“Just because of the husband’s incapability, he could no longer fulfill his duty.” “Tonight, you'll prove if I am incapable of my husband duty, Sierra Navarro-Delgado,” mahinang usal ng asawa sa kanya. Si Sierra Navarro-Delgado ay nakipaghiwalay sa kanyang asawa at nang araw din iyon, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanyang pakikipahiwalay sa asawang si Nathan Delgado. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, naging sikat na international designer si Sierra at ngayo’y napapalibutan ng maraming mga gwapong lalaki. Napansin niya rin na ang kanyang dating asawa na bihirang umuwi, ay madalas na magpakita sa kanya. Malamig at malayo ito sa umaga, ngunit malapit at nakabantay naman ito tuwing gabi na ayaw siyang alisin sa pagkakayakap. “Sierra, please love me back.” Bulong ng asawa kay Sierra at hindi tinigilan sa paghalik sa kanya nq halos ayaw na nitong humiwalay sa kanya. Sa kabila ng kanyang muling kasikatan at dami ng mga manliligaw, hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang dating asawa dahil sa palagi nitong ginagawa sa kanya sa kabila ng kanilang paghihiwalayan. Ngayon nakikita ni Sierra ang kanyang sarili na nahihirapang alisin ang kanyang nararamdaman sa dating asawa kahit pa man sa masasakit na nakaraan na kanyang naranasan sa kamay nito. Paano pa kaya makakalimot si Sierra kung walang ibang ginawa ang kanyang dating asawa kung hindi ipadama sa kanya ang mga bagay na pinangarap niya lang noon sa piling nito? Will she give Nicholas Delgado a chance to fixed her broken heart?
View More“Senyorita, dumating na po ang asawa niyo.”
Nang marinig ni Sierra ito, biglang nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis niyang hinawi ang kurtina sa kanyang harapan. “T-Totoo ba?”
Isang Lamborghini ang biglang dumating. Sinuri niyang mabuti ang tao na nasa loob ng sasakyan. Isang lalaki ang nakita niya sa loob na may magandang mukha at bakas sa galaw nito ang malakas niyang presensya.
Lumiwanag ang kanyang mukha nang malamang ang asawa nga ang dumating. Kumabog nang malakas ang puso ni Sierra.
Namula ang kanyang pisngi nang maalala niya ang madalas na ginagawa ng asawa kapag dumating ito. Ang halik na kay tagal matapos at mapupusok...
Bigla siyang kinabahan at nahihiyang harapin ito. Gusto niyang magbihis subalit biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang nakabihis ng pormal na lalaki.
Napatitig si Sierra sa lalaki at ngumiti. “N-Nathan...”
“Lumapit ka,” utos nito. Niluwagan ni Nathan ang kanyang suot na necktie habang ang braso naman ay may suot na isang mahahaling relo na mas lalong nagpapakita ng kanyang makapangyahirang dating.
“Ginabi ka na ng uwi, Nathan. Kumain ka na ba?” tanong niya sa asawa habang nahihiyang naglalakad patungo sa direksyon nito.
Bigla na lamang siyang niyakap ng asawa at sinunggaban ng halik.
“Oh...”
Walang nagawa si Sierra kung hindi ang mapaungol ng dalawang beses sa ginawa niya. Binuhat siya nito at dinala sa kama saka hindi tinigilan.
Kung titigan ay mukha siyang mahinahon at magalang ngunit sa bagay na ito ay nawawala ang asawa sa kanyang sarili. Hindi ito titigil hangga't hindi siya mapaiyak nito. Tiniis ni Sierra ang lahat at piniling isara na lang ang kanyang mga mata.
Napansin niyang mas nakakabaliw ang ginagawa nila ngayon kung ikukumpara noon dahil hindi ito nakuntento. Mas gusto niyang umiyak siya lalo at nang matapos 'yon, kinuha nito ang sapin ng kama para ibalot sa katawan. Pumasok ito sa loob ng banyo at narinig niya ang pag-agos ng tubig mula sa banyo.
Pakiramdam ni Sierra ay nanlalambot pa rin ang katawan niya sa nangyari sa kanila kanina lang kaya humiga muna siya sa kama.
Si Sierra Navarro-Delgado ay sekretong kasal kay Nathan Delgado sa loob ng dalawang taon. Noong una ay ayaw niyang magpakasal dito dahil wala siyang naramdaman kay Nathan pero pinilit ng kanyang ama ang asawa.
Noong una rin ay hindi siya gusto ni Nathan pero dahil nagustuhan niya ito, nagsimula na siyang habulin at pinakasamahan ito nang maayos. At sa wakas ay nahulog na rin ang loob ni Nathan sa kanya.
Nang maalala niya ang pagiging mapusok ng asawa, biglang kumabog ng malakas ang puso niya, at kasabay no'n ay nakadama siya ng panandaliang kilig.
Kampante si Sierra na habang tumatagal ay mas lalong magiging maganda ang kanilang pagsasama. Alam niyang magiging isang masayang pamilya sila lalo na kapag mabigyan niya si Nathan ng anak. Mabubuo na silang pamilya at hindi siya makapaghintay para doon.
Bigla namang nagbukas ng malakas ang pinto ng banyo. Lumabas si Nathan na ngayon ay nakabalot ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nito.
Maganda ang pangangatawan ng asawa pero bakas sa gwapong mukha nito ang kalungkutan. Hindi nito pinahiran ang buhok na ngayon ay may tumutulong tubig sa kanyang katawan.
Nagtatakang tinitigan siya nito at nagtanong, “Buntis ka ba?”
May hawak itong isang pregnancy test sa kanyang kamay at alam ni Sierra na kinuha niya ito mula sa loob ng banyo.
Naupo siya nang tuwid pero nakita niyang wala itong emosyon kaya bigla siyang natakot. “H-Hindi ko pa matiyak dahil kaninang umaga ko lang ito nabili,”
“Why did you still buy it?” tanong ni Nathan.
“Nakaramdam ako ng pagsusuka at walang ganang kumain nitong mga nakaraan at isa pa, ikaw ang nagsabi na kapag nakaramdam ako ng mga sintomas ay kailangan ko agad mag-pregnancy test,” inosenteng sagot ni Sierra.
“You should go and try to test it,” ani Nathan sa kanya.
“H-Hintayin na lang kitang matapos sa paliligo dahil sa tingin ko ay hindi ka pa naman tapos at—”
“I said now.”
Biglang lumamig ang tingin ni Nathan sa kanya. Sinubukan niyang bagalan ang inutos sa kanya pero wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng banyo upang subukan ang pregnancy test.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na siya sa banyo. Naabutan niyang nakaupo si Nathan sa couch.
Nag-angat ito ng tingin saka nagsalita. “How was the test?”
Dismayado ang mukha ni Sierra nang tingnan niya ang asawa.
“The test shows one line, Nathan...”
‘Not pregnant.’
Hindi alam ni Nathan kung anong mararamdaman niya. Dapat ba siyang madismaya o makahinga dahil sa kanyang nalaman.
Sa huli, kinalma niya ang sarili at nagsalita, “Get me some clothes to wear.”
“Aalis ka sa ilalim ng gabi, Nathan?” takang tanong ni Sierra.
“Yes,” malamig na sagot ni Nathan sa kanya.
Huminga nang malalim si Sierra at walang nagawa kung hindi sundin ang asawa. Nagpunta siya sa closet nito upang kumuha ng damit.
Kahit siya man ay dismayado dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya buntis. Gustong-gusto niyang mabuntis. Alam niya kung gaano kagusto ng pamilya Delgado ang mabuntis siya lalo na si Nathan subalit dalawang taon na...
Dalawang taon na niyang sinusubukan. Marami na siyang nainom na gamot pampabuntis subalit wala pa rin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbunga.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusuko. Hindi siya pwedeng sumuko dahil baka hindi niya makuha ang asawa.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ni Sierra para kay Nathan ngunit palagi itong abala. Halos hindi ito umuuwi kahit isang beses man lang sa loob ng sampung araw o kalahati ng isang buwan. At ngayong nakita niya na ito ay bigla na naman itong aalis.
Mapait na napangiti si Sierra. Kumuha siya ng kulay itim na damit nito sa closet at saka lumabas. Narinig niyang may kausap ito sa cellphone pagdating niya.
“'Wag kang mag-alala dahil nandiyan naman si Amanda para tignan ka. Nandiyan na ako maya-maya,” ani Nathan sa mahinahong tono. Ngayon lang narinig ni Sierra ang mahinahong pananalita ni Nathan kaya natuod siya.
Ang tuwang naramdaman niya kanina ay bigla na lang naglaho.
“Nathan,” tawag niya sa pangalan ng asawa. “S-Sino ang tumawag?”
Tinitigan siya ni Nathan dahil sa kanyang tanong. Umabot ng halos 1.9 meter ang taas nito kaya kailangan pang mag-angat ng ulo para matitigan siya.
“It's just no one.” Malamig ang tono nito nang sagutin si Sierra.
“Babae ba 'yon?” tanong ni Sierra bigla sa asawa.
Tinitigan muna siya nito saka sumagot. “Hindi ito tungkol sa 'yo.”
Hinablot naman bigla ni Nathan ang damit na hawak ni Sierra at mag-isang sinuot ito. Nagulat si Sierra dahil madalas siya ang nagsusuot ng damit sa asawa.
Hindi niya maiwasang mag-isip. Paano kung...
May nagugustuhang ibang babae ang kanyang asawa? Ito na ba ang simula para tanggihan siya nito?
Biglang sumakit ang tiyan ni Sierra. Parang may problema talaga siya sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay palagi itong malaki kaya palagi siyang hindi komportable.
Nakabihis na si Nathan at bigla na lang itong tumalikod saka naglakad paalis sa direksyon niya.
Puno ng pag-aalala ang puso ni Sierra. Ang ganitong pakiramdam ng isang babae ay hindi maaaring magkamali kaya hinabol niya ito.
“Pwede bang huwag ka na munang umalis ngayong gabi? May masama akong nararamdaman, Nathan,” aniya sa asawa.
Nilingon siya ni Nathan. Ang gwapong mukha nito ang sumalubong sa kanya, ngunit may manipis itong mga labi at bakas sa mukha ang pagiging malamig at walang puso nito.
“If you felt something, you better tell Lilian called our family doctor. I won't be back early.”
Tuluyan na ngang naglakad si Nathan paalis. Habang papalayo ito ay unti-unting naglalaho sa paningin niya si Nathan.
Nakaramdam ng pagkahilo si Sierra dahil parang wala lang siya sa puso ng kanyang asawa. Samantala, bigla naman siyang nakaramdam ng pagkulo ng tiyan kaya tumakbo siya sa banyo at doon inilabas lahat ng mga kinain niya kanina.
Hanggang sa makaramdam siya ng sobrang sakit. Namutla ang kanyang mukha at nahirapan pang umakyat sa kama para humiga.
Sa pangalawang pagkakataon ay halos mamilipit na siya sa sakit. Tumakbo siya ulit sa banyo para sumuka ngunit isang mapait at kulay green na laway lamang ang kanyang nailabas.
Alam niyang hindi dahil sa buntis siya kung hindi pagkalason sa pagkain.
Nanghihina man ay pinilit niyang inabot ang cellphone saka tinawagan ang katulong nilang si Lilian.
“M-Manang Lilian, sumasakit ang tiyan ko. Dahil niyo po ako sa ospital, please...” pagsusumamo niya.
Agad namang tumakbo si Manang Lilian sa taas at nakita si Sierra na ngayon ay nakahiga sa carpet na basang-basa. Mabilis niyang tinawagan ang driver at dinala si Sierra sa ospital.
Inalalayan ni Manang Lilian si Sierra na makapasok sa loob pagdating nila ng ospital. Binigyan siya agad ng paunang lunas ng doctor gamit ang isang injection ng painkiller at sinabihang kailangan nilang sumailalim sa B-ultrasound upang malaman kung isang acute cholecystitis o gastritis ang nangyari sa kanya.
Paglapat ng painkiller sa kanya, biglang humupa ang pananakit ng kanyang tiyan pansamantala at dahil doon ay unti-unting nanumbalik ang kanyang lakas.
Dinala siya ni Manang Lilian sa kwarto ng B-ultrasound pero isang hindi inaasahang tao ang biglang dumating.
Dumating ang kanyang asawa na si Nathan. Lumiwanag ang mukha ni Manang Lilian habang nakatingin sa kanya.
“Senyorita, nandito po ang asawa niyo!”
Pinilit ni Sierra na tignan ang direksyon na tinutukoy ni Manang Lilian at nakita niya ang isang gwapong mukha ng lalaki na nakasuot ng itim na suit, hindi kalayuan sa kanya.
Alam niyang si Nathan nga ito at walang iba. Lumiwanag ang kanyang mukha nang malaman na nandito ito.
Tatawagin niya sana ang pangalan nito subalit nagulat siya nang makitang may kasama itong ibang babae. Lumabas ang babae mula sa kwarto ng ultrasound at nakalagay ang kamay sa tiyan habang may hawak na isang papel sa kamay nito.
“The doctor said the baby is fine, Nathan,” sabi ng babae.
Ang nag-aalalang mukha ni Nathan ay biglang lumambot nang marinig niya ang sinabi ng kasamang babae. “That's great to know. You should be extra careful with what you eat next time. You are already pregnant and you should not eat too much, especially the crabs.”
Ngumiti nang malapad ang babae. “Alam ko naman 'yon kaya hindi na talaga ako kakain ng crabs next time.”
Natuod si Sierra sa kanyang nalaman. Ang kanyang masayang mga mata ay biglang napalitan ng lungkot at gulat habang nakatitig sa babaeng kausap ni Nathan.
Isang light-colored na dress ang suot ng babae. Maganda at may maamo itong mukha habang ang kanyang buhok ay maitim. Ang kanyang mga mata ay maganda rin. Higit sa lahat, alam ni Sierra na may maamong pag-uugali ang babaeng kasama ni Nathan ngayon.
Nang dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan ni Sierra ang kanyang ginawa. Bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at pinulupot ito sa leeg ni Nathan. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa pag-aakala na iyon ang balak gawin ni Sierra. Malamig ang kanyang ekspresyon nang hawiin niya ang kamay ng babae.“Huwag ka na maghanap ng iba, Ethan…” ani Sierra habang pilit na inaangat ang katawan upang mapalapit kay Nathan. Nakahawak na ang mga kamay niya sa pisngi nito at saka muling nagpatuloy, “Hindi pa ba ako sapat para sa ‘yo?”Napatitig si Sierra sa kanya sa mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan, ngunit taglay no'n ang mabigat na emosyon.Namumula ang bawat sulok ng mga mata niya habang inaabot ang mukha ni Nathan upang hawakan ito.“Naging masunurin naman ako sa lahat ng gusto mo pero bakit hindi pa rin iyon sapat sa ‘yo?” dagdag na sabi ni Sierra. Gamit ang kanyang malalambot na mga daliri, sinimulang haplusin ni Sierra ang mukha ni
Napabalik si Sierra sa kanyang huwisyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello?” sambit ni Sierra sa kabilang linya.“Sierra…”Napatuwid ng upo si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.“Si Maurice ito at may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo,” ani ng babae sa kabilang linya.“Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sa babae.“Gusto ko lang sana itanong sa ‘yo kung ano ang paboritong brand ng damit ang gustong isuot ni Nathan…” saad ni Maurice.Napatulala naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at ilang segundo rin siyang natigilan.“A-Ano?” nauutal niyang sambit.“Dito kasi muna mananatili si Nathan mamayang gabi at balak ko siyang bilhan ng masusuot kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang suotin kaya ikaw ang tinawagan ko,” paliwanag ni Maurice sa kanya.Napapikit si Sierra sa kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung ano dahil alam niya ang dahilan ku
Pagdating pa lang ni Nathan sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Manang Lilian, at ang mukha ay tila nag-aalala. “Manang Lilian, ano’ng problema?” tanong niya rito. Huminga muna nang malalim ang katulong at sinabi, “Tumawag po ang sekretarya ni senyor at pinapqsabi sa ‘yo na dalhin mo raw ang asawa sa sabado ng gabi.”Napabuntong-hininga si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Manang Lilian at napatango sa kanyang ulo bilang tugon. “Nasa kwarto na ba si Sierra, Manang Lilian? Nakakain na ba siya?” tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ng katulong. Nagtataka itong napatingin kay Nathan na para bang hindi niya alam ang sinasabi nito. “Umalis siya kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik, Senyorito,” sagot ni Manang Lilian. Natuod si Nathan sa kanyang nalaman, ang dibdib ay kumakabog nang malakas kaya naman dali-dali siyang umakyat sa taas ng kwarto upang tignan ang asawa. Ang unang bumungad sa kanya ay ang nakabukas na pinto. Napatingin siya sa lamesa nito at
Pakiramdam ni Sierra ay natuod siya sa kanyang direksyon at tila ba nanlalamig na rin. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maisipang lumabas ng sasakyan ni Nathan para umalis na. Hindi naman siya pinigilan ni Nathan sa kanyang pag-alis na mas lalong nagpasama sa loob ni Sierra. Nang makita ni Nathan na nakapasok na sa loob ng mansyon si Sierra ay agad na rin siyang umalis habang si Sierra naman ay napalingon sa likuran. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Nathan sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may bigla na lamang isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na naglandasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. ‘Ano pa ba ang inaasahan ko? Sa isang tawag lang ni Maurice ay agad niya itong pupuntahan,’ ani Sierra sa kanyang isip habang ang puso niya ay tila nagsimulang sumikip sa sama ng loob. “Why am I crying?” tanong niya at agad pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi habang ang mga kamay naman ay nanginginig na. Isang malakas na bun
Nanigas ang buong katawan ni Sierra dahil sa paglapat ng mga labi ni Nathan sa kanya. Hindi alam ni Sierra kung ano ang gagawin niya kaya naitulak niya si Nathan palayo. Ngunit ang lakas niya ay walang panama kay Nathan dahil nang maramdaman ni Nathan ang kanyang pagkabalisa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “N-Nathan…” nauutal na sambit ni Sierra sa pangalan niya at hanggang ngayon ay gulat pa rin sa hindi inaasahang halik na ginawa ni Nathan. “Wag ka na magsalita,” saad naman ni Nathan, at nagpatuloy ito, “Mas lalong ‘wag kang matakot, Sierra.”Ang boses ni Sierra na malambot ngunit nababalot ng kaba ay tila biglang gumising sa nararamdamang pilit niyang iwinawaksi. Ramdam na ramdam niya ang pagkailang at ang bahagyang pagdikit ng kanilang mga katawan ay nagdulot ito ng pag-init ng kanyang pisngi sa kabila pa man ng kapal ng kanilang saplot.Hindi sasapat ang kasuotang iyon upang maitago ni Sierra ang init na nadama niya mula kay Nathan. Bumilis ang mga paghin
Habang papalapit si Nathan sa sasakyan, pinilit ni Sierra na huwag itong tingnan hanggang sa makapasok na ang lalaki sa loob. Pagpasok niya, nagtaka itong napatingin sa kanya na tila ba may napapansin sa naging reaksyon ni Sierra.“May problema ba?” tanong ni Nathan sa kanya ngunit tinitigan lamang siya ni Sierra at yumuko. Pinilit niyang iwasan ang titig nito dahil gusto niyang alisin ang mga alaala niya noon. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang hinawakan ni Nathan ang pisngi ni Sierra kaya napatingin siya rito na nakabuka ang mga labi.Nagsimula naman na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Nathan. “A-Ano ang gagawin mo, Nathan?” tanong niya sa lalaki. Tinitigan lamang siya ni Nathan at saka bumaba ang tingin nito sa dalang paper bag. Hindi napansin ni Sierra na may dala pala itong yelo.Gamit ang panyo ni Nathan, nilagyan niya ito ng yelo saka inilapat sa namamagang mukha ni Sierra na siyang ikinagulat niya nang labis. “Kung sasaktan ka nila ulit,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments