Share

Kabanata 12 Walang Maaaring Humawak Sa Kanya

Sinipa ni Evan pabukas ang pinto ng Room 02.

Ang madugo at namamagang mukha ni Caroline sa ilalim ng kalbong tao ang gumising sa galit ni Evan. Batid sa itim na mga mata niya ang kagustuhan ni Evan na pumatay, ang mga mata niya ay walang awa at tagos sa buto ang lamig kung makatitig.

Lumapit siya sa kalbong lalake at walang effort na sinipa siya palayo. Kinuha niya ang bote ng wine at binasag ito sa ulo ng kalbong lalake.

Ang nakakatakot niyang presensiya ay parang pagbaba ni Kamatayan at natahimik ang lahat sa paligid.

Walang naglakas loob na lumapit ng binasag ni Reuben ang mga bote ng wine sa paligid at nilapitan si Evan ng may coat.

Humarap si Evan kay Caroline ay tinakpan ang katawan niya ng coat.

Noong niyakap niya si Caroline, napansin niya ang mga luha sa pisngi nito. Hindi inaasahang bumilis ang tibok ng puso niya.

Hinigpitan niya ang yakap, at inutos kay Reuben ng malamig ang tono, “Durugin siya!”

Tumango siya at sinabi, “Akong bahala, Mr. Jordan.”

Samantala, hindi makapaniwala si Daniella na nakatayo sa pinto. Pinanood niya si Evan na dinaanan siya ng walang pakielam habang buhat si Caroline.

Napalitan ang pagkagulat niya ng alinlangan at inggit.

*

Sa Villa Rosa, noong makita si Caroline na puro dugo at pinsala, nanginig si Lily Smith sa takot.

“Mr. Jordan, Ms. Shenton…”

“Kumuha ka ng babaeng doktor,” utos niya matapos buhatin si Caroline sa sumunod na palapag.

Noong dumating siya sa kuwarto, maingat niyang inihiga si Caroline sa kama, malinaw na wala siyang malay.

Habang nakatingin siya sa mga bakas ng dugo at namamagang mukha, mababatid ang kawalan ng awa sa mga mata niya.

Hindi nagtagal, nagsama si Lily ng babaeng doktor sa kuwarto.

Matapos suriin ang kundisyon ni Caroline, sinigurado ng doktor kay Evan, “Maliban sa pisikal na pinsala, mukhang okay lang si Ms. Shenton.”

Nakaramdam ng kaunting luwag si Evan at nagsalita siya ng mahina, “Ms. Smith, paki hatid ang doktor palabas.”

Sumunod si Lily sa utos at sinamahan palabas ang doktor.

Sa oras na sumara ang pinto, kinuha ni Evan ang phone niya at tinawagan si Reuben.

Sumingkit ang mga mata ni Evan at gamit ang malamig na tono, inutos niya, “Kunin ang lahat ng surveillance video sa private room at imbestigahan kung anong nangyari!”

Walang may karapatan na saktan ang pagmamay-ari niya!

*

Noong iminulat ni Caroline ang mga mata niya, pumasok si Lily sa kuwarto dala ang isang mangkok ng mainit na sabaw.

“Ms. Shenton, gising ka na?”

Hindi nakasagot si Caroline dahil sa tuyong lalamunan niya, tumango lang siya bilang sagot.

Ibinaba ni Lily ang mangkok na may mainit na sabaw at maingat na tinulungan si Caroline na makaupo. “Ms. Shenton, malalim ang pagmamalasakit sa iyo ni Mr. Jordan. Matapos umalis ang doktor, nanatili siya sa tabi mo hanggang madaling araw bago siya bumalik sa kuwarto niya para magpahinga.”

Hindi nagtagal, naalala ni Caroline ang mga nangyari. Naalala niya ng kaunti ng binuhat siya ni Evan bago siya mawalan ng malay. Pero, hindi niya inaasahan na mananatili si Evan sa tabi niya hanggang sa madaling araw.

Kahit na naantig ang puso niya, pinigilan niya ito ng maalala niya si Daniella.

Ang pagiging mabuti sa kanya ni Evan ay maaaring resulta ng tatlong taong relasyon nila, at wala na. Bukod pa doon, si Daniella na ngayon ang nasa tabi niya.

Itinulak ni Caroline ang kumot, balak niya sana na bumangon ng bigla bumukas ang pinto.

Nagpakita si Evan sa kanya suot ang damit na pambahay. Kahit na kaswal ang damit, batid pa din sa dating ni Evan ang karangalan at lamig.

Tumagilid ang ulo niya ng humarap siya kay Lily, “Maaari mo kaming iwan.”

Tumigil si Lily sa pagtulong kay Caroline, at sumunod sa hiling ni Evan para umalis ng kuwarto.

Pinanood ni Caroline si Evan habang lumalapit. Kung sinagot lang niya ang tawag noong kinagabihan, hindi sana ito nangyari. Sa huli, siya pa din ang nagligtas sa kanya.

“Caroline, ibang klase ka din ano?” sambit ni Evan, malamig ang tono niya.

Naguluhang tumingala si Caroline.

Anong ibig niya sabihin dito?

Lumapit si Evan, at mahigpit na hinawakan ang baba niya. “Willing ka gamitin ang katawan mo para bayaran ang utang! Bakit? Hindi ba sapat ang ibinibigay ko?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Caroline, tiniis niya ang sakit na nararamdaman niya at paos siyang sumagot, “Hindi ko balak na gamitin ang katawan ko para bayaran ang utang. Sila ang may …”

“Alam mo kung anong klaseng lugar ang Fies Casino!” kinain ng galit si Evan. “Sinabi mo sa kanila na wala kang pera. Sa tingin mo ba papayag sila na gumamit ka ng ibang paraan para bayaran sila?”

Nabigla si Caroline. “Humingi ako ng dalawang araw na palugit kagabi.”

Umirap si Evan, “Malinaw na narecord ang pag-uusap ninyo sa surveillance video! Pero, itinatanggi mo pa din!”

Nakipagtitigan si Caroline kay Evan. “Evan, wala akong intensyon na ideny ang pambibitang mo. Tumigil ka na sa pagdungis sa pangalan ko!”

“Dungis sa pangalan mo?” kinaladkad siya ni Evan at dinala siya sa computer.

Pinanood niya ang surveillance video na dala ni Reuben.

Habang pinapanood ni Caroline ang eksena sa private room, pakiramdam niya bangungot ang nangyayari. Nanginig ng husto ang katawan niya.

Pero, naging maputla ang mukha niya ng mawala ang parte na humihingi siya ng dalawang araw na palugit.

Ang natitirang dialogue ay nabaluktot ang dating at pinagmukha na si Caroline mismo ang pumunta doon para iwasan ang utang at gamitin ang katawan niya bilang pambayad.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status