Share

Chapter 50

Penulis: NewAuthor
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-08 00:49:49

Raina

Gaya nga ng sinabi ni Mike ay hindi na niya itinago ang nararamdaman niya para sa akin. Maging sa kompanya nito ay hayag na rin ang panliligaw niya sa akin. Araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak galing sa kanya. Hindi ko na nga alam kung saan ko pa itatanim ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin.

Wala na kasing space sa maliit na garden ng house ko para pagtaniman ng mga bulaklak. Nakakapanghinayang naman kung itatapon ko na lang. At isa pa, tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang itinapon ko ang mga bulaklak niya o di kaya kapag ipinamigay ko sa mga katrabaho ko. Iisipin niya na hindi ko pinapahalagahan ang mga bulaklak na bigay niya.

Araw-araw akong tinutukso ng mga katrabaho ko dahil kay Mike. Inuudyukan nilang sagutin ko na ang panliligaw nito para raw gumanda ang mood nito at bigyan kaming lahat ng increase sa sahod.

Walang naniniwala sa akin kapag sinasabi ko sa mga katrabaho ko na kaibigan lang talaga ang turing ko kay Mike. Kaya nang naglaon ay nanawa na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 55

    Raina"Welcome back to work, Raina! How was your vacation?" nakangiting tanong sa akin ni Alexa nang maupo ako sa harapan ng table ko. Nagsipaglapitan din sa akin ang iba ko pang mga katrabaho at nag-umpukan sa harapan ko na para bang may nais silang marinig sa akin."Nagbakasyon lang ako at hindi nagpunta sa planet Mars." Hindi ko mapigilan ang matawa sa kanila. Para bang may ginawa akong bagay na nakapag-pique ng kanilang interest. "Involved ka sa nangyari pero hindi mo alam kung ano ang nangyari? Or you're playing dumb with us, Raina?" nakakunot ang noo na tanong ng isa kong katrabaho na si Glaiza. Sa pagkakataong ito ay nagtaka na ako sa sinabi nito. Ano ba ang ginawa ko na hindi ko alam? Ang gulo."Nabalitaan namin na nag-hiking ka raw sa Mount Hilag kasama ang dalawang hunk na lalaki at apat na babae. At isa sa apat na babaeng kasama niyo ay ang starlet na si Venice," sabi sa akin ni Alexa. Binigyan niya ako ng nanunuksong ngiti. Hindi lang pala siya ang nanunukso ang ngiti sa

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 54

    RainaAfter we descended from Mount Hilag, Evo took Venice and me inside the hut where we left our other things before we climbed the mountain. Ang sabi ni Evo ay may pag-uusapan daw kami. Nahuhulaan ko na kung tungkol saan ang pag-uusapan namin ngunit hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lamang si Evo kung ano ang sasabihin niya sa amin."Why did you take us here, Sir Evo? Qno ba ang pag-uusapan natin? And why was it just the two of us?" Tinapunan ako ng masamang tingin ni Venice at inirapan. "Ang pag-uusapan natin ang tungkol sa nangyaring pagkahulog ni Raina kagabi. Are you sure na gusto momg marinig ng tatlong girls ang pag-uusapan natin?" Nananantiya ang tingin na ibinigay ni Evo kay Venice. Agad namang na-realized ng babae kung ano ang pag-uusapan namin kaya biglang naalarma ang hitsura nito."It's okay, Sir Evo. Huwag na silang papasukin." Biglang bumait ang boses ni Venice pagkarinig sa sinabi ni Evo. "Puwede bang bilisan lang natin ang pag-uusap? Kailangan ko na kasing umalis da

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 53

    RainaMalalim na ang gabi nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Naiihi ako. Ngunit natatakot akong lumabas sa tent ko at maghanap ng lugar kung saan ako puwedeng umihi. Maliwanag ang buwan sa labas ngunit kung ako lamang mag-isa ang nasa labas at gising ay natatakot ako.Sa una ay wala talaga akong balak na lumabas sa tent ko. Balak kong pigilan na lamang ang nararamdaman ko. Saka na lamang ako lalabas ng tent para umihi kapag may naramdaman akong tao na gising na. Ngunit habang pinipigilan ko na huwag maihi ay mas lalo lamang akong naiihi. Ang sakit na ng puson ko kaya nilakasan ko ang loob ko at lumabas sa tent ko.Nawala ang takot ko nang makita kong hindi naman pala nakakatakot sa labas kahit mag-isa lamang ako. Maliwanag kasi ang buwan kaya nakikita ko ang buong paligid. Nakatayo ang mga tent namin sa space kung saan walang mga puno kaya naliliwanagan itong mabuti ng buwan. Siguro ay sinadya talaga ang area na ito para may mapagtayuan ng tent ang mga turista na umaakyat sa

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 52

    Raina Totoo ang sinabi ni Evo na sulit ang pagod pag nakarating na kami sa tuktok ng Mount Hilag. Napaka-fresh ng malamig na simoy ng hangin. Medyo malakas ang hangin sa tuktok ng bundok ngunit masarap sa balat. Medyo madilim na kami nakarating sa tuktok ng Mount Hilag kaya agad naming nasilayan ang magandang tanawin sa ibaba. Sa ibaba ng bundok ay makikita ang malapit na siyudad sa bundok. At dahil malapit na ang pasko kay may naka-display na iba't ibang kulay ng mga Christmas lights sa bawat bahay at establishment. Ang iba't ubang kulay ng Christmas lights na iyon ay tila nagsilbing mga bituin. Bituin na nasa ibaba at hindi nasa kalangitan. The view is very spectacular. "Anong sabi ko sa inyo? Mapapawi ang pagod niyo kapag nakarating na kayo sa tuktok ng Mout Hilag," nakangiting wika ni Evo sa amin. Halatadong ilang beses na siyang nakarating sa tuktok ng Mount Hilag at nasilayan ng napakagandang view na iyon."You're right, Sir Evo. Napakaganda nga ng view rito sa itaas ng bundo

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 51

    RainaHindi ako nakapagsalita nang makita kong sina Evo at Tom ang magiging hiking guide namin. Sila ang aming team leader at kailangan naming sumunod anuman ang sabihin nila para sa ligtas na pg-akyat namin sa Mount Hilag.Since when nahilig sa pag-akyat ng bundok si Evo? Magmula nang makilala ko siya ay hindi ko siya narinig na nagkuwento sa hilig nito sa pag-hiking kaya naman nagulat talaga ako nang makita ko siya paglabas ko ng kubo.Kung pagkagulat ang rumihistro sa mukha ko pagkakita ko sa dalawang hiking guides namin ay kabaliktaran naman ang reaction ng mga babaeng kasama ko. Silang apat ay malawak ang pagkakangiti at halatadong kinikilig pagkakita na mga guwapo pala ang leader namin. "Hello, girls! We are your hiking guides and at the same time your team leaders. I am Sir Tom, and the handsome guy beside me is Sir Evo," pakilala ni Tom sa sarili nito at kay Evo sa mga amin. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko na kilala ko ang hiking guides namin. Ayokong putaktihin nila ak

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 50

    RainaGaya nga ng sinabi ni Mike ay hindi na niya itinago ang nararamdaman niya para sa akin. Maging sa kompanya nito ay hayag na rin ang panliligaw niya sa akin. Araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak galing sa kanya. Hindi ko na nga alam kung saan ko pa itatanim ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin. Wala na kasing space sa maliit na garden ng house ko para pagtaniman ng mga bulaklak. Nakakapanghinayang naman kung itatapon ko na lang. At isa pa, tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang itinapon ko ang mga bulaklak niya o di kaya kapag ipinamigay ko sa mga katrabaho ko. Iisipin niya na hindi ko pinapahalagahan ang mga bulaklak na bigay niya.Araw-araw akong tinutukso ng mga katrabaho ko dahil kay Mike. Inuudyukan nilang sagutin ko na ang panliligaw nito para raw gumanda ang mood nito at bigyan kaming lahat ng increase sa sahod.Walang naniniwala sa akin kapag sinasabi ko sa mga katrabaho ko na kaibigan lang talaga ang turing ko kay Mike. Kaya nang naglaon ay nanawa na

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 49

    RainaMalakas na itinulak ko si Evo palayo sa akin. Walang ayaw magpatalo sa kanila ni Mike kaya ako na lang ang namili kung sino sa kanila ang panalo. At siyempre, si Mike ang nanalo dahil siya ang kinampihan ko."Matagal ng tapos ang anumang namamagitan sa inyo kaya wala ka nang karapatan pa sa kanya. Huwag mo nang ipgpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo, Mr. Mondragon." Tinapunan ni Mike ng nang-iinsultong ngiti si Evo. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kay Evo ngunit hindi ko na lamang siya kinontra. Pero nagtaka ako kung bakit masyado aiyang harsh ngayon kay Evo samantalang malumanay lamang siyang tao kahit pa ang ex-husband ang topic ng usapin namin.Bahagyang tumawa si Evo at dumistansiya sa akin ng ilang pulgada. "At sino naman ang ang nagsabi sa'yo na ipinagpipilitan ko kay Raina ang aking sarili, Mike? Kagaya ng sinabi mo ay matagal ng nagtapos ang anumang namagitan sa amin. At lahat ng iyon ay bahagi lamang ng sa aming marriage agreement. No feelings involved."Lihim

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 48

    Raina"Sumama ka na sa amin na mag-dinner sa labas, Raina. Ilang beses ka na naming niyaya pero palagi mo kaming tinatanggihan. Ayaw mo yata sa amin." Napanguso ang katrabaho kong si Alexa nang muli kong tanggihan ang kanyang imbistasyon na sumama ako sa kanilang mag-dinner. Sa loob ng halos.Sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa kompanya ni Mike bilang isa sa kanilang mga interior designer ay ilang beses na akong sinubukang yayain ng mga ka-trabaho na sumama sa kanilang mag-dinner after work. Hindi naman sa ayaw ko silang makasamang mag-dinner. Wala lang talaga akong sa mood sa tuwing niyayaya nila akong sumama sa kanila."Tama si Alexa. Ayaw mo siguro sa amin kaya palagi mong tinatanggihan ang imbistasyon namin," nagtatampo naman ang boses na dagdag ni May. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Okay, fine. Sasama na ako sa inyo."Natuwa ang mga katrabaho ko nang marinig nilang sasama ako sa kanila ngayong gabi. Naisip ko na pagbigyan sila ngayon kahit isang beses lang. Magand

  • Unlucky In Love With My Half-sister's Fiance(Filipino)   Chapter 47

    RainaGusto nang bumigay ng puso ko nang makita ko kung gaano kamiserable ang hitsura ni Evo. Ngunit tinatagan ko ang loob ko at pinanindigan ko ang desisyon kong makipag-divorce na sa kanya ng tuluyan. Kapag makikita ko siya ay maaalala ko lamang ang nawala kong baby kaya mas mabuting tuluyan na kaming makalayo sa isa't isa."Please, don't leave me again, Raina. Nawala na sa akin ang baby natin. Ayokong pati ikaw ay tuluyang mawawala rin sa akin," nakikiusap ang boses na aabi ni Evo habang nakayakap ng mahigpit sa baywang ko.Inalis ko ang mga braso niyang nakapalibit sa baywang ko at dumistansiya ako sa kanya. "Nagpunta ako rito para personal na ibigay sa'yo ang divorce paper, Evo. From now on, there's nothing between us. I just want to live in peace, away from you."Tumulo ang mga luha ni Evo matapos marinig ang sinabi ko kasabay ng pagkalaglag ng mga balikat nito. "I'm sorry I hurt you. I'm sorry I lied to you," malungkot ang mukha na paumanhin ni Evo sa akin. Kinuha niya ang di

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status