"Give me that," sabi niyang muli gamit ang seryosong boses.
Umiling ako, at ipinakita sa kaniya na cool lang ako kahit na kinakabahan na. Mabilis kong na-send 'yon sa sarili kong message, pero halos manlaki ang mga mata ko nang biglang nawala sa kamay ko ang phone ko. "Hey!" sabi ko nang kuhanin ni Brandon iyon sa kamay ko. Tumayo ako para kuhanin 'yon pabalik sa kaniya, pero mukhang nakita na niya ang picture niyang nasa phone ko. "See? Liar," sabi niya. "I'm not! Give me that!" sabi ko sa kaniya. Matangkad siya kaya hindi ko iyon maabot sa kamay niya lalo na at itinataas niya 'yon para ilayo sa akin. May pinindot siya sa phone ko at tingin ko ay na-delete na niya ang picture niya. "Why did you do that?" tanong niya sa akin pagkatapos ay binaba na ang phone ko. Umiling ako sa kaniya at muling umamba na kuhanin 'yon sa kaniya pero muli niyang inilayo sa akin. "Nabura mo na, hindi ba? So give my phone to me!" inis na sabi ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang napailing sa akin kaya hindi ko naiwasang taasan siya ng kilay. "Hindi ko ibabalik sa'yo 'to hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit mo ako ninakawan ng picture. Do you have crush on me?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa huling tanong niya. "Are you crazy? Bakit naman ako magkaka-crush sa'yo? Don't be full of yourself!" natatawang sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napairap ko. Napailing na lang siya at napabuntong hininga bago tuluyang ibinalik ang phone ko sa akin. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon. That's illegal," sabi niya at mas naging seryoso ang boses niya. "Fine. I'm sorry, okay? Nagkataon lang talaga na ikaw ang nakuhanan ko ng picture," sagot ko sa kaniya para muling magpalusot. "Reason," bulong niya, pero sapat na para marinig ko pa rin. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya lalo na nang tawagin na kami ni Johny para sa hapunan. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at dumiretsyo sa dining area. Naabutan ko si Manang Gina nag-aayos ng mga plato kaya naman tinulungan ko na siya. Pamaya-maya lang ay narinig ko na ang boses ng mga lalaki mula sa sala. I'm not expecting na makakasama ko ngayon si Brandon at ang tatay niya, pero wala naman akong magagawa dahil bisita lang din ako sa bahay na ito. Isa pa ay gusto ko rin naman siyang makilala pa dahil may posibilidad na magkaklase kami. Maraming pagkain doon na pamilyar naman sa akin, pero never pa akong nakatikim. Amoy pa lang ng luto ni Manang Gina ay mukhang masarap na kaya naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Nang magsimula na kaming kumain ay nagsimula na rin magkwentuhan. Katabi ko si Jonhy at kaharap ko naman si Brandon habang katabi niya si Mang Ambrose na tatay niya "Kumusta naman ang unang dalawang araw mo rito, Ma'am Zariyah?" tanong sa akin ni Mang Julio. Tumigil ako sandali sa pagkain at ngumiti bago sumagot. "For now, I can say that it was good. Hindi ko lang po alam sa mga susunod na araw kung ayos pa lalo na kapag nagsimula akong pumasok sa new school ko," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "Masasanay ka rin dito, Z. Alam kong malayong-malayo ang buhay na nakagisnan mo kumpara rito, pero alam kong magiging masaya ka rito," nakangiting sabi ni Manang Gina. Napangiti naman ako at napatango. Sana nga maging masaya ako sa lugar na ito kahit malayo ako sa mga kaibigan at kapatid ko. Sana nga ay masanay ako, at hindi mahirapan sa pag-adjust ng buhay ko sa probinsyang ito. "Basta, Ate Z. Iwasan mo lang yung mga bullies sa school mo. Huwag mong pansinin or magsabi ka kaagad sa mga teachers mo," paalala naman sa akin ni Johny. Napangiti akong muli at napabuntong hininga. Nagkatinginan kami sandali ni Brandon pero agad akong nag-iwas nang tingin bago magsalitang muli. "Don't worry about me, Johny. Beside, hindi rin naman ako pumapayag na i-bully na lang basta," sagot ko pagkatapos ay bahagyang natawa. Naalala kong muli kanina ang mga kaibigan ni Brandon. Hindi ko alam kung kagaya ba siya ng mga iyon na bully rin, pero umaasa ako na hindi. "Naku! Hindi mo lubos na kilala ang ugali ng mga tao rito, Hijah. Mas mainam na umiwas na lang sa gulo," sabi naman ng tatay ni Brandon. Lumipat naman ang tingin ko sa kaniya kaya bahagya akong ngumiti sa matanda. Magsasalita na sana akong muli, pero naunahan naman ako ni Manang Gina. "Kaya nga nakiki-usap ako kay Brandon na samahan itong si Z kapag may libre siyang oras. Ngayon pa lang kasi nakapunta 'tong si Z sa probinsya at baka ma-culture shock siya," pagkukwento naman ni Manang Gina. Bahagya akong natawa at napailing bago makisabay sa usapan ng mga matanda. I get their point and I'm so grateful that they were all concern to me, pero kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. "No need, Manang. Kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa ay wala naman sigurong magtatangka na i-bully ako rito," sagot ko pagkatapos ay muling ngumiti. Ayaw kong maging obligasyon pa ako ni Brandin dahil lang sa paki-usap ni Manang Gina sa kaniya. Ayaw ko rin naman ipilit na makasama siya, dahil sigurado akong makakasama ko rin ang mga kaibigan niyang bully. "Brandon, samahan mo itong si Ma'am Zariyah bukas pagkatapos ng klase mo. Maaga naman ang tapos ng klase mo kapag lunes hindi ba?" sabi ni Mang Ambrose. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling dahil hindi naman kailangan. "Ayos lang po sa akin. Wala naman akong gagawin," sagot ni Brandon. Magsasalita na sana ako kaya lang ay muli akong naunahan ni Mang Julio sa pagsasalita. "Huwag ka ng tumanggi, Ma'am Zariyah. Si Brandon na ang nagsabi na ayos lang sa kaniya," sabi nito sa akin. Katulad lang ng kanina ay wala na naman akong nagawa kaya napatango na lang ako habang napapabuntong hininga. "Fine, but drop the word ma'am. Just call me Z na lang po," sagot ko sa kanila. "Okay, Z. Matanong ko nga pala kung bakit dito ka pa mag-aaral sa probinsya? Sigurado akong hamak ganda ng eskwelahan mo sa syudad kumpara rito. Hindi naman siguro naghihirap ang del Real para ilipat ka rito hindi ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Mang Ambrose. Hindi ako agad nakapagsalita, dahil hindi ko expected na gano'n ang magiging tanong sa akin ng matanda. "Naku, Ambrose! Syempre ay hindi maghihirap ang mga del Real, pero huwag na natin pag-usapan," sabi ni Manang Gina at tumawa na lang na para bang gusto niyang ibahin ang topic. "Ah e-eh oo nga pala. Pasensya na, hijah," sabi ni Mang Ambrose pagkatapos ay napakamot sa ulo niya. Napailing naman ako dahil hindi naman big deal sa akin iyon. "Don't worry, it's okay to talk about it naman. Alam kong curious po kayo kung bakit napunta ang isang tulad ko sa probinsya niyo," sagot ko habang nakangiti. Napakagat ako sandali sa labi ko at humugod nang malalim na hininga bago muling magsalita. Kinwento ko sa kanila ang lahat nang pangyayari. Hindi rin naman ako nahihiya sa nagawa ko, at wala rin naman mawawala sa akin kung sasabihin ko sa kanila ang totoo. "Hindi ba sobra naman yata ang parusa na binigay sa'yo ng daddy mo?" tanong ni Mang Julio. Natawa ako, dahil kung may sobra pa sa ginawang parusa sa akin ni dad ay ito 'yon kaya naman napatango na lang ako. "I know and that's his final decision na kahit si Mom ay walang magawa," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "Pero sabi niyo nga po hindi ba? Na masasanay rin ako sa lugar na 'to," dagdag na sabi ko. Marami pa kaming pinag-usapan. Halos nakwento ko na nga pati ang mga kapatid at kaibigan ko sa Maynila. Si Brandon naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin habang kumakain at paminsan-minsan ay nagsasalita siya kapag kinausap siya. Nang matapos kaming kumain ay tumulong akong magligpit. Ayaw pa nga akong patulungin ni Manang Gina, pero nagpumilit ako dahil wala naman akong gagawin. "Kami na po ang bahala, Manang. Sumama na lang po kayo kina Mang Julio sa labas," Sabi ni Brandon. Bahagya akong nagulat nang magsalita siya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Kunot noo naman niya akong tinignan habang hawak ang ibang mga plato. "Don't tell me tutulong ka rin?" tanong ko sa kaniya. "Bakit naman hindi? Baka mabasag mo pa 'tong mga plato. Marunong ka ba maghugas ng pinggan?" sagot at tanong niya. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya, pero na-realize ko na may point naman siya sa tanong niya. I don't really know how to wash dishes! Narinig ko ang mahinang tawa ni Manang Gina kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. "Okay, sige. Maiwan ko muna si Z sa'yo, Brandon. Turuan mo sa gawaing bahay dahil nakatitiyak ako na hindi maalam sa gan'yan si Z," natatawang sabi ni Manang Gina, pagkatapos ay tumalikod na para umalis. Napasimangot naman ako, at napabuntong hininga na lang. Tumalikod ako kay Brandon para mauna na kaya lang ay pinigilan niya ako. "Oh, wait. Saan ka pupunta?" tanong niya, dahilan nang pagkahinto ko. Muli akong nagbaling ng tingin sa kaniya. "I'm gonna start washing the dishes. Saan pa ba sa tingin mo?" sarcastic kong sagot sa kaniya. Bahagya siyang napa-smirk at umiling bago ituro ang ilang pinggan na naiwan sa lamesa. "Paano ka makakapagsimula kung nandito pa ang mga huhugasan mo?" tanong niya. Oo nga pala. Nandito pa nga pala sa loob ang mga hugasin. Umirap na lang ako sa kaniya at padabog kong kinuha ang ilang plato sa lamesa. "Careful. Hindi porket kaya mong bumili ng bagong gan'yan ay hindi ka na mag-iingat," paalala niya. Muli akong napairap at napabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ba ang mas gusto ko, iyong tahimik ba siya or iyong ganitong kaingay. Nagsimula kaming maghugas ng plato sa maliit na sink nila Manang Gina. Si Johny ay umalis na kanina pang pagkatapos kumain, dahil may kukuhanin daw siyang project sa bahay ng kaklase niya. Hindi naman na nagsasalita pa si Brandon at seryoso lang siyang nagsasabon ng mga plato habang ako ang nagbabanlaw nito. Bahagya ko siyang tinignan at kita ko ang seryoso sa mukha niya kaya naman humugot ako nang malalim na hininga para magsalita, at basagin ang katahimikan. "Miss Daza told me that we might be a classmate. So, may I know what's your course?" curious na tanong ko sa kaniya. "Business Administration," tipid na sagot niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang tignan ko siya. "That's my course too! So, you're also planning to have your own business soon?" tanong ko sa kaniya, medyo nagkaroon ng interest dahil parehas kami ng course na kinukuha. "Of course," tipid niyang sagot. Napanguso naman ako dahil sa sobrang tipid niyang sumagot! "What I mean is, ano'ng pina-plano mong maging business?" tanong kong muli. "I want to have my own distillery, 'yan pa lang ang naiisip ko sa ngayon. How about you?" sagot at tanong niya. Nakakabigla na tinanong niya rin ako pabalik kaya naman napatango ako sa kaniya bago magsalita. "Well, I'm planning to have my own bar, but my father is against with that. Gusto niya ay ang negosyo niya ang patakbuhin naming magkakapatid," paliwanag ko sa kaniya. "So, you're still gonna do it?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot bago magsalita. "Yeah, at kahit hadlangan ni Dad 'yon nang paulit-ulit, I'll still do it. Hindi ko kayang i-manage ang isang business na hindi ko naman gusto," paliwanag ko sa kaniya. "How can you be so sure na magagawa mo 'yon, without your parents support?" tanong niyang muli. Napabuntong hininga naman ako, dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi lang din naman si Daddy ang may ayaw sa idea kong magtayo ng sarili kong business, kundi pati na rin si Mommy. "I trust myself, at kahit alam kong wala silang support na maibibigay sa gusto ko, gagawin ko pa rin. Maybe after five years, you'll see," mayabang na sagot ko sa kaniya. Dahil 'yon ang totoo. Naniniwala ako sa kakayahan ko kahit na laging minamaliit ni Dad ang business na gusto ko.Itinigil ko ang pagkain ko at bahagya 'yon inilayo mula sa akin para muling kuhanin ang laptop ko."Hindi mo pa nauubos," sabi niya."I'm already full," sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay nawalan ako ng apetite."Kakaonti pa lang ang nakain mo, paano ka nabusog?" tanong niya.Sa inis ko ay humarap ako sa kaniya para magsalita."I already told you that I'm not hungry, and next time 'wag ako ang ayain mong mag-lunch. 'Wag mo rin akong bilhan ng pagkain, because I have secretary to that for me. You should give all your attention to that girl who was talkting with you earlier," sunod-sunod kong sabi sa kaniya.Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman muli akong napairap. Alam kong hindi ako makakatapos sa trabaho ko kung mag-stay ako roon kasama siya kaya naman sinara ko na lang ang laptop ko at inayos ang mga gamit na nasa table."Oh, why?" tanong niya.Hindi ko na siya pinansin pa dahil tumayo na ako sa upuan ko."Are you jealous?" tanong niya.Napangisi ako dahil binalik niya an
"Meeting adjourned. Thank you everyone!" sabi ni Daddy.Halos makahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang meeting namin. Agad ko naman binalingan si River dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. "I know what you was doing," sabi ko sa kaniya.Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay bago magsalita para magpaliwanag."I just want to see his reaction. He's been staring at you since our meeting started," paliwanag niya.Napairap na lang ako sa kaniya at napailing. Hindi ko alam kung eepekto ba 'yon kay Brandon lalo na at wala naman kaming relasyon. Iniwanan ko si River sa upuan niya dahil may lumapit sa kaniya para kausapin siya.Nagpaalam ang lahat ng mga kasama namin sa loob. Ang iba ay nag-uusap pa at ang iba naman ay nagsimula nang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko si Brandon na may kausap kaya sinamantala ko 'yon para lumapit kay Daddy."Z, are you surprised?" tanong niya habang nakangiti."Surprised from what?" tanong ko habang nakakunot ang n
I can feel my soreness when I woke up in the morning. Gustong-gusto ko pang matulog pero nagising ako dahil sa tawag ni Clara."Good morning, Miss Zari! This is short notice. We'll be having urgent meeting today at ten thirty o'clock. Ngayon daw po kasi ang dating ng new investor ng Sacred Empire and you'll need to attend," paliwanag niya sa akin.Halos mapabuga naman ako ng hininga ko at napaikot ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. I'm planning not to work today to spend my time with Sky, pero urgent daw 'yon at hindi ako pwedeng mawala."Alright. I'll be there later." Sagot ko naman.Wala si Brandon sa tabi namin nang magising kami ni Sky. Mukhang hindi na siya bumalik dito kagabi at doon na siya tuluyang natulog sa guest room.Dinala ko naman si Sky sa kwarto niya at pinaliguan ko na siya para madala ko siya sa bahay nila Margot. Doon kasi iniiwan ni Bettina si Bella pansamantala kapag nagtatrabaho siya at gusto kong maka-bonding ulit silang magpipinsan."Do you want to s
Napatingala ako sa kaniya at hindi nakapagsalita kaagad. Nanatili kaming magkatinginan sa isa't-isa hanggang sa makakuha ako ng lakas ng loob para magsalita. "T-Talk about what?" nauutal na tanong ko sa kaniya. "About what happened to us in the past." Sagot niya. Kahit na ayaw ko nang balikan 'yon ay napatango na lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa taas at sa veranda kami nag-stay para mag-usap. Kumuha rin siya ng whiskey para inumin 'yon at makatulog na kami. "What part do you want us to talk about?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baso ko na may laman na whiskey habang nakasandal ako sa railing. Nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya. Hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom siya ng alak. Hindi ko naiwasang mapatingin sa leeg niya kung saan nakabakat ang adams apple niya. Ninamnam niyang mabuti ang lasa nito bago sagutin ang tanong ko. "I'm sorry for what I did to you six years ago, but I want you to know na kung ano ang nakita ni
"Why don't you two get back together? Para naman hindi na kayo mahirapan na mag-set ng schedule para makasama ang apo ko," sabi ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad habang naglalagay ako ng mga damit sa bag ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang ako bago magsalita. "Matagal nang natapos ang relasyon namin ni Brandon. We're just doing this for Sky," sagot ko kay Dad. "I know, I know. Ang sa akin lang naman ay bakit hindi niyo subukan ulit? Brandon is single at gano'n ka rin," patuloy niya. "Oh come on, Dad. Hindi na ako mahal ni Brandon," sabi ko. "But you still love him." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Dad bago mapabuntong hininga dahil alam kong inaasar niya lang ako. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay muli siyang natawa. "I'm just kidding. Kung ano ang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na kapag para sa apo ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ng pamilya namin ni Brandon
"Can I eat ice cream too?" Nakatingala sa akin si Sky nang itanong niya 'yon sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniya at napatango. "Of course, baby. You can eat unlimited ice cream today," sabi ko pagkatapos ay natawa. "Yes, and you can eat all flavors you want!" sabi naman ni Daddy. Napatango lang si Sky pero parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa ice cream na nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong makitang excitemet sa itsura niya samantalang ang mga pinsan niya ay excited na excited na makakain ng sweets. "Why are you sad?" natatakhang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Because Papa doesn't allow me to eat ice cream," sagot niya. Bakas sa boses niya ang lungkot kaya nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "What? Why?" tanong naman ni Bettina. "I don't know. He said that too sweets is not good for my health," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Nagkatinginan naman kami