Raina
Napatitig ako sa mukha ni Evo na sobrang seryoso at pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa pulang kahita na inilabas nito mula sa bulsa ng suot nitong coat. It's a white gold wedding ring. A heart-shape ring with an amethyst stone in the middle which is my birthstone. Napakaganda at halatadong napakamahal ng ring. Ngunit ang tanong. Nakahanda ba akong pumasok sa isang marriage of convenience for the sake of my baby's safety? Paano kung pagkatapos kong manganak ay i-divorce ako ni Evo at ilayo sa akin ang anak ko kagaya ng kinatatakutan kong mangyari? Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Wala akong choice kundi ang tanggapin ang marriage proposal ni Evo kahit na ito ay isang marriage for convenience lamang. Kailangan ko siya para mailigtas ang buhay ng anak ko. Anuman ang totoong dahilan niya kung bakit mas pinili niyang i-cancel ang engagement nila ni Rina at alukin ako ng kasal ay tanging siya lamang ang nakakaalam. Pero sana ay ang dahilan niya ay para mailigtas ang anak namin. "Okay. Tinatanggap ko na ang marriage proposal mo, Evo. Ngunit gusto kong tuparin mo ang mga sinabi nito mo sa akin kanina. Kasal lamang tao sa papel. Magsasama lamang tayo sa iisang bahay dahil sa responsibilidad natin sa bata," blangko ang ekspresyon na sabi ko sa kanya. As much as possible ay ayokong magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya na posible niyang magamit laban sa akin balang araw. "Good. Hindi ka nagkamali sa desisyon mong iyan, Raina," ani Evo na para bang isang magaan at normal na bagay lamang ang ginawa ko. "Tutuparin ko ang sinabi ko na hindi kita itatali sa matrimonya ng kasal. You can still do whatever you want pagkatapos mong isilang ang anak natin." Aaminin ko na nakadama ako ng slight disappointment sa reaksiyon niya. Ngunit ano nga ba ang aasahan ko na magiging reaksiyon niya? Sa umpisa pa lang ay alam ko nang kaya lamang niya ako nais na pakasalan ay dahil sa baby na nasa tiyan ko at siyempre, may dahil sa binibili niyang lupa na pag-aari ng pamilya ko. "Kapag umibig ako sa ibang lalaki at nais kong magpakasal sa kanya ay hahayaan mo akong makipag-divorce sa'yo at hindi mo kukuhanin sa akin ang anak ko?" nanunubok na tanong ko sa kanya. Hindi agad sumagot sa akin si Evo sa halip ay tumitig lamang siya sa akin ng ilang segundo. Gumalaw ang adam's apple nito sa leeg na para bang nagpipigil ito ng emosyon. Akala ay kokontrahin niya ang sinabi ko ngunit hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya nang muli siyang magsalita. "You don't have to worry about that, Raina. I promise to let you go once you fall in love with someone else. And to make your mind at ease, I will prepare ay marriage agreement between us." Hindi pa ako nakakasagot kay Evo ay biglang bumukas ang pintuan ng silid ko at pumasok si Daddy sa silid kasama sina Rina at ang aking madrasta. Napahinto kami sa pag-uusap ni Evo at nagpalitan na lamang ng makahulugang tingin. "Gising ka na pala, Raina. Mabuti naman para pag-usapan natin ang tungkol sa inyong dalawa ni Mr. Mondragon. Sabihin mo sa akin kung paano nangyari na siya ang ama ng batang dinadala mo," may otoridad sa boses na sabi ng daddy ko. "Hindi ko na kailangan pang ikuwento sa inyo ang detalye kung paano nangyaring siya ang ama ng anak ko, Dad. Kung hindi kayo naniniwala ay willing akong magpa-DNA test para lamang patunayan sa inyo na nagsasabi ako ng totoo," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Masama ang loob ko sa kanya. No. Hindi lang pala masama ang loob ko sa kanya kundi galit ako sa kanya. Dahil kung hindi dumating si Evo ay tiyak wala na sa tiyan ko ngayon ang babay ko. Kung nagtagumpay siya sa masama niyang plano ay ipinapangako ko na hinding-hindi ko siya patatawarin kahit na kailan. "Dad, kahit totoong anak ni Evo ang bata sa loob ng tiyan ni Raina ay wala akong pakialam. Puwede namang suportahan ni Evo ang bata nang hindi kinakailangan na pakasalan niya si Raina. Ako ang dapat na magpakasal kay Evo at hindi ang babaeng iyan," galit na wika naman ni Rina, tinapunan niya ako ng matalim na tingin ngunit inignora ko lamang ito. "Our engagement was canceled, Rina. So whether you like it or not, hindi ikaw ang pakakasalan ko kundi ang nakatatanda mong kapatid," sabi naman ni Evo kay Rina. Lalo lamang dumilim ang mukha ng huli at kung wala lang sa harapan nito si Evo ay tiyak na dinaluhong na niya ako sa labis na galit na nakikita ko sa mukha nito. "Basta ka na lang ba papayag na agawin ng malandi mong anak ang fiance ng anak mo, Reynold? Wala siyang ipinagkaiba sa kanyang ina! Pareho silang mang-aagaw!" galit namang turan ng aking stepmom sa dad ko. Nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil sa mga sinabi nito sa mommy ko kahit patay na ito. Hindi ko man alam kung ano ang istorya sa likod ng mga sinasabi ng stepmom ko ngunit naniniwala ako na hindi mang-aagaw ang aking ina noong nabubuhay pa ito. Hindi lang siguro matanggap ng stepmom ko na mas pinili ng Dad ko ang aking ina kaysa sa kanya kaya kung ano-anong masasamang salita ang ibinabato nito sa taong patay na. Napakawalang respeto. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon din ang ugali ng anak nito dahil nagmana ito sa kanya. "Watch your words, Mrs. Cervantes! Baka kapag magbago ang isip ko ay pakakasalan ko lamang si Raina ngunit hindi ko bibilhin ang nakatiwang-tiwang niyong lupa. Alam niyo na wala nang iba pa na bibili ng lupa niyo kapag nalaman nilang inayawan ko ito," mariing banta ni Evo sa aking madrasta. Biglang nanahimik si Minerva nang marinig ang sinabi ni Evo. Gusto ko sanang sagutin ang stepmom ko ngunit naunahan ako ni Evo na sagutin ito at nagustuhan ko ang sinabi nito kaya nanahimik na lang ako. "Stop it, Minerva! Wala tayong magagawa kundi sundin ang gusto ni Evo," saway ni Dad sa kanyang asawa. Lalong nadagdagan ang sama ng loob ko sa kanya dahil hindi man lang nito ipinagtanggol mula kay Minerva ang aking ina. "But, Dad! Hindi puwedeng—" Akmang magpo-protesta pa si Rina ngunit hindi ito pinansin ni Daddy, tumalikod ang aking ama at walang paalam na lumabas sa silid ko matapos akong tapunan ng masamang tingin. Hindi na rin nagtagal si Evo sa bahay namin. Umalis na rin ito para umuwi sa bahay nito. Ngunit bago ito umalis ay inilagay nito sa cellphone ko ang number ng cellphone nito para kung anuman ang mangyari ay agad ko siyang matatawagan. Ilang minuto pagkaalis ni Evo ay muling pumasok naman sa silid ko si Rina na galit na galit. "Walang hiya kang babae ka! Mang-aagaw ka ng lalaki! Dahil sa'yo ay hindi natuloy ang kasal namin ni Evo!" Dinuro ako ni Rina habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Huwag mo akong sisihin kung bakit hindi natuloy ang kasal niyo, Rina. Ikaw ang may kasalanan nito. Kung nanahimik ka na lang sana nang nalaman mong buntis ako ay hindi sana mangyayari ito. Wala naman akong balak na ipaalam kay Evo ang tungkol sa pagda-dalantao ko. Pero dahil masama ang ugali mo at gusto mo akong mapahiya kaya biglang bumalik sa'yo ang karma," sagot ko sa kanya. Ganoon talaga kaapg may binabalak kang masama sa ibang tao, bumabalik sa'yo ang karma. Lalong nanlisik ang mga mata ni Rina nang marinig ang sinabi ko. "Tandaan mo ito, Raina. Hindi ako papayag na matuloy ang kasal ninyong dalawa. Hangga't hindi pa kayo kasal ay may pag-asa pa ako. Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil—" Ibinitin ni Rina ang sasabihin nito at binigyan ako ng isang misteryosong ngiti bago lumabas sa aking silid. Hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinabahan sa kanyang banta. Nakaramdam ako ng takot sa posibleng gawin niya sa akin lalo na sa baby na nasa sinapupunan ko.Raina Hindi ko inaasahan na magiging bisita ko ngayong araw si Evo. Nagulat na lamang ako pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong siya pala ang kumakatok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nais ko siyang yakapin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon dahil baka maging katawa-tawa lamang ako. Pinapasok ko si Evo at pinaupo sa sofa. Hindi ko ipinahalata sa kanya na natutuwa akong makita siya. "Anong sadya mo sa akin? Bakit ka naparito?" tanong ko matapos maupo sa katapat nitong upuan. Sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula ng pisngi dahil sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw. "May kailangan ka ba sa akin o wala? Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Tila naman nahimasmasan si Evo nang marinig ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Napapitlag ako sa ginawa niya at agad na binawi mula sa kanya ang aking kam
Raina Mala-demonyo ang pagkakangisi ng pinuno ng mga rebeldeng NPA habang nakatitig sa akin. Nakasuot pa ako ng damit ngunit parang hubad na ako sa kanyang paningin. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin niya sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na magtagumpay siya sa masama niyang binabalak gawin sa akin. Mamamatay muna ako bago niya magawa ang gusto niya. "Halika, Sweetheart. Lumapit sa akin. Paligayahin mo ako ngayong gabi. At kapag nasiyahan ako ay palalayain ko ang isa sa dalawang nurse na bihag namin," nakangising pangungumbinsi nito sa akin. Akala yata nito ay kaya niyang paikutin ang ulo ko."Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinabi mo? Ang isang katulad mong demonyo at halang ang kaluluwa ay walang isang salita," mariing sagot ko sa kanya. Pasimpleng inikot ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kahit anong bagay na puwede kong ipanlaban sa kanya sakaling ipilit niya sa akin ang sarili niya."Well, tama ka. Wala nga akong isang salita.
Raina "Huwag mong isipin na porke't gusto kita at balak gawing asawa ko ay hindi kita kayang patayin," mariing wika sa akin ng pinuno. Muling hinawakan nito ng mariin ang mukha ko at ibinaling paharap sa kanya. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong mabuhay ay kailangan mong sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo." Mahapdi ang mga labi ko at nalalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig ko ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa pinuno. Gawin man niya akong asawa ay natitiyak kong papatayin pa rin niya ako kapag nagsawa siya sa katawan ko. Kaya bakit ako susunod sa mga sasabihin niya sa akin? "Kill me if you have balls," nakakuyom ang mga kamao sagot ko sa pinuno. Pabiglang binitiwan ng pinuno ng mga NPA ang mukha ko bago nilapitan ang isang miyembro nito at kinuha mula sa tagiliran nito ang isang matulis na patalim. Inisip ko na papatayin na ako ng pinuno kaya ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang ajing katapusan. Ngunit wala akong naramdaman na tumusok sa katawan
Raina Pang-apat na araw na ngayon sa araw na taning na ibinibigay ng pinuno para makapagbigay ng ramsom money ang aming mga pamilya. Tiyak na natawagan na nila ang mga number na isinulat ng bawat isa maliban sa akin. Dahil gaya ng sinabi ko ay wala naman silang tatawagan dahil ulila na ako ng lubos. "Sa tingin mo ay magbibigay ng twenty million si Sir Evo para sa ransom money nating dalawa?" Sa labis na pag-aalala ay hindi na nakatiis si Irene na mag-usisa kay Nissi. Ilang araw na lamang ay deadline na kaya naman masyadong anxious na hindi lamang si Irene kundi kaming lahat. "Don't worry, Irene. I believe Evo. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," buo ang loob na sagot ni Nissi kay Irene. Matibay siguro ang relasyon nina Nissi at Evo kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa boyfriend nito. "Hindi ko alam kung makakagawa ng paraan ang pamilya ko na makahanap ng sampung milyon. Masyadong malaki ang hinihinging pera ng mga NPA at natitiyak akong hirap na hirap na ngayo
RainaPasalamat ako na hindi ako pinatay ng mga NPA pagkatapos kong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi man nila ako pinatay ay nakatikim naman ako ng malakas na sampal nang hindi ko sinagot ang tanong nila kung nasaan ang kasama kong volunteer. Ang tinutukoy nilang kasama kong volunteer ay si Alexa.Ikinulong kami ng mga NPA sa loob ng isans silid sa bahay ng baranggay captain. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay magawang makatakas ni Alexa para makahingi siya ng tulong sa mga pulis."Ano ang gagawin natin ngayon? Tiyak papatayin nila tayo," umiiyak na tanong ng nurse na si Irene."Ang mga taong iyan ay halang ang mga kaluluwa. Hindi sila natatakot na pumatay ng tao. Kaya ihanda na lang natin ang mga sarili natin dahil tiyak na hindi nila tayo pakakawalan ng buhay," napapailing na komento ni Dr. Salazar. Alam kong takot din siya ngunit hindi niya ipinapakita sa amin ang takot na nararamdaman niya. Buo ang loob nito nang magtungo sa mapanganib na lugar na ito kaya tinanggap
Evo"What? Nag-volunteer si Raina para magtungo sa lugar kung saan nangyari anv lanslide?" Bigla akong napatayo nang marinig ko ang hatid na balita ni Pit. Palihim na pinabantayan ko sa kanila si Raina. Hindi ko kasi maintindihan ngunit masama ang kutob ko kay Mike. Maliban sa malayo ang probinsiya na pinuntahan nina Raina ay delikado rin ang lugar na iyon. Mga brutal ang mga NPA na naninirahan doon at wala silang pakialam kahit sino pa ang taong pinapatay nila. Nire-recruit nila ang mga taong takas mula sa bilangguan at mga taong pinaghahahanap ng batas. Hindi kasi madaling puntahan ang kanilang kuta dahil sa mahirap na lokasyon at terrain kaya perfect na pagtaguan ng mga kriminal."Hindi lang si Raina ng nag-volunteer, Sir Evo. Nakita namin na kasama rin si Nurse Nissi at dalawa pang doktor mula sa hospital ng pamilya mo," dagdag pagbabalita ni Pit."Shit! Kailangan kong magpunta sa lugar na iyon para ibalik sila ng ligtas sa siyudad." Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kah