Share

CHAPTER FOURTY TWO

     MANAKA-NAKANG iminulat ni Pamela ang mata, iinot-inot siyang bumangon sa kamang kinahihigaan. Nanatili lang naman na nakapikit ang mata niya, pakiramdam niya ay wala siyang kagana-gana maski buksan iyon. Pero hindi naman pwe-pwedi, paano niya makikita ang paligid niya kapag hindi niya minulat iyon.

"Manang Anita! Ate Camella! Amanda Veron!"Sunod-sunod na pagtawag ni Pamela sa pangalan ng mga ito. Matapos niyang makaupo sa kama. Nanatili pa rin siyang nakatungo dahil sobrang bigat pa rin ng ulo niya ng mga sandaling iyon dahil lang naman sa nainom niya kagabi. Hindi na niya mabilang kung nakailan siya.

"Saan ba sila nagpunta?"tanong ni Pamela nang nanatili na walang tumutugon sa pagtatawag niya. Nagtaka rin siya dahil sobrang tahimik. Tuluyan na siyang bumangon kahit na nangangatog pa ang magkabilang binti niya.

Hinawakan na niya ang seradura ng pinto at ipinihit iyon pabukas, pagkalabas nga niya ng silid ay sinalubong siya ng mas lalo pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status