Share

Chapter 20

Agad akong napabangon dahil sa panaginip na iyon.

Fuck!

I still can’t believe that it was Sir Vanmer whom I kissed that time!

Ang sarap sapakin ng mga kaibigan ko noong mga oras na ‘yon!

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at napagtantong nasa El Kanjar pa rin ako.

I heaved a deep sigh. I really miss my friends.

How are they right now?

Are they safe?

Nasaan kayo?

Kumakain ba kayo?

Kinuha ko ang larawan na natanggap ko ilang linggo na ang makalipas. Malungkot akong ngumiti habang tinititigan iyon.

Did we deserve this?

Do we need to encounter this situation?

May ideya na ba kayo kung sino ang nasa likod ng nangyari sa atin?

I wish we’re together right now. I want to hear all of your voices and laughs. I want us to be together again. I want to see all of you.

I can’t afford to lose my friends, they’re the only family I have right now. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag pati sila ay nawala sa buhay ko.

They gave light to my dark world. They gave me hope. They cheered me up when I was at my greatest downfall. They served as my pillow to cry on.

Kaya sa kung sino man ang gumagawa niyo sa amin, ipinapangako ko na magbabayad siya sa ginawa niya. Hindi ko matatanggap kung may gawin siya sa isa sa mga kaibigan ko. Hindi ako papayag na galawin niya sila.

Hindi ako papayag!

Hahanap ako ng kasagutan sa lahat ng nangyayari. Mabubuo ko ang mga piraso ng puzzle sa huli. Magtutuos tayo pagdating ng panahon. Hintayin mo lang ako.

To my friends... please live... don’t lose hope. We will get through this.

Napagpasyahan ko muna na hindi pumasok sa opisina. I texted Gian that I won’t go to work today. Wala naman akong natanggap na reply. I just shrugged. At least, nagpaalam ako at sasabihin naman niya siguro kay Damien.

Ayokong i-text si Damien dahil paniguradong tatawag ‘yon at pipilitin na pumasok ako. At mas malala pa, baka pumunta pa ‘yon dito at hindi na magtrabaho. Though, hindi pa naman siya nakakapunta rito, but who knows, right?

Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip. Nawawala ang pakay ko rito kapag magkasama kami ni Damien.

Lagi niya akong nilalandi!

I admit, nagpapalandi rin naman ako.

He was just a freaking temptation!

Fuck him!

I told myself that I won’t let myself to be involve with him!

But what the hell is happening right now, Anvehsika?

Bumigay ka?

Napagitla ako nang tumunog ang cellphone ko.

Unknown Asshole calling...

My brows furrowed. Bakit na naman tumatawag ang gago na ‘to?

“Bakit?” galit kong asik pagkasagot ng tawag.

“Chill!” He chuckled on the other line.

“Ano na namang kailangan mo?” mataray kong tanong.

“Hindi ka pumasok?” tanong niya.

“Ano namang pakialam mo?”

“Bad mood ka yata, Anveshika?” May pang-aasar sa tono ng pananalita niya.

“Tumawag ka kasi,” madiin kong sabi. “Bakit ka ba kasi tumawag?”

Humalakhak siya. Napairap na lang ako dahil ito na naman siya sa patawa-tawa niya.

“I was just checking on you. Kumain ka na ba?”

Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Manahimik ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin!” asik ko sa kaniya.

“Ito naman! Nagmamagandang-loob lang, e!”

“Wala kang matinong naidudulot sa ‘kin!” sagot ko pa.

“Ouch naman! Ang sakit mo naman magsalita! Ang pangit mo ka-bonding!” pagtatampo niya pa.

Napairap na lang ako sa kawalan. “Shut up, fucker!”

“Woah! Same vibes talaga kayo!” Sabay halakhak niya ulit sa kabilang linya.

“Baliw ka na ba? Ano’ng pinagsasabi mo riyan?” naiinis na tanong ko.

“Wala! Kung may problema ka, you can count on me, Anveshika. Dadamayan kita.”

“Wala akong pakialam sa ‘yo!” Sabay putol ko sa tawag.

I blew a loud breath. Bwisit na lalaking iyon, nawala tuloy ako sa iniisip ko kanina. Pero buo pa rin ang loob ko na hindi muna pumasok. Nandoon naman si Gian.

Pati tuloy ang pagiging sekretarya ko kay Damien ay nag-uumpisa na akong magduda. Para bang hindi lang nagkataon na nangyari iyon. Kasi, ‘di ba, sabi nila na ngayon lang nagkaroon ng sekretarya si Damien.

Pero bakit bigla na lang ako ang naging sekretarya, ‘di ba?

Nakakapanghinala talaga lalo pa at baguhan lang din naman ako rito sa lugar na ito.

It was not a coincidence after all...

That could be the most explanation to the situation.

Napabuntonghininga na lang ulit ako bago bumangon sa kinahihigaan ko.

Dumiretso ako sa kusina para makapagluto ng almusal. I just cooked bacon and eggs then fried rice, my favorite. Nagtimpla na rin ako ng kape.

Binuksan ko rin ang TV dahil masyadong tahimik ang paligid. Nagtaasan na naman ang mga balahibo nang may ibalita na namang may panibagong biktima ng Heart Forest Crime.

Sa ilang linggo na lumipas ay walang araw na walang nagiging biktima ng Heart Forest Crime.

Ganoon ba kagaling magtago ang suspek na iyon o sadyang tatanga-tanga lang ang mga awtoridad ng El Kanjar?

I just sighed.

Pati ba naman ito ay poproblemahin ko pa?

May mga bagay na dapat mas pagtuunan ko ng pansin. Kailangan kong makaalis dito at malaman ang kasagutan sa kung sino man ang may gawa nito sa aming mga kaibigan ko.

I believe in God’s supremacy. I know that He wouldn’t give us obstacles that we couldn’t face. Everything’s happen for a reason.

I was snapped out from my reverie when I heard a three knocks on my door.

Agad na kumalabog ang d****b ko sa kaba. Wala naman akong kilala na ibang tao rito sa El Kanjar kaya wala naman akong aasahan na bisita.

Nagtungo muna ako sa kusina para kumuha ng isang kutsilyo. The sure, the better for me. Mahirap na at baka hindi ko inaasahan ang tao na nasa labas ng bahay ko.

“Sino ‘yan?!” sigaw ko habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa pinto.

Mas humigpit ang hawak ko sa kutsilyo nang wala akong nakuhang tugon mula sa kumatok kanina.

“Sino’ng tao riyan?!” sigaw ko ulit.

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa rin akong nakuhang tugon.

Napakunot ang noo ko.

May tripper din ba rito sa El Kanjar?

Hinawakan ko ang door handle ng pintuan. Inayos ko ang pagkakahawak ng kutsilyo at inangat iyon sa ere bago ko binuksan ang pinto.

Napasinghap ako nang walang tao sa labas ng bahay. Lumingon-lingon pa ako sa mga katabing bahay at sa daan pero walang bakas na may tao mula roon.

I heaved a deep sigh. Isasara ko na sana ang pinto nang bumagsak ang paningin ko sa sahig sa tapat ng pinto.

“Fucking shit!” sigaw ko nang makakita ng isang transparent jar sa lapag.

May laman itong puso na may tama ng baril. Nanghihina akong napaupo sa sahig habang nakatingin doon.

Fuck!

What is the meaning of this?

Sariwa pa ang dugo na nakapalibot sa buong jar.

Hindi kaya... puso ito no’ng bagong biktima?

Iyong ibinalita kanina lang?

Nanindig na naman ang balahibo ko dahil doon. Nahagip ng mata ko ang isang may kaliitang papel na nakadikit sa gilid ng transparent jar.

You’re next, Anveshika.

- L.J.H.F.C

Nanginig ang mga kamay ko nang m****a iyon. I’ve never experienced being threatened like this. Inilapag ko ang hawak na kutsilyo at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko. I dialed that asshole’s number.

“Hello? Napatawag ka?” bungad niya.

“I received a t-threat,” mahinang sambit ko.

“Fuck! I’ll go there!” Then he hanged up.

Nanatili ang tingin ko sa maliit na papel na iyon.

Whoever you are... I am not scared.

Magtutuos tayo. Hintayin mo iyon.

Hindi ikaw ang magiging sanhi ng kamatayan ko rito sa El Kanjar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status