Share

Kabanata 46.1

Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.

Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.

Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.

Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.

Samantala naman ay nagkaroo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status