Masuk“He broke her heart once. Now he’s willing to lose his empire just to win it back.” --- Simula 12 years old pa lang ay minahal na si Talia si Caden Montclair. Kaya nang magkasundo ang kanilang mga pamilya na ipakasal sila sa isa't-isa ay labis-labis ang saya niya. Pero sa loob ng tatlong taon, sikreto silang naging mag-asawa nang hindi nagsasama sa iisang bubong. Bagkus, dalawang beses sa isang buwan ay nagkikita sila ni Caden sa Montclair Villa para punan ang “obligasyon” niya sa asawa at iyon ay maging bed partner nito. Hanggang sa isang araw ay natauhan na lang si Talia. Napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya magagawang mahalin pabalik ni Caden. Kaya nang magpunta siya sa mansyon ng mga Montclair ay kinausap niya ang asawa at sinabing, “Caden, let's get divorce.” “You’re willing to give up being Mrs. Montclair that easily?” malamig namang tanong ni Caden. “Yes. I already prepared the documents.” Matapos niyon ay umalis na si Talia at hindi na muling nagpakita pa. Pero makalipas ang ilang taon, ay muli siyang nagbalik bilang isang babaeng may dignidad, puno ng kumpiyansa, at kinikilala sa buong bansa. At ngayon, si Caden Montclair naman ang naghahabol sa kanya at humihingi ng second chance. The man who once ignored her now can’t stop chasing her. But Talia has finally learned something he never did— love without respect isn’t love at all.
Lihat lebih banyakTHREE years na silang secretly married at pinupunan ang obligasyon nila sa isa't-isa bilang mag-asawa. Twice a month pinapapunta ni Caden Montclair si Talia Marquez sa private villa niya sa Tagaytay, hindi para mag-date o magbakasyon kundi para mag-sex. Hindi sila nagsasama ni Caden bilang mag-asawa, at ang napagkasunduan nila ay mag-sex twice a month para maibsan ang kanilang mga sexual needs.
Gustong-gusto ni Talia ang mga white rose sa mini garden ng villa dahil simple pero elegante, katulad ng mga pangarap niyang matagal nang niyang ibinaon sa limot. Pero ngayong araw, iba na ang dahilan ng pagpayag niyang pumunta muli roon. Iyon na kasi ang huli na papayag siya sa ganoong setup. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng ikasal sila ni Caden pero ngayon, dala na niya ang divorce paper at handa na siyang tapusin kung anu man ang meron sa kanila. Pagpasok niya sa master's bedroom, kalalabas lang ni Caden sa banyo. Wala na itong pang-itaas, isang puting tuwalya lang ang nakapulupot sa baywang nito. Ang basa nitong buhok ay tumutulo pa sa matipuno nitong dibdib, pababa sa six-pack abs na parang perpektong hinulma sa Diyos ng mga Griyego. Pero kung noon, titig pa lang ng lalaki ay nanghihina na siya, hindi na ngayon. Hindi na siya ay Talia na nawawala sa sarili sa tuwing nakikita ito. Maya-maya pa'y tahimik itong lumapit, saka walang sabi-sabi, binuhat siya patungo sa king size bed. Napatili si Talia, at bago pa siya makapagsalita ay mariin na siya nitong hinahalikan habang tinatanggal ang suot niyang manipis na evening gown. Amoy niya ang pinagsamang tobacco at whisky sa hininga nito, pero sa halip na mailang ay nagdala iyon mg kakaibang init kay Talia. Mas marahas din ang bawat galaw nito, hindi katulad ng dati. Sabik na sabik ito sa kan'ya at kung halikan siya ay para bang gusto siyang lamunin nito ng buong-buo. Ang temperatura sa loob ng masters bedroom ay para bang lalong naging mainit. Ang kanilang mga kamalayan ay unti-unti nang tinatangay ng hangin at pawang mga halinghing at pag-ungol na lang ang mauulinigan sa apat na sulok ng kwarto. At doon, habang inaangkin siya ni Caden ay nanumbalik kay Talia ang divorce paper na dala-dala niya pagpunta niya roon. At naisip niyang siguro, iyon talaga ang kapalaran niya- ang hiramin si Caden Montclair maging asawa sa loob ng tatlong taon. At sa gabing iyon, doon ma magtatapos ang lahat... --- Madaling-araw nang magising si Talia at makaramdam ng gutom. Paglingon niya sa kanyang tabi, bakante na iyon. Wala nang bakas ni Caden, at ang tanging naiwan na lang ay ang mainit na comforter na ginamit nito. Napangiti siya nang mapait at tinanggap sa sarili na iyon na ang huli na makakasama niya ang asawa. Masakit ang buong katawan niya nang bumangon at bumababa sa kama. Nag-suot siya ng robe at lumabas ng kwarto para magpunta sa dining hall. Pagdating niya roon, naabutan niya ang mga maid na nagsisipaglinis. Simple siyang binati nang mga ito nang makita siya. "Ma'am, gising na po kayo. Sabi ni Sir Caden, ipagluto ko kayo ng hapunan bago siya umalis." Tumango naman si Talia saka simpleng ngumiti. "Thanks." Naupo siya sa malaki at pahabang mesa habang naghihintay na i-served ang dinner. Maya-maya pa'y napansin niya ang cellphone niyang nakapatong sa estante. Kinuha niya iyon at binuksan para i-check kung may message mula kay Caden. Habang nag-i-scroll sa Faceboök, ilang trending posts ang agad na bumungad sa kan'ya. #CadenMontclair throws a ₱10-million birthday party for Jessa Velasquez. #Good things coming! Caden Montclair and Jessa spotted together in Singapore! Napatigil siya. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya habang tinititigan ang mga headline. Her chest tightened, her breath caught halfway. Si Jessa Velasquez. Ang babaeng matagal na niyang naririnig na nali-link kay Caden, ang "first love" nito. Ang babaeng kahit kailan, hindi niya kayang tapatan sa puso ng asawa. Biglang parang umiikot ang paligid ni Talia ng mga sandaling iyon. Napahawak siya sa gilid ng mesa, sinusubukang pigilan ang pagkahilo. Naramdaman niyang bumigat ang loob niya habang unti-unting bumabalik ang mga alaala ng villa kung saan siya naroroon. Ang mga gabing akala niya'y kanya si Caden, pero sa totoo lang, isa lang pala siyang panakip-butas ng babaeng iyon. Ang bawat sulok ng villa, mula sa mga white lilies hanggang sa amoy ng alak sa hangin, lahat pala ay tungkol kay Jessa. At sa loob ng tatlong taon, nabuhay si Talia sa isang ilusyon, sa isang pag-ibig na hindi kailanman para sa kanya. Talia slowly set down her spoon and went upstairs to change. Pagtingin niya sa kama, puro lamig at katahimikan na lang ang naiwan. She let out a tired sigh, her gaze hardening with quiet pain. "Napakagaling mo talaga, Caden! Kanina lang, yakap-yakap mo pa ako. But now, you're probably in a private jet, heading to Singapore to celebrate your first love's birthday. In ten minutes, she went back downstairs and told the housekeeper, "Sabihin mo kay Caden, hindi na ako babalik dito." She knew it in her gut, she was never coming back to that villa again. Pag-uwi niya sa condo sa Makati, tahimik niyang inilabas mula sa bag ang divorce papers na matagal nang nakatago. Isang buwan na niyang inihanda ang mga iyon, pero hindi niya alam kung saan at kailan niya ito maibibigay. Akala niya kanina na ang araw na iyon, pero siya pala itong iiwanan... --- Kinabukasan ng tanghali, nagising si Talia sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone dahilan para mabulabog ang pagtulog niya. Pagtingin niya, 20 miscalls ang na-receive niya mula sa best friend niyang si Bea Santiago. Nang makita iyon ay kaagad niya itong tinawagan pabalik. "Hello, besty? Sorry, ngayon ko lang nakita ang tawag mo." "Finally! Akala ko kung ano'ng nangyari sa 'yo!" sigaw ni Bea sa kabilang linya. "Girl, do you have any idea how worried I was? I called you twenty times!" Napahawak si Talia sa sentido at napangiti ng marahan. "Don't worry, Bea. I'm fine. I'm still alive." "Fine? Are you kidding me? You sounded like you were about to jump off a building last time we talked!" Natawa siya kahit kaunti. "I promise, I'm okay. I just needed some sleep." "Good. Because I swear, if you don't text me later, I'm flying back to Manila to drag you out for coffee." "Okay, okay. I'll wait for you," sabi niya, trying to sound light even though her chest still felt heavy. Pagkababa niya ng tawag, muling binalot ng katahimikan ang buong unit. Nakatitig lang siya sa kisame, parang sinusuri ang mga alaala ng nakaraan... She remembered everything... every stupid, painful detail. Nang high school pa lang sila, sinundan niya na si Caden sa lahat ng activities. When he skipped a grade, she worked harder para makasabay. When he studied abroad, she followed. When he studied medicine, she switched courses para lang mapalapit. At noong nalaman niyang muntik na itong malunod sa isang yachting accident sa Subic, siya pa ang unang sumugod sa tubig. Wala siyang pakialam kung malunod man siya, basta't ang mahalaga ay mailigtas niya si Caden. Pero kahit ganoon, parang wala pa rin siyang halaga. "He never valued me the way I valued him. Ibinigay ko ang lahat pero tanging malamig na trato lang ang sinukli niya sa akin...”KABANATA 34: Misty Pines and Warm HeartsMia's POV—Sabado ng maagang umaga nang dumating ang dalawang malalaking sasakyan sa tapat ng Santiago Floral Designs. Hindi lang ang paborito kong itim na Maybach ni Dark ang nakaparada sa kalsada, kundi pati ang isang malaking black custom van para sa buong pamilya ko."Gosh, bunso! Seryoso ba talaga 'to?" excited na tili ni Ate Bea habang isinusuot ang kaniyang oversized cardigan. "Ipagsusundo talaga tayo ng bilyonaryong 'yan papuntang Tagaytay?! Nakakaloka!"Natawa ako nang mahina, kahit walang tunog na lumalabas sa lalamunan ko. Inayos ko ang aking pink knitted sweater, maong skirt, white sneakers.Kinuha ko agad ang dusty rose leather journal ko at mabilis na nag-type sa Note app ng phone ko bago ko ipinakitang nakangiti kina Ate Bea at Ate Talia.‘Sabi po kasi ni Dark, gusto niya pong makapag-relax ang buong pamilya matapos ang maingay na linggo! Mag-enjoy na lang po tayo!’"Naku, ikaw talagang bata ka, spoiled na spoiled ka na diyan ka
KABANATA 33: Unbroken Dark's POV Matapos kong ihatid si Mia nang maayos at ligtas sa Quezon City, bumalik agad ako sa Forbes Park. Alas-sais na ng gabi, pero walang bahid ng pagod sa katawan ko, galit at matinding paninindigan lang ang dumadaloy sa mga ugat ko. I left my driver in the driveway and pushed open the heavy mahogany doors of the mansion. Pumasok ako sa malaking study room ni Father sa ikalawang palapag. My father was sitting behind his massive antique oak desk, swirling a crystal glass of whiskey while looking over some financial documents. Dim, warm lighting filled the room, but the atmosphere inside was ice-cold. Nang marinig niya ang mga hakbang ko, dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang baso. He looked at me with those same arrogant, calculating eyes that had ruled the Vasquez Conglomerate for decades. "You brought her home," simpleng panimula ni Father, his baritone voice lacking any warmth. "Good. Now we can finally talk like adults, Dark." I remained standing
KABANATA 32: The Cold Glass MansionMia's POV—Huminto ang Maybach sa tapat ng napakalaking wrought-iron gates ng mansyon ng mga Vasquez sa Forbes Park, Makati.Habang dahan-dahang bumubukas ang gate at bumabiyahe ang sasakyan sa sementadong driveway na pinalilibutan ng matataas na puno, pormal na fountain, at maayos na landscape, pakiramdam ko ay lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Sa bawat metrong inilalapit namin sa mismong pinto ng malaking bahay, halos marinig ko na ang sarili kong mabilis na tibok ng puso.Pamilya Vasquez. Isa sa pinakamayayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamataas na angkan sa bansa.Naramdaman siguro ni Dark ang matinding panlamig ng kamay ko. Dahan-dahan niyang pinalagpas ang kaniyang malalaking daliri sa mga daliri ko, holding my hand firmly over my lap."Hey," pabulong niyang usal sa baritono niyang boses, dropping his head closer to mine. "Relax, Mia. I’m right here beside you. No one in this house will ever hurt you."Tumingin ako sa kaniya. Sina
KABANATA 31: The Invitation and Sisterly TiesMia's POVBiyernes ng hapon.Maaliwalas ang kalangitan sa labas ng Santiago Floral Designs. Katatapos lang ng huling klase ko sa UST ngayong linggo, at agad akong umuwi sa boutique para makatulong kina Mama Marissa sa pag-aayos ng mga order para sa darating na weekend weddings.Nakatayo ako sa may malaking wooden work table sa gitna ng flower shop, maingat na pinuputol ang mga tangkay ng mga bagong dating na pastel roses.Habang abala ang mga daliri ko sa pag-aayos ng mga bulaklak, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari noong Lunes sa Lovers' Lane at Benavides Garden. Ang ginawang paglalakad ni Dark sa buong campus habang hawak ang kamay ko... ang pormal niyang pag-amin sa harap nina Chloe at ng iba kong classmates... at iyong mabilis ngunit napakatamis na halik sa noo ko bago ako pumasok sa classroom.Umiinit na naman ang mga pisngi ko. Gosh, Mia Santiago, buong linggo ka nang hindi makatutok sa mga pinag-aaralan mo dahil sa kani
BAHAGYANG yumuko si Talia, ang bawat kurba ng katawan niya ay puno ng malamyos na kilos at focus. Matatag ang kamay na may hawak ng cue stick, habang ang kabilang kamay ay maingat na nag-set ng standard bridge sa ibabaw ng berdeng tela ng mesa.Unti-unti niyang pinikit ang isang mata, sinipat ang t
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilali
SAMANTALA, sa kabilang bahagi ng Grey Wharf sector, sa dulo ng isang pribadong coastal road na halos walang dumadaan, nakatayo ang isang napakalawak na estate na nakatago sa pagitan ng mga matataas na pader na bato.Mula sa labas ay mukhang isang lumang kastilyo ang gusali, makapal na pader, matata












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak