Raina
Hindi lang sina Daddy, Mommy, at Rian ang na-shock sa sinabi ni Evo kundi pati ako. Hindi ko inaasahan na aaminin nito sa harapan ng tatlo ang tungkol sa sekreto namin. Nang sabihin ko sa kanya kanina na pag-iisipan ko ang sinabi niya ay parang inamin ko na tama ang hinala niya na siya ang ama ng anak ko. Bigla kasi akong natakot sa posible niyang gawin kapag natuklasan niyang totoo ang iniisip niya habang ako ay todo tanggi naman. Natakot ako sa banta niya. Bilyonaryo ang pamilya niya at marami silang koneksiyon kaya ano ang magiging laban ko sa kanya sakaling tangkain niyang ilayo sa akin ang anak ko matapos kong magsilang? "Are you crazy, Evo? Bakit mo naman aakuin ang batang nasa tiyan ni Raina gayong hindi naman talaga ikaw ang ama? At sa tingin mo ba ay papayag ako na akuin mo ang anak niya? No way?" mariing tutol ni Rina. Kung kanina ay natutuwa ang hitsura nito sa binabalak gawin ng ama namin sa baby ko ngayon naman ay madilim ang mukha nito at halatado ang malaking disgusto sa mukha nito. "Whether you like it or not, it doesn't matter to me," malamig na sagot ni Evo sa half-sister ko. "Of course, hindi ako papayag. Ako ang pakakasalan mo pero aakuin mo ang anak ng disgrasyada kong kapatid. Hindi ako papayag!" giit ni Rina. Kahit naman sinong babae ay talagang hindi papayag sa ganoong sitwasyon. Nakataas ang kilay na tinapunan ng tingin ni Evo ang aking ama na bahagyang napayuko at pagkatapos ay si Rina naman ang muling hinarap. "Your father didn't tell you that I already cancelled our engagement and the wedding?" Biglang napanganga ang mag-ina matapos marinig ang sinabi ni Evo. Napaiyak si Rina at nagpasaklolo aa kanyang ina. "Ayaw na akong pakasalan ni Evo, Mom. Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal namin. Do something, Mom," umiiyak na sabi ni Rina sa kanyang ina. Agad na niyakap ni Mommy, my stepmom si Rina at pinayapa. "Huwag kang mag-alala. Mom and Dad will fix this problem." Huminto sa pag-iyak si Rina at matalim na tumingin sa akin. "It's because of you kaya ayaw na akong pakasalan ni Evo. You're a slut! A whore just like your mom!" galit na galit na sigaw ni Rina habang dinuduro ako. Kung hindi lamang ako nanghihina ay nilapitan ko na siya at binigyan ng malakas na sampal. Insultuhin at hamakin na lang niya ako huwag lang aking ina na namayapa na. Patay na nga ito ay idadamay pa ito ni Rina sa kanyang galit sa akin. "Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal ninyo ng anak ko, Evo. May kasunduan kayo ni Edwardo na ibibenta niya sa'yo ang lupa na gusto mong bilhin kapalit ng malaking halaga at pagpapakasal mo sa anak ko," galit na paalala kay Evo ng stepmom ko. "I know. Ngunit wala naman nakasulat sa kontrata na hindi puwedeng palitan ang magiging bride ko. Puwede niyong huwag ipagbili sa akin ang lupa niyo. Ngunit sinisiguro ko na walang kahit sino ang bibili ng lupa g iyon hanggang sa mailit ito ng bangko na pinagkakautangan ng asawa mo. Alam ko na hindi iyon gagawin ng asawa mo dahil baon kayo sa utang. At ang pagpapakasal sa akin ni Rina ang magliligtas sa inyo. Kung si Raina ang pakakasalan ko ay wala pa ring mababago sa kontrata natin. Bibilhin ko ang lupa sa malaking halaga," mahabang paliwanag ni Evo sa mga kaharap nito. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila maliban sa parang wala na akong lakas pang magsalita kaya nanahimik na lamang ako. "Paano mo nasiguro na anak mo ang batang dinadala ni Raina?" Sa wakas ay nagsalita na ulit ang ama ko ngunit sa kontroladong tinig. "Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa inyo ang bagay na iyan, Mr. Cervantes. Sigurado akong anak ko ang batang dinadala ng anak mo," matatag ang boses na sagot ni Evo sa aking ama. "All you have to do is give me your eldest daughter." "No! Hindi ako papayag na si Raina ang pakasalan mo at sa halip na ako!" sigaw ni Rina kay Evo at pagkatapos ay dinuro ulit ako. "Ikaw ang may kasalanan nito, Raina! Malandi kang babae kagaya ng ina mo!" Nilapitan ako ni Rina at binigyan ng malakas na sampal sa mukha. Nanghihina ako dahil sa gamot na itinurok sa akin kaya naman nang bigyan ako ni Rina ng malakas na sampal ay bigla akong nalugmok sa sahig matapos akong mabitawan ng dalawang babaeng humahawak sa akin na parehong nabigla sa ginawa ng half-sister ko. "Raina!" Narinig ko ang ang-aalalang boses ni Evo bago umikot bigla ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay ngunit nang magising ako ay nasa loob na ako ng silid ko at nakahiga sa aking kama habang sa aking tabi ay nakaupo sa gilid ng kama si Evo at nakahawak sa isa kong kamay. "It's good that you're awake now. How are you feeling?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Bigla kong naalala ang gamot na itinurok sa akin ng dalawang babae kaya agad kong hinawakan ang tiyan ko. Nag-aalala ako na baka makaapekto ito sa pagbubuntis ko. "My baby," nangingilid ang mga luha na sabi ko sa mahinang boses. Although inaasahan ko na posibleng gawin ito ng ama ko ay ko hindi ko pa rin akalain na kaya talaga niyang ipapatay ang buhay na nasa tiyan ko kahit na kadugo niya ito. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas na siya. Pinapunta ko rito ang kaibigan ko g doktor at chineck up ka niya pati na rin ang baby sa tiyan mo. He said both of you are in good condition." "Akala ko ay magtatagumpay sila na alisin ng baby ko. I'm thankful that you came. Kung hindi ka dumating ay tiyak na nagtagumpay na sila sa masama nilang binabalak gawin." Tuluyang nalaglag sa gilid ng aking mga tainga ang mga luha sa aking mga mata. Sobrang helpless ang pakiramdam ko kanina ngunit nang makita ko si Evo ay nakaramdam ako ng pag-asa. Alam ko na hindi siya papayag na may masamang mangyari sa anak niya. "Thank you for saving my child, Evo." "Our child. The baby in your womb is our child," pagtatama nito sa sinabi ko. Hindi na lang ako kumibo dahil useless kong idi-deny ko pa sa kanya ang katotohanan. "Don't tell me you're still going to deny that the father of your baby is me?" tanong nito nang hindi ako kumibo. "Okay, fine. Tama ka. Ikaw nga ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Masaya ka na bang malaman ang totoo?" "Yes. I'm very happy," walang gatol na sagot nito. "This time, I will ask you properly this question, Raina. Are you willing to marry me now?" Napatitig ako sa mukha ni Evo na sobrang seryoso at pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa pulang kahita na inilabas nito mula sa bulsa ng suot nitong coat. It's a white gold wedding ring. A heart-shape ring with an amethyst stone in the middle which is my birthstone. Napakaganda at halatadong napakamahal ng ring. Ngunit ang tanong. Nakahanda ba akong pumasok sa isang marriage of convenience for the sake of my baby's safety? Paano kung pagkatapos kong manganak ay i-divorce ako ni Evo at ilayo sa akin ang anak ko kagaya ng kinatatakutan kong mangyari?Raina Hindi ko inaasahan na magiging bisita ko ngayong araw si Evo. Nagulat na lamang ako pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong siya pala ang kumakatok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nais ko siyang yakapin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon dahil baka maging katawa-tawa lamang ako. Pinapasok ko si Evo at pinaupo sa sofa. Hindi ko ipinahalata sa kanya na natutuwa akong makita siya. "Anong sadya mo sa akin? Bakit ka naparito?" tanong ko matapos maupo sa katapat nitong upuan. Sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ang mukha ko. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula ng pisngi dahil sa kanyang mga titig. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw. "May kailangan ka ba sa akin o wala? Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo dahil marami pa akong gagawin." Tila naman nahimasmasan si Evo nang marinig ang huling sinabi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Napapitlag ako sa ginawa niya at agad na binawi mula sa kanya ang aking kam
Raina Mala-demonyo ang pagkakangisi ng pinuno ng mga rebeldeng NPA habang nakatitig sa akin. Nakasuot pa ako ng damit ngunit parang hubad na ako sa kanyang paningin. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin niya sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na magtagumpay siya sa masama niyang binabalak gawin sa akin. Mamamatay muna ako bago niya magawa ang gusto niya. "Halika, Sweetheart. Lumapit sa akin. Paligayahin mo ako ngayong gabi. At kapag nasiyahan ako ay palalayain ko ang isa sa dalawang nurse na bihag namin," nakangising pangungumbinsi nito sa akin. Akala yata nito ay kaya niyang paikutin ang ulo ko."Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinabi mo? Ang isang katulad mong demonyo at halang ang kaluluwa ay walang isang salita," mariing sagot ko sa kanya. Pasimpleng inikot ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kahit anong bagay na puwede kong ipanlaban sa kanya sakaling ipilit niya sa akin ang sarili niya."Well, tama ka. Wala nga akong isang salita.
Raina "Huwag mong isipin na porke't gusto kita at balak gawing asawa ko ay hindi kita kayang patayin," mariing wika sa akin ng pinuno. Muling hinawakan nito ng mariin ang mukha ko at ibinaling paharap sa kanya. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong mabuhay ay kailangan mong sumunod sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo." Mahapdi ang mga labi ko at nalalasahan ko ang maalat na dugo sa bibig ko ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa pinuno. Gawin man niya akong asawa ay natitiyak kong papatayin pa rin niya ako kapag nagsawa siya sa katawan ko. Kaya bakit ako susunod sa mga sasabihin niya sa akin? "Kill me if you have balls," nakakuyom ang mga kamao sagot ko sa pinuno. Pabiglang binitiwan ng pinuno ng mga NPA ang mukha ko bago nilapitan ang isang miyembro nito at kinuha mula sa tagiliran nito ang isang matulis na patalim. Inisip ko na papatayin na ako ng pinuno kaya ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang ajing katapusan. Ngunit wala akong naramdaman na tumusok sa katawan
Raina Pang-apat na araw na ngayon sa araw na taning na ibinibigay ng pinuno para makapagbigay ng ramsom money ang aming mga pamilya. Tiyak na natawagan na nila ang mga number na isinulat ng bawat isa maliban sa akin. Dahil gaya ng sinabi ko ay wala naman silang tatawagan dahil ulila na ako ng lubos. "Sa tingin mo ay magbibigay ng twenty million si Sir Evo para sa ransom money nating dalawa?" Sa labis na pag-aalala ay hindi na nakatiis si Irene na mag-usisa kay Nissi. Ilang araw na lamang ay deadline na kaya naman masyadong anxious na hindi lamang si Irene kundi kaming lahat. "Don't worry, Irene. I believe Evo. Naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," buo ang loob na sagot ni Nissi kay Irene. Matibay siguro ang relasyon nina Nissi at Evo kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa boyfriend nito. "Hindi ko alam kung makakagawa ng paraan ang pamilya ko na makahanap ng sampung milyon. Masyadong malaki ang hinihinging pera ng mga NPA at natitiyak akong hirap na hirap na ngayo
RainaPasalamat ako na hindi ako pinatay ng mga NPA pagkatapos kong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi man nila ako pinatay ay nakatikim naman ako ng malakas na sampal nang hindi ko sinagot ang tanong nila kung nasaan ang kasama kong volunteer. Ang tinutukoy nilang kasama kong volunteer ay si Alexa.Ikinulong kami ng mga NPA sa loob ng isans silid sa bahay ng baranggay captain. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay magawang makatakas ni Alexa para makahingi siya ng tulong sa mga pulis."Ano ang gagawin natin ngayon? Tiyak papatayin nila tayo," umiiyak na tanong ng nurse na si Irene."Ang mga taong iyan ay halang ang mga kaluluwa. Hindi sila natatakot na pumatay ng tao. Kaya ihanda na lang natin ang mga sarili natin dahil tiyak na hindi nila tayo pakakawalan ng buhay," napapailing na komento ni Dr. Salazar. Alam kong takot din siya ngunit hindi niya ipinapakita sa amin ang takot na nararamdaman niya. Buo ang loob nito nang magtungo sa mapanganib na lugar na ito kaya tinanggap
Evo"What? Nag-volunteer si Raina para magtungo sa lugar kung saan nangyari anv lanslide?" Bigla akong napatayo nang marinig ko ang hatid na balita ni Pit. Palihim na pinabantayan ko sa kanila si Raina. Hindi ko kasi maintindihan ngunit masama ang kutob ko kay Mike. Maliban sa malayo ang probinsiya na pinuntahan nina Raina ay delikado rin ang lugar na iyon. Mga brutal ang mga NPA na naninirahan doon at wala silang pakialam kahit sino pa ang taong pinapatay nila. Nire-recruit nila ang mga taong takas mula sa bilangguan at mga taong pinaghahahanap ng batas. Hindi kasi madaling puntahan ang kanilang kuta dahil sa mahirap na lokasyon at terrain kaya perfect na pagtaguan ng mga kriminal."Hindi lang si Raina ng nag-volunteer, Sir Evo. Nakita namin na kasama rin si Nurse Nissi at dalawa pang doktor mula sa hospital ng pamilya mo," dagdag pagbabalita ni Pit."Shit! Kailangan kong magpunta sa lugar na iyon para ibalik sila ng ligtas sa siyudad." Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari kah