Share

Chapter 167

Penulis: MysterRyght
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-11 23:09:07
Margaux

“Ayon sa report ng dalawang branches natin na may mababang output, umangat na ng 10% ang kanilang sales,” ulit ni Rey habang iniabot ang report. Tahimik akong tumango habang binabasa ito. Mga numero, feedback, graphs, lahat ay pabor sa aming ginawang solusyon.

Napangiti ako nang bahagya. At least, may magandang resulta ang ginugol naming panahon at effort. Kung tutuusin, maganda talaga ang location ng stores na 'yon, kaya laging isang malaking palaisipan sa akin kung bakit sobrang hina ng performance nila noon.

Nang bumisita ang representative na in-assign ni Rey, doon na nga lumabas ang ugat ng problema. May malalang mismanagement na nagaganap. Ang manager ay tila nawalan na ng gana at masyadong kampante, parang nakalimutan na ang responsibilidad. Wala nang sense of urgency. Araw-araw siyang pumapasok, pero literal lang na nakaupo at nakatunganga sa opisina.

Walang leadership. Walang malasakit.

Pinatawan siya ng suspension. At sa totoo lang, ilang araw na lang ay tuluyan ko na
MysterRyght

Hmm.. Chiara, kung ako sayo, kung may balak ka man ay mag-isip-isip ka muna.

| 11
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 171

    MargauxAyon na rin sa kagustuhan ng asawa ko, isang linggo na akong nananatili sa bahay. Hindi man madali para sa akin ang hindi makialam, pinilit kong intindihin ang kagustuhan ni Draco. At 'yon ay ang manatili ako sa loob ng bahay habang full force ang ginagawa nilang imbestigasyon para mahanap si Joseph ang siyang pinaniniwalaan nilang utak sa likod ng insidente sa parking lot.Napag-alaman ng isa sa mga tauhan ni Draco na magkakilala sila Chiara at Joseph base na rin sa pag-track sa kinaroroonan ng lalaki gamit ang kuha ng CCTV mula ng umalis ng office ng asawa ko ang lalaki ng magpunta ito roon.Nang naikuwento iyon sa amin, biglang bumalik sa alaala ni Draco ang sinabi sa kanya ni Chiara noon na ang boyfriend daw niya ay isang photographer. Parehong-pareho ng hilig ng dati niyang kaibigan. Coincidence? Hindi. Doon na nila napagtagni-tagni ang mga piraso ng puzzle.Kaya pala hanggang ngayon ay tila walang bahid ng takot si Chiara sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya sa patu

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 170

    MargauxKatatapos ko lang magpalit ng damit, at ngayon ay nakaupo ako sa kama. Nakasandal sa headboard habang mahigpit na yakap ang sarili kong mga tuhod. Para akong batang naghahanap ng kahit anong makakapitan para hindi tuluyang mabuwal.Sa totoo lang, natakot ako ng sobra.Muntikan na talaga.Parang nanigas ang buong katawan ko kanina, at kung hindi ako agad nahila ni Gustavo, baka hindi na ako humihinga ngayon. Siguro ay nasa ospital na ako, o mas malala pa… baka nasa morgue na. Gusto kong palayain ang sarili sa kakaisip, pero paulit-ulit lang ang eksena sa utak ko.Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa ganitong ayos. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng aircon. Wala akong naririnig kundi ang sarili kong paghinga at ang kabog ng dibdib ko.Alam kong tinawagan na ni Gustavo si Draco pero kahit sigurado akong parating na siya, hindi ko mapigilang mag-panic. Ang takot ay para bang usok na sumisingaw sa bawat butas ng katawan ko.Mabilis akong napaangat ng tingin n

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 169

    DracoBusy ako sa pakikipag-usap kay Kevin tungkol kay Joseph ay tumunog na ang phone ko, Gustavo calling.Napakunot agad ang noo ko. Hindi siya tatawag kung walang dahilan. Hindi siya ‘yung tipong tatawag para lang mangumusta.Sinagot ko agad.“Boss,” bungad ni Gustavo, at sa unang tunog pa lang ng boses niya, alam ko nang may nangyari.“Ano'ng meron?” diretsong tanong ko, pinipigilan ang kaba sa dibdib ko habang mas binilisan ang pagpiga sa manibela.“May gulo po kanina malapit sa sasakyan ni Ma’am Margaux. May nagsaksakan. Muntik na po siyang tamaan ngunit nahila ko siya paatras bago pa man…”Hindi ko na siya pinatapos.“Anong ibig mong sabihin? Muntik siyang masaksak?!” sigaw ko, halos mabitawan ang telepono habang biglang sumikip ang dibdib ko. Si Kevin ay nakikinig lang ngunit kita ko na sa mukha niyang tungkol sa asawa ko ang usapan.“Wala siyang sugat, boss. Pero ‘yung distansya... ilang pulgada na lang talaga. Nasa biyahe na po kami pauwi, dyan po dapat kami pupunta para sundu

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 168

    Margaux“What are you doing here?” tanong ko, may halong kaba at pag-aalinlangan ang tono ko kahit pilit kong pinanatili ang kumpiyansa sa mukha ko. Hindi ako tanga, sigurado akong may gusto siya sa asawa ko. Kaya imposibleng nagkataon lang na nagkita kami sa lugar na ito. Hindi ko siya basta palalampasin.“Nothing. I was going to meet a friend nearby,” nakangiti pa rin siyang sumagot, tila ba wala siyang kasalanan. “Why? Don’t I have any right to be anywhere I want to be?”Tumikhim ako, pilit iniiwasang ipakita ang unti-unting pag-init ng ulo ko. Gusto pa yata akong palabasin na kontrabida sa eksenang ito.“Of course not, you’re free to go wherever you want,” sagot ko, nananatiling kalmado ang tinig. "I just didn't expect to see you here, that's all."Napansin kong bahagyang naningkit ang mga mata niya, pero agad din iyong nawala."Where is your friend? I didn't know you knew someone here other than Draco," dagdag ko pa.Bahagyang nanigas ang kanyang ngiti. Hindi siya kaagad nakasagot

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 167

    Margaux“Ayon sa report ng dalawang branches natin na may mababang output, umangat na ng 10% ang kanilang sales,” ulit ni Rey habang iniabot ang report. Tahimik akong tumango habang binabasa ito. Mga numero, feedback, graphs, lahat ay pabor sa aming ginawang solusyon.Napangiti ako nang bahagya. At least, may magandang resulta ang ginugol naming panahon at effort. Kung tutuusin, maganda talaga ang location ng stores na 'yon, kaya laging isang malaking palaisipan sa akin kung bakit sobrang hina ng performance nila noon.Nang bumisita ang representative na in-assign ni Rey, doon na nga lumabas ang ugat ng problema. May malalang mismanagement na nagaganap. Ang manager ay tila nawalan na ng gana at masyadong kampante, parang nakalimutan na ang responsibilidad. Wala nang sense of urgency. Araw-araw siyang pumapasok, pero literal lang na nakaupo at nakatunganga sa opisina.Walang leadership. Walang malasakit.Pinatawan siya ng suspension. At sa totoo lang, ilang araw na lang ay tuluyan ko na

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 166

    Draco“This is the first ever 50-story commercial building na itatayo sa Cavite, so make sure na magagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo,” madiin kong sabi habang kaharap ang limang magagaling na architect ng DZ Construction, kasama ang tatlo kong nakatatandang kapatid. Ang tono ko’y hindi lang basta utos, kundi babala. This project is monumental and I won’t tolerate mediocrity.“Bakit hindi mo isama si Sam sa team?” tanong ni Kuya Dennis, may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses. Hindi ako nagulat. Alam kong darating ang tanong na ‘yan. Pero wala akong balak na pagdamutan ang pamangkin ko ng knowledge kagaya ng gustong ipakahulugan ni Kuya. He’s smart, has potential. But potential alone doesn’t equate to experience.“He will be there,” sagot ko, walang alinlangan, “ngunit para lang tumingin at, kung may maisip man, pwede rin namang magbigay ng suggestion.”Napansin kong agad tumigas ang panga ni Kuya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. I get it. He's a father. Pero ako, I’m no

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 165

    Draco“Uncle, is it true?”“Ano na naman ito, Samuel?” Naiinis kong tanong sa aking pamangkin habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa mesa. Malinaw pa sa sikat ng araw, may kung ano na naman siyang nabalitaan tungkol kay Margaux.Bumuntong-hininga ako, pilit pinipigilan ang sarili. Kung hindi ko lang nakikitang may potensyal siya sa negosyo, matagal ko na siyang pinaalis sa kumpanya.Pero sa kabila ng kabataan at kakulitan niya, siya ang bukod-tanging may direksyon sa mga anak ng mga kapatid ko. Sa dami ng posibleng tagapagmana, siya lang ang may ulo at pusong sapat para humawak ng ganitong kalaking imperyo.Sa isip ko, kung sakali mang tuluyan ko nang maaya si Margaux na tumira sa Germany, malamang siya ang iiwan kong magpapatuloy sa lahat ng maiiwan kong pinaghirapan.Pero heto siya, nakaupo sa harap ko, tila may mabigat na tanong.“I heard... nanganganib daw ang buhay ni Margaux,” aniya, seryoso ang tono.Nabitawan ko ang hawak kong ballpen.“Kanino mo naman narinig ang

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 164

    Draco“Damn that bastard!” Mariin kong bulalas matapos basahin ang nakalagay sa report. Pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko. Napapikit ako at pinilit pigilan ang sumisirit na galit sa dibdib ko.“Bakit? Anong nangyari?” tanong ng asawa ko. Tumingin ako sa kanya at kita ko agad ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ang bahagyang pagkakunot ng noo, ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Gusto kong sagutin agad, pero hindi ko naman mapapaliwanag ng sabay sabay ang lahat.“It’s going to be over soon, Sugar.” Tinapunan ko siya ng matatag ngunit malambing na tingin. Nanatili siyang nakatitig sa akin, tahimik ngunit halatang umaasa. Gusto niyang malaman, gusto niyang maintindihan, pero alam kong iniiwasan niyang maging demanding.Imbes na siya ang sagutin, hinarap ko si Kevin.“Sabihin mo kay Ingomar na pwede siyang makipag-ugnayan kay Dad habang wala ako para magdire-diretso ang investigation."Tumaas ang kilay ni Kevin.“Are you planning to go to Germany?” tanong niya agad. Bago ako sumagot,

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 163

    MargauxBiglang napahinto si Draco sa gitna ng pagmamaneho nang marinig ang sinabi ni Kevin sa kabilang linya. Muntik na akong masubsob sa dashboard kung hindi lang din mabilis ang reflex niya at agad niyang naiangat ang braso para saluhin ang noo ko habang kusa namang nalaglag ang hawak kong cellphone sa kanyang hita.“Cupcake!” sigaw ko, halatang nagulat at natakot. Napalingon ako sa likuran ng sasakyan, agad na inalala kung may sumusunod sa amin na maaring maging dahilan ng aksidente.Mabuti na lang at walang ibang sasakyan malapit. Ngunit ang kaba sa dibdib ko ay para bang hindi matigil.“I’m so sorry, Sugar. Nabigla lang talaga ako. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya, habang mabilis na ibinalik ang dalawang kamay sa manibela.“I’m not!” mariin kong sagot, may bahid ng inis at takot sa tono ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang paninigas ng kanyang panga, at ang pamumutla ng mukha niya dulot ng pagkagulat at konsensya. Napalunok ako at agad ibinaba ang tingin. “I mean… I

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status