Share

Kabanata 11 Alamin Kung Nasaan Siya

Kinuha ni Daniella ang phone ni Evan, iaabot na niya sana ito.

Pero, ng makita niya ang caller ID ay pangalan ni Caroline, mababatid ang lamig sa mga mata niya. Nag-alinlangan siya ng kaunti bago niya ibinaba ang tawag at ibinalik ang phone sa bulsa ni Evan, at nagkunwaring walang pakielam.

Samantala, nanigas si Caroline sa puwesto niya, napaisip ng mabilis noong nakita niya ang pagkababa ng tawag.

Masyado ba siyang abala para sagutin ang tawag?

Nagtiim-bagang siyang tumawag ng taxi para tumungo sa casino. Desperado siyang tawagan ni Evan.

*

Isang oras ang lumipas.

Bumaba mula sa sasakyan si Caroline at tumayo sa entrance ng magarang casino. Determinado siyang pumasok sa casino, at nagtanong tanong para makarating sa Room 02.

Huminga siya ng malalip at nag-ipon ng lakas ng loob bago binuksan ang pinto.

Noong bumukas ang pinto, magkahalong amoy ng usok at dugo ang naamoy niya.

Ilang mga nakakatakot na itsura ng mga lalake ang nakaupo sa pribadong kuwarto, at ang ama niya ay nakaluhod sa sahig, habang namumutla. Ang kamay niya na may pinsala ay nawawalan ng ilang mga daliri, na mabilis na binalot ng gasa.

Pagkabukas ng pinto, mahinang tumingala si Bradley. Puno ng desperasyon ang mga mata niya. “Carol! Parang awa mo na iligtas mo ako!”

Bigla, naglaho ang lahat ng galit ni Carol matapos makita ang sinapit ng ama niya.

Mabilis siyang lumapit kay Bradley, pero hinarangan siya ng isang tao.

“Miss Shenton, hindi mo kailangan magmadali. Bayad muna!” ngisi ng lalake na may peklat sa mukha at naninigarilyo.

Napatingin siya sa katawan ni Caroline. Batid sa mga mata niya ang pagnanasa kung saan kinilabutan siya.

Habang pinipigilan ang takot at galit sa loob niya, humarap si Caroline sa lalakeng may peklat. “Pakawalan mo ang ama ko, at ibibigay ko sa iyo ang pera.”

Sumenyas ang lalake. Isang kilos lang niya at ang mga lalake na nakahawak kay Bradley ay bumitaw.

Kasabay nito, mabilis na lumapit si Bradley kay Caroline, puno ng pasasalamat ang mga mata niya. “Carol! Tatakas na ako ngayon. Manatili ka dito at bayaran ang pera para sa akin!”

At ganoon na lang, iniwan niya si Caroline ng hindi tumitingin pabalik kahit isang beses.

“Miss Shenton, napakagaling ng ama mo!” batid ang panghahamak ng mga tao sa paligid niya at pagtawa nila.

Nakipagtitigan si Caroline sa lalake, ininda niya ang walang awang pag-iwan sa kanya ng ama niya. “Sa oras na ito, mayroon lamang akong 7,000 dollars. Maaari mo ba ako bigyan pa ng dalawang araw para bayaran ang kulang?”

Nanigas bigla ang ngiti ng lalake. Sa sumunod na sandali, hinampas niya angwine glass niya sa lamesa at nabasag ito.

“Ang lakas ng loob mo na makipagareglo na pakawalan siya ng wala kang sapat na dalang pera?!”

Nanginig si Caroline pero nagawa pa niyang magsalita. “Isang araw lang ang kailangan ko!”

Sumigaw ang lalakeng may peklat. “T*ng ina mo!”

Sumingkit ang mga mata niya at sinuri si Caroline.

“Sapagkat wala kang pera, gamitin mo ang katawan mo para bayaran ang utang!”

Namutla si Caroline ng humakbang siya paatras. “Tatawagan ko ang mga pulis kapag may ginawa kayo!”

“Mga pulis?” tumawa ang lalake, inilabas niya ang phone niya at inihagis ang phone sa lamesa. “Sige! Hindi ako takot sa pulis!”

Kinakabahan na lumunok si Caroline.

Alam niya na hindi masosolusyunan ang problema niya sa pagtawag sa mga pulis, pero hindi niya maaaring hayaan na mahuli siya ng mga ito. Kung hindi, baka malumpo siya o hindi kaya mamatay!

Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bulsa at pinindot ang shutdown ng tatlong beses ng sunod sunod. Pagkatapos, umatras siya ng kaunti, at kinuha ang pagkakataon na nalingat ang atensyon nila para tumakbo patungo sa labasan.

“Habulin siya!”

Isang galit na sigaw ang narinig niya sa likod. Nagawa ni Caroline na buksan ang pinto, pero may humawak sa buhok niya at humatak sa kanya pabalik.

“Ahhh!” napasigaw sa sakit si Caroline noong inihagis siya pabalik sa kuwarto sa dugo kung saan pinutol ang mga daliri ng ama niya.

Sa tindi ng sakit, naramdam niya ito sa mga binti at buto niya, na nagdulot para mahilo siya at lumabo ang paningin niya.

Nahirapan siyang tumayo. At noong umayos ng kaunti ang paningin niya, nanlaki ang mga mata niya sa takot ng makita niya ang kalbong lalake na palapit sa kanya.

Bago pa siya makatayo ng maayos, isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Sobrang lakas ng sampal sa pisngi niya at halos mawalan siya ng malay.

Habang masakit ang anit, pinilit niyang tumingala.

“Sinusubukan mo na tumakas? Hindi ka makakatakas mula sa akin! Kung hindi kita iiwan sira at durog, magiging kasing halaga ko ang mga dumi sa sapatos ko!” ngumiisi ng kalbong lalake, at pinunit ang damit ni Caroline.

Nabalik si Caroline sa realidad ng nangyayari matapos maramdaman ang lamig sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata niya at desperado siyang sumigaw, “Hindi… Hindi!!!”

Samantala, sa corridor sa labas ng pribadong kuwarto, mabilis na kinuha ni Reuben ang phone niya at pumasok sa private VIP room ni Evan.

Napatingin ang mga VIP sa kanya at napasimangot.

Ngunit, nagdilim ang mukha ni Evan. Alam niyang hindi magiging marahas sa pagpasok si Reuben ng walang dahilan.

Niluwagan niya ang neck tie niya at nagsalita, “Sagot!”

Naging malagim ang ekspresyon ni Reuben. “Mr. Jordan, may nangyari kay Ms. Shenton!”

Nanigas ang mukha ni Evan at naging madilim ang mukha niya. “Alamin kung nasaan siya!”

Mabilis na tumango si Reuben, mabilis niyang pinindot ang phone niya. Hindi nagtagal, nahanap na niya ang lokasyon ni Caroline.

Gulat niyang tinignan si Evan. “Nasa kabila siya…”

Walang alinlangan na tumayo si Evan at ang walang alam na si Daniella ay mabilis na sumunod.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status