Share

Chapter 88: Story

Chapter 88

Story

"Anak, si Papa Klarito mo ang nagbigay ng pangalan mo nang araw mismo nang isilang kita. Klarrisa Del Rosario, iyan talaga ang buong pangalan mo. At kamukhang-kamukha mo ang tatay mo," untag nito habang ako'y nakaunan sa kandungan nito at masuyo niyang sinusuklay ang medyo namamasa ko pang buhok.

Napatingala ako dito matapos kong titigan ang litrato ng ama ko noong nabubuhay pa ito. "Kamukha ko nga si Papa. Pero bakit ho kaya Klara ang naging pangalan ko?" Nagtataka kong tanong dito.

Ngumiti ito ng bahagya. "E kasi noong bata ka pa, 'pag tinatanong ka namin ng papa mo kung ano ang pangalan mo, Klara ang isinasagot mo lagi. Kaya siguro Klara rin ang ipinangalan ng nakapulot at umampon sa 'yo."

Napatango-tango ako. "At least ho hindi nila pinalitan ang pangalan ko. Katunog pa rin iyon ng totoong pangalan ko. 'Di ba ho?" sagot ko rito.

"Tama, mas maigi, anak. Halos walang nagbago sa pangalan mo." Nakangiti pa rin ito habang masuyo akong hinahaplos sa aking buhok.

A
Mairisian

Stay tuned! Pakiboto na rin po. Salamat... 🥰

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Evelyn MontemayorEdioma
pls ang bunos ibigay nyo.....
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
Ngsisis na nga si Logan Klara, biktima fin sya sa knyang amang mapanghusga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status