Share

Chapter 19

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito, mula sa Messenger ang notification na ‘yon. Kinuha ko sa dashboard ng sasakyan ang cellphone.

Bahagya akong napangiti dahil alam ko na kung sino iyan panigurado. Sila lang naman ang bumubuhay ng mala-sementeryo kong Messenger.

Nabi Chase Alfelor:

Club us! Later 6pm! See yah!

Laszle Gamboa:

Go bitch!

Shanaya Lie Romero:

Support!

Gareth Cole Spencer:

Gegegegege

Lacheska Faustino:

Mukha talagang club.

Napailing na lang ako. Hindi talaga nagsasawa sa club. Wala namang tumutol at nag-react pa nga sila sa chat ni Nabi.

Nagkakasama-sama lang din kasi kami kapag day off namin sa trabaho o kaya naman ay may okasyon ang isa sa amin.

I stormed out the car and went to the elevator. I pushed the 30th floor button when I got inside the elevator of my condominium building. Kauuwi ko lang galing trabaho. I took a glance on my wrist watch. I still have half an hour to prepare for our club date tonight.

Pagkapasok sa unit ko ay agad lang akong nagtungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Buti na lang ay naisipan kong kumain kanina bago ako dumiretso ng uwi mula sa trabaho.

I went to my room to clean myself again. I picked a white tube tob partnered with a maong high-waisted shorts. I wear a denim jacket and a white ankle boots.

Napagitla ako mula sa pagsusuri ng sarili ko sa harap ng salamin nang makarinig ng tunog.

Fuck! Akala ko kung ano na!

May tumatawag lang pala!

Nabi calling...

“Nasa’n ka na?” bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

I rolled my eyes.

Hindi naman siya excited?

Mukha talagang club ang babaeng ‘to.

“Wait, bitch! Kumalma ka nga!” sagot ko.

“Hey, bitch! Bilisan mo na! I can’t wait to look for my papi tonight!” tili ni Laszle sa kabilang linya.

Ito talagang dalawa na ‘to. Basta club ang usapan ay buhay na buhay.

“I’ll be there in ten,” naiiling na sambit ko.

“Make it fast! H’wag ka mag-ayos ng bongga! Aagawan mo na naman ako ng papi!” hirit pa ni Laszle.

“Ewan ko sa ‘yo!” I snorted.

“We’ll wait for you, Vesh! Kayo na lang nina Athena, Shanaya at Shaira ang hinihintay,” singit ni Nabi.

“Okay. I’ll hang up na.”

I get my car keys and I drive to that club’s location. Wala pang ten minutes ay nakarating na rin ako, kasabay nila Athena.

Sumalubong sa amin ang napakalakas na tugtog mg club. I salute the DJ for tonight. The people inside the club were now wild because of the music. Maya-maya rin ay bigla na lang bumuhos ang bubble foam mula sa itaas ng club kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao.

“Hindi natin naabutan!” himutok ni Nabi.

“Mayro’n pa naman siguro ‘yan mamaya,” wika ni Lacheska.

“Papi spotted!” tili ni Laszle.

Natawa na lang kami sa kaniya dahil ang bilis talaga ng mga mata nito pagdating sa mga lalaki na natitipuhan niya.

“Tara na!” pag-aya ni Gareth.

Dumiretso kami sa may VIP lounge ng club. Walang masyadong tao rito. Agad naman kami nagpa-serve ng drinks sa table namin.

“Ang ingay!” komento ni Shaira.

“Girl! May napuntahan ka na bang club na tahimik? Punta ka na lang sa sementeryo,” pang-aalaska na naman ni Shanaya sa kaniya. Napanguso naman si Shaira.

“Grabe ka naman!” Hinampas ni Shaira ang braso ni Shanaya. “Hindi lang talaga ‘ko sanay sa gan’to!”

“Masanay ka na, girl! Alam mo namang si Nabi at Laszle!” halakhak ni Shanaya.

“Sinabi mo pa!” si Lacheska.

“Athena! Pwede naman magsalita,” natatawang asar ni Gareth sa kaniya.

Umirap naman si Athena sa kaniya pero mas tinawanan lang siya ni Gareth.

“Shut up!” tanging sambit niya rito.

“Shut up ka pala, Gareth, e!” pang-aasar ni Lacheska.

“Ang papangit ng ugali n’yo!” pagtatampo ni Gareth.

“Hindi bagay sa ‘yo,” komento ko.

“Sige lang! Pagtulungan n’yo ako!” nakangusong sambit niya.

Napuno ng malakas na tawanan ang lamesa namin. Nang dumating ang in-order na drinks ay inumpisahan na rin namin iyong inumin. Hindi rin nagtagal ay bumalik sa table namin sina Nabi at Laszle mula sa paglilibot nila.

“Bakit ang haba ng nguso mo, Laszle?” pang-aasar ni Lacheska.

“Pa’no ba naman kasi? Mas pinili no’ng papi niya ang may petchay kaysa sa talong!” Sabay malakas na tawa ni Nabi.

Napatawa rin kami sa sinabi ni Nabi habang si Laszle ay umupo lang at nakanguso pa rin. Nilagok niya ang isang baso na may lamang alak.

“Don’t drink too much, guys. Uuwi pa tayo,” paalala ko.

Nakailang bote na rin kasi kami ng alak. Baka may bumagsak na lang bigla sa kanila.

“Laro tayo!” suhestiyon ni Nabi na agad namang sinang-ayunan ng grupo.

“Anong laro?” si Shanaya.

“Truth or dare with a twist!” nakangising wika ni Nabi.

Pumayag naman silang lahat. Napailing na lang ako dahil alam kong kalokohan na naman iyang nasa isip ni Nabi. Basta sa kalokohan ay sila ni Laszle ang nangunguna.

“Game!” si Gareth.

Kinuha ni Nabi ang isang bote ng alak na wala ng laman. Nilinis rin namin ang table para mapaikot ng maayos ang bote. Unang natutukan ng bote ay si Shanaya.

“Ako agad?” Tinuro niya pa ang sarili niya.

“Obvious, bitch! Sa ‘yo nakatutok!” sagot ni Laszle.

“Truth or dare?” tanong ni Nabi.

“Dare!” agad na sagot ni Shanaya.

Napangisi naman si Nabi. “Mag-twerk ka ro’n sa tabi no’ng lalaki na ‘yon.”

May tinurong isang lalaki si Nabi, hindi kalayuan sa amin kaya napatingin kaming lahat doon. May mga kasama ito at mukhang nagkakatuwaan din.

“Seryoso ka ba riyan? Mamaya mapaaway ako, girl!” reklamo niya.

Natawa naman kami.

“Wala namang kasamang babae kaya go!” panghihikayat pa ni Nabi.

Naiiling na tumayo si Shanaya at sinunod ang ipinapagawa ni Nabi. Naglakad siya patungo roon sa lalaki. Agad namang inilabas ni Gareth ang cellphone niya para kuhaan ng video si Shanaya.

Umalingawngaw ang malakas na tawa namin nang mag-twerk si Shanaya sa tabi ng lalaki. Kita pa namin ang gulat sa mukha noong lalaki at kinatyawan pa siya ng mga kasama niya. Agad na kumaripas ng takbo si Shanaya pabalik sa amin nang matapos siya sa ginawa niya.

“Nakakahiya!” asik niya pagkabalik at namumula pa ang mukha.

“Laptrip!” tumatawang sambit ni Gareth at pinapanood ang video ni Shanaya.

“Next!” Pinaikot ulit ni Nabi at kung minamalas nga naman ay sa akin na tumapat iyon.

“Veshie!” she exclaimed.

Inirapan ko na lang siya.

“Dare,” agad na sabi ko kahit hindi pa nagtatanong.

“Ay, wild! Gusto ko ‘yan!” Tumaas-taas pa ang kilay niya.

Nagbulungan pa sila ni Laszle. Agad na kumunot ang noo dahil alam kong kalokohan talaga iyon.

Fuck this two!

“Okay! Simple lang ‘to, Veshie!” hagikgik ni Nabi.

“Simple mo mukha mo!” asik ko.

“Kalma!” natatawang sambit niya. “So, here’s your dare...” pambibitin niya.

“Pabitin pa!” ani Lacheska.

“Ikaw na lang gumawa ng dare ni Anve!” pambara naman sa kaniya ni Gareth.

“Che!” Inirapan ni Lacheska si Gareth.

“I want you to kiss that man.” Nabi pointed her finger on a man. Hindi rin ito kalayuan sa amin pero nakatalikod kaya hindi ko makita ang mukha niya.

“What? Kiss? Gusto mong masapak, Nabi?” I firmly said.

Nagtawanan naman sila.

“Dare is a dare, Veshie! Kaya nga with a twist, e!” sagot niya.

I rolled my eyes. Hindi ako tatantanan nito hangga’t hindi ko gagawin ang gusto niya.

Tumayo ako at agad naman silang naghiyawan.

Fuck!

This is my first kiss!

Bakit sa ganitong paraang mawawala ang first kiss ko?

I held my chin up as I walk towards the guy. He was alone on this bar counter. Buti na lang din at walang masyadong tao rito.

Nang makalapit sa tabi niya ay agad akong h*****k sa pisngi niya pero... sa malambot na labi niya bumagsak ang labi ko!

Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari.

Humarap siya!

Aalis na sana ako sa pagkakahalik nang hapitin niya ang baywang ko palapit sa kaniya at mas hinalikan ako.

Fuck!

His tongue teased my mouth. I don’t know if it’s because of the liquor or his kisses that’s making me high right now.

“Ms. Anveshika,” he whispered while his forehead rests on mine after the hot steamy kiss.

My eyes went round when I heard his familiar voice.

What the fuck?

Lumayo ako sa kaniya at agad na napasapo sa bibig ko nang makita kung sino ang lalaking nasa harap ko.

“S-Sir Vanmer!” gulat na asik ko.

Did I just kiss Sir Vanmer?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status