Share

CHAPTER TWENTY THREE

NAKITA na lamang na kinakausap ni Varun ang dalawang security guard na lumapit dito. May sinabi ito saka siya nito itinuro sa dalawa na agad tumango.

Maya-maya'y tuluyan hinawi ng mga ito ang estudyanteng nagpipilit pa rin na lapitan si Varun.

Nagulat na lamang siya ng tumigil ang dalawang security guard sa may harap niya.

"Tara na ma'am Pamela, i-co-cover na lang ho namin kayo palapit kay Sir Sebastian."

Tumango na lamang si Pamela at sumabay na siyang maglakad sa dalawang guwardiya na binibigyan siya ng seguridad para hindi maipit sa mga estudyanteng nakapalibot sa asawa nito.

Nang makalapit si Pamela ay agad na siyang kinabig palapit ni Varun sa katawan nito. Inakbayan na siya nito habang naglalakad sila palapit sa kotse ng lalaki. Hanggang sa mabuksan at makasakay silang parehas ay nanatiling pinagkakaguluhan si Varun. Ang ilan ay nagtataka kung sino si Pamela rito.

"Okay ka lang?"tanong ni Varun sa asawa matapos
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status