Home / Romance / Unofficially Yours / Chapter 3 - The French Bar Maid’s Knight in Shining Armor

Share

Chapter 3 - The French Bar Maid’s Knight in Shining Armor

Author: Neknek
last update Huling Na-update: 2024-05-14 16:57:05

“Ano, push ka ba? Malinis na 15k ‘yun sis!” excited na ibinalita ni Jane ang raket na nasagap nya.

Buti na lang at tumawag na ito dahil hindi na naman sya patutulugin ng kakaisip nya kung saan sya hahanap ng pang-matrikula. Kinausap na sya kanina ng registrar ukol sa kanyang lumalaking utang na kailangan muna nyang mabawasan bago sya maaaring makakuha ng final exam. Kaso parang hindi naman sya kumporme sa raket na nakuha nito.

Private party ang tinuran ng kaibigan. Sa salitang ‘private’ palang nagdalawang-isip na sya. Mula raw sa isang dating katrabaho ni Jane ang raket na iyon. Ibig lang sabihin ay wala silang service van at bodyguard na makakasama dahil hindi galing sa Madame Gracia nito ang tawag.

“Magse-serve lang daw ng drinks ang gagawin, sis!” dagdag nito nang hindi sya nakapagsalita, “mayayaman ang mga invitees. Mga pulitiko at mga negosyante, for sure pangmalakasan ang tip do’n!”

“Ewan ko lang sis ha,” hininaan pa nyang lalo ang boses nya at baka marinig sya ng nanay nya at kapatid na nakahiga na sa sahig ng kwarto, “hindi ba delikado?“ Nakakabalita pa naman sya noon ng masasamang pangyayari sa mga private parties ng mga mayayaman.

“Praning lang, sis? ‘Kala ko need mo ng pera? Pagkatapos na pagkatapos ng party ay ibibigay na sa atin ‘yung bayad, oh di ba? Ano ba’ng naiisip mong pwedeng mangyari sa ‘tin do’n?”

Napaisip sya. Ito ‘yung point na kumakapit na naman sya sa patalim para mairaos ang problema nya sa pera. Maraming pagkakataon naman na nagkakasama sila ni Jane sa mga sideline pero sa awa ng Diyos ay wala naman nangyari pang kakaiba sa kanila. Hindi rin sya iniwan nito kahit isang beses.

“Si-sige, basta ha, ‘yung plano gano’n pa rin. Kapag nagkagipitan, ‘wag mo ‘kong iiwanan,” ni-remind nya ang kaibigan.

“Oo naman, sister. Sabay tayong tatalon sa pader!” hagikhik nito.

+++++

Sabado ng hapon. Maaga ng isang oras sa mismong party ang call time nila.

Tinuwid nya ng kamay ang skirt na suot. Walo silang mga babae na pare-parehong naka-French maid costume, may kasama itong half-face mask na susuotin din nila para maitago ang kanila ang kanilang mukha.

“Eto oh,” binigyan sya ng isang babae ng tissue, sabay hinapit paakyat ang malulusog nyang dibdib. Lalo itong bumukol sa ibabaw ng kanyang masikip na suot, “i-blot mo sa cleavage mo,” napansin siguro nito na pinagpapawisan sya. Paano’y bukod sa mainit sa katawan at masikip na parang plastic leather ang suot nila ay hindi sya inaalisan ng kaba lalo na ng sabihin ng organizer na maging magiliw sa lahat ng oras sa mga guests at huwag na huwag sasabihin sa kahit kanino ang pangalan nila.

“5 hrs lang ‘to, pagkatapos nito 15k agad-agad, sis,” pinisil ni Jane ang kamay nya. Huminga sya nang malalim baka sakaling mabawasan ang pagtatahip ng dibdib nya.

May 40-50 guests na hinihintay ang organizer ng private party na iyon. Na-excite syang makita na pawang mga prominenteng tao na nakikita nya lang sa TV at dyaryo ang naririto. Mga batang pulitiko, celebrities, at mga businessmen ang nagtipon-tipon sa event. Inayos nya ang pagkakatabing ng mask sa kanyang mukha saka muling naglakad.

Nagitla sya nang may biglang pumalo sa kanyang pwetan. Hinarap nya ito at inalok ng natitirang alak sa bitbit na tray.

“Drinks, sir?”

“Great ass,” nakakalokong ngisi ng lalake. Kilalang pulitiko ang lalake na madalas mapabalita sa TV sa mga ginagawang community service nito.

‘G*go!’ minura nya ito sa isip.

Pumikit sya, saka huminga nang malalim. ‘15k, Abegail, saglit na lang makakauwi ka na,’ minotivate nya ang sarili at nagpatuloy sa pagrampa nya dala ang tray.

Lumalalim na ang gabi nang makita nya ang pamilyar na mukhang nakaupong mag-isa sa may pool area.

“Shit! Si Joaquín!” natigilan sya sa paglalakad. Pininahan sya ni Jane nang mapansing napako sya sa kinatatayuan.

“Sis, akyat tayo,” bulong nito. Dagli naman syang sumunod sa kaibigan para maiwasan na rin na magkadaupang-palad sila ng bestfriend.

Sumunod sa kanila ang lalakeng humampas sa kanya kanina.

“Hey,” hinarang ng lalake ang katawan nito sa daraanan nya.

“You need drinks, sir?”

“Can you give me something better?”

Kinorner sya nito sa isang sulok. Hinawakan sya nito sa kanyang bewang habang ang isang kamay ay nakatukod sa pader sa kanyang likuran.

“What’s your name?” amoy na amoy nya ang scotch na ininom nito, pinadaloy ng lalake ang kamay nito mula sa kanyang bibig papunta sa namumutok nyang cleavage, sabay pisil sa kanyang kaliwang dibdib.

Kinilabutan ang buong katawan nya sa gulat at takot. Tinakpan nya ng isang kamay ang kanyang harapan nang idikit pa ng lalake ang katawan nito sa kanya.

“I-i can’t tell you m-mine, unless you tell y-yours,” kandautal sya sa kaba. Naalala nyang binilin ng organizer na huwag sasabihin ang pangalan nila.

“You don’t know me?” mala-satanas ang ngisi ng lalake, “mas maganda ‘yang hindi mo ako kilala, well, I can show you,” bigla syang siniil nito ng halik, nabitawan nya ang dalang tray. Gumulong ang lamang mga baso sa sahig. Nagkandauntog sya sa sinasandalang pader sa kakaiwas sa mga halik nito habang tinutulak ang lalake sa pagkakadiin ng katawan nito sa kanya.

Lalo syang binalot ng takot nang madama nya ang matigas na bahagi ng katawan nito na tumutukod sa puson nya.

“S-top, stop it, please,” mahinang sambit nya sa pagitan ng mga halik nito sa kanyang bibig.

“Stop? Ooh, I like that, gusto ko ‘yung medyo nanlalaban.” Napipiglas sya nang umpisahan ng lalakeng halikan ang kanyang leeg. Hinahanap nya sa likod nito si Jane para magpasaklolo pero hindi nya makita ang babae.

“Brod, parang ayaw yata eh.”

Narinig nya ang boses ni Joaquín na papalapit sa kanila.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Unofficially Yours   Chapter 152 - Kulit

    Kasalukuyan syang nakatayo sa nakabukas na sliding panel door at nakatanaw sa pink na convertible nang malingon sya sa direksyon ng boses ng babaeng bumati sa kanya. “Wow! You’re so dashing, hon! You don’t fail to sweep me off my feet,” puri ng nakangiting babaeng naglalakad na patungo sa kanya na animo’y nasa fashion runway. “Hm, flopped ba ang party? Konti lang ang tao,” puna nya sa iilan-ilang guests na naroroon sa malawak na garden at ini-enjoy ang tugtugan ng Latin band. “Well, today’s Christmas. Most of the people are spending time with their families. But I’m still expecting a few persons on the list na nakapag-RSVP. So we’ll just have to wait a little longer,” ani Jessica habang chini-check ang mga listahan ng mga pangalan sa bitbit nyang iPad. "Your Mamá doesn't care much, kasi masaya na sya sa pakikipagkwentuhan nya sa mga amiga nya na naririto na.” Hindi na sya umimik at ibinaling muli ang tingin sa kotseng nasa labas. Kanina pa nya binubuo sa kanyang isip kung paano

  • Unofficially Yours   Chapter 151 - The Outsiders

    “Lasing ka na agad, Tiyago?” sita nyang napapahalukipkip sa pamumula ng tisoy na mukha at leeg ng bunsong kapatid nina Joaquín. “Hindi pa, ‘no! Konti palang nainom ko, pwede pa nga tayong magsayaw mamaya eh.” Napasigaw sya nang bigla sya nitong buhatin. “Oist! Ano ba?!” hampas nya sa balikat nito kaya ibinaba rin sya nito agad.“Buntis si Ate Abby,” anas ng medyo nagigitlang si Helena sa kakulitan ni Santiago.“I don’t know but I’m kind of skeptical about it,” kinibit pa nito ang balikat.Inirapan lang ang pagdududa ni Santiago at pinuna ang suot nitong gray na ternong university hoodie at jogging pants. “Hindi ka magbihis ng naaayon sa theme ng party? Kapag nakita ka ng Mamá mo baka magalit ‘yun sa ‘yo,” tinapik nya ang kamay ni Santiago nang ang kulitin naman nito ay ang bulaklak sa kanyang buhok.“Magalit na lang sila kung magagalit sila, nagpapakasaya lang ako. ‘Yun naman ang true meaning ng mga party, ‘di ba? Ang mag-enjoy, uminom at sumaya,” Nalubog sya sa jacket nito nang yaka

  • Unofficially Yours   Chapter 150 - Sis-in-law Bonding

    Pagbukas nya ng pinto ay napaatras sya nang makita si Helena at ang haggard nitong itsura. Agad syang nakaramdam ng guilt na hindi man lang sya nakatulong dito sa pag-aasikaso sa baba.“Helena? Bakit hindi ka kumakatok? Para kang multo d’yan. Halika, pumasok ka.”“Ate, bababa ka na ba? Sorry ha, kakapalan ko na ‘tong mukha ko. Manghihiram sana ako ng lipstick, baka mayroon kang extra. Wala kasi akong dala.” Matamlay pati ang tinig nito. Halatang-halata ang pagod ng asawa ni Iñigo sa maghapong pagtulong sa kusina.“Meron. Marami,” dinala nya si Helena sa 4-seater na lamesa at binuksan sa harap nito ang kanyang makeup box. “Ito oh. Gusto mo makeup-an kita?” “Hindi po. Marunong ako,” sagot nito. “Sige na, help yourself, hihintayin kita makatapos tapos sabay na tayong bumaba,” ngiti nya. Inumpisahan agad ni Helena ang kanyang pagme-makeup. Inabala naman nya ang kanyang sarili sa pagre-reply ng mga text message ng pampaskong pagbati na natanggap nya sa mga kaklase at kaibigan. Ngumuso sy

  • Unofficially Yours   Chapter 149 - Extra Everything (SSPG)

    Marahan nyang hinawakan ang banat na banat na katawan ng eight inches nitong masel at hinalik-halikan ang ulo nito. ‘Parang sumusubo ng lollipop o kumakain ng ice cream na patunaw na. Smooth lang dapat ang hagod. Labi lang at dila. H’wag mong sasamahan ng ngipin kahit gaano ka pa kagigil. H'wag mo ring hihigpitan ng hawak. Hindi mo kelangang isubo lahat, ‘yung kaya mo lang kesa maduwal ka at ma-turnoff,’ naririnig nya sa kanyang isip ang free lecture ng kaklase nyang babae nang minsang nagbida ito tungkol sa ginagawa nito sa kanyang nobyo. At talaga nga namang manggigigil ka, lalo na kung maririnig mo pa sa taong mahal na mahal mo ang mahihinang usal at ang malalalim at sunud-sunod na paghinga nito habang hinahaplos-haplos ang iyong buhok at mataman lang na nakatingin sa iyong ginagawa—tulad na lang ni Joaquín ngayon. “Hm… that feels fucking nice,” bulong ni Joaquín sabay unat ng mga hita nito nang ipasada nya ang kanyang dila ang mula sa puno ng malaki nitong nota hanggang sa

  • Unofficially Yours   Chapter 148 - Kakain at Kakain (SPG)

    Dapit-hapon na nang magising syang nakaakbay si Joaquín sa kanya at nakaunan sya sa balikat nito. Nangiti sya, kaya siguro ang haba ng naitulog nya kasi kumportable ang pagkakahiga nya. Tiningnan nya ang walang suot na pantaas na lalakeng katabi nya na mahimbing pang natutulog. Hindi man lang nya namalayan ang pagtabi nito sa kanya. Naroroon sa side drawer ang tray ng pagkaing may takip. Nakita nyang nakabukas pa ang Macbook nito sa lamesa katabi ng bestidang iniwan ni Jessica. Siguro’y inusisa ito ni Joaquín nang makita dahil naiba ang pagkakasampay nito sa upuan. Sa tagal ng panahon, ngayon lang si Joaquín natulog ng may araw pa. Paano’y lagi itong busy kaya hindi na nito nagagawang makapag-siesta. Nasa bakasyon naman sya ngayon, kaya okay lang matulog sya maghapon. ‘Ang pogi talaga,’ isip-isip nya. Pinasadahan nya ng daliri ang baba nitong bahagya nang magaspang sa tumubo nang balbas. Siguro’y kung hindi ito magse-shave ay magma-mature nang konti ang itsura nito—pero gwapo pa r

  • Unofficially Yours   Chapter 147 - Imbyerna

    Nakakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang paglangitngit pabukas ng pinto ng kwarto. “Mahal ko? Ngayon palang ako nakakaidlip…” bulong nya sabay sipat nya sa gawi ng pintuan. Dagli syang napaupo sa kama nang ang babaeng kinaiinisan nya ngayon ang nakita nyang pumasok sa pinto. Ngiting-ngiti ito sa kanya at may dala pang dalawang box na inilapag nito sa lamesa. “Hi, Abby! Are you sleeping? The door isn't locked kaya pumasok na ‘ko.” Napagdesisyunan nyang magpaka-casual. Pasko ngayon at na-stress na sya nang todo-todo kanina. At isa pa, wala naman talaga itong ginagawang masama sa kanya. Wala syang dapat ikagalit at hinding-hindi rin nya kailangang magselos. Walang rason para magselos. “Ah oo, patulog na sana ako eh... Ano ‘yang dala mo?” “Your flamenco dress and black sandals, pinabili ng Mamá n’yo sa ‘kin sa Manila. Tig-isa kayo ng hipag mo. I hope I got your size correct. This color suits you well since hindi ka naman kaputian,” ipinakita nito ang kabuuan ng kulay puti

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status