Share

Chapter 18

“I-Ice Duke?” tanong ni Kyla. Mukhang hindi na rin siya nakatiis at nagtanong.

Ngumiti si Tita Amy samin habang hawak pa rin ang kamay ni Antonio.

“Hindi siya si Prince, siya si Ice Duke, kakambal ni Prince.”

Nanghihinang napaatras ako sa sinabi ni Tita Amy. K-Kambal? Kakambal ni Ice si Antonio?

Naramdaman ko inalalayan ako nina Gun. Nanginginig na ang mga tuhod ko.

P-Paano si Ice? N-Nasaan si Ice?

“Tita Amy, paano nangyari 'yon? Based on your medical records, si Prince lang ang anak niyo.” sabi naman ni Bullet.

Malungkot na napangiti si Tita Amy.

“Akala ko din nung una si Prince lang ang ipinanganak ko. Tulog kasi ako ng mga panahong 'yon dahil sinesarean ako. Pero kinidnap si Duke ng doktor ko, dahil natatakot si King na ma-stre

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status