Hello!!Thank you so much po sa inyong suporta.Sa mga nagbigay ng gems, likes, comments at gift share, maraming, maraming salamat po. Hindi po ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa mga readers na sumusubaybay. Sana po ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga akda.Nilagyan ko lang ng kaligayahn si Margareth at Sam kaya medyo nadagdagan. Syempre, hindi rin natin dapat pabayaan ang kumpanya na iiwan nila Margaux at Draco. Higit sa lahat, ang happiness din nila Mr. & Mrs. Pinto. Ayaw kong malungkot sila kapag sa Germany na nakatira si Margaux, hehehe...Anyway, thank you po ulit. At kita-kits pa rin po sana tayo sa susunod kong story.God bless sa lahat!!-MysterRyght
MargauxPagkalipas ng isang buwan ay lumipad na nga kaming pamilya pabalik ng Pilipinas. Ang mga biyenan ko ay naiwan pa at isang linggo bago ang kasal ang flight.Sinalubong kami nila Mommy na ang kambal din naman ang agad na nilapitan. Pinagtag-isahan nila ni Dad habang si Margareth ay tila nahihiyang nakatingin sa akin kahit na nga nakangiti pa ito.Umangat ang aking mga braso para yakapin siya. Mabilis naman siyang lumuob sa aking mga bisig. Kasunod ay narinig ko ang kanyang paghikbi.“Hey, what’s wrong?” tanong ko sabay layo sa kanya ng bahagya pero ang mga kamay ko ay nasa kanyang magkabilang balikat.“Nothing, namiss lang kita ng sobra…”“Sus… halos araw-araw tayong nag-uusap thru video call.”“Iba pa rin ang sa personal.” Sa bagay nga naman.Niyaya na kami nila Dad kaya nman sumakay na kami sa SUV. Si Dad sa driver’s seat katabi si Draco habang kami naman nila Mommy, Margareth at ang kambal sa likod.Sa bahay ng aking mga magulang kami tumuloy at nadatnan na namin doon ang mag
Margaux“Cupcake, look!” tawag ko agad kay Draco habang hawak ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipindot ang message na sinend sa akin ni Margareth. May attachment iyon, isang digital wedding invitation.Agad namang lumapit si Draco. Nakakunot ang noo habang sinisipat ang screen.“Really?” bulalas niya, halatang gulat na gulat. “Is this… real?”Tumango ako pero halata ring litong-lito ako.“Hindi ko rin alam,” sagot ko, napapailing habang muling tinititigan ang invitation na may eleganteng floral border at naka-emboss na mga pangalan: Samuel & MargarethHumigpit ang hawak ko sa phone. “Cupcake… hindi naman siguro… I mean, alam mo na…”Napatingin ako sa asawa ko. At doon ko nakita ang seryosong titig niya, puno ng pag-aalala. Hindi para sa akin, kundi para sa kakambal ko.Ngunit agad din iyong nawala at huminga ng malalim. “Hindi naman siguro, Sugar. Isa pa, kilala natin si Margareth. Alam niya ang buong nakaraan, as in lahat. Hindi siya papasok sa ganitong bagay kung h
SamSa unang pagkakataon, nakita ko siyang walang alinlangan. Walang takot. Walang pagtanggi. Nasa kwarto kami na pinangarap ko na sanang mapuno ng mga alaala naming dalawa at ngayon, magsisimula na ang unang pahina ng kwentong iyon.Magkatapat kami sa paanan ng kama. Tahimik at parehong kabado. Parehong alam kung anong maaaring mangyari, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang maramdaman ang bawat segundo na magkasama.Nakatitig siya sa akin. Sa likod ng mahinang ngiti niya, naroon ang tanong: Handa na ba tayo talaga?At sa titig ko, sana ay nakita niya ang sagot: Oo, pero hindi kita pipilitin.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Maingat at marahan na parang kinukumpirma pa rin kung maaari. At nang hindi siya umatras, ipinikit niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi ko.Ang halik naming iyon ay hindi katulad ng dati. Wala na iyong kilig na paunti-unti. Ito'y halik na humihingi ng pahintulot, halik na may kasamang pangakong “babalutin kita ng pag-aalaga.”Nang alisin ko ang kanyang
MargarethKung may sikreto mang hindi ko nais ibunyag, ito ‘yung sa amin ni Sam.At kung may sikreto mang ayaw kong mawala, ito rin ‘yon.Mula noong gabing hinalikan ko siya, hindi na kami nagbitaw. Hindi man kami lantaran, hindi man kami malaya, pero totoo kami sa isa’t isa. Sa bawat tawag tuwing madaling araw. Sa bawat text message na may simpleng “Ingat ka” o “I miss you.” Sa bawat sulyap kapag nagkakasalubong sa events na kailangan naming magpanggap na hindi kami sobrang close sa isa't-isa, lahat ng iyon ay sa amin.At sapat na iyon. Para sa ngayon.Last sem ko na sa college, at sa dinami-dami ng dapat kong alalahanin, thesis, internship, graduation requirements ay si Sam pa rin ang laging nakababad sa utak ko. Isang mensahe niya lang ay kaya nang pasayahin ang buong araw ko. Isang tawag sa gabi, habang nakasandal ako sa unan, ay sapat nang dahilan para makatulog akong may ngiti sa labi.At kapag nagkikita kami, kahit pa palihim, kahit pa sa loob ng kotse niya habang nakaparada sa
SamHindi ko alam kung paano kong nagawang huminto.Nandyan na. Hawak ko na. Ramdam ko na ang init ng labi niya, ang paglalambot ng katawan niya sa bawat haplos ko, ang unti-unting pagbagsak ng pader na itinayo niya sa pagitan namin mula noon.Pero bigla akong natigilan. Hindi dahil sa pagdududa sa nararamdaman ko, kundi dahil sa tindi nito.Gusto ko siyang halikan. Hindi lang basta halik. Gusto kong damhin siya. Mahawakan siya. Maging dahilan ng bawat paghina ng tuhod niya. Pero hindi ako lumampas. Hindi ako nagpadala.Dahil habang tinititigan ko siya, nakita ko ang kabuuan niya. Hindi lang ang pulang labi, o ang malalambot niyang mata. Nakita ko ang takot. Ang pangamba. Ang pagkalito.At hindi ko kayang samantalahin iyon.Pinikit ko ang mga mata ko, mariin. Napailing ng bahagya. Hindi ako santo, malayo ako roon. Pero sa kanya, gusto kong maging maingat.Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayuko sa kanya. Nangangatog ang loob ko, pero pinilit kong manatiling buo. Hindi ako naglaka