NANGINGINIG ang mga tuhod ni Don Sebastian na bumababa sa hagdanan. Agad namang sinalubong ni Manang nang matanaw niya itong hirap sa pagbaba upang maalalayan."Don Sebastian--""Kasawiang palad--kasawiang palad talaga sa pamilya ko ito, Manang! Isa-isa, ang mga lalaki sa pamilya ng angkan ko ay pinapabagsak lamang ng mga kababaihang iyon. Mga babaeng may tinatagong lihim na layunin, may mga mata sa yaman, hindi sa puso! At dahil lamang sa kagandahang may lason, masisira pa ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na pinundar ko ng napakatagal na panahon." Hinaing nito saka umupo sa couch."Sandali ho, at ikukuha ko muna kayo ng tubig." Paalam saglit ni Manang Corazon saka humakbang papalayo. Hindi naman maiwasan ang lungkot sa mga mata ng matanda habang nakatingin ito sa paligid. Tandang-tanda niya pa kung paano niya pinangarap ang mundong kinabibilangan niya ngayon. Lalo na ang villa na ito. Itinayo niya ito hindi lang sa kagustuhan niya kundi dahil sa kaniyang namayapang asawa
PAGKARATING na pagkarating ni Primo sa Villa, agad niyang naramdaman ang bigat ng paligid. Parang may bumalot na malamig na ulap sa buong bahay, at ang dating tahimik na kapaligiran ay tila pinanawan ng ginhawa. Mabigat ang hangin, parang bawat paghinga ay may kasamang pangamba. Napahinto siya sandali sa may pintuan, pinakiramdaman ang paligid.Sinalubong siya agad ni Manang, halatang balisa."Nako hijo, mabuti at dumating ka," ani Manang, nanginginig ang tinig at mabilis ang kilos. "Pigilan mo ang daddy at lolo mo. Nasa taas sila, sa study room.""Huh? Anong ginagawa nila doon?" tanong niya, nanlalaki ang mata."Nako sila na ang tanungin mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya tinawagan na talaga kita, baka kung ano pa ang mangyari—baka mapano ang lolo mo!" May halong takot at pag-aalala ang tono ni Manang habang hinahawakan ang braso ni Primo, halos itulak paakyat sa hagdan.Mabilis na kumabog ang dibdib ni Primo. Kilala niya ang dalawang iyon—ang kanyang ama at lolo—mga lalaking
SA init at hindi maipaliwanag na pakiramdam, nagpasyang umalis si Primo kasama si Eric dala-dala ang isang box. Habang napapalunok naman si Eric, na halos mabilaukan ng sarili nitong laway sa sobrang kaba.Kilala niya ang amo niya kapag galit ito. Pero sa pagkakataong ito hindi niya malaman kung galit pa ba ang awrang kaniyang nakikita at nararamdaman dito.Tahimik ang buong biyahe, hanggang sa biglang.."Sa tailor shop tayo." Matipid at mabigat ang tono ng boses nitong utos kay Eric na napalunok na lamang ng sarili nitong laway saka tahimik na napatango.Nang marating nila ang patahian, walang pagdadalawang isip na agarang bumaba sa sasakyang itong si Primo bitbit ang isang kahon.Marahang itinulak ni Primo ang pintuan at pumasok. Ang kaniyang matangkad na katawan ay halos pumuno sa pintuan, tila isang dambuhalang dayuhang pumasok sa isang maliit na silid.Samantala, abala naman ang matandang mananahi sa pagpaplantsa ng mga damit. Nang makita niya ang kahanga-hangang lalaking pumasok
GALIT na galit pa din si Jared, nakakuyom ang mga kamao. Gusto pa niyang magsalita, ngunit isang matalim na tingin mula kay Deiah ang pumigil sa kaniya. Napalunok siya at hindi na muling naglakass-loob pang magsalita."Ano?! Teka nga, mabanatan ko nga muna. " Agad na pumalag si Aeviah, handang sumugod upang ipaglaban ang amo. Ngunit mabilis siyang pinigilan ni Deiah."Kalma lang, baka ikaw pa ang ibalibag sa liit mong 'yan. Dating sundalo iyan, kaya malamang baka maging isnag punching bag ka lang niyan." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, bahagyang bumaba ang kaniyang boses. "At saka...hindi naman niya sinasadya. Gan'n talag 'yon-hindi marunong maging banayad, wala sa bokabularyo ang maging gentleman sa mga taong hindi niya kalibel."Napakunot ang noo ni Aeviah habang pinagmamasdan si Deiah na mahahalata ang mga matang malungkot. "Ayos ka lang ba, Young Madam? Bakit parang matagal mo na siyang kakilala?"Napasinghap si Deiah at saglit na natigilan, bago marahang pinagdikit ang ka
NAKAPAG-ARAL sa pinakamataas na akademyang militar sa bansa noong kolehiyo si Primo at nagsilbi sa hukbong sandatahan sa loob ng tatalong taon. Ngayon ay nasa mundo na siya ng negosyo, ang katawan niyang nakatago sa ilalaim ng mamahaling suit ay nanatiling matatag at matibay. Kaya't kahit malakas ang suntok sa kaniya ni Jared, bahagyang nagdugo lamang ang gilid ng kaniyang labi, ngunit hindi man lang natinag ang kaniyang matangkad at matipunong katawan. "Sh**! Another karibal sa pag-ibig." napamurang sambit nitong si Onyx sa isip, pero hindi niya magawang isigaw ito nang malakas. Galit na galit si Jared na sumugod kay Primo at muling sinusubukang suntikin si Primo, ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng lalaki. Mabilis at maliksi itong umiwas, parang isang bihasang mandirigma. "Primo, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Deiah?! Wala ka na ba talagang hiya?" Hingal na hingal si Jared, namumula ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Kapag may nangyaring masam
SA HOSPITAL, Walang nagawa si Deiah nang tuluyang dalhin siya sa ospital ni Primo. Kahit pa kasi siya magsisisigaw at magpupumiglas ay wala siyang kawala sa lakas ng lalaki kumpara sa lakas na meron lang siya bilang isang babae. Manghihina lang siya at mapapagod. Agaran siyang dinala sa loob ng silid-gamutan, habang si Primo at Onyx ay tahimik na naghihintay sa pasilyo. Kapwa kinakabahan sa magiging resulta, halos malunod ng limang minuto sa katahimikan ang paligid ng dalawa hanggang sa tuluyang basagin nitong si Onyx. "Tol, ang tindi mo talaga no? Hinila mo siya nang walang awa! Ang liit-liit kaya ng braso niya, paano niya kakayanin 'yon? Tsk..ano ba kasi ang iniisip mo, ha?!" Napabuntong-hininga si Onyx at umiiling, halatang hindi natutuwa saka napasandal. Ngunit sa halip na sagutin ang puna ni Onyx, malamig lang siyang tinitigan ni Primo. Ang malalim niyang mga mata ay nagdilim, at sa likod ng kaniyang matikas at maringal na mukha, may natatagong galit. "Pa'no mo nalaman kung