Nauwi sa isang gabing pagkalimot ang dapat sana'y pagpapalipas lamang ng sama ng loob ni Margaux dahil sa sakit na dulot ng kanyang kasintahan. Ngunit ano ang gagawin niya kung malalaman niyang ang lalaki pa lang nakakuha ng kanyang iniingatang pagkabirhen ay uncle pala ng kasintahan?
Lihat lebih banyakMargaux
“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.
“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.
Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.
“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”
“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”
“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”
Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.
Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.
Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin na hindi ko alam kung nakikita ba ni Sam at ng iba pa o hindi.
“Sam, bakit ang babaeng yan ang tinutulungan mo? Hindi ba dapat ay si Margaux dahil siya ang girlfriend mo?” galit na tanong ni Yvonne na aking bestfriend ng makalapit ito sa akin.
Siya na rin ang umalalay at nagcheck sa akin bago muling tumingin sa aking nobyo at sa babaeng katabi niya.
“Anong girlfriend ang sinasabi mo? Dalawang linggo na kaming break.” Walang ka emo-emosyon si Sam ng sabihin iyon.
Nagulat naman ang mga nasa paligid at nagsimula ang bulong-bulungan na nagpapahayag ng pagkaawa sa akin.
“Talaga ba?” tanong ng aking kaibigan na pinipigilan ko ng magsalita pa. Lalo lang akong magiging kahabag habag kung patuloy niya akong ipagtatanggol.
“Bakit, hindi pa ba niya sinabi sayo?” tila nang-uuyam na sabi ng lalaking napakatagal kong inilagay sa pedestal. Ganito lang ba talaga ako sa kanya?
“Ang alam ko ay nagtampo siya sayo dahil nakalimutan mo na naman ang inyong date at naghintay siya sayo ng matagal.”
Tinignan ako ni Yvonne at masaya akong niyakap. “Finally! Nauntog ka na rin bestfriend. Narealize mo na ba na bukod sa kaibigan ng nanay mo ang nanay niya ay wala ng maganda sa Sam na yan?”
“Yvonne,” awat ko pa sa kanya pero hindi naman siya tumigil.
“Sabihin mo sa akin, hindi ka niya sinuyo at ikaw pa ang gusto niyang manuyo ano? Napaka-conceited! Kahit sinong tanungin mo dito ay matutuwa kung malaman nilang nauntog ka na rin sa wakas!” masayang sabi ng bestfriend ko bago nilingon sina Sam at Chloe.
“Go, iyong iyo na ang lalaking yan. Ang swerte na niya kay Margaux, pinakawalan pa? Tignan ko lang kung ano ang kalabasan niyong dalawa.”
“Patahimikin mo yang kaibigan mo, Margaux. Hindi mo siya kailangang gamitin dahil lang sa pagiging bitter mo sa pag-iwan ko sayo! There's nothing good about you either.”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi niya sa akin ang ganon sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya.
Wala akong ibang lalaki na pinagtuunan ng pansin maliban sa kanya at kahit na lagi niya akong binabalewala noon ay hindi pa rin ako tumingin sa iba.
Pinatatag ko ang aking sarili at pinigilan na maiyak. Ngayon ay iniisip ko kung bakit ko nga ba siya minahal?
Tumalikod na si Sam kasama si Chloe na iniwan pa ako ng isa pang nakakalokong ngiti habang ang ibang estudyante ay nakatingin sa akin na halatang naaawa.
“Halika na girl, hindi mo na dapat pinag-aaksyahan ng damdamin ang lalaking ‘yon.”
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Teenager pa lang ako ay si Sam na ang lalaking pinangarap ko. Lahat ay ginawa ko upang mapansin niya lang. Nang mangyari nga iyon at naging kami ay pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon.
Sa buong panahon na may relasyon kami ay ako lagi ang nanunuyo at humihingi ng sorry sa tuwing magkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.
Mayaman sila pero I showered him with gifts kahit na sa pinakasimpleng okasyon habang wala naman siyang binibigay sa akin sa nakalipas na dalawang anniversary namin.
“Salamat, Yvonne. Kung hindi ka dumating ay baka nakatayo pa rin ako doon.” Mapakla ang ngiting sumilay sa mga labi ko ng sabihin ko iyon sa kanya.
Nasa isa sa mga bench na kami na malapit sa cafeteria. Dito kami madalas na magkitang magkaibigan dahil malapit din sa oval kung saan makikita ang atleta ng university na tinitilian niya.
“Walang anuman iyon. Pasensya ka na rin sa nasabi ko kanina,” mahinang sabi niya.
“Okay lang ‘yon, alam ko naman na ako lang din ang iniisip mo.”
“Paano yan, wala kang date sa gala night? Aattend ka pa ba?” Bakas ang pag-aalala sa mukha niya at ganon din naman ang nararamdaman ko. Sigurado na ako ang magiging topic sa kwentuhan lalo na kung dumating na magkasama sina Sam at Chloe or kung sinuman ang maka-date ng lalaki.
“Kailangan kong um-attend. Hindi ko hahayaan na isipin ng Sam na yon na masyado akong affected ng ginawa niya.”
“Pero break na talaga kayo?” naninigurong tanong ni Yvonne.
“I don't remember breaking up with him or him to me. Nagulat na lang din ako ng sabihin niya iyon kanina. Ang gusto ko lang naman ay maranasan na suyuin niya lalo at kagaya ng sinabi mo na ay naghintay na naman ako sa kanya ng tatlong oras para sa date namin.”
Nakakahiya ang ipinagtapat ko na ‘yon. Pero dahil kaibigan ko naman siya ay naisip kong okay lang.
Niyakap niya ako dahil tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang aking dibdib dahil sa sakit sa kaalamang kailanman ay hindi talaga ako nagustuhan ni Sam.
“Naging kami lang siguro dahil sa mga magulang namin. Baka gusto lang niyang mapasaya si Tita Samantha kaya pinilit niya ang sarili na tiisin na makipagrelasyon sa akin.”
“Shh… Huwag mong sabihin yan. Tandaan mo, sa nangyari sa inyo, siya ang nawalan at hindi ikaw.”
Natahimik na kami pareho pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit nanatili kaming magkayakap hanggang sa tuluyan na akong kumalma.
“Let's show Sam na hindi lang siya ang pwede mong mahalin.”
Nagsalubong ang mga kilay ko ng sabihin iyon ni Yvonne. “Ano na naman ang pinaplano mo?”
“Operation making Sam jealous and regretful.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pero nakaramdam ako ng bahagyang tuwa dahil sa suporta na pinapakita niya. Siguro nga ay kailangan kong ipakita kay Sam na hindi lang siya ang lalaking pwede kong paglaanan ng oras at panahon. Kaya kailangan kong maging maganda sa gala night.
Third PersonTahimik ngunit may dalang tensyon ang pagpasok ng babae sa loob ng bahay ng mga Pinto. Diretso siya sa sala, animo’y kabisado na ang bawat hakbang, ngunit may halatang pagkabahala sa likod ng kanyang kumpiyansang kilos.Doon siya umupo, hinintay ang mag-asawa na kagagaling lang sa kumpanya, isang pag-uusap ang kailangang mangyari. Hindi siya sumama sa opisina ngayong araw dahil kailangan na niyang makausap ang isa sa mga tauhan upang maisakatuparan ang isang mahalagang plano. Ang pansamantalang pagtatago sa tunay na Margareth. Sa palagay niya, tapos na ang papel nito. Hindi na niya ito kakailanganin.Bahagya siyang napapikit habang inaalala ang mga huling linggo. Dahil sa matinding kagustuhan ni Margaux na mas mapalapit sa pamilya, napilitan siyang makipagpalit ng katauhan sa tunay na Margareth. Isang desisyong dala ng kutob na totoo nga palang hindi siya lubos na pinagkakatiwalaan ng asawa ng babae.At hindi siya nagkamali.Mula noon, naging regular na ang mga weekend di
Third PersonSa isang nakaparadang itim na van sa hindi kalayuan sa property ng mga Pinto, nasa loob ang dalawang babae at ilang lalaki na nagsisilbing driver at gwardya."Siguraduhin mo lang na wala kang pinakitang iba sa pamilyang ‘yon. Dahil kung hindi, hindi mo na rin sila makikitang buhay."Nagtagis ang bagang ni Margareth. Nanginginig ang kanyang buong katawan, hindi lamang sa galit kundi sa takot na pilit niyang ikinukubli. Sobrang tindi ng poot na nararamdaman niya sa babaeng kaharap, isang aninong kopya ng kanyang mukha, ngunit puno ng panlilinlang at kasamaan.Nang una niya itong makita, inakala niyang isang himalang magkakambal sila. Pareho ang mata, ang hugis ng labi, pati ang tono ng boses. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, mas lalong luminaw kay Margareth ang katotohanang hindi sila kailanman magkapareho. Isa itong huwad. Isang perpektong kopyang nilikha para sirain siya.Noong una ay maayos ang pakikitungo nito. Mapagkumbaba. Mabait. Mapagmasid. Ngunit ngayon alam na
MargauxMatapos ang lunch namin, agad na bumalik si Margareth sa kanyang trabaho kasama ang marketing team. Naiwan naman akong mag-isa sa opisina, tahimik, pero ang isip ko ay gulong-gulo.Napatingin ako sa maliit na round table kung saan kami kumain kanina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang bumabalik sa isip ko ang eksena, ang mango shake.Yung mango shake na buong tuwa niyang sinis****p sa harap ko, na para bang paborito niya ito. Yung ekspresyon niya ay nakapikit pa, parang ninanamnam ang bawat s****p. Gusto ko na siyang tanungin kanina, pero pinilit kong panatilihin ang composure ko.She’s allergic to mango.Alam ko ’yan. Sinabi niya sa namin, sa memory lane game namin nung outing. Tinandaan ko lahat ng trivia tungkol sa kanya dahil gusto kong makilala siya. Gusto kong maging totoo ang koneksyon namin bilang magkakambal.Pero bakit? Bakit siya uminom nito nang walang pag-aalinlangan? Nagkakamali ba ako ng alaala? O may mas malalim pa itong ibig sabihin?Parang may mat
MargauxNaging tunay na makabuluhan ang naging outing naming mag-anak. Hindi lang ito basta simpleng bakasyon. Parang naging panibagong simula ito para sa aming lahat. Masayang-masaya sina Mommy at Daddy, at lalong higit ako. Para bang matagal na naming inaasam ang ganitong pagkakataon, na makumpleto at magaan ang bawat sandali.Si Draco… napaka-genuine talaga ng pakikitungo niya sa pamilya ko, lalo na sa kambal kong si Margareth. Hindi siya ‘yung tipong pakitang-tao lang. Nakita ko kung paano siya makinig, ngumiti, tumawa, at minsan ay tumahimik kapag siya’y siniseryoso.Kaya naman doon pa lang, pakiramdam ko ay mas lalo akong naging panatag. May kung anong seguridad sa puso ko na nagsasabing okay na ang asawa ko. Na hindi na siya nag-iisip ng hindi maganda sa kakambal ko.Thankful talaga ako kay Yvonne. Kung hindi dahil sa suggestion niyang subukan ko raw isama si Draco sa mga ganitong bonding moments, baka hindi ko pa ito naranasan. Buti na lang at sinunod ko siya. Nang yayain ko s
MargauxHabang abala ang asawa ko sa pag-iihaw, napansin kong hindi nagtagal ay sumali na rin si Dad sa kanya. Pareho silang may hawak na wine glass habang masiglang nagkukuwentuhan sa harap ng nagbabagang uling, tila ba dalawang matagal nang magkaibigan na ngayon lang muling nagkita at nagbabalik-tanaw sa mga panahong tila kailan lang lumipas. May halakhakan, may kunot-noong seryosong saglit, pero sa lahat ng iyon, dama ko ang isang tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.Kami namang tatlo naman, sina Mommy at Margareth, kasama ako ay parang mga misis sa isang lingguhang get-together. Nakangiti, punô ng kwento, magagaan ang loob habang inaayos ang hapag-kainan. Napuno ng mabangong aroma ang paligid mula sa mga lutong ulam na dinala namin; tanging ang inihaw na lang talaga ang hinihintay namin para mabuo ang handa.Habang abala sa pagtatawanan at pagkukuwentuhan, hindi ko maiwasang mapatingin kay Draco. Para din talaga sa ikagagaan ng kanyang kalooban ang outing na ito.Matapos
DracoGaya ng gusto ni Margaux, natuloy nga ang outing kasama ang kanyang mga magulang at si Margareth. Pinilit kong maging kalmado at umakto nang normal. Hindi dahil komportable ako, kundi dahil ayokong biguin ang asawa ko. Ayokong makaramdam siya ng lungkot o pagkadismaya kung makikita niyang may distansya pa rin ako sa kakambal niya.Sa totoo lang, ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa amin.“Wow, anak. Hindi ko akalain na maiisip mo ito,” masayang bungad ng biyenan kong babae habang nakatingin sa paligid. Nasa isang private resot kami sa Laguna na ayon sa aking Sugar ay si Rey ang naghanap at nagpa-book.Merong swimming pool at malapit doon ay pahabang lamesa. May dirty kitchen at videoke area. Apat ang silid kaya naman sobra pa sa swak sa amin.“Naku Mommy,” sagot ni Margaux na bakas sa mukha ang kasiyahan, “gusto ko lang talaga na magkaroon tayo ng time. Para mas makilala pa natin si Margareth… at makilala rin niya tayo.”Ngumiti siya sa akin habang sinasabi iyon. Iyon ‘yung ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen