Shenna Rein Reyes lived for many years thinking that her husband, Ice Prince Farthon is dead... but everything changed when Antonio Kartel appeared in her life... a poor farmer who looked like her husband a lot.
View More“Ayoko nga Sarah. Masyado akong busy para sa mga party party na yan.” sabi ko habang tinitikman ang bagong recipe na niluto ko.
“Ano ba naman yan Shenna? Limang taon ka ng subsob sa trabaho! Successful na ang Hot and Cold diba? May mga branch na sa iba't ibang panig ng bansa. Bakit kailangan mong magpakabusy sa trabaho eh tinutulungan ka naman ng Danger Zone at ni Tito King?!” masungit na tanong ni Sarah. Napailing na lang ako, napakakulit talaga niya.
“Sarah, ito na lang ang paraan ko. I-Ito na lang ang paraan ko para makalimot.” natahimik si Sarah sa sinabi ko. Napabuntong hininga naman sina Kyla at Ailee.
“Shenna, sa tingin mo ba magiging masaya siya kung nakikita ka niyang nagkakaganyan? Alam kong masakit, alam kong nasasaktan ka pa rin pero kailangan mo ring magpahinga.” tinapik ni Kyla ang balikat ko. Mapait na napangiti ako.
“M-Magbabakasyon din naman ako sa Palawan next week.” balak ko rin namang mgpahinga.
“Tama yan Shenna, ipahinga mo rin ang sarili mo.” sabi ni Ailee at ngumiti.
“Gusto mo bang samahan ka namin do'n?” tanong ni Sarah. Napailing na lang ako.
“Hindi na, magtatagal rin naman ako doon. Kay Manang Rose ako tutuloy.”
Si Manang Rose ang dating katulong nina Tita Amy. Nung nakapag-usap kami nung nakaraang linggo, inalok niya kong magbakasyon muna sa Palawan para daw ma-relax at maginhawahan ang isip at katawan ko dahil sa trabaho.
“Buti naman. Maganda at relaxing sa Palawan kasi madalas kaming magpunta do'n.” sabi ni Kyla. Napangiti na lang ako.
Concern na concern sila sakin. Si Sarah, kahit madalas siyang magsungit, ramdam ko talagang kapatid na ang turing niya sakin. Kahit papaano natatanggal ang stress ko kapag nakakausap ko silang tatlo.
Sina nanay at tatay naman ay nasa bahay na lang. Hindi ko na sila pinagt-trabaho.
Si Charles (Ochoy) ay nag-graduate na Summa Cum Laude sa America sa edad na 20, siya na ngayon ang may hawak ng kompanyang iniwan ni Lolo samin. Natulong din siya kina Tito King at Lololo sa IPFC empire, gano'n din ang Danger Zone.
“Susuportahan ka namin sa mga desisyon mo. Basta sabihin mo lang kung kailangan mo kami.” ngintian ko si Ailee. Para talagang anghel ang isang 'to.
“Salamat sa inyo.”
***
“Tita Amy, dinalhan po kita ng lunch.” nakangiting sabi ko habang hinahanda sa mesa ang pagkaing dala ko.
Hindi ako nilingon o pinansin ni Tita Amy, patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop niya. Sobrang busy niya ngayon dahil mas lumalago ang clothing line niya.
“Namamayat na po kayo. Hanggang ngayon ba nagd-diet pa rin kayo?” kinakausap ko siya ng kinakausap, kahit nagmukha na kong ewan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni Tita Amy, ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ice.
“Aalis na po ako next week, mamimiss kong magdala ng pagkain dito Tita Amy. Pag umalis ako, lagi pa rin po kayong kakain ha?”
Lumapit ako kay Tita Amy at dinampian siya ng halik sa noo.
“Alis na po ako ah.” tumalikod na ko pero natigilan ako nang tawagin niya ko.
“S-Shenna.”
Automatic na nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang tinawag ni Tita Amy ang pangalan ko pagkatapos ng limang taon.
“B-Bakit po?”
“A-Aalis ka? S-Saan ka pupunta?” tanong ni Tita Amy. Kahit nagulat ako pinilit ko pa ring magsalita.
“S-Sa Palawan po, m-magpapahinga muna ako.” napatango na lang si Tita Amy at napaiwas ng tingin.
Napangiti naman ako, may pakialam pa rin pala sakin si Tita Amy.
***
“Hindi talaga ako makapaniwalang kinausap na ko ni Tita Amy! After five years kinausap niya rin ako! I'm so happy!” pagk-kwento ko sa kanya.
“Sana mapatawad na niya ko ng tuluyan noh?” kinuha ko ang picture frame ni Ice sa bedside table ko at dinampian ng halik ang litrato niya doon.
“Ikaw kasi eh, b-bakit mo pa kasi kami iniwan? E-Edi sana hindi galit sakin si Tita Amy.” pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko.
“Nga pala, namiss kita maghapon. Kaya nagpakabusy na lang ako sa trabaho gaya ng lagi kong ginagawa.” hinaplos ko ang litrato niya doon.
Araw araw ko na 'tong ginagawa, ang kausapin ang picture niya. Alam kong para akong timang sa ginagawa ko, pero miss na miss ko na kasi talaga si Ice.
Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tinawagan si Manang Rose.
“Oh Shenna hija, bakit napatawag ka? Kakamustahin mo ba ang kambal?” magiliw na tanong niya.
“O-Opo. Kamusta na po sila?”
“Nanay! Si Ateng Shenna ba yan?!” napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Rash Pierre o Rash. Base sa sigla ng boses nito, alam kong siya si Rash, makulit kasi ito at friendly. Si Dash Pierce o Dash kasi ay may pagkasuplado, lagi itong nakaheadphones at mag-isa. Ayaw niyang makasalimuha sa mga tao.
“Hello Rash! Kamusta ka na?” magiliw na sabi ko. Nakakatuwa kasi talaga siya.
“Okay lang po! Pogi pa rin ako.” sabi nito at napahagikhik. Napangiti naman ako.
“Si Kuya Dash mo? Nasaan?”
“Nandito po! Wait lang Ateng Shenna, ibibigay ko lang sa kanya yung selpon.”
“Idiot. It's cellphone, not selpon.” narinug kong sabi ni Dash. Natawa ako sa kakulitan nila.
“Hello Dash.”
“H-Hello Ate Shenna.” masungit siya sa ibang tao pero mahiyain siya pagdating sakin.
“Pupunta ako diyan next week, makikita ko na kayo. Excited na ba kayo?”
“Talaga Ateng Shenna?! Yes! Uwian mo kami ng maraming laruan ha?” pagsingit naman ni Rash. Napahagikhik ako sa sinabi niya. Ang kulit talaga ng batang 'to.
“Oo. Uuwian ko kayo ng maraming laruan.” nakangiting sabi ko. Excited na kong makita ang kambal na 'to.
“A-Ate Shenna. Namiss ka namin.” tila nahihiyang sabi ni Dash.
“Namiss ko din kayo. Pagpunta ko diyan salubungan niyo ng maraming kiss ha?”
“O-Opo.”
“Ateng Shenna! May nagkakacrush kamo kay kuya Dash!” natawa ako sa sumbong ni Rash.
“Talaga?”
“Opo! Sinusungitan nga lang siya ni kuya eh, feeling pogi.” napahagikhik ako sa sinabi ni Rash.
“Eh ikaw? Wala bang nagkakacrush sayo?” tanong kom
“Eh? May girlpren na ko eh!” napasinghap ako sa sinabi niya.
“Grabe, four years old pa lang ikaw eh.”
“Joke lang naman po.” sabi ni Rash at tumawa. Napangiti na lang ako.
“Namiss ko talaga kayo.”
“Kami din po. P-Pumunta na po kayo dito agad.” sabi pa ni Dash.
“Pagpunta ko diyan, wag ka ng mahihiya sakin ah?”
“O-Opo.”
Napabuntong hininga ako pagkatapos kong makipagkamustahan sa kanila. Sa wakas makikita ko na ulit ang kambal.
Kinuha ko ang isa pang picture frame na may litrato nina Dash at Rash. Hinaplos ko ang litrato nila.
“I-Ice, kung nandito ka edi sana nakikita mo sila ngayon.” sabi ko at mapait na napangiti.
“Ang kulit pa rin ni Rash, tapos si Dash mahiyain pa rin at suplado.”
“P-Pasensya na Ice ha? K-Kung wala sila sa tabi ko ngayon. M-Magulo pa kasi ang lahat eh.” pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Itinapat ko sa picture ni Ice ang picture nina Rash at Dash.
“Tingnan mo sila oh, ang g-gwapo nila.” huminga ako ng malalim.
“At gaya ng inaasahan ko, kamukhang kamukha mo ang kambal.”
“Mama! Si kuya Rash oh!” matinis na sigaw ni Snow.“Rash ano na naman ba yan?” sabi ko habang ipinaghahain sila ng almusal.“Mama! May boyfriend na kasi si Snow!”Napailing ako. Malakas pa rin talagang mang-asar 'tong si Rash.“Tama na nga muna yan. Kumain muna kayo.”Nagsitakbuhan naman sila at nagsiupo.Medyo natagalan ako sa pagluluto ng breakfast nila dahil iba iba ang gusto nilang pagkain.“Millet, pakibantayan yung mga bata. Tatawagin ko lang si Ice sa kwarto.”“Opo Ma'am.”Pinuntahan ko na si Ice sa kwarto at naabutan ko ang mokong na tulog na tulog pa.Umupo ako sa kama at hinaplos ang buhok niya.“Ice, bumangon ka na. May trabaho ka pa.” napatili ako nang hilahin niya ko at niyakap.
FLASHBACK (TEN YEARS AGO)“Prince nasan ka?! Magpapakamatay ka na naman ba?!” I mentally rolled my eyes. Lion and his craziness.“How many do I have to tell you that I'm not that crazy to end my own life?! Damn it!” I throw my phone at the trash can. Naiirita ako.Simula nung umalis si Xyrille papuntang America akala nila magpapakamatay ako lagi. Tss. Hindi ko naman gano'ng kamahal si Xyrille
“A-Antonio, a-ano bang problema mo?” pilit kong binabawi ang braso ko sa malaking kamay niya.Napaatras ako nang tingnan niya ko ng masama. Napaiwas ako ng tingin dahil mukha talagang galit na galit siya.Nakakatakot.“Manang, where's Anthony?” tanong ni Antonio kay Manang Dahlia.“A-Ah eh, nasa kwarto po nina Rash, do'n daw po siya matutulog.” nauutal na sagot ni Manang. Naramdaman niya rin siguro na hindi maganda ang mood ni Antonio.Napasinghap ako nang basta na lang ako hilahin papasok sa kwarto namin. Padabog niyang sinara ang pinto at ni-lock iyon.Nanginginig na umupo ako sa kama.“M-May problema ba Antonio?”Huminga ng malalim si Antonio na para bang nag-iipon ng pasensya.“Nagpahalik ka kaagad sa lalaking 'yon?! Nasisiraan ka na ba ng bait Cara?!” n
“Bakit lumabas ka pa? Ang kulit kulit mo.” sabi ni Ice habang binoblower ang basa kong buhok. Napanguso na lang ako.“Akala ko mambababae ka eh.” kinurot niya ang pisngi ko.“Hindi nga ako nambabae.” nilapag niya ang blower sa table at inikot ako paharap sa kanya.Hinalikan niya ang labi ko.“You wanna ask something?” seryosong tanong niya. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.“P-Pwede ba akong magtanong?” hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kanya.“You can ask anything you want. You're my wife.” hinila niya ko patayo at pinaupo ako sa kandungan niya paharap sa kanya. Yumakap naman ako sa leeg niya.“Y-Yung babae kanina? Sino siya?” binigyan niya ko ng malungkot na ngiti bago sumagot.“She's Kristine.” diretsong tanong niya. Napaluno
Hinila niya ko palapit sa kanya, pinulupot niya ang matipunong braso sa baywang ko. Niyakap ko din siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.“Are you hungry?” tanong nito sa medyo paos na boses.“H-Hindi pa naman, pero gusto ko ng tinapay na may chocolate, gusto ko din ng orange juice na may kalamansi tapos gusto ko ng fried rice at bacon.” natigilan siya sa sinabi ko. Napangiti siya at kinurot ang ilong ko.“I thought you're not hungry.” natatawang sabi niya. Napanguso na lang ako.“Sino bang hindi gugutumin sa ginawa mo? Eh hindi ka nakukuntento ng isang beses lang.” napangisi lang siya sa sinabi ko.“Sorry about that, you're too hot to resist.” hinampas ko siya sa dibdib.“Kapag lumaki na yung tiyan ko, hindi na ulit ako sexy! Tapos mambababae ka! Ayoko na sayo!” hinila ko ang kumot para takpan
Tahimik kaming dalawa ni Ice sa kwarto. Napabuntong hininga ako.“Magpaliwanag ka. Bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag.” malamig na sabi ko habang nakatulala sa sahig.“S-Shenna, hindi ko 'yon ginusto.” lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.“H-Hindi mo ginusto?! Pinaglololoko mo ba ako?!” marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.“I-I, I w-was...” napabuntong hininga siya.“I-Ipaliwanag mo sakin Ice, sabihin mo sakin kung anong totoong nangyari five years ago.” napaiwas siya ng tingin sakin.“K-Kapag sinabi ko sayo ang mga pinagdaanan ko, b-baka iwan mo ko. B-Baka tuluyan ka ng mawala sakin.” nanginginig ang mga kamay niyang humawak sakin.Mariin akong napapikit kasabay ng pagdaloy ng mga luha ko.Umiiyak na naman siya, iniiyakan na naman niya ang
“Hindi pa rin nauwi si Prince?” tanong ni Sarah habang nalamon ng cake na dinala sa kanya ni Bullet. Napakatakaw.“H-Hindi pa.” napaub-ob ako sa mesa.“Aba, dalawang linggo na siyang subsob sa trabaho ah. Sabi nga ni Lion, doon na daw natutulog, naliligo at nakain si Prince sa office niya. Nagawa na niya 'to dati eh.” dagdag pa ni Kyla. Napabuntong hininga ako saka tumunghay.“Namimiss ko na siya.” napahikbi ako at mabilis na pinahid ang luha ko“Gaga ka kasi eh, kung narealize mo na agad na siya ang mahal mo edi sana wala na kayong problema ngayon.” panenermon sakin ni Kyla. Napatungo na lang ako.“Bakit kasi hindi mo siya puntahan at sabihin sa kanya na siya ang mahal mo?!” dagdag pa ni Sarah.Natigilan ako sa sinabi ni Sarah. Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip 'yon?!“Pus
“Aray!” napadaing ako nang makaramdam ako ng pananakit sa pagitan ng mga hita ko.Napalingon ako sa katabi kong mahimbing na natutulog. Napasimangot ako. Naiihi na ko eh, hindi naman ako makatayo.Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng kumot a kinurot ang abs ni Ice.“Damn!” napamura si Ice at tiningnan ako ng masama.“Tulog ka ng tulog dyan! Buhatin mo ko papasok sa cr, naiihi ako!” bumangon siya at sinuot ang boxer niya.Pinangko niya ako, pero hinablot ko muna ang kumot at binalot iyon sa katawan ko.“Bakit ba lagi ka na lang nahihirapan maglakad kinabukasan pagkatapos nating magsex?” naiiritang tanong ni Ice at dinala ako sa cr. Binatukan ko naman siya.“Malamang! Ice, ipapaalala ko lang sayo. Siyam na beses, siyam na beses mo kong pinagsawaan bago mo ko patulugin. Nahiya ka pa talaga, di mo pa gi
“Ano yan?” tanong ko at sinilip ang niluluto ni Ice. Napapadalas na ang pagluluto niya pero ayos lang kasi masarap naman siya magluto.“Just carbonara.” nagningning ang mga mata ko.“I know it's one of your favorite food.” pinisil niya ag pisngi ko at inilagay na sa plato ang niluto niya.Nilapag na niya sa mesa ang plato at inabutan ako ng tinidor, agad ko namang tinikman 'yon.Feeling ko literal na nagheart shape ang mga mata ko. Hindi matabang, hindi rin naman nakakauta. Saktong sakto ang pagkaluto niya.Napansin ko na magaling talaga siyang magluto, pero ang madalas niyang lutuin ay French dishes na masasarap naman. Pero kaya niya rin magluto ng Filipino dishes gaya ng adobo at sinigang (na favorite niya talaga).ko“Is it okay?” tanong ni Ice. Nginitian ko siya ng matamis at nagthumbs up sa kanya. Napangiti na lang din si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments