LOGINClarisse Rivera only wanted respect from her marriage—ngunit sa halip, pagtataksil ang ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Lucas Montenegro. Nang dalhin nito ang ibang babae sa kanilang tahanan, iniwan ni Clarisse ang lahat at naglaho, dala ang isang lihim: buntis siya ng kambal. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya bilang isang kilalang doktor na may ibang pangalan, handang buuin ang buhay kasama ang kanyang mga anak. Ngunit muling nagkrus ang landas nila ni Lucas—isang makapangyarihang lalaking hindi pa rin nakakalimot sa nakaraan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, isang tanong ang hindi niya matakasan: Hanggang saan lalaban ang isang ina para protektahan ang kanyang mga anak—kapag ang ama mismo ang kalaban?
View MoreMahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya.
Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses.
“Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?”
Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid.
Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon.
Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya.
Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.
Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapagsalita.
“Nasa shower pala, huh?” aniya na may panunuya.
Ginawaran siya ng pekeng ngiti ni Rachelle na tila hindi niya alam na darating.
“Nandito ka pala, ate. Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Akala ko hindi ka na babalik.” Ngumiti si Rachelle nang nakakaloko.
Kung makapagsalita ito, tila ba ay siya ang asawa na may karapatan sa pamamahay ng mga Montenegro.
Tiningnan lamang siya ni Clarisse at lumipat naman ito sa kan’yang asawa.
Hindi maipagkakaila ang kagwapuhan ni Lucas sa postura niya ngayon—malakas ang appeal nito sa suot na suit. Ang katikasan ng katawan niya ay may paghahambing sa mga aktor sa pelikula.
Lumipat ang tingin ni Lucas sa kanya, malamig at walang pakialam, na para bang isa siyang estranghero na dumating nang hindi inanyayahan.
“There was an accident kanina sa taping,” sabi nito nang walang emotion. “Hindi na niya kayang umuwi mag-isa. She will stay.”
Lumingon si Lucas na para bang nag-uutos. “Ihanda mo na ang guest room sa second floor.”
Tumawa nang mapait si Clarisse. “Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Hindi ako katulong.”
Nagulat si Lucas sa kan’yang tinuran. Ngayon lamang niya narinig si Clarisse na sumagot nang gano’n.
“We have helpers. Sila na ang gagawa.”
“Ate, isang gabi lang naman. Ayokong makaabala sa inyong dalawa ni Kuya,” singit ni Rina na tila awang-awa siya.
Parang kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib ni Clarisse.
Tatlong taon. Tatlong taong tinitikis ni Clarisse ang pagiging asawa nito ngunit sa kabila ng lahat ni minsan hindi niya naramdaman na kabilang siya sa pamilya nila. Alam niyang pinakasalan lamang siya ni Lucas dahil sa utos ng kan’yang Lola. Hindi siya kaya nitong bisitahin at lalong hindi man lang siya nito ginagalaw hangga’t hindi kailangan.
Akala niya si Lucas ay isang taong walang pakialam. Subalit, sa nakikita niya ngayon na kasama si Rachelle, hindi lang talaga siya nito mahal. Kailangan niyang tanggapin ‘yon.
Nakaramdam si Clarisse na may masakit sa kan’ya ngunit hindi niya alam kung saan. Kaya’t itinuro niya ang pintuan para kay Rachelle.
“Rachelle, lumabas ka,” utos niya na may diin. Tumingin siya kay Lucas, “Let’s get divorced.”
“Divorce? Nasisiraan ka na ba?”
Nagniningning ang mga mata ni Rachelle sa narinig niya. “Ate, baka puwede niyo pa pag-usapan—”
“Lumabas kana!” sigaw ni Lucas kay Rachelle.
Natigilan si Rachelle, saka mabilis na sumunod, ayaw niyang sirain ang isang bagay na matagal na niyang hinihintay.
Kinuha ni Clarisse ang divorce paper na inihanda niya. Nilagay niya ito sa bedside table para kay Lucas. Nagsimula na siyang mag-impake nang pumasok si Lucas sa k’warto.
Tuluyan nang nabasag ang kalmadong itsura nito.
“H’wag mong iisipin na may pagpipilian ka? Hangga’t asawa kita, akin ka. Naiintindihan mo ba?”
Sinalubong niya ang tingin ng asawa.
“Dinala mo na ang babae mo rito sa bahay natin nang walang pahintulot ko. Sa tingin mo, nirerespeto mo ako bilang asawa mo?” Tinuro niya ang papel. “Wala akong kukunin sa ‘yo. Pirmahan mo lang.”
Hindi makapaniwala si Lucas sa narinig.
“Ako ang magde-desisyon kung kailan tayo maghihiwalay.”
Hinatak ni Lucas si Clarisse nang ikinagulat nito. Bahagyang nagdikit ang kanilang mga balat at nagdulot ito ng mala-kuryenteng pakiramdam. May kakaiba sa kan’yang hawak. Tiningnan niya si Lucas sa mata, ang tensyon na namumuno rito, at ang halos hindi mapigil ang pagnanasa.
Paggising ni Clarisse, dumungaw sa kan’ya ang kulay abong langit. Tiningnan niya si Lucas na mahimbing ang tulog pero kailangan na niyang umalis. Nagbihis at kinuha na niya ang suitcase at umalis nang walang paalam.
Hindi niya alam, nagbunga pala ang gabing iyon.
Five years later…
Lulan ng eroplano galing United Kingdom, hindi maikukubli ni Clarisse ang pangamba nang tumapak ulit siya sa bayan na minsan na niyang iniwan. Gano’n pa rin—maalikabok at maalinsangan ang hangin.
“Prof, pasensya na po. Sobrang traffic ngayon. Mahuhuli ako,” sabi niya sa cellphone.
Ngumiti lamang ang nasa kabilang linya. “Mag-ingat kayo, Dr. Claire Navarro.”
Hindi pa rin sanay si Clarisse na tawagin sa pangalang iyon.
Si Dr. Claire Navarro—ang pangalan na ginagamit niya upang takasan ang lahat. Kailangan niya ito para protektahan ang meron siya. Isang general surgeon sa larangan ng medisina na pinag-aagawan ng iba’t-ibang research facilities. Maliban sa emergency patient sa Pilipinas, may isa pang dahilan kung bakit siya nagbalik.
Ilang buwan lamang matapos niya iwan noon ang bansa, namatay ang kan’yang Lolo. Masyadong mabilis ang burol at imposibleng hindi binalita ng media sa laki ng impluwensya nito. Kaya’t napagpasyahan niyang suriin ang tunay na nangyari.
“Siya nga pala, Dr. Navarro,” ani ng Professor. “Nandito si Lucas Montenegro at hinahanap ka. Alam mo na, ‘yong Lola niya…”
Natigilin si Clarisse. “Napag-usapan na natin ‘to, Prof. I have only one patient there.”
Bago pa matapos ang usapan, may sumigaw sa likod ng sasakyan.
“Mama, tingnan mo! Woahh!”
Lumabas ang ulo ni Andrei ng bintana na siyang ikinabahala ni Clarisse.
“Andrei, ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na delikado ‘yan.” Hinila niya ang anak sa loob.
Subalit natigilan siya nang makita niya ang tinuro ng anak. Mamahaling sasakyan—makintab, nakakasilaw, makapangyarihan. Tila ba multo ng nakaraan.
“Lucas?” Umiling siya. “No, he can’t be.”
Tiningnan niya ang dalawang niyang anak sa likod at bumilis ang tibok ng puso niya. Si Andrei ay nakasimangot, samantala si Lia naman ay tahimik na hawak ang maliit na stuff toy.
Huminga siya nang malalim.
“Hindi ako bumalik rito para sa kan’ya. Isa akong ina—hindi na kailanman yuyurakan muli.”
Hindi na pinansin ang mga sabi-sabi ng mga tao sa paligid at sinundan na lamang nila sina Lia at Lucas sa loob ng isang store.“Come, let’s go inside.”Pumasok sila sa isang men’s luxury brand. Tahimik lamang si Clarisse pero may kung anong bigat ang presensya niya na agad nakapansin ng tao. Nagkatinginan ang dalawang sales lady. “This is a high-end luxury boutique,” saad ng isa, taas noo. “Everything is extremely expensive. Pumunta na lang kayo sa tiangge. For sure, ma-afford niyo ‘yon.”“Don’t waste our time kung wala naman kayong pambili,” dagdag pa ng isa na tinitingala si Lucas sa kabilang isle.Kumulo ang dugo ni Andrei pero sinipatan niya ito ng mata, kaya tumigil. “Pumili ka na. May gusto ka ba?”Inilapag na rin ni Lucas si Lia para makapili ng gusto niya. “Go.”Halatang hindi natutuwa ang mga sales lady. “Kung may masisira kayo diyan, hindi niyo kayang bayaran.”Ipinasok ni Clarisse ang kamay sa bulsa, kalmadong nagtanong. “Ano na ang nabasag ng mga anak ko ngayon? Nagtiti
Clarisse spent her entire day inside the hospital treating patients. Pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit. Sumasakit na rin ang balikat at paa niya. Habang naglalakad papuntang parking lot, minamasahe niya ang braso niya ang inuunat ito. Iniisip na lamang niya kung gaano kasarap mahiga ngayon sa kama.Nang lumingon kung nasaan ang kotse, naroon na si Lucas at nakasandal sa bandang driver seat, mukhang kanina pa naghihintay.“Seriously?” bulong niya sa sarili.Lumapit siya rito, halatang iritado. “Sir Lucas, naligaw ka yata? Umalis ka diyan kung ayaw mong sipain kita.”“Sasabay na ako,” hirit ni Lucas habang nakangiti sa kanya. “Doctor po ako, sir Lucas, hindi driver. I drove you once, ayos na ‘yon. At please lang, huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot. Tawagan mo muna ako. At baka may makakakita pa sa atin. Misunderstanding na naman,” litanya niya na tila pinapangaralan niya ang binata.“Anong misunderstanding?” kalmadong tanong ni Lucas, pero n
The next Monday morning, maagang muli na pumasok si Clarisse sa ospital. Hindi pa man siya nakapasok sa opisina, agad siyang hinila ni Nurse Vera sa gilid.“Doc, ayos ka lang? May kalaban ka ba ngayon?”“Huh?”“Si Miss Rachelle nasa loob,” bulong nito. “Sinabihan ko na baka mag-off ka today at bumalik nalang siya bukas. Pero ayaw niya.”Pagkarinig niya no’n, agad sumilay ang ngiti sa labi niya na ikinagulat ni nurse Vera. “Okay lang. I’ll call you when I need you,” kalmado niyang sabi.“Nasa nurse station lang ako, ha. Tawagin mo lang ako kapag need mo ng resbak.”Tumango si Clarisse saka marahang binuksan ang pinto. Nandoon nga si Clarisse, nakaupo sa sofa habang naglalaro sa phone niya. Nang nakita ni Rachelle si Clarisse, tumayo siya at halatang iritado ang mukha.“Honestly, I underestimated you. Ang lakas ng loob mo. Dinala mo na agad ang mga bastardo mo sa bahay ng Montenegro?”“Bastardo?”“Akala ko ba wala kang gusto kay Lucas? Ano ‘yon? Nagbago ang isip mo?” tanong nito na pun
Nasa braso pa rin ni Lucas si Lia at ayaw pang bumaba. Tahimik lamang si Andrei sa paligid at mukhang guilty sa ginawa niya kanina. “Tito, hinarangan po kami. Ayaw niya po kaming palabasin. Tapos sinigawan niya si Mama ko,” sumbong ni Lia habang mahigpit ang hawak sa damit ni Lucas. “Tapos, pinagtanggol ni Kuya si Mama.”“Hindi gan’yan ang nangyari,” sigaw naman ni Lara. “Lucas, huwag kang maniwala sa mga ‘yan. Tinulak ako ng batang ‘yan at hindi pa nagso-sorry.”“Inunahan mo kami. Ininsulto mo kami ng mga anak ko. Gusto mo ng respeto pero hindi mo maibigay sa amin. Ano ‘yon?” singit ni Clarisse. “Mom, please. Stop this,” pakikiusap ni Lucas sa ina. “Bumalik ka muna sa loob. Aasikasuhin ko lang ito. At sana naman, Mom, ito na ang huli.”Hindi makapaniwala si Lara na kinampihan ni Lucas ang mag-iina.“Lucas, I’m your Mom. Noon, sinabi mong pabayaan kita sa kumpanya, ngayon naman pati sa pagpapakasal, bawal pa rin ako?”Mas kumunot pa ang noo ni Lucas. Ayaw niyang makarinig ng ganito












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.