The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban

The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-29
Oleh:  Mrs. BlissBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
7Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa ika-25 linggo ng pagbubuntis, nahuli ni Maliya Alonto-Argente ang ginagawang pagtataksil ng kaniyang asawang si Luke Argente—hinamak, itinanggi, at iniwan siya sa harap ng ibang babae. Dahil sa matinding panliliit at sakit na kaniyang dinanas, tahimik siyang nanganak at kalaunan ay lumagda sa isang annulment, bago tuluyang maglaho. Limang taon ang lumipas, ang babaeng minsang tinapakan ay bumalik upang manaig. Siya ngayon ay elegante, makapangyarihan, at matagumpay—may yaman at impluwensiyang kinatatakutan. Samantala, ang lalaking nagtaboy sa kaniya ay nalunod sa pagsisisi, ngunit huli na ang lahat, sapagkat si Maliya ay engage na sa iba. Sa laro ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang tunay na mananaig—siya ba, o ang kanilang nakaraan?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Pagkalabas ng taxing sinaksakyan ay napatda ako mula sa aking kinatatayuan. Maging ang silay na ngiti sa mga labi ko ay nawala. Wala akong ibang nararamdaman kundi eksaytment para sa araw na ito. Ngunit, hindi—hindi matapos kong makita ang dapat ay hindi ko makita.

Si Lukas, ang aking asawa, halos mga sampung hakbang lamang ang layo namin sa isa’t isa.

Napaka-guwapo at elagante niya kung tingnan sa suot niyang itim na toxido habang bigkis siya ng isang maganda at tila babasaging babae. Balot ang babae ng mamahaling fox fur at malambot na scaft—ang kaniyang mukha ay kasing amo ng isang manika.

Napahigpit ako ng hawak sa strap ng aking bag na nakasabit sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko ang pagmamanhid ng aking kamay. Mas masakit pa sa hapdi ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Napatigil siya nang makita ako. Ngunit, tuluyang ikinapunit ng puso ko ay ang ekspresyon niya na nanatiling blangko ang mukha. Wala man lang itong bahid ng hiya o pagsisisi.

Mapagkumbaba pa nitong pinagbuksan ng pinto ng kotse ang babae—isang pag-aalaga na kailanman ay hindi pinaranas sa akin ni Lukas.

Napansin ng babae ang presensiya ko nang mapansin niya na may tinitingnan si Lukas.

“Luke, do you know her? Bakit nakatingin sa ‘yo si Manang?” tanong sa kaniya ng kasama niyang magandang babae.

Manang?

Umiling si Lukas. “I don’t know her. Let’s go?” pagngiti niya sa babae.

“Okay,” tugon ng babae at ngumiti. Bago isara ni Lukas ang pinto para sa kaniya ay hinagod niya muna ako ng tingin na may pagtataka.

Hindi ko napigilan at napabuga nalang ako ng hangin at mapait na ngumiti. Sa edad kong bente-kwatro anyos ay tinawag niya akong manang? Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa establisyemento na gawa sa salamin na nasa aking gilid ngayon at pagak na natawa—na maging ako ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil sa kalagayan ko ngayon. Hirap ako sa aking pagbubuntis at mabigat pa itong suot kong jacket. Lampa at losyang kung ikukumpara sa batang babaeng kasama ng asawa ko.

Muli kong binalingan ang umalis na sasakyan. Pinanood ko ito hanggang sa mawala sa paningin ko.

Alam kong ang kasal namin ni Lukas ay bunga lamang ng isang aksidente—isang shutgun marriage na itinuturing niyang mantsa sa kaniyang buhay. Hindi asawa ang turing niya sa akin. Kinamumuhian niya ako dahil sa ginamit ko ang bata na nasa sinapupunan ko ngayon para pilitin siyang pakasalan ako.

Kabaliktaran ng akin. Walong taon ko siyang minahal. Nagsumikap ako para maging assistant niya at mapalapit sa kaniya. Ngunit ng gabing iyon na hindi ko makakalimutan… ay siyang gabing tuluyang sumira sa aking dangal. Napapahid ako ng luha na hindi ko namalayang napupuno na pala ang mukha ko.

Napahawak ako sa aking puson nang biglang humapdi ito. Napadaing ako nang tuloy-tuloy ang hapdi at walang tigil.

“Ma’am.”

Mabilis akong nilapitan ng isang nars na hindi ko napansin. Mabilis naman tumugon ang mga kasama niya na kaniyang tinawag.

“NEXT time, you should take extra care of yourself. Huwag munang mag-iisip ng kung ano-ano na ikaka-stress niyo both ni baby, okay? You should share your problem with your husband,” suhesyon ng OB-gyne doctor ko.

Isang pilit at mapait na ngiti ang sumilay sa akig labi. Nagpasalamat ako sa kaniya at humigang muli. Fetal stress ang naging diagnosis dahil sa sobrang emosyon na naramdaman ko.

Parang gusto kong sabihin na ang ama nito ang dahilan kung bakit nararanasan namin ito ng baby ngayon.

KAHIT nanghihina ay nakauwi pa rin ako ng ligtas sa bahay. Pagkapasok ko ay walang sinuman ang sumalubong o lumapit sa akin upang alalayan o tulungan ako sa aking mga bitbit. Maging ang mga katulong ay walang pagpapahalaga sa akin.

“Ano ang resulta?” taas ang kilay na tanong ng mayordoma nang makarating ako sa kusina, upang uminom ng tubig. Hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin para sagutin. Alam kong hindi naman iyon importante para sa kanila.

“Baboy,” rinig kong sabi nang tumalikod ako. Isinawalang bahala ko nalang iyon.

Napaupo ako sa sobrang pagod pagdating ng kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinalungkat at hinanap ko ito sa totte bag na dala ko.

“Professor Adrian, napatawag kayo?” pagkasagot ko.

Si Professor Adrian ay mentor ko na simula nang kolehiyo pa ako hanggang sa mag masteral ako sa pinili kong propesyon.

“Hey, how are you? I have a good news for you. I know matagal mo na itong hinihintay. May slot para sa PhD sa Stanford University. Gusto mo bang subukan?”

Hindi ako nakapag tugon agad. “It’s ok—”

“Yes, Prof, please,” hindi ko pag-aatubiling sagot.

“That’s great. If you’re available any day this week, just come to my office to talk about it.”

“Yes, Professor. Maraming salamat.”

Napatingin ako sa labas ng bintana matapos ibaba ang tawag at bahagyang napangiti sa magandang balitang kakarating lamang sa akin. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito… ang makapag-aral ng doctorate sa pinapangarap kong paaralan.

Isang saglit lamang ang ligayang iyon bago ko marahang hinaplos ang nakaumbok kong tiyan. Panahon na kaya upang harapin ko ang katotohanan? Kung pipiliin ko ang buhay na ganito siguradong walang mangyayari sa akin. Si Lukas? Hindi naman niya ako mahal. At ang lalaking hindi ako minahal ay paniguradong hinding-hindi kailanman pahahalagahan ang anak kong dinadala. Para sa kaniya, hindi biyaya ang batang ito.

KINAGABIHAN, inihanda ko ang aking sarili. Naligo ako, pumili ng disenteng kasuotang babagay sa okasyon, at naghanap ng banayad ngunit mamahaling oil-based perfume. Tumawag kasi si Mrs. Argente—ang lola ni Lukas. Nangumusta siya at nagtanong tungkol sa kasarian ng anak namin ni Lukas. Inanyayahan niya kaming pumunta sa kanilang mansion para mag-celebrate at nangakong tatawagan niya si Lukas upang sunduin ako.

Naupo ako sa harap ng salamin. Habang inaayos ko ang aking anyo, muling sumagi sa isip ko ang tawag sa akin ng babaeng kasama ni Lukas kanina. Unti-unti kong sinuri ang sariling repleksyon ko sa salamin na nasa harapan ko ngayon—mataba ang pangangatawan, bilugan ang mukha, nangingitim ang leeg at maging ang bawat sulok ng aking mukha, lalo na ang mga anino sa ilalim ng aking mga mata. Unti-unting nawala ang gana kong mag-ayos. Isa-isa kong itinabi ang mga palamuti na para bang nawalan na rin ng saysay ang lahat.

Ilang sandali pa’y narinig ko ang busina ng sasakyan ni Lukas. Maingat akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Nakita ko siya sa loob ng kotse—nakapako ang tingin sa unahan, bakas ang pagkainip sa kaniyang kilos. Pagpasok ko sa sasakyan, agad bumungad sa akin ang matamis na pabangong naiwan ng babaeng kasama niya kanina. Nanatili akong tahimik mula nang paandarin niya ang sasakyan, hanggang sa tuluyan na kaming lamunin ng katahimikan.

“Ano ang gender?” tanong ni Lukas na siyang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Babae,” maikling sagot ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ito ang dahilan kung bakit nasa hospital ako kanina—para sa prenatal check-up at gender reveal ng aming anak. Hindi ko inaasahan na doon ko rin siya makikita kasama ang babae niya.

“Pagkapanganak mo,” pagputol ni Lukas, “Maghiwalay na tayo,” pagtatapos niya.

Parang pinitpit ako nang marinig iyon, pero pinilit kong patatagin ang sarili ko.

“Sige,” tugon ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang nagawa niyang pagbaling sa akin, tila nagulat kung bakit ganoon na lang ako kadaling pumayag. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng gagawin ang lahat para manatili siya ngayon ay pumapayag sa paghihiwalay na inaalok niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status