. Baka rin siguro dahil sa meeting ko kahapon."

She scowls. "'Di ba sabi mo kahapon hindi ka nagtagumpay sa ka-meeting mo?"

"Oo." Umiwas ako ng tingin dito. Hindi ko kasi nabanggit sa kanya na si Logan ang ka-meeting ko kahapon. "H-Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin ni Madam ngayon."

"Favorite employee ka talaga ni Madam, kaya ka laging hanap noon. O s'ya. Kumain ka na ba ng lunch?"

I feel relief. "Yup sa bahay. Thanks for the foods sis." Then I smile at her.

"Welcome, okay ka na ba?" Paninigurado pa nitong tanong sa akin. "Kumikirot pa rin ba ang tiyan mo?"

Umiling ako at ngumiti. "I'm really okay now. Don't worry."

"Okay, sabi mo e. So, I have to leave you now, may meeting pa kasi akong pupuntahan sa kabilang branch ng company."

"Sige, mag-iingat ka."

Pero bago ito umalis sa table ko ay humarap ulit ito sa akin. "Baka naman uuwi ka na namang nakainom at umiiyak mamaya?" She raises her eyebrows again. "Makukurot na talaga kita sa singit. Alalahanin mo, bawal ka na uminom ng alak, right?"

"Yuh, I know that. Promise hindi na mauulit 'yon. Kagabi lang 'yon. Promise."

"You wait for me here okay? Sabay na lang tayong umuwi mamaya pagkatapos ko sa meeting. 'Till 4PM lang kasi 'yon."

"Okay."

Nang mapag-isa ay agad akong nag-ayos ng sarili ko bago pa man mag 1PM.

10 minutes before 1PM ay agad na akong kumilos para pumunta sa office ng boss namin sa 10th floor ng building.

"Lisa, nandiyan ba si Ma'am?" tanong ko sa secretary ni madam.

"Oh, Ma'am Klara. Yeah, nasa loob si madam, and she's expecting you now."

"Ah, sige. Thank you."

Tatlong katok muna bago ako pumasok sa loob ng tanggapan nito. Ang mukha na nakangiti at mabait na ginang agad sumalubong sa pagpasok ko sa loob.

"Good afternoon ma'am."

She stands up from her swivel chair nang nasa harap na ako ng table nito. "Congratulation's Klara." She extends her hand at me. Naguguluhang tinanggap ko naman iyon. "You may take your seat." Tumango ako at sumabay sa pag-upo niya.

"Ma'am, a-ano hong pag-uusapan natin?"

Ngumiti ito. "I know you still have no idea why I need to talk with you right now. Well, Klara, it is about your meeting with Mr. Falcon yesterday."

I frown. "H-Huh? Ma'am, I'm sorry if Mr. Falcon wasn't impressed with my presentation yesterday." Pangalawang beses ko na itong sinabi sa kanya, kahapon at ngayon. Kaya nagtataka ako kung bakit kino-congratulate niya ako ngayon.

"Klara, the Falcon Company's made a call this morning. Pinapasabi raw ng CEO na si Mr. Falcon na binabawi na raw nito ang pagtanggi kahapon sa deal ninyo. He just figured it out na maganda ang offer ng company natin, he also said, he reviewed the documents and your good strategies last night."

Oh, why? Shit! Bakit binawi pa niya? He's liar. Nagsisinungaling lang siya dahil wala naman talaga akong mga documents na iniwan kahapon. Maybe he's guilty. Guilty s'ya sa ginawa n'ya sa 'kin. Ayaw talaga niya ng libre huh. Ito na ba ang kabayaran niya dahil ayaw kong tanggapin ang pera niya?

Damn it! Damn him! Hanggang ngayon, iniinsulto pa rin niya ako? Damn you Logan!

"Klara, are you with me?"

"O-Oh, yes ma'am. T-Talaga ho kinukuha na nila tayo para sa exclusive international housing project nila?"

"Yes hija." Ngumiti pa ito sa akin. "So as I promise you in return. I will now promote you as our top agent and architect of this company, and it's valid today."

"H-Huh?" Napaawang ang bibig ko.

"I promise you that position, Klara. Wow, I'm so very proud of you. You are really great and smart, lahat halos na malalaking kompanya ay ikaw lang ang nakapag-achieve to close the deals ng walang kahirap-hirap. You really impressed me hija, lalo na sa huling deal na ito. Falcon Company is my company's top target to have deal with us. I am so lucky to have you here in my company Klara. Again, congratulations. Welcome to the Architecture office as our junior architect consultant."

Ohmygod! Ohmygod! Hindi ako makapaniwala. It's also my greatest desire to be at least one of that team. Then now, isa pa ako sa top agent. Oh good God, thank you for these blessings.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay ng boss ko. "Oh ma'am, thank you. I'm so glad for this promotion, hindi ho talaga ako makapaniwala. I thought, I failed."

"You should celebrate it then Klara. Hinihintay ka na ng mga ka-team mo sa magiging opisina mo. Sorry to spoil their plan, pero may ginawa ata silang pa welcome sa'yo ngayon sa team nila. They're so excited and happy to work with you on their team." Nabigla na naman ako sa sinabi nito.

Ngumiti ako dito. "Ma'am, do you think kakayanin ko maging junior consultant sa Architecture Office?" tanong ko sa alanganing tono.

"Of course you will Klara, kayang-kaya mo 'yan. You have your superior there, you can ask her anytime. Mabait naman si Mrs. Fortuno. I think, magkakasundo kayong dalawa when it comes to your taste and about the whole designs."

"Thank you ma'am. Hayaan n'yo, gagawin ko po ang lahat para sa bagong trabaho ko dito sa kompanya n'yo."

"Yeah, that's right. Impress me more Klara." Then she smiles. "Anyway. Mr. Falcon would like to have a meeting with us again. This time tayong dalawa na para makapagpirma na s'ya ng contract sa company natin. Next week na 'yon."

Bakit kasama pa ako? Shit! Ayoko na ulit siyang makaharap sa ngayon.

"M-Ma'am, pwede bang si Liza na lang ang isama n'yo sa nasabing meeting? Kasi -"

"Hm? No, ikaw dapat ang naroon. Request din 'yon ni Mr. Falcon." May naglalarong ngiti sa mga labi nito. "It seems nabihag mo ang mga mata ni Mr. Falcon, Klara. Sabagay, you have your seductive and lovely looks, kung pumayag ka lang sana, nireto na kita sa anak kong binata e." I smile. "I also heard, ikakasal na 'yong si Mr. Falcon sa isang anak na kasosyo ng angkan nila. Napakaswerte nga naman."

Biglang nawala ang ngiti ko sa labi, bigla rin akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Yeah, I know that news already.

Napalunok ako sabay pagdaloy ng sakit sa kaibuturan ng puso ko. Kahit pa siguro ayoko sa ideyang iyon ay wala na talaga akong magagawa pa. Kinalimutan na niya ako at pinagpalit sa iba. Well, that was four years in total, what will I expect, right?' Sana hindi na lang umasa ang puso ko at inisip na mahal na mahal pa rin niya ako at na makakapaghintay s'ya sa pagbabalik ko. Dapat pala kinalimutan ko na lang siya ng lumayo ako at sana pala sumuko na lang ako para mabuhay noon. Wala na sana akong naramdamang kirot sa dibdib ko ngayon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
sarap mgkaroon ng bestfriend na tunay
goodnovel comment avatar
Khurt Kwin Aberilla Millare
mag-bestfriend Pala cla Klara at Brianna sa beautiful liar, I read it also! I expect na maganda rin Ang story na to
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • To Love Again   Chapter 97: Finale

    Chapter 97 --- After 2 years --- PALAHAW ng isang sanggol ang pumukaw sa aming dalawa ni Logan na nasa katapat lang ng silid naming mag-asawa. "Sweetheart, umiiyak ang baby." Tinulak ko ito palayo sa katawan ko. "Sweetheart, later... Nandoon naman ang taga pag-alaga nila." He never stops kissing my neck and caressing my body. "Hm, sweetheart, hinahanap-" Bumuntong-hininga ito. "Okay." Huminto ito saka tumayo at marahan akong hinila patayo sa kama. "Galit ka?" tanong ko dito habang inaayos ang nalihis kong manipis na pantulog. "No." "Nagtatampo?" "No," matipid pa rin nitong sagot sa akin. I roll my eyes as I wear my silky smooth robe. "Nako kilala kaya kita," sabi ko habang tinatahak na namin ang pinto palabas ng silid namin. "I'm not, anak ko 'yon, kaya dapat lang nating unahin," sagot nito na hindi makatingin sa akin. "Maniwala ako sa'yo," sabi ko rito. "Don't you worry husband, because I'll make it up to you tonight. Magdamagan ba ang gusto ng asawa ko? If yes, okay, nak

  • To Love Again   Chapter 96: Epilogue

    Chapter 96--- After 1 and a half year ---NGUMITI ako habang napapasulyap sa mahimbing na tulog ng asawa ko sa kama namin.It's already 6 AM in the morning at heto ako gising na kahit sabado naman at wala kaming parehong pasok.Naupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ng masuyo ang pisngi nito."Sweetheart..." I smile at him when he halfly opening his eyes. "It's too early to wake up, Klara." Hinila niya ako pahiga sa tabi nito."No sweetheart, I'm not yet sleepy." Bumuka nang malaki ang mga mata nito sa akin. "Pwede bang makisuyo sa'yo?"Ngumiti ito at hinila pa rin niya ako at iniunan sa malapad niyang dibdib."Sure, Mrs. Falcon. What is it?" tanong nito kasabay ng pagdampi niya ng halik sa noo ko."Talaga?" Tumingala ako rito. "Hindi ka na nagtatampo sa akin ngayon?""I'm not, and I'm sorry."Ngumiti ako at bahagya kong pinaglandas ang daliri ko sa gilid ng labi nito. "Thank you, for still understanding me these past few days, kung tinotoyo man ako o bad mood sa'yo." I start feeli

  • To Love Again   Chapter 95: Sweetheart

    Chapter 95 Sweetheart Please play a soundtrack if you haveGod to believe in magicBy: Side A The love song slowly begins to play. Napapakurap ako habang nagsimula ang slideshow photo album ko sa projector. Napalunok pa ako ng mga larawan naming dalawa ni Logan ang bumulaga doon. Bawat larawan ay may mga maiiksing mensahe. My pulse begins racing habang nanunuod sa mga larawan namin noon. May mga masasayang larawan din kami doon nang first month anniversary namin, pati nang nag-graduate ako na kasama siya. Nandoon din ‘yong mga best memorable pictures namin habang nasa bakasyon kami sa ibang lugar. Hanggang sa ang ipinakita ay ang huli naming larawan bago pa man ako lumayo sa kanya nang tuluyan. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinasabi ng emcee, na bigla na lang sumulpot na walang iba kundi si Brianna. Unti-unti akong lumapit sa pinakagitna. My invited guests are also glimpsing at the projector. Patuloy pa rin ang paglabas ng mga larawan ko. The next slideshow photo al

  • To Love Again   Chapter 94: Projector

    Chapter 94 Projector Napangiti ako nang bahagya sa sinabi nito. "Thank you. Pero wala pa 'yan sa plano… ‘yong huling sinabi mo," is my only response. Dahil totoo naman, isa pa wala pang ganoong eksena. Wala pang wedding proposal. If when it is, I don't know. Logan stays and making my heart fully delightful. Hindi na nito itinuloy na tanggapin ang malaking offer sa bansang America, his flight is supposed to be two weeks ago. But he stays and he continues running their own business. Pero bago iyon ay humingi pa muna ito sa akin ng assurance kung babalik at tatanggapin na lang ba nito ang gusto ng ama nito na maging tagapangalaga muli sa naiwan niyang puwesto sa kompanya nila. My only advice for him is to follow what he really wants to happen, at gano’n nga ang ginawa nito. Hindi ito nagkukwento tungkol sa ama nito, because he really knew the issue between me and to his father. Iyon din ang isa sa ipinaalala ko sa kanya, na huwag akong alalahanin kung tatanggapin niya ang gustong man

  • To Love Again   Chapter 93: Exhibit Event

    Chapter 93 Exhibit Event Nakaunan ako sa kanyang bisig habang nakabalot ako ng puting kumot na hanggang sa dibdib. Logan is not allowing me to go and move away, kaya hinayaan ko itong yakapin ako after we both reached our bliss. "Sweetheart," he whispers my name while making some small kisses on my bare shoulder. "Anong oras ang flight mo bukas?" I immediately utter. Huminto ito sa masuyong paghalik sa aking balikat at leeg, I sense him staring kahit hindi ako nakaharap sa kanya. Ramdam ko ang mas pagkabig niya sa katawan ko palapit sa katawan niya. Then he places his chin on my bare shoulder. "Do you think I'll go away now after what happened to us? After we made love tonight, hm?" I cough. "E-Ewan ko sa'yo. Malay ko sa desisyon mo." "Papayagan mo ba akong umalis?" he asks me while kissing my cheek. "U-Umalis ka kung 'yan gusto mo." I slowly mumble, pigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit nito at sobrang dikit ng mga katawan namin sa isa't isa. He turns me around,

  • To Love Again   Chapter 92: Lifetime

    Chapter 92 Lifetime "Logan..." Napasinghap ako nang bumaba agad ang labi nito sa aking leeg at balikat, then he immediate proceeds to my breast and tit. "Ugh... L-Logan." Hindi ko na namalayan kung paano ba niya naalis ang saplot ko sa dibdib. Napapaliyad ako ng simulan na nitong s******n na parang sanggol ang aking dibdib habang ang kabilang kamay nito ay masuyong pinagpapala ang kabila kong dibdib. "I miss this all, I miss you, Klara," he huskily utters while he's looking at me. "Oh... hm..." Napaungol ulit ako ng damhin ng dila at bibig nito ang pilat ko sa aking kaliwang dibdib. "L-Logan, please turn off the light. Please." Namumula kong untag dito. Lust surrounds his eyes when he looks at me again. "No sweetheart." Marahan itong umiling sa akin. "N-Nahihiya ako. I have a lot of scars." Pilit ko pa ring ikubli sa kanya ang pilat ko sa dibdib at tiyan. He winks. "Those are beautiful. Those scars made me feel proud. Kasi tatak 'yan na nabubuhay ka ngayon dahil sa akin. You sur

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status