เข้าสู่ระบบKABANATA 8: Don't Treat Me Like I'm BrokenMia's POV—GOSH, ang dami palang kailangang iligpit kapag ganitong family dinner.Habang busy sina Mama at Ate Bea sa pakikipagkulitan sa mga bata sa living room, nag-volunteer na muna akong tulungan si Ate Talia sa pag-aayos ng mga pinagkainan. Hindi naman niya ako inutusan, pero as a good girl, siyempre gusto kong makatulong! Plus, kailangan ko rin talaga ng distraction. Hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko ay umiinit pa rin ang mga pisngi ko kapag naiisip ko iyong pang-aasar sa akin ni Dark kanina sa hapag-kainan.“You’re the only person who can make me feel completely helpless without saying a single thing.”Grabe. Paano niya nasasabi ang mga ganoong linyahan nang hindi man lang kumukurap? Sabagay, kilala nga pala siyang playboy. For sure, sanay na sanay na siyang magpakilig ng mga babae gamit ang ganoong deep at seryosong boses niya. Pero kahit na! Kahit alam kong nambibiro lang siya, hindi ko pa rin naiwasang kiligin nang very light. V
PAGKATAPOS ng hapunan, naghiwalay ang grupo. Pumasok sina Talia, Bea, at Marissa sa loob ng bahay kasama ang mga bata para magmeryenda ng dessert, habang si Roberto naman ay sumunod muna sa living room para tumawag sa kaniyang flower shop manager.Kaming tatlo nina Caden at Ashton ay lumipat sa balcony sa ikalawang palapag ng bahay, isang outdoor lounge na nakaharap sa garden at may magandang tanawin ng mga ilaw mula sa kalapit na skyline ng Bonifacio Global City.Inilagay ni Caden ang isang bote ng Balvenie doublewood at tatlong crystal glasses sa low glass table. Umupo siya sa single-seater leather couch habang si Ashton naman ay pwesto sa kabilang sofa, relaxed na nakasandal at may hawak na baso.Kinuha ko ang baso ko, naglagay ng dalawang cube ng yelo, at nagbuhos ng kaunting whisky. Lumakad ako patungo sa railing ng balcony at sumandal doon. Mula rito sa itaas, natatamaan ng ilaw ng lanai ang malaking swimming pool sa ibaba. At sa gilid ng pool, nakatayo si Mia.Tahimik niyang pi
KABANATA 6: Dark VasqueDark's POV—"PASS the roast beef, Dark. Huwag mong solohin 'yang platter," paninita ni Caden sa iniisip ko habang nakaupo kami sa mahabang dining table sa lanai."I'm not hogging it, Caden. I'm just appreciating the culinary arts," biro ko sabay pasa ng plato sa kaniya. "In fairness kay Talia, your kitchen skills are wasted on this guy.""Tigilan mo 'ko, Vasquez," natatawang sagot ni Caden habang nilalagyan ng gravy ang plato niya.Sumandal ako sa aking dining chair at kinuha ang baso ng red wine. Inikot-ikot ko iyon sa kamay ko. The mood was lively. Sina Ashton at Caden, busy makipagtsismisan tungkol sa mga pinakabagong expansion sa shipping at biotech. Sina Talia at TitanMarissa, nag-uusap tungkol sa mga bata sa itaas. Si Bea naman? Abalang-abala sa pagbibigay sa akin ng mga pasimpleng irap mula sa kabilang dulo ng mesa.Honestly, I was used to it. Babaero daw kasi ako. A certified playboy. A womanizer. Well, I won't completely deny the titles. I'm thirty-fi
100,000 FOLLOWERS NA TAYO! 😭🎉❤️Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan nang sapat. From the bottom of my heart, THANK YOU SO MUCH sa lahat ng patuloy na nagbabasa, nag-a-add sa library, nagko-comment, nagre-review, at sumusuporta sa mga stories ko. 🥹❤️Para i-celebrate ang 100K followers milestone natin, may maliit akong GIVEAWAY! 🎁💸✨ ₱100 GCash GIVEAWAY ✨At dahil gusto kong makapagpasalamat kahit sa maliit na paraan, magbibigay ako ng ₱100 GCash sa FIRST 10 PERSONS ONLY!PAANO SUMALI? 👇1️⃣ I-ADD SA LIBRARY ang story kong Stolen Nights With My Sister’s Husband. ❤️📖 Puwede rin kayong magbasa ng story. New story po ito na kasali sa contest. Daily update po ito ♥️2️⃣ Pagkatapos, I-MESSAGE AKO SA FACEBOOK PAGE KO: GENN WRITES para makasali sa giveaway.📌 FIRST 10 PERSONS ONLY!Uulitin ko po para malinaw: 10 tao lang ang makakatanggap ng ₱100 GCash. Kapag umabot na sa first 10 participants, CLOSED NA ANG GIVEAWAY.Kaya kung gusto ninyong makahabol, GO GO GO! 😂❤️Again
KABANATA 5: Caden’s Best FriendMia's POV—TAHIMIK akong nakatayo malapit sa edge ng kitchen island, habang hinahawakan nang maingat iyong glass pitcher ng iced tea. Medyo nanginginig pa nga iyong maliit kong kamay, kaya mabilis ko itong ibinaba sa counter bago ko pa man maibuhos sa sarili kong dress.Huminga ka nang malalim, Mia. Relax lang. Bisita lang siya nina Kuya Caden.Pero kahit anong pilit kong pagpapaalala sa sarili ko, ang hirap palang maging relaxed kapag naririnig mo na iyong mabibigat na yabag ng sapatos sa wooden floor tiles ng foyer."Bro, good to see you! Akala ko talaga 'di ka na makakahabol," bati ni Kuya Caden, na sinundan ng tunog ng mabilis na manly hug at tapik sa likod."I had to wrap up an emergency call with our Singapore office, but I promised I'd be here," sagot ng isang baritonong boses.Iyon na naman. Ang boses na iyon. Malamig, kompyansa, at sobrang lalim na parang nagva-vibrate sa buong living room. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin mula sa kitchen
KABANATA 4: Talia’s VisitMia's POV—NAPAKAGANDA ng gabi sa Forbes Park. Sa tuwing pumupunta kami rito sa bahay nina Ate Talia at Kuya Caden, palagi kong nararamdaman iyong kakaibang ginhawa na malayo sa ingay ng kalsada sa lungsod. Ang malalaking puno sa paligid ng kaniyang bakuran at ang mahinang tunog ng tubig mula sa swimming pool sa lanai ay nagbibigay ng napakapayapang ambiance.Nakatayo ako malapit sa glass door ng kanilang malawak na living room habang hawak ang isang baso ng chilled apple juice. Suot ko ang aking soft blue-green A-line dress. Medyo malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi, kaya mabuti na lang at may mahabang sleeves ang damit ko."Mia! Kanina ka pa ba diyan sa labas? Pasok ka muna rito, malamig na sa labas!"Lumingon ako at nakita ko si Ate Talia na nakatayo malapit sa dining area. Nakasuot siya ng isang simpleng beige casual dress at naka-apron pa. Sa kabila ng pagiging sikat niyang medical researcher at doktor sa Montclair Biotech, ang kumpanya ni Kuya Cad
HINDI agad sumagot si Talia. Saglit lang siyang tumitig kay Lucas, saka marahang ngumiti ng pilit.“Pagod lang ako,” sabi niya. “Ayokong dumagdag pa sa gulo.”Mariing huminga si Lucas. Kita sa panga niya ang pagpigil ng galit. “Magpahinga ka,” mahinahon niyang sabi. “Babalikan kita mamaya.”Matapos
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilali
BAHAGYANG yumuko si Talia, ang bawat kurba ng katawan niya ay puno ng malamyos na kilos at focus. Matatag ang kamay na may hawak ng cue stick, habang ang kabilang kamay ay maingat na nag-set ng standard bridge sa ibabaw ng berdeng tela ng mesa.Unti-unti niyang pinikit ang isang mata, sinipat ang t
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






