Share

CHAPTER THIRTY-TWO – Kill Joy

Naganap ito kasabay ng chapter 28

RICHARD’S POV

Nagsipila na ang mga kasamahan kong cadets sa reception area para malaman ang kani-kanilang mga room assignments. Pipila narin sana ako kaso nakaramdam ako pagka-ihi. Umalis muna ako saglit para pumunta sa C.R.

Pagkatapos kong umihi ay bumalik ako sa reception at pumila. Hindi ko na makita si Ice. Siguro nasa kanyang room na siya.

Nang maka-abot na ako sa receptionist, tinanong niya ang aking pangalan.

“Richard Bailon po.” Sabi ko

Hinanap ng babaeng receptionist sa computer niya ng pangalan ko.

“Sir, RM11 po kayo.” Nakangiting sabi ng receptionist sabay abot ng susi sa akin.

Habanng naglalakad at hinahanap ang RM11, naisip ko si Ice. Anong room kaya siya? Mamaya hahanapin ko.

Ilang sandali lang ay nakita ko na ang kwartong naka-assign sa akin. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status