Share

Chapter 8.1

Bothered

"GALIT na galit ako, Nari. Do something to ease my anger. Lambingin mo ako, Nari. Lambingin mo ako hanggang sa mawala ang galit ko..." he whispered and groaned like a wounded animal.

"A-Ano?!" biglang bulalas ni Nari na siyang dahilan ng pagkaalog ng ulo nitong nakalubog sa may bandang balikat niya. 

"Shit..." she heard him muttered on her sudden action. "Tss."

"Ano bang sinasabi mong lambingin lambingin diyan? Ano ka, bata?!" she almost screamed but the beat of her heart is still so fast like she joined a marathon. Pulang pula na rin ang mukha niya. 

Akmang magsasalita pa si Leon nang biglang tumunog ang message alert tone ni Nari. Doon lang niya naalala na baka tapos na ang klase nila Scarlette at hinihintay na siya ng dalawa. Napalunok si Nari bago hugutin ang cellphone na nasa bulsa. Nasulyapan pa niya si Leon na kunot pa rin ang noo.

Scarlette:

Nasa pansitan kami, bilisan mo!

Ngumiwi si Nari sa mensahe ng kaibigan. Mukhang naiinip na naman ito. And mukhang may giyera na naman si Lester at Scarlette. 

"Don't tell me you're leaving already. We're still talking, Nari," Leon suddenly said when he noticed that Nari is ready to go.

Napakamot na lang sa ulo si Nari. "Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," she said. 

"Pupuntahan mo ulit ang lalaking 'yon, huh," mapait na saad muli ni Leon.

"S-Sorry na talaga. Kailangan ko na talagang umalis-"

"Bukas, sunduin kita. And you can't say no to that, love."

"Oo! Oo na!" mabilis na sagot na lang ni Nari na may kasamang paulit ulit na pagtango dahil sinimulan na niyang tumakbo papalayo sa direksyon niya.

"BAKIT ang tagal mo?" salubong kaagad ni Scarlette nang maupo si Nari sa bakanteng bangko sa tabi niya. "Napakain tuloy ako ng pansit ng wala sa oras dahil sa lalaking 'to!"

Si Lester ay tila walang narinig dahil busy sa pagsimot sa kinakaing pansit miki. Malapit na niya iyong maubos. Pero hindi nakatakas sa paningin niya ang pagsulyap sa pansit miki ni Scarlette. Mukhang gusto pa niya iyon kainin at naghihiintay lang na isantabi ni Scarlette iyon.

"Pasensya na. M-May tinanong lang kasi saglit sa 'kin kaklase ko."

"Okay," Scarlette said. "Ayaw ko na!" kapagkuwan ay sabi nito. Nagkumahog naman bigla si Lester na abutin iyon at kainin. "Yuck! May laway ko na 'yan! You're so dugyot talaga!"

"You're so arte talaga," panggagaya ni Lester sa tono nito.

Uminom muna si Scarlette bago siya binalingan at nagpunas ng tissue. Napabaling tuloy si Nari sa kamay nito. Hindi nito suot ang bracelet, unlike her na suot na niya simula ng pagkabili pa lang. Si Lester kasi ay hindi naman tinanggap iyong dapat na kaniya.

Nakakatampo tuloy dahil sa kanilang tatlo ay si Nari lang ang nakasuot no'n.

"Nasaan ang bracelet mo?" she can't help but to ask her.

Humagikhik bigla si Scarlette na ikinakunot ng noo ni Nari. 

"Nasa paa. I put it there kasi..." Lumapit ito bigla at pabulong na nagsalita. "... I have a small tatto. Tinakpan ko lang," she told her and giggled again.

"Bracelet tapos sa paa ilalagay? Apakagaleng naman," sabat ni Lester na umiinom na. Hindi tuloy maiwasang ma-amaze ni Nari dahil halos kalahati pa iyon kanina na tira ni Scarlette pero ito ngayon, ubos na. Nalingat lamang sila sandali.

"Pake mo ba?" taas kilay na tanong ni Scarlette.

"May pake ako kasi bawal sa department niyo ang mga tattoo tattoo na 'yan. What if the guidance counselor will find out about your tattoo?" seryosong saad ni Lester. 

Napamaang tuloy si Nari at Scarlette dahil sa tono nito. Usually, he's playful and always bullying Scarlette. Pero iba ngayon.

"K-Kayo lang naman ni Nari ang may alam. I didn't tell it to anyone yet," nakangusong ani ni Scarlette ulit. Bahagyang namula, siguro nagulat rin sa naging tono talaga ni Lester.

"Bahala ka nga sa buhay mo."

"Yes. Bahala talaga ako sa buhay ko." Bumaling ulit si Scarlette kay Nari. "By the way, Nari, may isusuot ka na sa acquaintance party natin?"

Napakurap kurap si Nari dahil do'n. How could she totally forgot about the Acquaintance party? Well, medyo okupado naman kasi talaga ang isip niya ngayon. Of course, it was occupied by one person na halos sakupin na ang sistema niya. It was Leon.

"M-Maghahanap pa ako ng murang marerentahan."

"What? So, that means wala pa? Next week na 'yon! Dapat ready na isusuot mo!" tila nahintatakutang wika ni Scarlette.

"Eh, wala pa talaga ako nahanap, eh. Siguro hihiram na lang ako kina Ate Imelda-"

"Don't! Ako na ang bahala sa isusuot mo! And surely, that it will suit you and will make you a different person. Brave and bolder..." she said and smirked.

"Hoy, piliin mo 'yung maayos na damit, ah! Siguraduhin niyong dalawa na hindi kita kaluluwa niyo sa acquaintance dahil baka mapaaway ako ng wala sa oras do'n!" inis na saad bigla ni Lester at masama ang tingin na iginawad kay Scarlette. "Lalo ka na, Scarlette," madiing dagdag pa nito.

Parehas lang pala ng naisip si Lester at Nari. Knowing Scarlette, ang klase ng pananamit nito ay masyadong liberated pero nadadala naman niya iyon lagi. And she can pretty handle boys ogling her exposed skin.

Nanghihinang napabuntong hininga na lang si Nari. Sige, kay Scarlette na lang siya magpapatulong ng susuotin tutal naman ay ayaw na niyang abalahin at stress-in ang kapatid. 

"FUCK you, Magnus!" Helion screamed when he reached his apartment. At mas lalong lalong nag init ang ulo niya nang makita kung gaano kakalat ang sofa.The empty bottles of alcohol are scattered everywhere. Nilalanggam na rin ang pulutan nitong chichirya na basta na lang rin nagkalat. And the sofa... nakahilata doon si Magnus na hubad baro at magulo ang buhok at nakapikit ang mga mata. "I know you're awake!"

Imposible naman kasing basta na lang ito makatulog dahil bampira ito.

But the brute didn't even flinch and act like didn't hear anything. Kaya akmang babatuhin na ni Helion ng bote si Magnus pero masyadong mabilis ang reflexes nito at kaagad nakabangon!

"What?! Ano na naman, H?! You see, I'm peacefully sleeping and--"

"What. Did. You. Do.?" Helion asked while gritting his teeth. "I told you to clean but what the fuck?!" Naalala kasi niya kanina bago umalis ay ibinilin niya rito ang apartment at ipinalinis na rin. But the brute did the other way around.

Napakamot ng likod ng ulo si Magnus. "Sorry, H. You know, napagod talaga ako kakahanap ng damit mo sa ukay-ukay tapos... tapos ang sikip ng apartment! It was a torture for me!" maarteng wika nito na tila nasasaktan.

Napahilot na lang sa sintido si Helion. "The hell I care! You fix all of these shits in ten seconds or else.." Sinadya niyang bitinin ang sinasabi nito.

Wala pang sampong segundo ay nalinis na lahat ni Magnus lahat ng kalat niya. Of course, he used his damn vampire speed. 

"Wait, you look problematic. Spill it, H. I am all ears," maya maya ay sabi ni Magnus bago muling bumalik sa sofa at naupo doon ng naka dekwatro.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jeirish Mae Manalo
pa unlocked po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status