Home / Romance / Unofficially Yours / Chapter 2 - Bestfriends Forever

Share

Chapter 2 - Bestfriends Forever

Author: Neknek
last update Last Updated: 2024-05-14 16:54:01

“Grabe, tumutulo ang laway mo!” ginising sya ni Joaquin ng tapik sa pwetan nya, pagkuway naupo ito ulit sa harap ng kanyang Macbook Pro.

Hindi nya maidilat ang mga mata nya sa puyat. Sinipat nya ng isang mata ang suot na relo, mag-a-alas-sais pa lang. Dalawang oras palang yata ang naitutulog nya.

“Ang aga naman ng ka-meeting mo,” pupungas-pungas nyang sabi.

“EST ang timezone ni Chairman eh.”

Ang Chairman na tinutukoy nito ay ang Lolo nito na nakabase na sa Amerika. “Buti nagkasya ang mahahabang mong binti sa sofa? Bakit hindi ka sa sofa bed mo sa kwarto natulog?”

“Ano’ng gusto mo, threesome tayo ng babae mo?” sabay irap nya sa kaibigan.

Napahalakhak si Joaquin, “kung gusto mo lang! Sino ba naman ako para tumanggi?”

“E kung kutusan kita d’yan?”

Lalong itong napabunghalit ng tawa naging sa reaksyon nya.

“Teka, nasa’n na pala ‘yung babae?” nilinga-linga nya ang paligid. Wala na rin ang mga kalat na nadatnan nya noong dumating sya kanina.

“Hmm, ‘nga pala,” nagbago ang tono ni Joaquin, “I’ll move out on Wednesday, tulungan mo ‘ko. Wala ka namang pasok no’n di ba? Wala akong ibang araw na free, tambak na ang gagawin ko sa opisina. Andami kong gamit na ididispatsa, iuwi mo ‘yung iba kung gusto mo. ‘Yung mga gamit mo pa naipon na rito, ililipat lahat ‘yan sa penthouse.” tuloy-tuloy na saad nito, hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatuon sa kanyang laptop.

“Nabenta mo na ‘tong unit agad??? Kagabi mo lang ‘yun sinabi ah!” ang gulat nya sa binalita ni Joaquin.

“Akala ko nakita mo ‘yung babae kagabi? ‘Yung agent ‘yon. Sya na raw ang bahala,” pailing-iling pa ito habang nakangisi na tila may naalala sa nangyari sa kanila ng ahente kagabi, “sabi na nga ba, deads na deads sa ‘kin ‘yung isa na ‘yon eh.”

Napaismid na naman sya sa kahambugan ng kaibigan, “may bagyo ba ngayon? Ba’t anlakas ‘ata ng hangin?” umikot ang kanyang mga mata.

“Magkape ka nga muna! Napakasungit mo.” Laughing trip si Joaquin ngayong umaga na ito.

Hinila nya ang mabigat na katawan patayo sa sofang hinigaan nya. “Maliligo na muna ako. May pasok pa ‘ko eh. Pahiram ng tuwalya.”

“May nakasabit d’yan sa loob.”

“Ayoko no’n, gusto ko ‘yung bago. Baka mamaya kung sa’n mo pa ‘yon pinunas eh.”

“Ang arte mo naman,” bumungisngis si Joaquin, “ano ba’ng meron ngayon at dumoble ‘ata ang katarayan mo? ‘Lika dito, magkape ka nga muna kase.”

Nagsalin sya ng brewed coffee na nasa coffee maker sa sarili nyang pink na coffee mug saka naupo sa harap ng kaibigan na busy sa kakatipa sa kanyang laptop. Puyat at puno ang utak nya sa dami ng iniisip.

+++++

Binasa nya ang text ni Joaquin pagbaba nya ng tricycle pauwi sa bahay nila.

'Nasa’n ka? Call me pag-uwi mo.'

Napanguso sya. ‘Ano naman kayang problema no'n?’

Pagpasok nya sa bahay nila ay nakita nya ang kanyang Nanay na nananahi ng kurtina sa kanyang lumang makinang panahi.

“‘Kala ko masakit ang kamay nyo, bakit nananahi pa kayo?” nagmano sya kay Nanay Elsa.

“Eh no’ng nakaraang linggo pa ‘to binabalik-balikan ni Mareng Amy, baka mamaya magalit na ‘yon. Madali lang naman ito,” sagot ng Nanay nya habang naggugupit ng tela. “Kumusta naman ang lakad mo kagabi?”

“Ayos naman po, ‘Nay. Eto nga po, nakabili rin ako ng gamot nyo, may pambayad na rin tayo ng tubig,” inilapag nya ang pinamili at pera sa lamesa. “Nasa’n po si Jim?”

“Andyan lang ‘yon sa labas, kasama ng barkada nya. Kumain ka na para makapagpahinga, mukhang marami yatang pina-compute ang Professor mo ngayon, puyat na puyat ka,” hinaplos ng pasmadong kamay ng Nanay nya ang kanyang mukha.

“Oo nga po eh, madaling-araw na po kami natapos,” pagsisinungaling nya.

Sa edad na kwarenta y nuebe ay ginupo na ng karamdaman ang katawan ni Nanay Elsa. Mula nang mamatay ang kanilang ama sa aksidente ay mag-isa lang itong tumataguyod sa kanilang magkapatid, kaya naman ginagawa nya ang lahat para makatulong sya sa mga gastusin sa bahay, lalo na ngayong naggagamot na ito sa sakit na diabetes at hypertension.

“Kumain na po ako sa school bago ako umuwi. Gagawa lang po muna ako ng assignment, kumain na lang din po kayo pagkatapos nyo d’yan,” paalam nya sa kanyang Nanay saka umakyat na ng kwarto.

+++++

Kasalukuyan syang nalulunod sa dami ng kanyang sinusulat nang mag-ring ang cellphone nya.

Si Joaquin.

“Wala akong load,” aniya pagkasagot nya ng tawag nito.

“Pren, ‘yung cheke nga pala pinagawa ko na lang as pay to cash, ikaw na mag-encash.”

“Bakit ako??!” kumunot ang noo nya.

“Eh sino pa ba? Alangang sa sekretarya ko eh ikaw lang ang inaasahan ko sa mga personal affairs ko. Kuhanin mo na ‘yung butal para hindi ka laging walang load tska allowance mo na ‘yung iba para sa abala ko sa ‘yo,” sagot ng lalake na wari ay hingal na hingal.

“‘Wag na no! May pera naman ako. Marami lang akong ginagawa ngayon kaya hindi ako nakalabas para magpa-load,” pagsisinungaling nya. Pero sakto na lang talaga ang pera para sa pamasahe nya bukas pagpasok sa school. Naibili na nya lahat ang perang kinita nya noong nakaraang gabi at wala pa ring tawag si Jane kung mayroon ba silang mapagkakakitaan ngayon.

“‘Sus, sige na busy ako.” Pinatayan na sya ni Joaquin ng cellphone.

“Hay nako, may kasama na naman sigurong babae kaya hinihingal,” napasimangot sya.

+++++

Wala pang isang oras ang nakakalipas nang mag-ring na naman ang cellphone nya. Padabog nyang inabot ito sa pinaghagisan nya sa kama.

“Paano ba naman ako matatapos sa ginagawa ko kung tawag ka nang tawag??!” singhal nya.

“Hello siiiis! Good news!” excited nitong sabi, tila hindi napansin ni Jane ang bungad nya nang sagutin nya ang cellphone.

“Ay sorry, ‘kala ko si ano,” inasahan nyang si Joaquin na naman ang makulit na nagpa-ring ng cellphone nya, “buti napatawag ka na, tatawag na ‘ko sana sa ‘yo eh.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unofficially Yours   Chapter 152 - Kulit

    Kasalukuyan syang nakatayo sa nakabukas na sliding panel door at nakatanaw sa pink na convertible nang malingon sya sa direksyon ng boses ng babaeng bumati sa kanya. “Wow! You’re so dashing, hon! You don’t fail to sweep me off my feet,” puri ng nakangiting babaeng naglalakad na patungo sa kanya na animo’y nasa fashion runway. “Hm, flopped ba ang party? Konti lang ang tao,” puna nya sa iilan-ilang guests na naroroon sa malawak na garden at ini-enjoy ang tugtugan ng Latin band. “Well, today’s Christmas. Most of the people are spending time with their families. But I’m still expecting a few persons on the list na nakapag-RSVP. So we’ll just have to wait a little longer,” ani Jessica habang chini-check ang mga listahan ng mga pangalan sa bitbit nyang iPad. "Your Mamá doesn't care much, kasi masaya na sya sa pakikipagkwentuhan nya sa mga amiga nya na naririto na.” Hindi na sya umimik at ibinaling muli ang tingin sa kotseng nasa labas. Kanina pa nya binubuo sa kanyang isip kung paano

  • Unofficially Yours   Chapter 151 - The Outsiders

    “Lasing ka na agad, Tiyago?” sita nyang napapahalukipkip sa pamumula ng tisoy na mukha at leeg ng bunsong kapatid nina Joaquín. “Hindi pa, ‘no! Konti palang nainom ko, pwede pa nga tayong magsayaw mamaya eh.” Napasigaw sya nang bigla sya nitong buhatin. “Oist! Ano ba?!” hampas nya sa balikat nito kaya ibinaba rin sya nito agad.“Buntis si Ate Abby,” anas ng medyo nagigitlang si Helena sa kakulitan ni Santiago.“I don’t know but I’m kind of skeptical about it,” kinibit pa nito ang balikat.Inirapan lang ang pagdududa ni Santiago at pinuna ang suot nitong gray na ternong university hoodie at jogging pants. “Hindi ka magbihis ng naaayon sa theme ng party? Kapag nakita ka ng Mamá mo baka magalit ‘yun sa ‘yo,” tinapik nya ang kamay ni Santiago nang ang kulitin naman nito ay ang bulaklak sa kanyang buhok.“Magalit na lang sila kung magagalit sila, nagpapakasaya lang ako. ‘Yun naman ang true meaning ng mga party, ‘di ba? Ang mag-enjoy, uminom at sumaya,” Nalubog sya sa jacket nito nang yaka

  • Unofficially Yours   Chapter 150 - Sis-in-law Bonding

    Pagbukas nya ng pinto ay napaatras sya nang makita si Helena at ang haggard nitong itsura. Agad syang nakaramdam ng guilt na hindi man lang sya nakatulong dito sa pag-aasikaso sa baba.“Helena? Bakit hindi ka kumakatok? Para kang multo d’yan. Halika, pumasok ka.”“Ate, bababa ka na ba? Sorry ha, kakapalan ko na ‘tong mukha ko. Manghihiram sana ako ng lipstick, baka mayroon kang extra. Wala kasi akong dala.” Matamlay pati ang tinig nito. Halatang-halata ang pagod ng asawa ni Iñigo sa maghapong pagtulong sa kusina.“Meron. Marami,” dinala nya si Helena sa 4-seater na lamesa at binuksan sa harap nito ang kanyang makeup box. “Ito oh. Gusto mo makeup-an kita?” “Hindi po. Marunong ako,” sagot nito. “Sige na, help yourself, hihintayin kita makatapos tapos sabay na tayong bumaba,” ngiti nya. Inumpisahan agad ni Helena ang kanyang pagme-makeup. Inabala naman nya ang kanyang sarili sa pagre-reply ng mga text message ng pampaskong pagbati na natanggap nya sa mga kaklase at kaibigan. Ngumuso sy

  • Unofficially Yours   Chapter 149 - Extra Everything (SSPG)

    Marahan nyang hinawakan ang banat na banat na katawan ng eight inches nitong masel at hinalik-halikan ang ulo nito. ‘Parang sumusubo ng lollipop o kumakain ng ice cream na patunaw na. Smooth lang dapat ang hagod. Labi lang at dila. H’wag mong sasamahan ng ngipin kahit gaano ka pa kagigil. H'wag mo ring hihigpitan ng hawak. Hindi mo kelangang isubo lahat, ‘yung kaya mo lang kesa maduwal ka at ma-turnoff,’ naririnig nya sa kanyang isip ang free lecture ng kaklase nyang babae nang minsang nagbida ito tungkol sa ginagawa nito sa kanyang nobyo. At talaga nga namang manggigigil ka, lalo na kung maririnig mo pa sa taong mahal na mahal mo ang mahihinang usal at ang malalalim at sunud-sunod na paghinga nito habang hinahaplos-haplos ang iyong buhok at mataman lang na nakatingin sa iyong ginagawa—tulad na lang ni Joaquín ngayon. “Hm… that feels fucking nice,” bulong ni Joaquín sabay unat ng mga hita nito nang ipasada nya ang kanyang dila ang mula sa puno ng malaki nitong nota hanggang sa

  • Unofficially Yours   Chapter 148 - Kakain at Kakain (SPG)

    Dapit-hapon na nang magising syang nakaakbay si Joaquín sa kanya at nakaunan sya sa balikat nito. Nangiti sya, kaya siguro ang haba ng naitulog nya kasi kumportable ang pagkakahiga nya. Tiningnan nya ang walang suot na pantaas na lalakeng katabi nya na mahimbing pang natutulog. Hindi man lang nya namalayan ang pagtabi nito sa kanya. Naroroon sa side drawer ang tray ng pagkaing may takip. Nakita nyang nakabukas pa ang Macbook nito sa lamesa katabi ng bestidang iniwan ni Jessica. Siguro’y inusisa ito ni Joaquín nang makita dahil naiba ang pagkakasampay nito sa upuan. Sa tagal ng panahon, ngayon lang si Joaquín natulog ng may araw pa. Paano’y lagi itong busy kaya hindi na nito nagagawang makapag-siesta. Nasa bakasyon naman sya ngayon, kaya okay lang matulog sya maghapon. ‘Ang pogi talaga,’ isip-isip nya. Pinasadahan nya ng daliri ang baba nitong bahagya nang magaspang sa tumubo nang balbas. Siguro’y kung hindi ito magse-shave ay magma-mature nang konti ang itsura nito—pero gwapo pa r

  • Unofficially Yours   Chapter 147 - Imbyerna

    Nakakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang paglangitngit pabukas ng pinto ng kwarto. “Mahal ko? Ngayon palang ako nakakaidlip…” bulong nya sabay sipat nya sa gawi ng pintuan. Dagli syang napaupo sa kama nang ang babaeng kinaiinisan nya ngayon ang nakita nyang pumasok sa pinto. Ngiting-ngiti ito sa kanya at may dala pang dalawang box na inilapag nito sa lamesa. “Hi, Abby! Are you sleeping? The door isn't locked kaya pumasok na ‘ko.” Napagdesisyunan nyang magpaka-casual. Pasko ngayon at na-stress na sya nang todo-todo kanina. At isa pa, wala naman talaga itong ginagawang masama sa kanya. Wala syang dapat ikagalit at hinding-hindi rin nya kailangang magselos. Walang rason para magselos. “Ah oo, patulog na sana ako eh... Ano ‘yang dala mo?” “Your flamenco dress and black sandals, pinabili ng Mamá n’yo sa ‘kin sa Manila. Tig-isa kayo ng hipag mo. I hope I got your size correct. This color suits you well since hindi ka naman kaputian,” ipinakita nito ang kabuuan ng kulay puti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status