Ang hawla ko ay hindi gawa sa bakal. Hindi ko rin ito nakikita. Pero nararamdaman ko ito sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse ni Dominic Velasco.
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa walk-in closet, suot ang isang cream-colored silk dress na siguradong hindi ko pinili. Lahat ng damit dito, lahat ng gamit, ay hindi akin pero isinakto sa akin. Parang ako mismo ang bahagi ng koleksyon niya Napapikit ako sandali. Hindi. Hindi ako pag-aari ng kahit sino. Biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Narinig ko ang mabagal niyang paglapit. "Hindi mo nagustuhan ang damit?" Ibinuka ko ang mata ko at tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Nakatayo siya sa likod ko, naka-black suit, nakaluwag ang kurbata. Kahit hindi siya nagsasalita, ang presensya niya ay parang pader na hindi ko matutulak. "I don’t like wearing things I didn’t choose," sagot ko nang matigas. Bahagyang lumitaw ang ngiti niya isang ngiting hindi ko alam kung dapat bang ikatakot o hindi. "Then next time, you can choose," aniya, pero sa tono ng boses niya, alam kong may kasunod pa iyon. "But that doesn’t change the fact that you belong to me, Ava." Napakuyom ako ng kamao. "Sa kontrata lang, Dominic. Hindi mo ako pag-aari." Tahimik siyang humakbang palapit hanggang sa naramdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. Bumaba ang tingin niya sa aking repleksyon sa salamin, at nang magsalita siya, dumampi ang boses niya sa balat ko tulad ng malamig na halik. "Hindi mo pa ba nare-realize?" Bahagyang yumuko siya, inilapit ang labi niya sa tainga ko. "Hindi ako ang lalaking pwedeng takasan." Bago pa ako makapagsalita, may inilabas siyang isang papel at iniabot sa akin. A revised contract. Binasa ko ito, at agad akong napangiwi sa isang bagong kondisyon. "You are not allowed to leave without my permission." Mabilis akong tumingin sa kanya. "Ano 'to?" Kalma siyang ngumiti. "A safety measure." Muntik akong mapatawa sa inis. "Safety? Para kanino? Para sa'yo?" "Para sa ating dalawa." Napasinghap ako nang hinawakan niya ang papel sa kamay ko at marahang itinulak ito pabalik sa dibdib ko. "Basahin mong mabuti, Ava. Dahil once you sign this, you won’t have a way out." Hindi ako pwedeng magpatalo. I need leverage. Habang nakatutok siya sa reaksyon ko, itinago ko ang isang papel mula sa unang kontrata sa likod ng bestida ko. Kung tama ang hinala ko, may butas sa unang agreement namin. At kung matutunton ko iyon… baka ito ang magiging daan ko palabas. Ngumiti ako, kahit bumibigat ang dibdib ko. "Wala akong balak pumirma sa bagong kontrata." Umangat ang kilay ni Dominic. "Then you’re making things harder for yourself." Gano’n na ba talaga ako kabilis husgahan? Akala niya susuko na ako agad? Ngumiti ako. "Well, mas enjoy ang laro ‘pag hindi madali, ‘di ba?" Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng mata niya parang nasiyahan siya sa sagot ko. Pero hindi ko papayagang siya ang may huling halakhak. Kinagabihan, matapos niyang umalis para sa isang business meeting, mabilis akong kumilos. Bumalik ako sa office room sa penthouse, kung saan ko unang nakita ang mga dokumento. At doon ko nakita ang isang folder na hindi ko pa nabubuksan. Dahan-dahan ko itong binuksan, at ang nabasa ko roon ay halos nagpahinto sa tibok ng puso ko. A document about me. About my past. Mga detalyeng hindi ko alam kung paano niya nakuha. Mga sekreto ko. Ang mas nakakatakot? Hindi lang niya alam kung sino ako. Alam niya kung ano ako. Halos mabitawan ko ang dokumento. Tumindi ang kaba sa dibdib ko habang dahan-dahan kong binabasa ang bawat linya. Paano niya nalaman ang lahat ng ito? Ang buong pangalan ko, pati ang dating address ng pamilya ko kahit ang mga detalyeng matagal ko nang pilit kinalimutan. Pero may isang bagay na nagpahinto sa akin Isang pahina na puno ng classified information. At sa pinakailalim nito, may isang pangalan. "Project Blackthorn: Authorized by Dominic Velasco." Parang may nagyelo sa loob ng katawan ko. Project Blackthorn? Ano ‘to? At anong kinalaman ko rito? Mabilis akong lumingon sa paligid, pakiramdam ko’y may nanonood sa akin. Dali-dali kong isinara ang folder, pero bago ko pa maibalik sa dati ang lahat, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong umatras, pero huli na. Nakaupo na si Dominic sa gilid ng mesa, nakasandal sa likod ng kanyang upuan. Hindi ko namalayang naroon na pala siya. Matagal niyang tinitigan ang dokumento sa harapan ko bago dahan-dahang bumalik ang titig niya sa akin. "You’ve been busy, Ava." Malamig ang boses niya, pero may bahagyang amusement sa tono niya. Pinilit kong itago ang kaba ko. Hindi siya pwedeng makakita ng kahit anong takot sa akin. "I just wanted to know what kind of man I’m really dealing with." Nagtagpo ang mga mata namin. Alam kong gusto niyang guluhin ako, pilitin akong bumigay sa presensya niya. Pero hindi ako aatras. "Ano ang Project Blackthorn, Dominic?" Matalim ang tingin niya, pero hindi siya nagulat sa tanong ko. Para bang inaasahan na niya ito. Hindi siya agad sumagot. Tumayo siya, dahan-dahang lumapit sa akin, ang mga hakbang niya ay parang mabibigat na paalala ng kapangyarihan niya. Hanggang sa halos isang pulgada na lang ang pagitan namin. "Some secrets are meant to stay buried," aniya sa mababang boses, dumadampi ang hininga niya sa balat ko. "Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo." Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi niya. "Then you better be ready for what you’ll find." Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ko alam kung galit ba siya o natutuwa na nagiging interesado ako. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi lang basta kontrata ang naggapos sa akin At ang Project Blackthorn ang susi para malaman ko kung ano talaga ang papel ko sa larong ito.Ava's PovHindi ako makatulog.Ang tunog ng wall clock sa silid ay tila martilyong bumabagsak sa bawat segundo. Tik. Tik. Tik. Parang paalala na nakakulong ako sa isang kasunduang hindi ko pa rin lubos maintindihan.Ang bawat salitang sinabi niya kanina—"Ikaw ang kabayaran.""This is a game you're not ready to play."—ay paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko.Napasapo ako sa ulo habang nakaupo sa gilid ng kama.Bakit ako? Anong laro ‘to? Sino ang kalaban?Tumayo ako at bumaba nang tahimik. Madilim ang buong mansion, pero kabisado ko na ang bawat hakbang. Tila may humahatak sa akin. Hindi ng takot, kundi ng matinding pangangailangan.Pumasok ako sa study ni Dominic.Tahimik. Malinis. Amoy leather at mamahaling pabango. Ang ilaw mula sa buwan ay sapat lang para maaninag ko ang eleganteng desk sa gitna.Lumapit ako.May ilang papel sa ibabaw—business contracts, confidential reports. Pero ang mata ko, napatigil sa isang drawer na may electronic lock.Napalunok ako.Alam kong mali, pero pi
Ang hangin ay malamig at mahangin, sumisipol sa mga naglalakad na dahon sa paligid ng mansyon. Dahan-dahan akong pumasok sa malawak na sala, ang mga sapatos ko ay tahimik na kumakaluskos sa malamlam na marmol na sahig. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko’y isang buong mundo ang sumasara sa aking harapan—isang mundo na puno ng mga lihim at pagnanasa na hindi ko kayang itago pa. Hinawakan ko ang hawakan ng malaking salamin sa harap ko, ang aking mukha ay makikita sa ibabaw ng ibabaw ng malamlam na tubig. Ang mga mata ko ay puno ng tanong—tanong na matagal ko nang itinatago, pero hindi ko na kayang pigilan. Kailangan ko ng sagot, at alam kong tanging siya lang ang makapagbibigay nito. Si Dominic. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin. Paano ba kami napadpad sa ganitong punto? Ang kontratang kasal na parang isang prangkisa ng mga panaginip, na ngayon ay nauurong sa mga desisyon na magtatakda ng aming mga buhay. Iniisip ko kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang lahat ng ito, lalo na
Kaharian ng dilim. Ang gabi ay tila nagsisilbing kumot na nagtatago ng mga lihim at kasinungalingan. Sa loob ng mansion na minsan ay puno ng sigla at mga tawanan, ngayon ay pawang katahimikan. Nasa isang sulok ako, tahimik na nagmamasid mula sa bintana, ang malamlam na liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanging ilaw. Tinutukso ako ng hangin, dahan-dahang pumapasok sa silid at nagdadala ng malamig na simoy mula sa bukirin sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako nagbabalik sa mga alaala ng mga sandaling iyon—mga oras na masaya kami. Bago ang kontratang kasal na ito. Bago ko matutunan kung paano ang magtiis, magpakumbaba, at magbigay ng aking puso nang walang kasiguraduhan. At siya... Dominic Velasco. Ang lalaking isang araw ay pinili kong ipagkatiwala ang aking buhay sa kabila ng lahat ng lihim at misteryo na bumabalot sa kanya. Tinutok ko ang aking mata sa madilim na abot-tanaw. Naalala ko pa ang araw na tinanong ko siya, "Bakit ka ganyan? Bakit mo ginagawa ito?" Ang sagot niya ay
Ava's-Pov Tahimik muli. Pero ibang katahimikan na ito—hindi na lang basta takot o pagkagulat. Ito 'yung uri ng katahimikan na parang may gumigising sa loob mo. Mabagal. Malalim. Mapanakit. Ang amoy ng lumang kahoy at kalawang ay muling sumalubong sa akin habang nakatayo ako roon, nanginginig. Ilang segundo lang ang lumipas simula noong marinig ko ang boses ni Leon, pero pakiramdam ko'y parang isang buhay ang bigat na bumagsak sa dibdib ko. Sino siya? Bakit kilala niya ako? At higit sa lahat… ano'ng kinalaman niya kay Dominic? Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko, pilit inaawat ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung alin ang mas dapat kong katakutan—ang lalaking nasa harapan ko na may mga mata ng isang mandaragit, o ang lalaking dati kong minahal, pero ngayon ay tila estranghero na. "Dominic..." mahina kong sambit, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. "Hindi ba sapat ang sakit na binigay mo? Bakit pati ngayon, parang ako pa rin ang may kasalanan?" Hindi siya
Tahimik. Tahimik na parang ang buong mundo ay huminto sa pag-ikot. Ang amoy ng kalawang at langis ay sumalubong sa akin. Malamig ang hangin, at parang may mahahabang anino sa paligid ko—mga bagay na hindi ko kayang makilala. May kakaibang lamig na tumatagos sa aking balat, parang ang mga pader ay nag-uusapan, at ako’y isa lang sa kanilang mga saksi. Ang katawan ko'y mabigat. May posas sa aking mga kamay. Ang mga sugat sa katawan ko, hindi ko na alam kung alin ang mula sa laban ko o sa mga ulap ng takot na patuloy na bumabalot sa isip ko. Ang bawat paghinga ko’y mabigat. Ang bawat segundo, nararamdaman ko ang tensyon—isang tensyon na hindi ko kayang takasan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa aking katawan, pero may isang bagay na tiyak: hindi ko kayang maghintay na walang kasiguraduhan. Wala akong ibang naiisip kundi si Dominic. Buhay ba siya? Ano ang nangyari sa kanya? Bakit ako nandito? Bumangon ako. Nasa sahig ako, malamig. Iniiwasan ko ang mga mata ng dilim sa paligid, ngun
Tahimik ang paligid, ang hangin ay malamig at ang mga puno ay parang nagmamasid sa akin mula sa dilim. Hawak ko ang maliit na device na iniabot sa akin ni Natalie, at kahit hindi ko pa ito binubuksan, nararamdaman ko na may matinding misteryo sa likod nito.“Ava…” Boses ni Natalie, maingat ang tono. “Kailangan mong magtiwala sa ‘kin. Si Dominic… may dahilan kung bakit ako nandito.”Hindi ko siya tinitigan. Ang utak ko’y punong-puno ng katanungan, pero may isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng ‘yon. Si Dominic. Hindi ko kayang maghintay na hindi alam kung ano ang nangyari sa kanya.“Bakit mo ‘to binigay?” tanong ko, ang kamay ko’y nanginginig habang pinipilit ko muling i-focus ang mata ko sa device. “Ano ang laman nito?”Ngumiti si Natalie, pero may kalungkutan sa mga mata niya. Inabot niya ang device sa akin, at siya na ang nagplano kung paano ito bubuksan. Hinintay ko lang na maganap ang lahat ng iyon. Kailangan ko ng sagot.Pinindot niya ang isang button. Biglang nagliwanag