Beranda / Romance / Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back / Kabanata 2: Nathan's Happiness

Share

Kabanata 2: Nathan's Happiness

last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-16 11:10:58

“May isang babae sa puso ni Nathan na nakilala niya sa America. Itinago niya ito ng ilang taon sa kanyang puso at magkapareha kayong dalawa,”

Bigla niyang naalala ang sinabi ng kaibigan ni Nathan sa kanya. Nang malaman ni Sierra iyon ay hindi siya naniniwala dahil alam niyang parte lamang ito ng nakaraan ng asawa. Alam niyang hindi ito magiging katulad niya.

Pakiramdam ni Sierra ay isang panaginip lang ang lahat.

Nang makita niya kung paano alalayan ni Nathan ang babae, pakiramdam niya ay parang tinarak ng kutsilyo ang kanyang puso habang ang kanyang buong kalamnan ay namimilipit na sa sobrang sakit.

Inalalayan ni Nathan ang babae upang umalis na ngunit nakita niya si Sierra hindi malayo sa kanilang direksyon kasama si Manang Lilian. Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha dahil sa nakita.

“Kilala mo ba siya, Nathan?”

Hindi napigilan ng babae ang magtanong tungkol sa tinitignan ni Nathan.

“Yeah, I know her. She's Sierra, my wife,” ani Nathan sa babae at nagpatuloy. “Get in the car, Maurice, and I'll make sure to follow as soon as possible.”

“Sige,” sagot ni Maurice at tumango. Bago umalis, tinitigan niya muna ang mukha ni Sierra.

Nagtama ang kanilang mga mata. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Maurice habang nakatitig kay Sierra. Pakiramdam naman ni Sierra ay sumikip ang kanyang dibdib at nabalot siya ng pait.

Naglakad patungo sa kanyang direksyon ang asawa at halos matabunan na nito ang ilaw dahil sa kanyang katangkaran.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sierra sa asawa. Akmang sasabat naman si Manang Lilian nang magpatuloy si Sierra. “At sino siya?”

‘Bakit kasama niya ito sa prenatal check-up ng babae? Posible ba na anak niya ang nasa sinapupunan ng babae?’

Pinilit niyang tigilan ang pag-iisip tungkol doon dahil pakiramdam niya ay sumisikip at hindi mapakali ang kanyang puso.

“Stop asking about the things that didn't have to do with you.”

Biglang umiwas si Nathan sa naging tanong ni Sierra sa kanya kaya biglang namula ang kanyang mga mata dahil sa ginawa nito.

“P-Paano kita hindi tatanungin kung harap-harapan mo akong niloloko?”

“Wala kang karapatan na sabihin sa akin na manloloko ako,” sabi ni Nathan sa nandidilim na paningin. “Baka naman nakalimutan mo kung paano mo ako pinakasalan at sinabi ko na sa 'yo pagkatapos ng kasal na hinding-hindi kita mamahalin.”

Namutla si Sierra sa kanyang narinig at ikinuyom ang kamao upang pakalmahin ang kanyang sarili sa mga oras na ito.

“Tinatrato mo lang ba akong laruan mo sa kama? Laruan lang ba ako diyan sa puso mo ha, Nathan?”

Hindi sumagot si Nathan at dahil doon mas lalong sumama ang pakiramdam ni Sierra. Hindi niya napigilang matawa sa kanyang sarili.

“Iniisip mo ba na may plano ang ama ko sa 'yo kaya alam mong hindi masasayang ang ginagawa mo ngayon sa akin?”

“Sierra...” diing sabi ni Nathan na ngayon ay masamang nakatingin sa kanya at muling nagpatuloy, “Just shut up.”

Nanlamig nang sukdulan ang puso ni Sierra pero nagpatuloy pa rin siya sa kanyang sinasabi, “Ngayong bumalik na ang minamahal mong babae, a-ano na ang balak mo sa akin, N-Nathan?”

Tikom ang bibig ni Nathan matapos niyang sabihin 'yon at ang pananahimik nito ay sobrang nagpadimasya kay Sierra nang todo.

Sumakit na naman ang tiyan ni Sierra at kahit ang gamot para pampahupa ng sakit ay walang silbi dahil mas lalo lamang lumala ang sakit na naramdaman niya hanggang sa tuluyan na nga siyang namilipit at nawalan ng malay.

Nang magising siya, unang bumungad sa kanya ang amoy ng disinfectant. Hindi niya napigilang mapangiwi at pagbukas ng kanyang mga mata, nakita niyang may nakatusok na karayom sa likod ng kanyang kamay.

Biglang nagsalita si Manang Lilian sa kanyang tabi, “Gising na po pala kayo, Senyorita.”

“U-Umaga na ba?” tanong niya at inayos ang posisyon upang makita ang liwanag sa labas.

“Opo, Senyorita. Na-ultrasound po kayo kagabi at maayos lang po ang mga organs niyo. Nagkaroon po kayo ng acute gastritis dahil po sa lason mula sa pagkain pero nabigyan ka na po ng IV. Hindi na po ba masakit ang tiyan niyo?”

Dahil sa sinabi ng katulong, hinawakan ni Sierra ang kanyang tiyan at nalamang hindi na nga ito masakit kaya naman tinanong niya ito tungkol kay Nathan.

“Alam mo ba kung nasaan ang asawa ko?”

“N-Nagpunta po ang asawa niyo dito kanina subalit tumawag ang babae kaya agad itong umalis...” nag-aalangang sagot ni Manang Lilian at huminga nang malalim saka nagpatuloy, “Huwag na po kayong malungkot dahil ang mas mahalaga ay maayos na po ang kalagayan niyo, Senyorita.”

Na sa ospital si Sierra dahil sa acute gastritis pero iniwan siya ng asawa dahil sa biglang pagtawag ng babae niya. Sa isip niya ay wala talaga siyang panama sa babae ni Nathan.

“Kailangan niyo pong kumain, Senyorita.” Inabot ni Manang Lilian ang pagkaing sinigang sa kanya.

Iniling ni Sierra ang kanyang ulo upang tanggihan ito. “Just put it aside as of now, Manang Lilian. I couldn't eat yet.”

Biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa kaya nabaling ang atensyon ni Sierra doon.

Gamit ang kamay, inabot niya ito at mahinang nagsalita, “H-Hello?”

“Alam mo na ba ang panlolokong ginawa sa 'yo ng asawa mo, Sie?”

Napakagat siya sa ibabang labi nang malamang ang matalik na kaibigan na si Ynnah ang tumawag sa kanya.

“Napanood ko ang balita kaninang umaga tungkol sa asawa mo. May relasyon siya sa isang pianist na nagngangalang Maurice Delos Reyes at buntis ito. Ipinakita rin sa balita ang pagpunta nito sa ospital. Kailangan mong makita ang balita para mapatunayan mong niloloko ka ng asawa mo.”

Nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Sierra kaya binuksan niya ang cellphone. Nagkalat ang mga pictures ni Nathan sa audio platform habang inaalalayan si Maurice sa isang ospital.

Kilalang tao si Nathan Delgado dahil siya ang kasalukuyang CEO ng Delgado Enterprise. Hindi lamang isa kung hindi maraming negosyo ang nakapangalan kay Nathan at kilala ito bilang pinakamayaman sa Pilipinas. Dahil doon, hindi rin matatawaran ang mga babaeng nagnananais na mapakasalan siya. Kaya pati ang pribadong buhay ni Nathan ay hindi nakaligtas sa labas.

Nang dahil sa nakuhang mga pictures kung saan sinamahan niya ang babae niya para sa prenatal check-up nito ay mabilis na kumalat. Nangunguna pa ito sa lahat ng mga balita at dahil diyan, naungkat ang buhay ni Maurice Delos Reyes.

Si Maurice ay isang sikat na pianist sa bansang America at magkababata silang dalawa ni Nathan kaya ganoon na lang ang lalim ng kanilang relasyon. Umalis ng bansa si Maurice para doon mag-aral sa abroad kaya naghintay ng sampung taon si Nathan.

Ngayong nakabalik na si Maurice sa bansa, ang kilalang CEO at ang nag-iisang babae sa puso niya ay tuluyan ng ikinasal. Dahil doon, halos mayanig ang mundo ng social media habang naiiyak dahil sa kanilang pagmamahalan.

Sa isang iglap lang, ang account ni Maurice Delos Reyes ay nadagdagan ng tatlong milyong tagahanga. Hindi nakaligtas kay Maurice ang isang letra na nakita niya kung saan nakalagay ay “America”.

Nagtugma ito doon sa sinabi ng kaibigan ni Nathan sa kanya. Hindi makapaniwala si Sierra nang malaman na ito pala ang tinutukoy na kasiyahan ng puso ni Nathan.

Natawa naman sa sarili siya si Sierra dahil sa kanyang nalaman.

“Nakita mo ba 'yon, Sierra? Ang galing talaga ng mga tao na gumawa ng mga kwento sa internet at talagang sinusubukan nila ang pasensya ko. Gusto ko silang pagalitan sa mga ginawa nila!” Nagtiim pa ang bagang ni Ynnah nang sabihin niya 'yon sa kaibigan.

“Huwag mo na tangkain pang puntahan dahil alam ko na ang tungkol dito,” pigil ni Sierra sa tangkang gawin ni Ynnah.

“Alam mo na?” takang tanong ni Ynnah.

“Oo, alam ko na.”

“What's happening with you, Sierra? You found out about your husband flirting around with another woman, yet you didn't care? Don't you have plans to go up and teach that woman a lesson?”

Hindi na napigilan ni Ynnah na magtaas ng boses dahil kay Sierra.

Napailing si Sierra at malungkot na sumagot, “Hindi mo ba nakita ang sinasabi ng lahat doon sa internet? Siya ang tinutukoy na kasiyahan ni Nathan at matagal siyang naghintay dito. Sampung taon niya rin itong hinintay, Ynnah.”

Napailing si Ynnah, “I don't care if she's his happiness or whatever piece of sh*t she is. She was still a mistress and it won't change!”

Napasinghap si Sierra sa kanyang narinig.

“Kalimutan mo na lang 'yon,” aniya sa pagod na boses at nagpatuloy, “Ang kasal ko kay Nathan ay ang tangi kong hawak ngayon at pagod na pagod na ako, Ynnah.”

Sa isip ni Sierra ay hindi ang pagpapalaki sa isyu ang paraan para matalo niya ang kabit ni Nathan dahil kapag gumawa siya ng gulo, malalaman ng buong siyudad na magulo ang pagsasama nila ng asawa niya. Bilang asawa, hindi niya hahayaang magmukhang pangit ang kanilang pagsasama sa mata ng iba.

Natahimik naman si Ynnah dahil alam niya ang tungkol sa kasal ni Sierra at Nathan. Alam niya na plano lamang lahat nang ito ng ama ni Sierra.

“Anong balak mo ngayon para sa kinabukasan mo? Gusto mo pa bang manatili sa ganitong sitwasyon or hihiwalayan mo na siya?” tanong ni Ynnah.

Huminga nang malalim si Sierra bago sumagot, “I will ask for a separation.”

Tinitigan niya ang kamay na ngayon ay may tusok pa rin ng karayom. May sakit siya pero mas pinili ni Nathan na samahan si Maurice kaya napagod na siya. Panahon na para sumuko na siya. “Hindi ako ang laman ng puso niya at dahil diyan, hindi ko na siya pipilitin pa.

“Nandito lang ako para sa 'yo. Maraming lalaki na mas higit pa sa kanya at gusto ka kaya 'wag mong ipilit ang sarili mo sa isang siraulong tulad niya.”

Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan.

“Salamat dahil hindi mo ako iniwanan at nanatili ka sa tabi ko upang pagaanin ang loob ko, Ynnah,” aniya na nagpapasalamat sa kaibigan dahil tanging ito ang kasangga niya sa madilim niyang mundo.

Nagpahinga na muna si Sierra pagkatapos niya ibaba ang cellphone. Pagkatapos siyang maturukan ng tatlong beses, tuluyan na gumaling ang kanyang katawan ngunit randam niya pa rin ang panghihina.

Inuwi na si Sierra ng driver at ni Manang Lilian sa bahay niya at doon, nagdesisyon siyang matulog ulit.

Nang gabing 'yon ay nakauwi na rin si Nathan. Hinubad niya ang kanyang suot na coat at nagtanong kay Manang Lilian, “How's my wife?”

“Tulog na po ang senyorita sa taas,” ani nito at pinaalalahanan siya, “Nagising ang senyorita kaninang umaga ngunit hindi ka po niya nakita kaya nalungkot po ito, Senyorito.”

Natahimik naman si Nathan nang ilang minuto saka naglakad paakyat. Mahinang itinulak niya ang pinto. Nadatnan niya ang asawang nakahiga sa bay window ng kwarto na parang pusa. Nakalaylay ang buhok nito papunta sa ibaba. Dahil diyan, mas kapansin-pansin ang payat nitong katawan.

Kumunot ang kanyang noo at hindi mapigilang magtanong.

What made Sierra think to sleep in the bay window?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 23: Hindi kita mahal...

    Nang dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan ni Sierra ang kanyang ginawa. Bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at pinulupot ito sa leeg ni Nathan. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa pag-aakala na iyon ang balak gawin ni Sierra. Malamig ang kanyang ekspresyon nang hawiin niya ang kamay ng babae.“Huwag ka na maghanap ng iba, Ethan…” ani Sierra habang pilit na inaangat ang katawan upang mapalapit kay Nathan. Nakahawak na ang mga kamay niya sa pisngi nito at saka muling nagpatuloy, “Hindi pa ba ako sapat para sa ‘yo?”Napatitig si Sierra sa kanya sa mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan, ngunit taglay no'n ang mabigat na emosyon.Namumula ang bawat sulok ng mga mata niya habang inaabot ang mukha ni Nathan upang hawakan ito.“Naging masunurin naman ako sa lahat ng gusto mo pero bakit hindi pa rin iyon sapat sa ‘yo?” dagdag na sabi ni Sierra. Gamit ang kanyang malalambot na mga daliri, sinimulang haplusin ni Sierra ang mukha ni

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 22: Ethan

    Napabalik si Sierra sa kanyang huwisyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello?” sambit ni Sierra sa kabilang linya.“Sierra…”Napatuwid ng upo si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.“Si Maurice ito at may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo,” ani ng babae sa kabilang linya.“Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sa babae.“Gusto ko lang sana itanong sa ‘yo kung ano ang paboritong brand ng damit ang gustong isuot ni Nathan…” saad ni Maurice.Napatulala naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at ilang segundo rin siyang natigilan.“A-Ano?” nauutal niyang sambit.“Dito kasi muna mananatili si Nathan mamayang gabi at balak ko siyang bilhan ng masusuot kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang suotin kaya ikaw ang tinawagan ko,” paliwanag ni Maurice sa kanya.Napapikit si Sierra sa kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung ano dahil alam niya ang dahilan ku

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 21: Eskandalo sa sasakyan

    Pagdating pa lang ni Nathan sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Manang Lilian, at ang mukha ay tila nag-aalala. “Manang Lilian, ano’ng problema?” tanong niya rito. Huminga muna nang malalim ang katulong at sinabi, “Tumawag po ang sekretarya ni senyor at pinapqsabi sa ‘yo na dalhin mo raw ang asawa sa sabado ng gabi.”Napabuntong-hininga si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Manang Lilian at napatango sa kanyang ulo bilang tugon. “Nasa kwarto na ba si Sierra, Manang Lilian? Nakakain na ba siya?” tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ng katulong. Nagtataka itong napatingin kay Nathan na para bang hindi niya alam ang sinasabi nito. “Umalis siya kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik, Senyorito,” sagot ni Manang Lilian. Natuod si Nathan sa kanyang nalaman, ang dibdib ay kumakabog nang malakas kaya naman dali-dali siyang umakyat sa taas ng kwarto upang tignan ang asawa. Ang unang bumungad sa kanya ay ang nakabukas na pinto. Napatingin siya sa lamesa nito at

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 20: Pagdududa

    Pakiramdam ni Sierra ay natuod siya sa kanyang direksyon at tila ba nanlalamig na rin. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maisipang lumabas ng sasakyan ni Nathan para umalis na. Hindi naman siya pinigilan ni Nathan sa kanyang pag-alis na mas lalong nagpasama sa loob ni Sierra. Nang makita ni Nathan na nakapasok na sa loob ng mansyon si Sierra ay agad na rin siyang umalis habang si Sierra naman ay napalingon sa likuran. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Nathan sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may bigla na lamang isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na naglandasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. ‘Ano pa ba ang inaasahan ko? Sa isang tawag lang ni Maurice ay agad niya itong pupuntahan,’ ani Sierra sa kanyang isip habang ang puso niya ay tila nagsimulang sumikip sa sama ng loob. “Why am I crying?” tanong niya at agad pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi habang ang mga kamay naman ay nanginginig na. Isang malakas na bun

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 19: Halik

    Nanigas ang buong katawan ni Sierra dahil sa paglapat ng mga labi ni Nathan sa kanya. Hindi alam ni Sierra kung ano ang gagawin niya kaya naitulak niya si Nathan palayo. Ngunit ang lakas niya ay walang panama kay Nathan dahil nang maramdaman ni Nathan ang kanyang pagkabalisa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “N-Nathan…” nauutal na sambit ni Sierra sa pangalan niya at hanggang ngayon ay gulat pa rin sa hindi inaasahang halik na ginawa ni Nathan. “Wag ka na magsalita,” saad naman ni Nathan, at nagpatuloy ito, “Mas lalong ‘wag kang matakot, Sierra.”Ang boses ni Sierra na malambot ngunit nababalot ng kaba ay tila biglang gumising sa nararamdamang pilit niyang iwinawaksi. Ramdam na ramdam niya ang pagkailang at ang bahagyang pagdikit ng kanilang mga katawan ay nagdulot ito ng pag-init ng kanyang pisngi sa kabila pa man ng kapal ng kanilang saplot.Hindi sasapat ang kasuotang iyon upang maitago ni Sierra ang init na nadama niya mula kay Nathan. Bumilis ang mga paghin

  • Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back   Kabanata 18: Ang pag-alala ni Nathan

    Habang papalapit si Nathan sa sasakyan, pinilit ni Sierra na huwag itong tingnan hanggang sa makapasok na ang lalaki sa loob. Pagpasok niya, nagtaka itong napatingin sa kanya na tila ba may napapansin sa naging reaksyon ni Sierra.“May problema ba?” tanong ni Nathan sa kanya ngunit tinitigan lamang siya ni Sierra at yumuko. Pinilit niyang iwasan ang titig nito dahil gusto niyang alisin ang mga alaala niya noon. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang hinawakan ni Nathan ang pisngi ni Sierra kaya napatingin siya rito na nakabuka ang mga labi.Nagsimula naman na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Nathan. “A-Ano ang gagawin mo, Nathan?” tanong niya sa lalaki. Tinitigan lamang siya ni Nathan at saka bumaba ang tingin nito sa dalang paper bag. Hindi napansin ni Sierra na may dala pala itong yelo.Gamit ang panyo ni Nathan, nilagyan niya ito ng yelo saka inilapat sa namamagang mukha ni Sierra na siyang ikinagulat niya nang labis. “Kung sasaktan ka nila ulit,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status